Pagkatapos ay nagmaneho paalis si Charlie, at si Caden, na matagal nang naghihintay sa sangandaan ng kalsada, ay nakita sa malayo na umaandar ang BMW ni Charlie. Kaya, mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa gilid ng kalsada, pilit na ngumiti, at hinintay na dumating si Charlie.Samantala, nakita rin ni Charlie si Caden mula sa malayo. Sa totoo lang, nahulaan na ni Charlie na pupunta si Caden at siguradong hihintayin niya siya dito.Kaya, nang nagmaneho siya, sadya siyang bumagal, huminto sa tabi ni Caden, binaba ang bintana ng kotse, at sinabi nang nakangiti, “Master Howton, bakit nandito ka? Nandito ka ba para sa mga hot spring?”Nagmamadaling sinabi ni Caden sa mahinang boses, “Master Wade, hinihintay… hinihintay kita dito.”May mapaglarong ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong sa pagka-aliw, “Hinihintay ako? Bilisan mo na dapat at maghanda ka na bumalik sa United States. Bakit hinihintay mo ako dito?”Nagmamadaling nagmakaawa si Caden, “Master Wade, alam k
May tatlong volume at dalawampu’t pitong chapter sa kumpletong bersyon ng Taoist Sect Hanbloom Method na may kabuuan na halos limampung libong salita. Pero, ang sinulat ni Caden sa papel ay mahigit isang libong salita lang, kaya inisip niya na ito lang ang unang chapter ng unang volume.Ang unang chapter sa Taoist Sect Hanbloom Method ay isang kumpletong panimulang paraan na tinuturo sa mga tao kung paano mag-cultivate ng martial arts mula sa simula, kung paano pakiramdaman ang kanilang elixir field at meridian, at kung paano baguhin nang unti-unti ang essential qi nila gamit ang paghinga para unti-unting mabuksan ang mga meridian nila.#Kahit na binigyan ni Charlie si Aurora ng ilang inner family boxing technique tulad ng Four Elephant Palm sa simula, ang ganitong uri ng inner family boxing technique ay kaya lang paangatin ang kakayahan ng martial artist sa pakikipaglaban. Isa itong combat technique at hindi mental cultivation method na kayang pataasin ang cultivation ng isang tao.
Si Caden, na gustong mag-kompromiso, ay nagulantang dahil sa mga sinabi ni Charlie!Nang unang sinabi ni Charlie na hindi kumpleto ang Taoist Sect Hanbloom Method, nagalit nang kaunti si Caden. Dahil, sa libo-libong taon, naniwala ang mga leader ng Taoist Sect na may kumpletong set ng martial arts mental cultivation method ang sect na ito. Proud na proud silang lahat sa abilidad ng sect na magkaroon ng isang kumpletong set ng martial arts mental cultivation method at sobrang taas pa ng tingin nila sa sarili nila dahil dito.Pagkatapos, pagkatapos makinig sa analohiya ni Charlie, bigla niyang napagtanto na hindi nagsasabi ng kalokohan si Charlie! Marahil ay maliit na bahagi lang ng Taoist Sect Hanbloom Method ang nasa Taoist Sect nila tulad ng sinabi ni Charlie.Nang maisip ito, tinanong niya sa sorpresa, “Master Wade, ang dahilan siguro kung bakit mo ito sinabi ay dahil may mas komprehensibong Taoist Sect Hanbloom Method ka sa mga kamay mo, tama?”Humagikgik si Charlie sa aliw at s
Biglang mas nalito si Caden, at hindi niya mapigilang ibulong, “Ang ibig mong sabihin ay ang pagtapak sa Dark Realm ay paglalakad lang sa isa sa dalawampu’t pitong bahagi ng daan gamit ang martial arts?”Tumango si Charlie at sumagot nang kalmado pero malupit, “Oo.”Nalungkot nang sobra si Caden at tinanong siya, “Master Wade, anong klaseng daan ang pinasok mo nang pumasok ka sa daan gamit ang martial arts? Gaano karaming taon ang inabot para makadaan ka dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Wala talaga akong sagot sa tanong mo. Hindi ko alam kung gaano karaming taon ang aabutin para maabot ko ang sunod na daan.”Bumuntong hininga is Caden at sinabi, “Sobrang haba talaga ng daan sa martial arts. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako nang gano’n katagal…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi mo kailangan malungkot nang sobra. Halos limampung taon nang lumilipad ang Voyager 1, pero hindi pa ito naakalipad sa labas ng solar system. Marahil ay abutin ng sampu-sampung libong taon para dum
Samantala, tatlong container truck ang mabilis na tumatakbo sa highway ng Turkish port city ng Antalya sa Eastern Europe. Ang tatlong container truck na ito ay puno ng naka-kalas na AK360 close-defense missile na gawa ng dating Soviet, pati na rin ang mga bala nila.Simula noong pagbagsak ng Soviet Union, ang Turkey, Ukraine, at George, ang unti-unting naging mga leader ng black market sa Eastern Europe.Pagkatapos ng pagbasak ng Soviet Union at ang malaking pagbabago sa Eastern Europe, halos lahat ng mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea ay naging black market para sa pagbebenta ng mga armas, at ang tatlong bansa na ito ay naging matagumpay dito.Daang-daang milyong armas at gamit na gawa ng Soviet ang binenta ng mga bansang ito sa buong mundo, at ang kamangha-mangha tungkol sa lugar na ito ay hindi ang malaking dami ng transaksyon, ngunit kahit anong armas o gamit bukod sa mga strategic nuclear missile at fifth-generation aircraft ay kayang bilhin basta’t may pera ka.Kahi
Tumango ang Amerikanong leader at sinabi nang magaan, “Tatawagan ulit kita kung kailangan. Kailangan na naming maghandang umalis ngayon.”Sinabi nang nagmamadali ng lalaki, “Okay, tawagan mo ulit ako kung kailangan mo ng kahit ano! Maligayang kooperasyon sayo!”Hindi katagalan, kinarga ng gantry crane ang tatlong container sa cargo ship.Pagkatapos kumpiramhin ng tatlong lalaki na ayos na ang lahat, lumayag ang cargo ship at pumunta sa Suez Canal.Ang ruta ng cargo ship ay mula Turkey papunta South Africa gamit ang Suez Canal, pero walang nakakaalam na tatlo mula sa libo-libong container sa cargo ship ay umalis sa kalagitnaan.Ang diretsong linyang distansya mula Antalya papuntang Cyprus ay nasa dalawang daang kilometro lang at nasa tatlong daan o apat na raang kilometro papuntang timog na baybayin ng Cyprus. Gabi na sa sandaling umalis ang cargo ship mula sa Turkey at pumasok sa malawak na itim na karagatan.Ilang sundalo mula sa Ten Thousand Armies na nagpapanggap bilang mga cr
Palihim na natulala si Hugo nang makita niya ang tatlong close-defense missile na nilabas ng mga sundalo ng Ten Thousand Armies mula sa mga container. Narinig niya na pinapuntay siya ni Porter para tumulong sa pag-aayos ng mga close-defense missile, pero wala siyang alam sa mga armas dahil hindi siya pamilyar sa kanila. Buti na lang, magaling siya sa teknolohiya na kaugnay sa mga elektronika at teknolohiya.Ito ang unang pagkakataon na naobserbahan ni Hugo ang close-defense missile sa malapit. Sa una, akala niya na malalaking machine gun lang ito, pero nang nilagay ito sa harap niya, napagtanto niya kung gaano kalaki ito, lalo na at ang anim na barrel na ito ay kasing kapal at kasing haba ng mga braso.Ang buong close-defense missile ay parang isang torreta na parte ng isang tangke. Ang bunganga nito ay kayang tumingala at yumuko at ang ilalim ng torreta ay pwedeng maikot sa kaliwa at kanan, kaya sobrang laki ng sakop nito.Nanood si Hugo habang itinatayo ng mga sundalo ng Ten Thous
Mas maganda ang nauna sa dalawang pagpipilian. Dahil, malalaman niya lang ang pagkakakilanlan ng taong nagligtas kay Vera sa pamamagitan ng paghahanap sa kinaroroonan ng Armed Calvary Guards.Para naman sa pangalawa, pwede lang siyang umasa na may ilang hindi nakikitang problema sa mga Armed Calvary Guards. Kung hindi, sayang lang ang oras niya na imbestigahan ang direksyon na ito.Kaya, nagpasya si Brody na piliin ang una at naghanap ng ilang araw sa Northern Europe. Naghanap siya hanggang sa Osly City pero wala siyang nadiskubreng kahit anong bakas.Medyo nalungkot siya, kaya nagpasya siyang uminom sa isang bar sa Oslo City. Pero, nang nalasin na siya nang kaunti, bigla siyang nakatanggap ng isang mensahe mula sa isang virtual number. May laman lang na ilang salita ang mensahe: Pagpupulong sa kalahating oras.Itinabi nang walang magawa ni Brody ang cellphone niya, naglabas ng dalawang papel na pera, at nilagay ito sa ilalim ng baso niya bago siya naglakad palabas sa bar. Bumalik
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro