Palihim na natulala si Hugo nang makita niya ang tatlong close-defense missile na nilabas ng mga sundalo ng Ten Thousand Armies mula sa mga container. Narinig niya na pinapuntay siya ni Porter para tumulong sa pag-aayos ng mga close-defense missile, pero wala siyang alam sa mga armas dahil hindi siya pamilyar sa kanila. Buti na lang, magaling siya sa teknolohiya na kaugnay sa mga elektronika at teknolohiya.Ito ang unang pagkakataon na naobserbahan ni Hugo ang close-defense missile sa malapit. Sa una, akala niya na malalaking machine gun lang ito, pero nang nilagay ito sa harap niya, napagtanto niya kung gaano kalaki ito, lalo na at ang anim na barrel na ito ay kasing kapal at kasing haba ng mga braso.Ang buong close-defense missile ay parang isang torreta na parte ng isang tangke. Ang bunganga nito ay kayang tumingala at yumuko at ang ilalim ng torreta ay pwedeng maikot sa kaliwa at kanan, kaya sobrang laki ng sakop nito.Nanood si Hugo habang itinatayo ng mga sundalo ng Ten Thous
Mas maganda ang nauna sa dalawang pagpipilian. Dahil, malalaman niya lang ang pagkakakilanlan ng taong nagligtas kay Vera sa pamamagitan ng paghahanap sa kinaroroonan ng Armed Calvary Guards.Para naman sa pangalawa, pwede lang siyang umasa na may ilang hindi nakikitang problema sa mga Armed Calvary Guards. Kung hindi, sayang lang ang oras niya na imbestigahan ang direksyon na ito.Kaya, nagpasya si Brody na piliin ang una at naghanap ng ilang araw sa Northern Europe. Naghanap siya hanggang sa Osly City pero wala siyang nadiskubreng kahit anong bakas.Medyo nalungkot siya, kaya nagpasya siyang uminom sa isang bar sa Oslo City. Pero, nang nalasin na siya nang kaunti, bigla siyang nakatanggap ng isang mensahe mula sa isang virtual number. May laman lang na ilang salita ang mensahe: Pagpupulong sa kalahating oras.Itinabi nang walang magawa ni Brody ang cellphone niya, naglabas ng dalawang papel na pera, at nilagay ito sa ilalim ng baso niya bago siya naglakad palabas sa bar. Bumalik
Nabigla ang lahat nang marinig nila ang nagdududang tono ng British Lord. Si Mr. Chardon ang unang nagsalita habang sinabi niya nang magalang, “British Lord, iniimbestigahan ko pa ang Eastcliff. Kahit na wala pang malinaw na bakas, naniniwala ako na siguradong may resulta as Oskia.”Tinanong nang malamig ng British Lord, “Naniniwala ka pa rin ba na malaki ang posibilidad na pumunta si Vera sa Oskia?”Sumagot si Mr. Chardon, “Oo! Naniniwala ako na nasa Oskia siguro si Vera.”Tinanong siya ng British Lord, “Bakit sigurado ka?”Sinabi ni Mr. Chardon,m “Inanalisa ko ang kasalukuyang sitwasyon ni Vera. Kahit na ang pagpili ng malawak at kaunting taong lugar para pagtugan ay mukhang ang pinakamagandang pagpipilian, nabigo siya sa Northern Europe, kaya siguradong gagawin niya ang kabaliktaran at pupunta sa isang lugar na may mas maraming tao pagkatapos mabigo ng isang beses. Tulad sa kasabihan, ang mga may malaking potensyal ay mananatiling nakatago sa siyudad. Bukod dito, Oskian din si V
Nagsalita ang British Lord at sinabi, “Sige! Mr. Chardon, siguradong mapapangaralan ka para sa malaking tagumpay mo pagkatapos nito.”Pagkatapos nito, si Mr. Zorro, na nasa New York, ay nagsalita at sinabi, “British Lord, iniimbestigahan ko ang mga bakas na kaugnay sa mga Acker sa New York. Pero, binili na ng mga Acker ang lugar kung saan isinagawa ang performance ng araw na iyon, at binago ito at itinayo muli. Wala akong mahanap na kahit anong mahalagang bakas kahit na pasukin ko ang eksena. Tantya ko na kung gusto nating alamin kung paano nakatakas ang mga Acker sa panganib sa araw na iyon at kung ano talaga ang mga nangyari sa mga dead soldier, kailangan nating magsimula sa mga Acker.”Sinabi nang malamig ng British Lord, “Mas mataas pa siguro sa alam natin ang nakatagong lakas ng mga Acker. Hinala ko na pinoprotektahan siguro ang mga Acker ng mga eksperto na na-master ang Reiki. Bukod dito, pagkatapos ng pagkabigo darti, naalerto na ang kalaban natin dahil sa pagdadalus-dalos nat
Magiging maliwanag pa lang ang langit sa Northern Europe sa sumunod na araw nang natanggap ni Brody ang isang text message mula sa isang hindi pamilyar na phone number sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya. May isang salita lang sa text message: Naples.Alam ni Brody na ito siguro ang lokasyon ng Right Military Governor. Kahit na hindi ito ang lokasyon ng Right Military Governor, ito siguro ang unang pupuntahan niya papunta sa Right Military Governor Office.Medyo malungkot na sabihin na kahit si Brody, na isa sa four great earls, ay hindi alam ang tiyak na lokasyon ng Right Military Governor Office pati na rin ang istruktura ng mga tao sa loob nito.Kahit na ang four great earl ay pangalawa lang sa British Lord sa Qing Eliminating Society, limitado lang ito sa personal na lakas nila.Kahit na pinapahalagahan nang sobra ng British Lord ang four great earls at noon pa man ay sinusuportahan na niya sila at ipinagmamalaki sa harap ng ibang miyembro ng Qing Eliminating Society,
Ito ang unang beses na pumunta siya sa siyudad na ito, pero matagal na niyang narinig ang tungkol sa siyudad na ito dahil ang alamat sa football, si Diego Maradona, ay galing dati sa Naples Football Club.Hindi niya alam sa ngayon kung saan siya pupunta o kung sino ang hahanapin niya sa Naples Airport. Patuloy niyang hinintay na tumunog ang cellphone niya pero hindi siya nakatanggap ng kahit anong mensahe pagkatapos niyang lumabas sa airport.Biglang lumapit sa kanya ang isang middle-age na lalaki at sinabi nang magalang, “Mr. Jothurn, pagod ka na siguro sa biyahe. Mangyaring sumama ka sa akin.”Tumingin si Brody sa lalaki at tinanong, “Maaari ko ang malaman kung ano ang pangalan at katayuan mo sa Right Military Governor Office?”Sinabi nang nagmamadali ng lalaki, “Mr. Jothurn, ako si Callum Biffle, at isa akong counselor sa Right Military Governor Office.”Tumango nang bahagya si Brody at sinabi, “Kung gano’n, pangunahan mo ang daan, Mr. Biffle.” Nang sinabi ito ni Brody, inisip
Ang Right Military Governor Office ay isa sa five Military Governor Office sa Qing Eliminating Society.Ang five Military Governor Office ay hinahati kung saan nasa gitna ang Oskia. Ang Central Military Governor Office ay sinasakop ang karamihan ng Southeast Asia, South Asia, at West Asia, kasama na ang Oskia.Ang Rear Military Governor Office ay sinasakop ang buong Russia, Mongolia, Arctic Circle, pati na rin ang Turkmenistan, Kazakhstan, Uzbekistan, Kyrgyzstan, at Tajikistan sa Central Asia.Ang Front Military Governor Office ay sinasakop ang mga isla sa timog at bansa sa Southeast Asia kasama na ang Philippines, Singapore, Malaysia, Indonesia, at ibang bansa. Bukod dito, ang buong Oceania at Antarctica ay sakop din ng Front Military Governor Office.Sakop ng Right Military Governor Office ang buong Europe bukod sa Russia pati na rin ang Africa, at ang Left Military Governor Office ay sakop ang North at South America.Ang five Military Governor Office ng mga Military Governor Of
Kung isa siyang great master sa tabi ng hari noong sinaunang panahon, si Arlo ay isang mahalagang minister na namamahala sa bansa. Alam din ni Brody na ang katotohanan na hinahayaan siya ng British Lord na magkaroon ng ugnayan sa mga totoong core member ngayon ay unti-unti na siyang gagamitin nang mabuti ng British Lord sa hinaharap.Kaya, umabante nang magalang si Brody at nakipag kamay kay Arlo habang sinabi nang nakangiti, “Mga tapat na tao tayo sa British Lord, kaya hindi mo kailangan na maging magalang sa akin!”Sinabi nang nakangiti ni Arlo, “Talagang hindi nakapagtataka mula sa isang mahalagang earl na matagal nang nagsisilbi sa British Lord. May pambihirang tindig talaga si Mr. Jothurn!”Pagkatapos itong sabihin, tinuro ni Arlo ang lamesa at sinabi nang nakangiti, “Naghanda ako ng isang maliit na handaan para tanggapin ka, Mr. Jothurn. Mangyaring maupo ka sa lamesa.”Pinagdaup ni Brody ang mga kamay niya at sinabi nang magalang, “Sabay na tayo!”Umupo sila nang magalang sa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl