Magiging maliwanag pa lang ang langit sa Northern Europe sa sumunod na araw nang natanggap ni Brody ang isang text message mula sa isang hindi pamilyar na phone number sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya. May isang salita lang sa text message: Naples.Alam ni Brody na ito siguro ang lokasyon ng Right Military Governor. Kahit na hindi ito ang lokasyon ng Right Military Governor, ito siguro ang unang pupuntahan niya papunta sa Right Military Governor Office.Medyo malungkot na sabihin na kahit si Brody, na isa sa four great earls, ay hindi alam ang tiyak na lokasyon ng Right Military Governor Office pati na rin ang istruktura ng mga tao sa loob nito.Kahit na ang four great earl ay pangalawa lang sa British Lord sa Qing Eliminating Society, limitado lang ito sa personal na lakas nila.Kahit na pinapahalagahan nang sobra ng British Lord ang four great earls at noon pa man ay sinusuportahan na niya sila at ipinagmamalaki sa harap ng ibang miyembro ng Qing Eliminating Society,
Ito ang unang beses na pumunta siya sa siyudad na ito, pero matagal na niyang narinig ang tungkol sa siyudad na ito dahil ang alamat sa football, si Diego Maradona, ay galing dati sa Naples Football Club.Hindi niya alam sa ngayon kung saan siya pupunta o kung sino ang hahanapin niya sa Naples Airport. Patuloy niyang hinintay na tumunog ang cellphone niya pero hindi siya nakatanggap ng kahit anong mensahe pagkatapos niyang lumabas sa airport.Biglang lumapit sa kanya ang isang middle-age na lalaki at sinabi nang magalang, “Mr. Jothurn, pagod ka na siguro sa biyahe. Mangyaring sumama ka sa akin.”Tumingin si Brody sa lalaki at tinanong, “Maaari ko ang malaman kung ano ang pangalan at katayuan mo sa Right Military Governor Office?”Sinabi nang nagmamadali ng lalaki, “Mr. Jothurn, ako si Callum Biffle, at isa akong counselor sa Right Military Governor Office.”Tumango nang bahagya si Brody at sinabi, “Kung gano’n, pangunahan mo ang daan, Mr. Biffle.” Nang sinabi ito ni Brody, inisip
Ang Right Military Governor Office ay isa sa five Military Governor Office sa Qing Eliminating Society.Ang five Military Governor Office ay hinahati kung saan nasa gitna ang Oskia. Ang Central Military Governor Office ay sinasakop ang karamihan ng Southeast Asia, South Asia, at West Asia, kasama na ang Oskia.Ang Rear Military Governor Office ay sinasakop ang buong Russia, Mongolia, Arctic Circle, pati na rin ang Turkmenistan, Kazakhstan, Uzbekistan, Kyrgyzstan, at Tajikistan sa Central Asia.Ang Front Military Governor Office ay sinasakop ang mga isla sa timog at bansa sa Southeast Asia kasama na ang Philippines, Singapore, Malaysia, Indonesia, at ibang bansa. Bukod dito, ang buong Oceania at Antarctica ay sakop din ng Front Military Governor Office.Sakop ng Right Military Governor Office ang buong Europe bukod sa Russia pati na rin ang Africa, at ang Left Military Governor Office ay sakop ang North at South America.Ang five Military Governor Office ng mga Military Governor Of
Kung isa siyang great master sa tabi ng hari noong sinaunang panahon, si Arlo ay isang mahalagang minister na namamahala sa bansa. Alam din ni Brody na ang katotohanan na hinahayaan siya ng British Lord na magkaroon ng ugnayan sa mga totoong core member ngayon ay unti-unti na siyang gagamitin nang mabuti ng British Lord sa hinaharap.Kaya, umabante nang magalang si Brody at nakipag kamay kay Arlo habang sinabi nang nakangiti, “Mga tapat na tao tayo sa British Lord, kaya hindi mo kailangan na maging magalang sa akin!”Sinabi nang nakangiti ni Arlo, “Talagang hindi nakapagtataka mula sa isang mahalagang earl na matagal nang nagsisilbi sa British Lord. May pambihirang tindig talaga si Mr. Jothurn!”Pagkatapos itong sabihin, tinuro ni Arlo ang lamesa at sinabi nang nakangiti, “Naghanda ako ng isang maliit na handaan para tanggapin ka, Mr. Jothurn. Mangyaring maupo ka sa lamesa.”Pinagdaup ni Brody ang mga kamay niya at sinabi nang magalang, “Sabay na tayo!”Umupo sila nang magalang sa
“Kaya, medyo kakaiba ang lohika ng buong bagay na ito. Ako at ang British Lord lang ang nakakaalam na ang taong huhulihin nila ay si Vera. Tapat ako sa British Lord, kaya imposible para sa akin na ibunyag ang kahit ano sa publiko. Kaya, pakiramdam ko na mas mataas ang posibilidad na naglagay ng espiya ang kabila sa amin o nalaman ng kabila ang kilos namin sa ibang paraan na hindi namin alam.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Arlo, “Bago ka dumating sa Naples, sinabi sa akin ng British Lord na umaasa siya na malalaman mo kung saang punto tayo nahuli ng kabila. Maaari ba na nakapunta na ang kabila sa base ng mga dead soldier o palihim na niyang binabantayan ang base ng mga dead soldier nang hindi namin alam?”Nanahimik saglit si Brody, at umaandar ang isipan niya.Sa kasamaang-palad, hindi siya si Merlin. Siguradong hindi maiisip ang lahat ng posibleng butas sa buong operasyon kung siya si Merlin.Basta’t may sapat na oras siya, siguradong makakapag-focus siya at matuturo rin a
Samantala, inayos na ni Porter na dalhin ng mga helicopter ang tatlong close-defense missile sa lokasyon nilka sa copper mine sa Cyprus.Kahit na bihira lang ang mga explosive bolt na gusto ni Hugo, mabibili pa rin ang mga ito sa black market at hindi ito malaki, kaya pwede itong ipadala nang direkta nang walang sinasayang na oras.Pagkatapos ikabot ang mga close-defense missile gamit ang mga explosive bolt, lahat sila ay nanatiling hindi gumagalaw kahit gaano pa igalaw ang turret na binubuo ng anim na barrel. Walang problema sa katatagan nila.Bukod dito, ang lahat ng explosive bolt ay nakakonekta na sa detonator, kaya kapag kailangan, kailangan lang nilang pindutin ang switch, at sasabog agad ang lahat ng explosive bolt, at agad itong mahihiwalay.Pagkatapos ilagay ang mga close-defense missile, nagtulungan si Hugo at ang mga eksperto sa armas para ayusin ang target aiming at locking logic ng close-defense missile gamit ang infrared radar at thermal imaging identification equipme
Habang nagsasalita siya, humagikgik siya at idinagdag, “Binigyan ko ng pangalawang pangalan ang system na ito, at ito ay tinatawag na Halik ng Kamatayan.”Ang master ni Porter, si Pilos, na nakikinig sa gilid, ay biglang nakaramdam ng lamig sa likod niya. Pakiramdam niya na hindi man lang siya mabubuhay sa isang bala mula sa ganito kalakas na armas, at kahit ang Diyos ay hindi mabubuhay sa daan-daan o libo-libong bala dito.Tumango nang kuntento si Porter at tinanong siya ulit, “Paano kung higit sa isang target ang lumitaw sa parehong oras?”Sinabi ng eksperto sa armas, “Kung maramihang target ang lilitaw, maglalabas ng maagang babala ang system sa lalong madaling panahon. Kung pipiliin mong magpaputok, isa-isang tututukan ng system ang mga target ayon sa pagkakasunod ng kolaborasyon ng close-defense missile na ito.”Ipinaliwanag pa ng eksperto sa armas, “Dahil sobrang bilis nitong bumaril, kaya nitong patayin ang isang target nang wala pang isang segundo, kaya kung isang dosenang
Si Brody at ang Right Military Governor, si Arlo, ay mabilis na naging pamilyar sa isa’t isa pagkatapos kumain.May sari-sarili silang iniisip. Pakiramdam ni Brody na si Arlo ay isa talagang makapangyarihang tauhan ng British Lord, kaya natural na naramdaman niya na karapat-dapat si Arlo na maging kaibigan niya. Sa kabilang dako, pakiramdam ni Arlo na hindi niya maiiwasang makasama ang four great earl sa hinaharap dahil mukhang hahayaan na ng British Lord ang four great earl na makipag-ugnayan sa limang Military Governor Office. Bukod dito, mas malakas ang four great earl kaysa sa kanya, kaya pakiramdam niya na magandang bagay para sa kanya na magkaroon ng malapit na pagkakaibigan sa kanila.Kaya, parang may saloobin ang dalawa kung saan tila ba matagal na nilang kilala ang isa’t isa. Kung hindi pupunta si Brody sa Cyprus ngayong gabi, marahil ay naging magkapatid pa sila sa sumpaan.Pagkatapos kumain, tinanggap ni Brody ang mabait na imbitasyon ni Arlo na maglibot sa Naples kasama
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl