Pagkatapos ay lumapit ang isang babae at sinabi kay Rosalie, “Miss Rosalie, gusto kang tanungin ni Mr. Colter kung dumating na ba ang saksi. Kung nandito na ang saksi, gusto niyang suriin ang proseso kasama ka at ang saksi.”“Dumating na siya.” Tumango si Rosalie, tumingin kay Charlie, at tinanong siya, “Mr. Wade, ayos na ba para sayo na sundan ako para makipagkita kay Mr. Colter? Siya ang emcee na kinuha ko para pamahalaan ang kasal ng mga magulang ko.”Sinabi nang masaya ni Charlie, “Okay, pwede na tayong makipagkita sa kanya.”Gumaan ang pakiramdam ni Rosalie at mabilis na tinanong ang babae, “Nasaan na ngayon si Mr. Colter?”Sinabi ng babae, “Nasa lounge sa likod si Mr. Colter.”“Okay.” Tumango si Rosalie at sinabi kay Charlie, “Mr. Wade, pumunta na tayo doon!”Sinundan ni Charlie si Rosalie sa banquet hall sa Sky Garden at pumunta sa lounge sa likod ng banquet hall.Kumatok siya sa pinto, at isang boses ng middle-age na lalaki ang narinig mula sa loob. “Mangyaring pumasok k
“Mahigit pa kami sa schoolmates!” Sinabi nang sabik ni Eliam, “Ako ang pinakabata sa mga estudyante dati, at inalagaan ako nang sobra ng iyong ama.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Hula ko na siguradong bumalik ka na sa pamilya Wade dahil kaya ong pumunta sa kasal ng mga magulang ni Rosalie ngayong araw, tama?”Alam ni Charlie na matalinong tao ang lalaki sa harap niya, kaya hindi niya itinago ang katotohanan at tumango siya habang sinabi, “Bumalik na ako sa pamilya Wade, pero hindi ito alam ng publiko.”Tumango si Eliam at sinabi nang masaya, “Kahit kailan ay hindi ko naintindihan kung bakit biglang may pagbabago sa head ng pamilya Schulz pagkatapos magtulungan ng pamilya Schulz para talunin ang pamilya Wade. Hindi ito akma sa karaniwang ugali at katatagan ng mga matatandang tao sa prestihiyosong pamilya na ito. Pero, pagkatapos kang makita at dahil isa kang saksi para sa kasal ngayong araw, sa tingin ko ay nauunawaan ko na ang nangyari ngayon!”Pagkasabi nito, bumunton
Naintindihan ni Charlie na siguradong may alam na malaki at tagong sikreto si Eliam, kung hindi, hindi siya magiging maingat nang sobra.Nang maisip niya ito, nagsalita siya at sinabi, “Mr. Colter, kung ayos lang sayo, dadalhin ko kayo ni Rosalie sa isang napakaligtas na lokasyon pagkatapos ng kasal.”“Okay!” Tumango si Eliam at pumayag nang handa habang sinabi, “Pero may limitadong oras ako. Sa una ay balak kong magmadaling bumalik sa Eastcliff pagkatapos ng kasal sa tanghali dahil may live broadcast ako sa alas siyete ng gabi. May meeting ang production team ng alas sais, kaya kailangan kong magmadaling bumalik sa Eastcliff bago mag-alas sais ng gabi.”Sinabi ni Charlie, “Pagkatapos ng kasal sa 12:30 pm, pwede ka munang kumain habang hinahanda ko ang helicopter. Sasakay tayo sa helicopter papunta doon pagkatapos mong kumain. Makakarating tayo doon sa loob ng sampung minuto. Maghahanda ako ng espesyal na eroplano para ibalik ka sa Eastcliff pagkatapos ng ksal, at pwede kang dumiret
Hindi itinago ni Sheldon ang kahit ano sa interaksyon nila ni Eliam. Sinabi niya ang kuwento ng paglalakbay niya kasama si Yashita mula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa pagkakaroon ng anak nila, si Rosalie, at sa desisyon niya na mag-propose kay Yashita.Sa proseso na ito, hindi niya lang ipinahayag ang kahihiyan niya kina Yashita at Roslie ngunit ipinahayag niya rin ang pasasalamat niya kay Charlie at sinabi nang prangka, “Gusto kong samantalahin ang pagkakataon an ito ngayong araw para tapat na pasalamatan si Mr. Wade sa pagtulong sa pamilya Schulz at sa kanyang pagtanggap at pagpapatawad sa pamilya Schulz, pati na rin ang pagdidisiplina sa akin.”“Kung hindi dahil kay Mr. Wade, natatakot ako na mahihirapan akong hanapin ang angkop na pagkakataon para kumalma talaga at seryosong pag-isipan kung ano ang gusto ko. Sa proseso na ito ko rin napagtanto na hindi kayamanan at kapangyarihan ang gusto ko, ngunit gusto ko lang ng isang ordinaryong buhay at simpleng kasiyahan.”Si
May suot na purong puting wedding gown si Yashita, at kasama na ang kanyang katawan at temperamento na lampas sa mga kaedad niya, agad nagulat ang mga manonood.Kahit na sinamahan ni Sheldon si Yashita sa pagpili at pagsubok ng wedding gown, natulala pa rin siya nang makita niyang suot ni Yashita ang wedding gown sa wedding stage.Pagkatapos ay pumunta siya sa harap nina Yashita at Lord Harker sa ilalim ng gabay ng emcee at kinuha si Yashita mula sa mga kamay ni Lord Harker bago siya pinangunahan sa stage.Nagsalita naman ang emcee at sinabi, “Sunod, iimbitahin natin ang espesyal na bisita para umakyat. Inimbita siya ng bagong magkinstahan para maging saksi sa kasal nila ngayong araw. Sinabi sa akin ng magkasintahan na nagkatuluyan sila dahil sa tulong ng saksi na ito, kaya imbitahin natin ang saksi, si Mr. Charlie Wade, na umakyat sa stage at magbigay ng isang talumpati!”Isa-isang nagpalakpakan ang mga bisita. Si Charlie, na nagpalit na ng damit at nagsuot ng suit, ay mabagal na
Bukod dito, alam ng lahat ng tao na nasa eksena ang pagkakakilanlan ni Charlie.Alam nila kung paano siguro pinanghinaan ng loob si Curtis nang umalis siya sa Eastcliff kasama ang asawa niya, si Ashley, at ang kanyang anak, si Charlie. Alam nila na pinatay sina Curtis at Ashley hindi matagal pagkatapos pumunta sa Aurous Hill.Pero, hindi nila alam na hindi nakaramdam ng kahit anong pagsuko o pagkahina ng kalooban sina Curtis at Ashley kahit pagkatapos mawala ang prestihiyo at background nila bilang isang mayaman at prestihiyosong pamilya, at kaya pa rin nilang harapin ang buhay nang optimistiko at pamahalaan nang perpekto ang maliit na pamilya nila.Kaya pa rin gumawa ni Curtis ng isang buhay para sa maliit na pamilya niya kahit hindi umaasa sa pamilya Wade.Nasuko rin ni Ashley ang lahat para manatili nang buong puso sa tabi ni Curtis at ng anak niya, si Charlie, para gawing mapagmahal at maganda ang maliit na pamilya na ito gamit ang buong puso niya.Mas namangha ang lahat kina
Natapos ang kasal sa paghalik ni Sheldon sa kanyang bride sa stage.Nakaupo si Charlie sa parehong lamesa ng mga nakatatanda ng dalawang pamilya at ni Eliam. Bukod sa pagsisilbi ng tsaa sa dalawang senior sa wedding ceremony, ang unang tao na inalok ng tagay ng bagong kasal pagkatapos magsimula ng pag-inom ay si Charlie.Sa tagay, dinala ng dalawa ang best man at ang maid of honor na may mapagpakumbaba at nagpapasalamat na kilos.Itinaas ni Sheldon ang kanyang baso kay Charlie, yumuko nang bahagya, at sinabi nang magalang, “Mr. Wade, ikaw ang dakilang benefactor namin, at marami akong bagay na gustong sabihin sayo, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kaya, hayaan mong i-alay ko ang tagay na ito sa iyo!”Ngumiti nang kaunti si Charlie, nagsalita, at sinabi, “Mr. Sheldon, malayang tao ka na simula ngayon, at hindi na ako mangingialam sa kahit anong paraan kahit na saan ka man pumunta o ano ang gusto mong gawin.”Sinabi nang nagpapasalamat ni Sheldon, “Salamat sa pagiging b
Bumuntong hininga si Yahiko at sinabi nang seryoso, “Natatakot ako na hindi ako makakaabala! Hindi ba’t mas maganda kung nakakaabala ako?”Si Nanako, na sobrang talino, ay naintindihan agad ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ng kanyang ama. Namula siya sa hiya, kinuyom ang mga kamao niya, at tinapik ang mga ito nang magaan sa lamesa habang binulong niya nang may galit na ekspresyon, “Otou-san, mas lalo ka talagang nagiging hindi kaaya-aya habang tumatanda!”Ngumiti si Yahiko at tumingin kay Charlie bago sinabi, “Mr. Wade, sa tingin ko ay hindi ako aalis pansamantala sa Aurous Hill, kaya pwede tayong magkita at mag-usap sa ibang araw.”Nang makita ni Nanako na mas naging seryoso ang kanyang ama, inayos niya ang kanyang isip at bangs habang sinabi nang malambot kay Charlie, “Charlie-kun, sige na at maging abala ka na kung may kailangan kang gawin. Balak namin ni Otou-san na manatili sa Aurous Hill ng ilang araw. Abala ako sa kasal sa nakaraang ilang araw, at hindi pa ako nakakahanap