Naintindihan ni Charlie na siguradong may alam na malaki at tagong sikreto si Eliam, kung hindi, hindi siya magiging maingat nang sobra.Nang maisip niya ito, nagsalita siya at sinabi, “Mr. Colter, kung ayos lang sayo, dadalhin ko kayo ni Rosalie sa isang napakaligtas na lokasyon pagkatapos ng kasal.”“Okay!” Tumango si Eliam at pumayag nang handa habang sinabi, “Pero may limitadong oras ako. Sa una ay balak kong magmadaling bumalik sa Eastcliff pagkatapos ng kasal sa tanghali dahil may live broadcast ako sa alas siyete ng gabi. May meeting ang production team ng alas sais, kaya kailangan kong magmadaling bumalik sa Eastcliff bago mag-alas sais ng gabi.”Sinabi ni Charlie, “Pagkatapos ng kasal sa 12:30 pm, pwede ka munang kumain habang hinahanda ko ang helicopter. Sasakay tayo sa helicopter papunta doon pagkatapos mong kumain. Makakarating tayo doon sa loob ng sampung minuto. Maghahanda ako ng espesyal na eroplano para ibalik ka sa Eastcliff pagkatapos ng ksal, at pwede kang dumiret
Hindi itinago ni Sheldon ang kahit ano sa interaksyon nila ni Eliam. Sinabi niya ang kuwento ng paglalakbay niya kasama si Yashita mula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa pagkakaroon ng anak nila, si Rosalie, at sa desisyon niya na mag-propose kay Yashita.Sa proseso na ito, hindi niya lang ipinahayag ang kahihiyan niya kina Yashita at Roslie ngunit ipinahayag niya rin ang pasasalamat niya kay Charlie at sinabi nang prangka, “Gusto kong samantalahin ang pagkakataon an ito ngayong araw para tapat na pasalamatan si Mr. Wade sa pagtulong sa pamilya Schulz at sa kanyang pagtanggap at pagpapatawad sa pamilya Schulz, pati na rin ang pagdidisiplina sa akin.”“Kung hindi dahil kay Mr. Wade, natatakot ako na mahihirapan akong hanapin ang angkop na pagkakataon para kumalma talaga at seryosong pag-isipan kung ano ang gusto ko. Sa proseso na ito ko rin napagtanto na hindi kayamanan at kapangyarihan ang gusto ko, ngunit gusto ko lang ng isang ordinaryong buhay at simpleng kasiyahan.”Si
May suot na purong puting wedding gown si Yashita, at kasama na ang kanyang katawan at temperamento na lampas sa mga kaedad niya, agad nagulat ang mga manonood.Kahit na sinamahan ni Sheldon si Yashita sa pagpili at pagsubok ng wedding gown, natulala pa rin siya nang makita niyang suot ni Yashita ang wedding gown sa wedding stage.Pagkatapos ay pumunta siya sa harap nina Yashita at Lord Harker sa ilalim ng gabay ng emcee at kinuha si Yashita mula sa mga kamay ni Lord Harker bago siya pinangunahan sa stage.Nagsalita naman ang emcee at sinabi, “Sunod, iimbitahin natin ang espesyal na bisita para umakyat. Inimbita siya ng bagong magkinstahan para maging saksi sa kasal nila ngayong araw. Sinabi sa akin ng magkasintahan na nagkatuluyan sila dahil sa tulong ng saksi na ito, kaya imbitahin natin ang saksi, si Mr. Charlie Wade, na umakyat sa stage at magbigay ng isang talumpati!”Isa-isang nagpalakpakan ang mga bisita. Si Charlie, na nagpalit na ng damit at nagsuot ng suit, ay mabagal na
Bukod dito, alam ng lahat ng tao na nasa eksena ang pagkakakilanlan ni Charlie.Alam nila kung paano siguro pinanghinaan ng loob si Curtis nang umalis siya sa Eastcliff kasama ang asawa niya, si Ashley, at ang kanyang anak, si Charlie. Alam nila na pinatay sina Curtis at Ashley hindi matagal pagkatapos pumunta sa Aurous Hill.Pero, hindi nila alam na hindi nakaramdam ng kahit anong pagsuko o pagkahina ng kalooban sina Curtis at Ashley kahit pagkatapos mawala ang prestihiyo at background nila bilang isang mayaman at prestihiyosong pamilya, at kaya pa rin nilang harapin ang buhay nang optimistiko at pamahalaan nang perpekto ang maliit na pamilya nila.Kaya pa rin gumawa ni Curtis ng isang buhay para sa maliit na pamilya niya kahit hindi umaasa sa pamilya Wade.Nasuko rin ni Ashley ang lahat para manatili nang buong puso sa tabi ni Curtis at ng anak niya, si Charlie, para gawing mapagmahal at maganda ang maliit na pamilya na ito gamit ang buong puso niya.Mas namangha ang lahat kina
Natapos ang kasal sa paghalik ni Sheldon sa kanyang bride sa stage.Nakaupo si Charlie sa parehong lamesa ng mga nakatatanda ng dalawang pamilya at ni Eliam. Bukod sa pagsisilbi ng tsaa sa dalawang senior sa wedding ceremony, ang unang tao na inalok ng tagay ng bagong kasal pagkatapos magsimula ng pag-inom ay si Charlie.Sa tagay, dinala ng dalawa ang best man at ang maid of honor na may mapagpakumbaba at nagpapasalamat na kilos.Itinaas ni Sheldon ang kanyang baso kay Charlie, yumuko nang bahagya, at sinabi nang magalang, “Mr. Wade, ikaw ang dakilang benefactor namin, at marami akong bagay na gustong sabihin sayo, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kaya, hayaan mong i-alay ko ang tagay na ito sa iyo!”Ngumiti nang kaunti si Charlie, nagsalita, at sinabi, “Mr. Sheldon, malayang tao ka na simula ngayon, at hindi na ako mangingialam sa kahit anong paraan kahit na saan ka man pumunta o ano ang gusto mong gawin.”Sinabi nang nagpapasalamat ni Sheldon, “Salamat sa pagiging b
Bumuntong hininga si Yahiko at sinabi nang seryoso, “Natatakot ako na hindi ako makakaabala! Hindi ba’t mas maganda kung nakakaabala ako?”Si Nanako, na sobrang talino, ay naintindihan agad ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ng kanyang ama. Namula siya sa hiya, kinuyom ang mga kamao niya, at tinapik ang mga ito nang magaan sa lamesa habang binulong niya nang may galit na ekspresyon, “Otou-san, mas lalo ka talagang nagiging hindi kaaya-aya habang tumatanda!”Ngumiti si Yahiko at tumingin kay Charlie bago sinabi, “Mr. Wade, sa tingin ko ay hindi ako aalis pansamantala sa Aurous Hill, kaya pwede tayong magkita at mag-usap sa ibang araw.”Nang makita ni Nanako na mas naging seryoso ang kanyang ama, inayos niya ang kanyang isip at bangs habang sinabi nang malambot kay Charlie, “Charlie-kun, sige na at maging abala ka na kung may kailangan kang gawin. Balak namin ni Otou-san na manatili sa Aurous Hill ng ilang araw. Abala ako sa kasal sa nakaraang ilang araw, at hindi pa ako nakakahanap
Hindi sinagot ni Eliam ang tanong ni Charlie, pero tumingin siya kay Charlie at sinabi nang sobrang seryoso, “Charlie, alam mo ba kung bakit bumalik sa Oskia ang mga magulang mo dati?”Sinabi ni Charlie, “Narinig ko na ang ama ko ang gustong bumalik para buhayin muli ang pamilya Wade. Para naman sa aking ina, marahil ay sinamahan niya ang ama ko bumalik sa Oskia dahil tinutupad niya ang obligasyon niya bilang isang asawa pagkatapos niya siyang pakasalan.”Ngumiti si Eliam at sinabi, “Tingnan mo, ito ang galing ng iyong ama. Kung hindi ayaw niyang makita ng iba ang totoong layunin niya, walang sino man sa mundo ang makakakita nito.”Kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Uncle Eliam, ano ang ibig mong sabihin? Ayon sa sinabi mo, ang ibig mong sabihin ay may nakatagong layunin talaga ang mga magulang ko noong bumalik sila sa Oskia dati?”Ngumiti nang misteryoso si Eliam at sinabi kay Charlie, “Sina Curtis at Ashley ay isang pares ng mga henyo sa larangan ng negosyo, at sa mata ng l
“Ah…” Nalilito na nang sobra si Charlie. Hindi niya mapigilang ibulong, “Sa abot na alaala ko, palaging naka-focus ang mga magulang ko sa negosyo bago sila umalis sa Eastcliff. Kahit kailan ay hindi ko narinig na interesado sila sa archaeology o tomb raiding. Wala akong maaalala na ganito sa memorya ko noong bata pa ako.”Sinabi ni Eliam, “Sobrang talino ng mga magulang mo, at kahit kailan ay hindi nila ipinaalam ang totoong layunin nila bukod sa akin, syempre.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Eliam “Bumalik tayo sa paksa ng pagbalik ng mga magulang mo sa Oskia, sa totoo lang, ang desisyon ng mga magulang mo na umalis sa United States at bumalik sa Oskia para magpaunlad ay hindi para sa dahilan na iniisip ng publiko; ito ay dahil gustong bumalik ng iyong ama sa Oskia para buhayin muli ang pamilya Wade at dahil sinasamahan ng iyong ina ang iyong ama dahil kinasal siya sa kanya.”“Sa una ay wala talaga silang plano na bumalik sa Oskia, at wala silang balak na bumalik nang nagma
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago