Natulala nang kaunti si Sheldon at natauhan siya nang makita niya ang mga pulang sapatos.Bigla siyang nawalan ng kontrol sa mga emosyon niya at napaluha nang makita niya na ang taong nagbigay sa kanya ng mga sapatos ay ang kanyang anak na lalaki, si Jaime.Hindi inaasahan ni Jaime na biglang mapapaiyak ang kanyang ama. Nagmamadali siyang umabante at niyakap siya, bahagyang itiniklop ang mag binti niya, at tinulungan ang kanyang ama na punasan ang mga luha niya gamit ang kanyang manggas. Hindi inaasahan ni Sheldon na magiging sobrang maaalalahanin ng kanyang anak na lalaki. Naisip niya si Sophie, na naghihintay pa rin para sa kasal sa hotel, at naramdaman niya na pwede na siyang mamatay nang walang pagsisisi sa sandaling ito.Sa wakas ay napagtanto na niya na ngayon niya lang talaga naintindihan ang kahulugan ng buhay pagkatapos mabuhay ng limampung taon.Walang maikukumpara sa kasiyahan at kapayapaan ng isang pamilya.Kahit na marahil ay hindi na magkaroon ng ugnayan sina Sheld
Walang nakakaintindi kung bakit ang matandang lalaki, na palaging matatag, ay umiiyak na parang bata ngayong araw. Ginamit niya ang dalawang manggas niya nang salitan para punasan ang mga luha niya habang umiiyak siya.Mabilis na tumakbo si Rosalie papunta sa kanya at tinanong nang kinakabahan, “Lolo, bakit ka umiiyak sa napakagandang araw tulad nito?!”Napagtanto ng matandang lalaki na nawalan siya ng kontrol sa mga emosyon niya at nataranta siya habang tinakpan niya ang kanyang mukha para subukang kontrolin ang mga emosyon niya, pero kapag ginagawa niya ito, mas lalo siyang nawawalan ng kontrol. Dumaloy ang mga luha niya sa kanyang mga daliri at sa mga kulubot sa kanyang mga kamay. Nanginginig ang buong katawan niya habang umiiyak siya, kaya nabalisa ang lahat.Si Yashita lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ng kanyang ama sa sandaling ito.Alam niya na siguradong malungkot ang kanyang ama dahil hindi makikita ng kanyang ina ang eksena na ito.Minsan, mararamdaman ng mga buhay
Hinawakan ni Lord Harker ang kamay ni Yashita, pagkatapos ay tumingin siya kay Sheldon at sinabi sa seryosong ekspresyon, “Kung mahal mo si Yashita, wala akong pakialam kung saan kayo titira o kung ano ang magiging uri ng pamumuhay niyo. Ayos lang kung hindi niyo ako pupuntahan ng isang taon, tatlo hanggang limang taon, o kahit walo hanggang sampung taon. Hindi ako magagalit dito, pero ang gusto ko lang hilingin sayo ay tratuhin mo nang mabuti si Yashita. Huwag mo siyang kamuhian o apihin kahit na hindi mo na siya mahal. Hayaan mong bumalik siya nang ligtas sa pamilya Harker kung buhay pa ako. Hindi kita sisisihin. Kung wala na ako dito, hayaan mong bumalik siya dito kasama si Rosalie para dito na siya tumanda. Hindi ka sisisihin ng pamilya Harker. Kaya mo bang gawin ito?”Nang sinabi ni Lord Harker ang mga salitang ito, umiyak sina Yashita at Rosalie, at namula ang mga mata nila.Si Sheldon, na nasa tabi, ay nahiya rin.Alam niya na may masamang reputasyon ang pamilya Schulz.Gust
Nang dumating si Charlie sa hotel, nagbigay galang na sina Sheldon at Yashita bilang parte ng tradisyon ng kasal nila.Pagkatapos ay nagpahinga saglit ang magkasintahan sa kanilang kwarto habang pumunta ang iba sa Sky Garden para maghanda sa paparating na kasal.Ayaw ni Charlie sa maraming tao, kaya dumiretso siya sa Sky Garden. Nagkataon na nasa Sky Garden din sila Nanako, Sophie, at Rosalie.Dahil kaunti lang ang mga tao at hindi pwedeng pumasok ang mga tagalabas sa Sky Garden, hindi masyadong masigla o maingay ang kapaligiran dito.Ang atmospera ng buong lugar ng kasal ay puno ng pagmamahal dahil sa pinagsamang pagsisikap nina Rosalie at Nanako. Ang mga inayos na bulaklak ni Nanako ay mas lalong nagmukhang maharlika at elegante.Nagsuot pa si Nanako ng isang ceremonial kimono ngayong araw. Nang makita niya si Charlie, humakbang siya nang dahan-dahan habang lumapit siya kay Charlie at sinabi nang masaya, “Charlie-kun, nandito ka na!”Tumango si Charlie at ngumiti. Nang tumingin
Pagkatapos ay lumapit ang isang babae at sinabi kay Rosalie, “Miss Rosalie, gusto kang tanungin ni Mr. Colter kung dumating na ba ang saksi. Kung nandito na ang saksi, gusto niyang suriin ang proseso kasama ka at ang saksi.”“Dumating na siya.” Tumango si Rosalie, tumingin kay Charlie, at tinanong siya, “Mr. Wade, ayos na ba para sayo na sundan ako para makipagkita kay Mr. Colter? Siya ang emcee na kinuha ko para pamahalaan ang kasal ng mga magulang ko.”Sinabi nang masaya ni Charlie, “Okay, pwede na tayong makipagkita sa kanya.”Gumaan ang pakiramdam ni Rosalie at mabilis na tinanong ang babae, “Nasaan na ngayon si Mr. Colter?”Sinabi ng babae, “Nasa lounge sa likod si Mr. Colter.”“Okay.” Tumango si Rosalie at sinabi kay Charlie, “Mr. Wade, pumunta na tayo doon!”Sinundan ni Charlie si Rosalie sa banquet hall sa Sky Garden at pumunta sa lounge sa likod ng banquet hall.Kumatok siya sa pinto, at isang boses ng middle-age na lalaki ang narinig mula sa loob. “Mangyaring pumasok k
“Mahigit pa kami sa schoolmates!” Sinabi nang sabik ni Eliam, “Ako ang pinakabata sa mga estudyante dati, at inalagaan ako nang sobra ng iyong ama.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Hula ko na siguradong bumalik ka na sa pamilya Wade dahil kaya ong pumunta sa kasal ng mga magulang ni Rosalie ngayong araw, tama?”Alam ni Charlie na matalinong tao ang lalaki sa harap niya, kaya hindi niya itinago ang katotohanan at tumango siya habang sinabi, “Bumalik na ako sa pamilya Wade, pero hindi ito alam ng publiko.”Tumango si Eliam at sinabi nang masaya, “Kahit kailan ay hindi ko naintindihan kung bakit biglang may pagbabago sa head ng pamilya Schulz pagkatapos magtulungan ng pamilya Schulz para talunin ang pamilya Wade. Hindi ito akma sa karaniwang ugali at katatagan ng mga matatandang tao sa prestihiyosong pamilya na ito. Pero, pagkatapos kang makita at dahil isa kang saksi para sa kasal ngayong araw, sa tingin ko ay nauunawaan ko na ang nangyari ngayon!”Pagkasabi nito, bumunton
Naintindihan ni Charlie na siguradong may alam na malaki at tagong sikreto si Eliam, kung hindi, hindi siya magiging maingat nang sobra.Nang maisip niya ito, nagsalita siya at sinabi, “Mr. Colter, kung ayos lang sayo, dadalhin ko kayo ni Rosalie sa isang napakaligtas na lokasyon pagkatapos ng kasal.”“Okay!” Tumango si Eliam at pumayag nang handa habang sinabi, “Pero may limitadong oras ako. Sa una ay balak kong magmadaling bumalik sa Eastcliff pagkatapos ng kasal sa tanghali dahil may live broadcast ako sa alas siyete ng gabi. May meeting ang production team ng alas sais, kaya kailangan kong magmadaling bumalik sa Eastcliff bago mag-alas sais ng gabi.”Sinabi ni Charlie, “Pagkatapos ng kasal sa 12:30 pm, pwede ka munang kumain habang hinahanda ko ang helicopter. Sasakay tayo sa helicopter papunta doon pagkatapos mong kumain. Makakarating tayo doon sa loob ng sampung minuto. Maghahanda ako ng espesyal na eroplano para ibalik ka sa Eastcliff pagkatapos ng ksal, at pwede kang dumiret
Hindi itinago ni Sheldon ang kahit ano sa interaksyon nila ni Eliam. Sinabi niya ang kuwento ng paglalakbay niya kasama si Yashita mula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa pagkakaroon ng anak nila, si Rosalie, at sa desisyon niya na mag-propose kay Yashita.Sa proseso na ito, hindi niya lang ipinahayag ang kahihiyan niya kina Yashita at Roslie ngunit ipinahayag niya rin ang pasasalamat niya kay Charlie at sinabi nang prangka, “Gusto kong samantalahin ang pagkakataon an ito ngayong araw para tapat na pasalamatan si Mr. Wade sa pagtulong sa pamilya Schulz at sa kanyang pagtanggap at pagpapatawad sa pamilya Schulz, pati na rin ang pagdidisiplina sa akin.”“Kung hindi dahil kay Mr. Wade, natatakot ako na mahihirapan akong hanapin ang angkop na pagkakataon para kumalma talaga at seryosong pag-isipan kung ano ang gusto ko. Sa proseso na ito ko rin napagtanto na hindi kayamanan at kapangyarihan ang gusto ko, ngunit gusto ko lang ng isang ordinaryong buhay at simpleng kasiyahan.”Si
Hinukay ni Zachary ang tatlong mahiwagang instrumento na binigay ni Charlie sa kanya mula sa mabahong lupa sa tabi ng palikuran gamit ang isang pala sa kanyang kamay.Ang tatlong mahiwagang instrumento na ito ay nilibing nang magkakasama kasama ang nabubulok at mabahong laman loob ng baboy. Mayroong masangsang na amoy sa sandaling hinukay ang mga mahiwagang instrumento.Pinisil ni Zachary ang kanyang ilong at kinuha ang tatlong mahiwagang instrumento mula sa lupa, pagkatapos ay maingat na tinanggal ang dumi sa paligid ng mga mahiwagang instrumento gamit ang isang malambot ng brotsa at pinunasan sila nang maingat gamit ang isang tuyong tuwalya. Pagkatapos ay nilagay niya ang mga mahiwagang instrumento sa ilalim ng ilong niya at inamoy sila nang masigasig.Sa sandaling ito, kumupas na ang malansang amoy ng dugo. Ayon sa dating karanasan ni Zachary sa pagbebenta ng mga antique, ang amoy na ito ay sobrang lapit na sa amoy ng isang bagong jade na hinukay mula sa mga bagong libingan.Ang
Pagkatapos magsalita ni Merlin, si Keith, na may malaking progreso sa kondisyon niya sa nakaraang ilang araw at unti-unting bumabalik ang memorya, ay biglang sinabi nang may seryosong ekspresyon, “Tama si Merlin! Dati ay masyadong madali nating tinatanggihan ang lahat ayon sa kutob natin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi natin nahanap si Charlie kahit maraming taon na ang lumipas! Minsan, kapag ginagawa natin ang mga bagay-bagay, kailangan nating maghandang labanan ang sarili nating kutob!”Tumango si Christian at sinabi, “Pagkatapos ng aksidente ng ate ko, naghanap tayo saglit sa Aurous Hill pero hindi natin nahanap si Charlie. Ang naging kutob natin sa sandaling iyon ay baka umalis si Charlie sa Aurous Hill. Simula noon, palagi nating hinahanap si Charlie sa labas ng Aurous Hill, pero walang naging resulta sa dalawampung taon na paghahanap. Marahil ay hindi umalis si Charlie sa Aurous Hill sa una pa lang!”Nanahimik saglit si Kaeden at biglang tumingala at kumunot ang noo habang s
Tinanong nang nagmamadali ni Kaeden, “Anong sinabi ni Miss Jasmine?”Sumagot si Christian, “Hindi niya ako binigyan ng malinaw na sagot. Sinabi niya na gusto niya itong pag-isipan. Sa tingin ko ay gusto niya muna itong i-report sa benefactor natin at hingin ang opinyon niya.”Sinampal ni Kaeden ang mga hita niya at sinabi, “Oh, Christian! Kalahating oras siguro ang biyahe mo pabalik dito. Sumagot na ba si Miss Jasmine?”Sinabi ni Christian, “Hindi pa.”Medyo nabigo si Kaeden at bumuntong hininga habang sinabi, “Mukhang wala siguro sa Aurous Hill ang benefactor natin…”Tumango si Christian at sinabi, “Gano’n din ang naiisip ko. Kung matatagalan siyang sumagot, sa tingin ko ay mataas ang posibilidad na wala sa Aurous Hill ang benefactor natin.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Christian, “Habang kausap ko si Miss Jasmine, binanggit niya rin na umalis sa Aurous Hill ang benefactor natin. Iniisip ko kung patuloy bang nanatili sa ibang bansa ang benefactor natin pagkatapos ng nangyari sa
Patuloy na naghintay si Christian ng tawag mula sa assistant ni Jasmine habang pabalik siya sa Willow Manor. Alam niya na sobrang tapat ng mga kondisyon na inalok niya kay Jasmine ngayong araw, at siguradong hihingi ng utos si Jasmine sa benefactor niya bago siya bigyan ng malinaw na sagot.Pero, hindi niya alam kung nasaan ba ang benefactor niya sa ngayon. Hindi niya alam kung nasa Aurous Hill ba siya o Oskia.Kaya, hula ni Christian na kung nasa Oskia o kahit Aurous Hill ang benefactor niya, siguradong tatawagan siya ni Jasmine sa lalong madaling panahon at ire-report ito sa kanya. Pagkatapos ay kukuha ng tao si Jasmine para sagutin siya nang mabilis kung papayag ba siya sa mga kondisyon siya.Kung mabilis na darating ang sagot, marahil ay nasa Aurous Hill ang benefactor niya.Pero, hindi pa rin sumagot si Jasmine kay Christian kahit pagkatapos niyang dumating sa Willow Manor. Nang nakauwi siya, agad itinigil ng mga miyembro ng pamilya Acker ang mga ginagawa nila at lumapit sa ka
Hinatid ni Jasmine si Christian papunta sa pinto ng kanyang opisina at pagkatapos ay sinabihan ang assistant niya na ihatid si Christian pababa habang bumalik siya sa opisina at tinawagan si Charlie.Inulat ni Jasmine ang lahat ng binanggit ni Christian kay Charlie sa tawag. Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jasmine, hindi mapigilang ngumiti ni Charlie at sabihin, “Mukhang medyo tapat nga ang tito ko. Kung magagawa ang kolaborasyon sa pagitan ng Moore Group at mga Acker, marahil ay dumoble o tumaas pa nang sobra ang market value ng Moore Group sa loob ng susunod na taon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Bukod dito, ang mga ideya ng tito ko sa pag-unlad ng healthcare sa Aurous Hill ay halos katulad ng dati kong plano. Sa kasalukuyang abilidad ko, kung gusto kong tulungan ang Aurous Hill na pataasin ang impluwensya nito sa ibang bansa at akitin ang mas maraming kapital, ang pinakamagandang paraan ay ang healthcare. Kung magagawa ito nang maayos, marahil ay abutin ng ilang tao
Sa normal na sitwasyon, mahirap para sa iba na magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng share sa kahit anong proyekto na ginagawa ng mga Acker kahit na magmadali silang bumili ng mga shares gamit ang pera.Bukod dito, kahit na ang ilang proyekto ng mga Acker ay bukas sa mga panlabas na investment, hindi lahat ay makakakuha ng investment share. Noon pa man ay mahigpit na ang mga Acker sa pagpili ng mga business partner nila, at hindi makakapag-invest ang isang tao kahit na may pera sila, basta’t hindi pasok ang asset ng mga taong iyon sa pamantayan.Bukod dito, kung gustong mag-invest ng mga tagalabas sa mga proyekto ng mga Acker, katumbas ito sa pag-iinvest sa isang wealth management fund. Kahit na makuha nila ang pagkakataon, kailangan nilang magbayad ng tiyak na porsyento ng management fee sa mga Acker, na ang trader, at ang management fee na ito ay dapat umabot ng 25 percent sa pinakamababa.Kung isa itong proyekto na may halagang 10 billion US dollars at inalok ng mga Acker ang 4
“Bukod dito, narinig ko rin na nasa Aurous Hill ang Apothecary Pharmaceutical. Kahit na kaunting sample lang ang ginawa ng kumpanya na ito, mga nakakagulat na produkto sila na may pambihirang epekto. Dahil sa pharmaceutical company na ito sa Aurous Hill, siguradong malaki ang maitutulong nito sa kasikatan nito sa medicine at healthcare industry.”Hindi inaasahan ni Jasmine na mapapansin din ni Christian ang Apothecary Pharmaceutical, kaya hindi niya mapigilang masorpresa nang kaunti habang tinanong niya si Christian, “Mr. Christian, alam mo rin ang tungkol sa Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Christian nang walang tinatago na kahit ano at sinabi nang direkta, “Narinig ko na dating naglabas ng anti-cancer miracle drug ang Apothecary Pharmaceutical na tinatawag na Apothecary Restoration Pill. Isang batch ng mga gamot ang binigay sa FDA para sa clinical trial. Sinasabi na ang batch ng mga pill ay itinuring na strategic reserve materials ng White House dahil sa pambihirang bisa nito
Sinabi nang nakangiti ni Christian, “Kahit na bagong first-tier city pa lang ang Aurous Hill, sobrang optimistiko ako sa pag-unlad sa hinaharap ng Aurous Hill. Marahil ay ito pa ang maging focus ng mundo sa hinaharap.”Tinanong nang nagdududa ni Jasmine, “Bakit sobrang optimistiko ka sa Aurous Hill, Mr. Christian?”Sinabi nang seryoso ni Christian, “Miss Jasmine, kahit na isang beses mo pa lang isinagawa ang auction para sa Rejuvenating Pill, napagtanto ko ang akit ng divine pill na ito sa mga sobrang yaman na tao. Ang bawat siyudad ay naghahanap ng sarili nitong katangian at posisyon. Halimbawa, sa United States, ang katangian ng New York ay finance, ang katangian ng San Francisco ay teknolohiya, ang katangian ng Los Angeles ay manufacturing, ang katangian ng Houston ay aerospace, at ang katangian ng Detroit ay automobile manufacturing.”Pagkasabi nito, sinabi nang may kumpiyansa ni Christian, “Sa suporta ng auction para sa Rejuvenating Pill, siguradong maaakit ng Aurous Hill ang m
Hindi nakakagulat na magugulat si Jasmine sa isang commercial real estate project na may halagang bilyong-bilyong dolyar, dahil ang ganitong napakalaking proyekto ay bihira sa buong mundo.Ang kabuuang halaga ng Burj Khalifa sa Dubai ay 1.5 billion US dollars lang. Mukhang ang nag-iisang building na may kabuuang gastusin na mahigit five billion US dollars ay ang headquarters building lang ng Apple.Para sa mga Acker, kahit na ang kabuuang lakas nila ay hindi kasing lakas ng Rothschild o ng Saudi royal family, ang totoong asset ng mga Acker ay medyo mas mataas pa rin kaysa sa Apple.Sapat na ang paggastos ng eight billion US dollars para mag-invest sa commercial real estate sa Aurous Hill para magtayo ng isang malawak pero maliit na siyudad. Kahit na ilipat ng mga Acker ang buong headquarters nila dito, hindi ganito kalaki ang magagastos nila.Pero, bago pumunta si Christian dito, nagkasundo na ang mga Acker. May malapit na relasyon si Jasmine sa may-ari ng Rejuvenating Pill. Dahil