Ito ang unang pagkakataon na nakakita ang sales executive ng isang customer na nagpasyang bumili ng apartment nang hindi man lang ito tinitingnan.Bukod dito, mahigit 30 million dollars ang apartment. Ang kahit sinong bibili ng ganito kamahal na bahay ay titingnan ang mga detalye nang sobrang ingat at ikukumpara ito at pag-iisipan bago magdesisyon.Pero, walang masyadong enerhiya si Marianne na pumili at ikumpara ang mga bahay. Kahit na hindi niya pa nakikita ang mga bahay dito, nakuntento pa rin siya nang sobra sa lokasyon at transportasyon. Bukod dito, sapat na ang laki ng apartment, at wala itong pintas. Kaya, kung titingnan ni Marianne ang apartment, ito lang ay para makita ang mga detalye ng renovation.Alam din ni Marianne na dahil ito na ang pinakamagandang real estate sa Aurous Hill, siguradong hindi siya magiging interesado sa ibang lugar kung hindi niya nagustuhan ang lugar na ito. Bakit pa siya mag-aabala na magkumpara, kung ganon? Pwede niyang bilhin na lang ang pinakama
Inutusan siya ni Nanako na pumunta muna nang maaga sa Aurous Hill para bumili ng isang mansyon sa Aurous Hill para kay Nanako.Pero, binisita niya ang maraming villa district at tiningnan ang maraming villa na binebenta sa nakaraang ilang aras, at sa huli, malayo ang mga villa sa gusto ni Nanako.Para kay Nanako, gusto niya ang mga bahay ng mga sinaunang Japanese aristocrat. Kahit na may maliit na sukat ang Japan at maraming tao, ang mga bahay ng mga sinaunang Japanese aristocrat ay malalaki at maikukumpara sa karaniwang laki ng mga royal residence sa Eastcliff.Pero, ang ganitong uri ng bahay ay bihira sa modernong Oskia at may ilang mga pinoprotektahan din na royal residence sa Eastcliff, na sobrang hirap mahanap sa Aurous Hill.Bukod dito, kahit na mahanap ang isang napakalaking bahay, karamihan ng mga bahay na ito ay hindi naayos, at ang ilang sobrang laking villa ay may mga magarbong European style. Marahil ay gusto ng mga mayayaman ang ganitong uri ng mga makikinang na dekora
Nang marinig ito ni Hiroshi, tinanong niya nang mabilis, “Gaano ako katagal kailangan maghintay kung hindi siya makapagdesisyon?”Ipinaliwanag ng salesgirl, “Sa normal na sitwasyon, may karapatan ng unang pagtanggi sa loob ng dalawampu’t apat na oras pagkatapos bayaran ang booking fee. Kung hindi nabayaran ang huling bayad makalipas ang dalawampu’t apat na oras, maituturing ito na pagpapaubaya na.”“Dalawampu't isang oras?” Nalungkot nang kaunti si Hiroshi habang sinabi, “Masyadong matagal ang dalawampu’t apat na oras… Kailangan ko itong bilhin ngayong araw.”“Ah…” Medyo nahiya rin ang salesgirl nang ilang sandali bago sinabi, “Sir, hindi ito ang natitirang unit para sa apartment namin. May walong unit pa kami sa building na iyon na hindi pa nabebenta. Parehong uri ang apartment, pero nasa magkaibang palapag lang sila. Makikita mo pa rin ang tanawin ng ilog basta’t nasa sixth floor ka o mas mataas, kaya wala talagang malaking pagkakaiba.”“Kung mahilig ka sa mga high-rise building,
Pupunta na sana siya at tatawagan ang concierge department nang makita ni Hiroshi si Marianne. Nagkusa siyang batiin siya at sinabi, “Hello, Miss, maaari ko bang itanong kung interesado kang bilhin ang unit sa top floor?”Tumingin si Marianne sa kabila sa sorpresa at nang may ilang pag-ingat, at kumunot ang noo niya habang tinanong, “Anong mayroon? May problema ba?”Mabilis na ipinaliwanag ni Hiroshi, “Miss, ganito kasi. Gusto ko rin ang unit na ito, at gusto ko talaga itong bilhin nang mabilisan. Kung handa kang ibigay sa akin ang unit na ito, handa akong bayaran ka ng transfer fee na one million dollars!”Hindi lang si Marianne, ngunit kahit si Madam Marilyn at ang sales executive sa gilid ay nagulat sa sandaling sinabi ito ni Hiroshi.Pumasok lang silang tatlo para pirmahan ang booking fee agreement at bayaran ang booking fee, at ilang minuto lang ang lumipas, wala pang sampung minuto.Sa hindi inaasahan, isa pang tao ang lumitaw sa sandaling ito, gustong bilhin ang parehong un
Nagulat nang sobra ang sales executive pati na rin ang maraming salesperson.Hindi naman sa hindi pa sila nakakakita ng naglalaban na tao para sa ari-arian dati. Noong unang binuksan ang mga villa para ibenta, may mga customer nga na naglaban para sa ari-arian.Madalas na nagiging galit at marahas ang labanan.Hindi pa sila nakakakita ng katulad ni Hiroshi, na handang bigyan ng one million dollars ang kabila sa sandaling nagsalita siya.Hindi rin nila inaasahan na direktang tatanggihan ni Marianne ang alok niya.Sa pananaw nila, isa itong one million dollars na walang gastos. Ang kahit sino ay pag-iisipan kung paano sila kikita ng one million dollars para sa wala, tama?”Pumunta siya para tumingin ng bahay at gumamit ng sampung minuto para bayaran ang booking fee para kumita ng one million dollars nang direkta. Ang ganitong uri ng bagay ay parang hulog ng langit nang direkta.Pero, kahit hindi na banggitin ang one million dollars, ngunit kahit na dagdagan pa ito ng dalawang zero
Hindi pa rin natibag si Marianne. Lumingon siya kay Hiroshi at sinabi nang seryoso, “Sir, ang dahilan kung bakit hindi ako nagalit sayo ay dahil sa tingin ko ay tapat ka at isa kang maginoo, pero kung patuloy mo akong kukulitin nang ganito, marahil ay hindi na ako makikipag-usap sayo nang mabait.”Naintindihan agad ni Hiroshi.Ang dalaga siguro sa harap niya ay isang young lady na hindi nagkukulang sa pera at hindi sineseryoso ang pera.Tantya na na ang net worth at mga asset niya ay hindi mas mababa kumpara sa sarili niyang young lady.Ano pang punto ng pag-aalok ng premium na 10 million dollars kaharap ang ganitong babae bukod sa pagkakaroon ng pagkakataon na alukin ito? Kahit na 30 million o 50 million dollars pa ito, imposible para sa kanya na seryosohin siya, at magmumukhang tanga lang siya kung patuloy siya mangungulit.Bumuntong hininga na lang siya sa lungkot at humingi ng tawad, “Pasensya na, Miss. Masyado akong padalus-dalos. Huwag mo sana itong masamain.”Hindi na nags
Sinundan ni Hiroshi ang salesgirl at sumakay sa kotse papunta sa Building 1 pagkatapos magbayad ng one million dollars para sa booking fee.Nauna na si Marianne at pumunta sa apartment unit sa top floor kasama si Madam Marilyn.Si Madam Marilyn, na nahihiya pa rin sa sobrang kumpiyansa niya kanina lang, ay sinundan si Marianne at hindi mapigilang sabihin, “Miss Marianne, buti na lang, may pananaw ka sa hinaharap. Hindi mo sinundan ang payo ko kanina at binayaran nang maaga ang booking fee. Kung hindi, nabili na ng taong iyon ang apartment unit na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marianne at sinabi, “Madam Marilyn, huwag mo iyan sabihin. Wala akong pananaw sa hinaharap. Medyo maingat lang ako. Marahil ay siyamnapu’t siyam sa isang daang beses ay magiging balewala ang pag-iingat ko, pero sa opinyon ko, sulit kung magagamit ang pag-iingat ko kahit isang beses lang.”Tumango nang bahagya si Madam Marilyn. Namangha talaga siya kahit na mayroon siyang kalmadong ekspresyon.Dahil matagal na
Napansin ni Madam Marilyn na hindi man lang tumingin si Marianne sa paligid ng apartment pagkatapos niyang pumasok ngunit tumayo lang siya sa malaking bintana na mula sahig hanggang kisame, kaya hindi niya mapigilan na paalalahanan siya, “Miss Marianne, gusto mo bang tingnan ang layout ng bahay para makatulong ako kung hindi ka kuntento sa kahit ano o kung may gusto kang ayusin.”“Ah, okay…” Natauhan si Marianne at nilibot ang buong apartment kasama si Madam Marilyn.Hindi masyadong malaki ang apartment unit. Mahigit 200 square meters ito na may apat na kwarto, ang isa ay ginawang study room. Bukod dito, may reception hall din sa gilid ng Yaak River. Nagdagdag ang developer ng mga sports equipment sa apartment unit, na maituturing medyo maayos na fitness area, at makikita rin ang tanawin ng ilog mula sa sofa sa sala dahil sa salamin mula sahig hanggang kisame sa pader.Para sa isang mayaman na tagapagmana tulad ni Marianne na sanay sa mga luxury house, ang apartment na ito ay wala k