Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Nanako, tinigil ni Yahiko ang ginagawa niya at sumandal sa ispada niya habang hiningal siya at tinanong, “Nanako, anong sinabi mo? Baka kailangan nating pumunta sa Oskia?”“Oo!” Ngumiti si Nanako at sinabi, “Teka lang, sasagutin ko muna ang tawag.”Mas lalong nasorpresa si Yahiko. Akala niya na nakatanggap ng tawag si Nanako mula sa iba, kaya sinabi niya na marahil ay kailangan nilang pumunta sa Oskia, pero hindi niya inaasahan na hindi niya pa sinasagot ang tawag.Sinagot ni Nanako ang tawag, at si Rosalie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Miss Ito, inaabala ba kita dahil tinawagan kita bigla?”“Hindi.” Sinabi ni Nanako nang nakangiti, “Wala akong masyadong ginagawa, pinaglalaruan lang ang ilang mga bulaklak. Miss Rosalie, bakit mo ako tinawagan?”Dumiretso si Rosalie sa punto at sinabi, “Tungkol ito sa kasal ng mga magulang ko.”Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Ikakasal na ba ang mga magulang mo?”“Oo.” Sinabi ni Rosalie nang tapat, “K
Sinabi nang masaya ni Nanako, “Deal na ito, kung gano’n!”Tinanong ni Yahiko, “Dahil mananatili tayo nang matagal, dapat ba tayong bumili ng isang mansyon sa Aurous Hill? Natatakot ako na magiging sobrang boring kung matagal tayong titira sa hotel.”Tinanong siya ni Nanako habang malaki ang mga mata, “Posible ba iyon, Otou-san? Pwede ba tayong bumili ng isang mansyon sa Aurous Hill?”Umiling nang walang magawa si Yahiko at sinabi, “Ikaw ang head ng pamilya Ito, kaya ikaw ang may huling salita sa kung paano gagastusin ang pera, tama?”“Magaling!” Sinabi ni Nanako kay Hiroshi, “Tanaka-san, kung libre ka bukas, bakit hindi ka pumunta nang maaga sa Aurous Hill para maghanap ng angkop na mansyon?!”Sinabi ni Hiroshi nang walang pag-aatubili, “Walang problema, Miss. Aalis ako nang maaga bukas ng umaga.”Pagkasbi nito, tinanong niya ulit, “Siya nga pala, Miss, may mga kahit anong hinahanap ka ba para sa mansyon?”Nag-isip saglit si Nanako at sinabi, “Malaki, tahimik, at hindi mahalaga
Nang bumalik si Charlie sa villa sa Thompson First, nililinis pa rin ni Claire ang bahay kasama ang ilang cleaning staff.Gumamit pa ng professional odor-purifying equipment ang cleaning company para linisin ang buong first floor dahil sobrang lakas ng amoy ng tobacco, alak, inaamag na pagkain, at suka sa first floor.Si Jacob, ang pinagmulan ng baho na ito, ay inimbita sa courtyard ni Claire sa sandaling ito.Pagkatapos maliwanagan ni Jacob kay Charlie, hindi na siya uminom nang marami buong araw, pero medyo magulo pa rin ang hitsura niya. May suot siyang isang pares ng boxers at isang basketball vest habang naninigarilyo at bumuntong hininga habang umupo sa courtyard.Doon lang napagtanto ni Charlie na mas tumaba ang katawan ng matandang biyenan niya na ito, lalo na habang nakaupo siya doon. Ang tiyan niya ay isang malaking bukol, at kasama na ang magulong balbas niya, biglang mas nagmukhang madumi siya.Biglang lumiwanag ang mga mata ni Jacob nang makita niyang bumalik na si Ch
Tumango si Hannah at pinitik ang mga daliri niya sa makabagong paraan. “Mauuna na ako, bye.”Pagkatapos itong sabihin, tinapakan niya ang accelerator at nagmaneho palayo.Naglakad pauwi si Elaine sa bahay sa suporta ni Jacob habang nagmura siya, “Letseng Hannah, nagawa niyang magpakitang gilas sa harap ko ngayong araw. Sa tingin ko ay hindi na niya naaalala kung sino siya! Letse! Bulag siguro talaga ang Diyos para hayaan na kumita ng pera ang ganitong uri ng babae!”Sinabi nang kaswal ni Jacob, “Dahil hindi mo ito matanggap, lumayo ka na lang sa kanya sa hinaharap at huwag mo na siyang bigyan ng atensyon. Huwag mo siyang bigyan ng pagkakataon na magpasikat sa harap mo.”“Ano bang alam mo?!” Sinabi nang sobrang seryoso ni Elaine, “Noong mayaman ako, kinamumuhian din ako nang sobra ni Hannah, pero palagi niya akong sinusundan at pinupuri. Alam mo ba kung bakit?”Tumango si Jacob. “Oo. Dahil sayang para sa kanya na hindi ka pagsamantalahan. Kahit na hindi kayo pinanganak sa parehong
Habang kumakain sila Charlie, Claire, at Jacob sa sala, nagtago si Elaine sa kwarto niya at tahimik na binuksan ang short video platform.Sa panahon ngayon kung saan kayang maging anchor ng kahit sino, kahit ang isang aso ay kayang magsimula ng isang live broadcast online. Ang pagkakaiba lang ay kung may manonood ba o hindi.Kinalikot ni Elaine ang sarili niyang live broadcast room at pinasok ang mga salitang ‘Elkaine’s live broadcast’ sa column para sa pangalan ng live broadcast room.Pagkatapos nito, kinumpleto niya ang paggawa ng live broadcast room niya at sinimulan ang unang online live broadcast ng buhay niya.Sa sandaling nagsimula ang live broadcast, naghanap si Elaine ng mga paraan para magdagdag ng shopping cart dahil pinanood niya ang live broadcast ni Hannah at alam niya na ang pinakamahalagang bagay sa isang live broadcast ay magbenta ng mga produkto. Kaya, dapat may shopping cart para makabenta ng mga produkto. Makakaorder lang ang mga consumer pagkatapos ma-post ng l
Pagkatapos magawa ng order, bumalik agad si Elaine sa live broadcast room niya at hinintay ang mga user.Basta’t nagastos ang pera, nandoon agad ang epekto.Di-nagtagal, ang bilang ng mga viewer sa live broadcast room niya ay nagbago mula sa zero at naging one.Sa sandaling ito, nanabik nang sobra si Elaine at sinabi nang nagmamadali, “Oh, maligayang pagdating sa live broadcast room ko!”Naglagay ng comment ang kabila. “Pfft.”Pagkatapos nito, umalis agad siya sa live broadcast room.Nang makita ni Elaine na umalis ang unang viewer niya pagkatapos mag-iwan ng isang salita, sinabi niya nang galit, “Anong ‘Pfft’? Wala ka talagang alam, hindi ba?!”Sa sandaling natapos siyang magsalita, isa pang viewer ang pumasok. Mabilis na itinabi ni Elaine ang galit na ekspresyon niya at sinabi nang nakangiti, “Maligayang pagdating, bagong…”Bumalik sa zero ang dami ng mga viewer sa live broadcast room pagkatapos niyang sabihin ang dalawang salita.Pagkatapos, sunod-sunod na tao ang pumasok.
Halos nagwala na si Elaine nang makita niya ang system prompt!Hinding-hindi niya inaasahan na ganito kababa magsisimula ang kanyang live broadcast!Nasaktan nang sobra ang kanyang pagpuri sa sarili dahil dito.Nagalit siya nang sobra sa punto na tinawagan niya nang direkta ang customer service ng short video platform, at pagkatapos ay sinabi ng customer service consultant, “Hello, anong maitutulong ko?”Sinabi agad nang galit ni Elaine, “Bakit mo pinagbawalan ang live broadcast room ko?! Sinong nagbigay sayo ng karapatan na gawin ito?! Naniniwala ka ba na tatawagan ko ang pulis ngayon din?!”Mabilis na pinagaan ng customer service consultant ang kalooban niya, “Hello, mangyaring kumalma ka muna. Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit ka na-ban?”Sinabi nang galit ni Elaine, “Biglang lumitaw ang isang prompt, sinasabi na ininsulto ko ang iba. Ano ang ibig sabihin nito?”Tinanong nang magalang ng customer service consultant, “Madam, mangyaring ibigay mo sa akin ang platform ID
Nagalit nang sobra si Elaine sa kabila sa punto na naramdaman niyang dumaloy nang mabilis ang dugo sa ulo niya sa isang iglap. Nakaramdam siya ng ugong sa ulo niya. Nanginig ang mga kamay niya dahil sa sobrang galit at hinaing, at nanginig din ang itaas at ibabang ngipin niya, gumawa ito ng nagngangalit na tunog.Sa hindi inaasahan, nagsalita ulit ang customer service consultant at sinabi, “Madam, paano kung ganito? Kahit na mali nga para sayo na magmura, naiintindihan ko ang nararamdaman mo kahit papaano. Para makabawi sa masamang karanasan mo,, kaya kitang bigyan ng isang coupon na five-dollar discount kapag gumastos ka ng mahigit two thousand dollars. Ipinadala na ang coupon na ito sa account mo. Pwede mo itong gamitin kung gagawa ka ng mga promotional order sa susunod basta’t hindi lalampas sa two thousand dollars ang laki ng isang transaksyon.”Hindi na nakapagpigil si Elaine sa sandaling ito, at nanginig nang galit ang buong katawan niya na parang isang pagsabog ng bulkan haban