Tinakpan ni Amily ang kanyang mukha, tiniis ang matinding sakit, at sinabi nang galit, “Sinisiraan kita?! Sa tingin mo ba ay wala akong ebidensya?!”Habang nagsasalita siya, nilabas niya agad ang kanyang cellphone, hinanap ang chat history nila ni Madien, at nahanap ang maraming litrato ni Clairen a palihim niyang kinuha. Pagkatapos ay sinabi niya kina Charlie at Kathleen, “Mr. Wade at Miss Fox, pwede niyong tingnan kung anong oras ipinadala ang mga litratong ito. Ang pinakamaaga ay isang buwan na ang nakalipas, at kakikilala ko lang kay Claire sa master class sa sandaling iyon. Nahulog din si Madien kay Claire sa oras na iyon!”Sinabi nang kinakabahan ni Madien, “Pinadala mo sa akin ang mga litrato na iyon, kaya paano mo nasabi na nagustuhan ko si Miss Wilson?!”Sinabi nang malamig ni Amily, “Hindi ka aamin, hindi ba? Nandito ang chat history natin, kaya makikita nina Mr. Wade at Miss Fox kung paano ka sumagot sa akin!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya kay Kathleen at sinab
Tumingin si Kathleen kay Amily at sinabi nang may kaunting ngiti, “Tigilan mo na ang pangangarap mo nang gising. Hindi ka niya mabibigyan ng kahit isang US dollar, lalo na ang 100 million US dollars.”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Amily, “Bakit? Papupuntahin ko siya sa presinto kung hindi niya ito ibibigay sa akin!”Tumingin si Madien kay Kathleen nang natataranta at ipinaliwanag, “Miss Fox, huwag mo akong masamain. Kahit kailan ay hindi ko ginawa ang mga bagay na binanggit ni Amily, pero pinangako ko lang ang pera sa kanya dahil ayokong lumabas siya at sirain ang reputasyon ko…”Ngumisi si Kathleen sa pangit na palusot na ito at sinabi nang magaan, “Mr. Peterson, huwag mong kalimutan na ang pamilya Fox ang pinakamalaking shareholder sa kumpanya mo. Ang paggamit ng posisyon mo bilang chairman ng kumpanya para palakihin ang bulsa mo ay isang korupsyon, at pinaghihinalaan ka rin ng money laundering. Ang nilabag mo ay ang interes ng lahat ng shareholder ng kumpanya mo, kasama na ang
Hindi inaasahan ni Madien na ang dalaga at nakangiting si Kathleen ay magiging isang bangungot na gustong itulak sa bangin!Gayunpaman, naisip niya ang dahilan para dito.Noon pa man, ang maling paggamit ng pondo ng kumpanya ay ang pinaka-nakakadiri para sa mga shareholders ng malalaking corporate group.Kahit na maraming hawak na shares ang mga shareholder, karaniwan na hindi sila direktang nakikialam sa operasyon ng kumpanya. Ang operasyon ng kumpanya ay karaniwang ipinapasa sa founder ng shares na may maliit na porsyento.Pareho ang maraming kilala at malalaking kumpanya sa mundong ito.Kung ang kumpanya ay orihinal na may net profit na 500 million US dollars, pagkatapos ng paglaan ng budget sa susunod na taon, kung may nais kumuha ng natitirang pera, ito ay upang bigyan ang lahat ng shareholders ng proporsyonal na bahagi ng dibidendo.Pero, kahit na si Madien ang founder ng kumpanya, naghahanap siya palagi ng financing para sa paglago at pag-unlad ng kumpanya, at sa huli ay n
Nasa labas ang kanyang driver, at nasa airport ang kanyang private jet. Basta't makakalabas siya sa pintuan ng auditorium na ito, makakarating siya sa airport sa loob ng kalahating oras.Basta't makakasakay siya sa eroplano, siguradong makakaalis siya sa United States ngayong gabi. Basta't makakaalis siya sa United States, mapapanatili niya ang karamihan sa kanyang mga ari-arian habang pinapanatili ang kanyang personal na kalayaan.Kung hindi siya makakasakay sa eroplano, mawawala sa kanya ang mga ari-arian at kalayaan niya!Nang biglang nagpasya si Madien na tumakas, hindi agad nakareact si Kathleen. Habang iniisip na ni Madien na makakatakas na siya, bigla niyang naramdaman na tumigil ang kanyang katawan sa isang saglit, at nanigas ang kanyang buong katawan. Agad siyang nasakal, at hindi siya makagalaw.Luminong siya nang hindi namamalayan at nalaman na si Charlie ang sumunggab sa kanyang kwelyo.Ngumiti si Charlie at sinabi, “Mr. Peterson, saan ka pupunta at nagmamadali ka nang
Yumuko nang magalang si Jarvis at sinabi, “Master Wade, walang anuman. Trabaho ko ito.”Sinabi ni Kathleen kay Jarvis, “Master Yant, bantayan mo si Madien at siguraduhin na ikaw mismo ang magbibigay sa kanya sa FBI.”Tumingin si Claire kay Amily sa sandaling ito at may gusto siyang sabihin, pero nag-alangan siya nang matagal at sa huli ay hindi nagsalita.Nakita ni Charlie ang kilos ni Claire at alam niya na parang naaawa siya kay Amily.Pero, nang makita niya na hindi pa rin nagsalita si Claire sa huli, kumilos siya na parang hindi niya ito napansin.Nang dumating ang tatlo sa banquet hall, agad na nakuha ni Kathleen ang atensyon ng napakaraming tao. Kaya, naghanap na lang ang tatlo ng isang bakanteng sulok at umupo pansamantala.Pagkatapos umupo, tiningnan ni Kathleen si Claire, na katabi ni Charlie, at sinabi nang medyo nahihiya, “Claire, binabati kita sa graduation mo at matagumpay na pagtatapos ng pag-aaral mo! Talagang humihingi ako ng paumanhin sa nangyari dati. Marami tal
Dahil, noong hinahabol si Kathleen ng tito niya, siya ang tumulong sa kanya na ayusin ang kanyang Feng Shui at lumaban para mabawi ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Fox.Sa ganitong batayan, makatwiran na paliwanag pa rin ito kung bakit napakagalang ni Kathleen sa kanya.Ilang minuto ang lumipas, lumapag ang helicopter ng FBI sa plaza sa labas ng auditorium. Ilang mga agent ng FBI na nakasuot na may suot na salaman ang nagmamadaling pumasok sa lugar at kumuha kay Madien, na binabantayan ni Jarvis.Tuluyan nang sumuko si Madien at hindi na naglaban habang nilagay siya ng dalawang FBI agent sa helicopter.Maraming tao ang nagulat nang makita siyang dinadala ng FBI, at sa parehong oras, hindi nila napigilang magbulungan habang sinusubukang alamin kung bakit kinuha ng fbi ang isang big shot na ito sa design industry .Pinanuod ni Jarvis ang pag-alis ng helicopter bago siya bumalik sa loob para mag-ulat kay Kathleen.Pagkatapos itong marinig, bahagyang ngumiti si Kathleen, at pagk
Nang marinig ng matipunong lalaki na sinabi ni Vera na gusto niyang makipagkita sa kanilang amo, agad kumunot ang noo niya at tinanong nang malamig, “Sino ka?!”Sinabi ni Vera nang walang bahala, “Sinabi ko na sayo, ako si Vera Lavor. Hindi mo kailangang magtanong ng napakaraming tanong. Alam kong mahigpit ang seguridad dito, at alam kong maraming baril ang nakatutok sa akin mula sa bawat direksyon. Nandito lang ako ngayon para bumisita, kaya kailangan mo lang ipasa ang mensahe, at natural na lalabas ang amo mo para makipagkita sa akin sa personal.”Galit na sinabi ng matipunong lalaki, “Dalaga, baliw ka siguro! Alam mo ba kung sino ang nakatira dito?!”Tumaas ang kilay ni Vera nang hindi sinasadya pero sinabi sa kalmadong tono, “Hindi mo kailangang mag-aksaya ng oras sa pagsasalita sa harap ko. Kailangan mo lang ipasa ang mensahe para sa akin. Ang pangalan ko, Vera Lavor, ay hindi lason o bomba, at hindi ito makakaapekto sa tungkulin mo na protektahan siya, pero kung maantala mo an
Pagkatapos lang makapasok sa gate na ito makikita na sobrang laki ng loob ng courtyard na ito.Ang courtyard na maayos na sementado ng mga emerald stone ay may sukat na libu-libong metro kuwadrado.Inihatid ng matandang lalaki si Vera hanggang sa kanyang study room at pagkatapos ay inutusan ang lahat na umalis sa study room at manatili sa layong limampung metro. Kaya, ang lahat ng mga miyembro ng pamilya at mga katulong ay umatras sa likod ng bahay.Sa study room, inimbitahan ng matanda si Vera na umupo sa Lexington chair nang magalang bago niya tinanong, “Miss, saan ka nanggaling? Bakit hindi mo ako pinaalalahanan nang maaga para maayos ko na may sumundo sayo?!”Sinabi ni Vera nang walang bahala, “Medyo magulo ang paglalakbay ko. Nagsimula ako mula sa Northern Europe at pagkatapos ay dumating sa Murmansk sa Russia sa pamamagitan ng bangka. Pagkatapos nito, lumipat ako sa lupa mula Murmansk at sumakay ng kotse at tren papunta sa Moscow bago ako sumakay ng eroplano mula sa Moscow pa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl