Nang marinig ito ni Colin, sumikip ang puso niya, at hindi niya mapigilan na tumawa nang hindi sadya at sinabi, “Mr. Wade, magaling ka talaga magbiro. Hindi ba’t gusto mong makipag negosasyon sa amin? Hindi palabiro ang boss namin tulad mo, kaya baka seryosohin niya ang mga sinasabi mo.”Si Juarez, na nasa gilid, ay nakatingin kay Charlie habang may malamig na ekspresyon.Kahit na hindi siya pumasok sa paaralan o natutunan ang kahit anong ibang lenggwahe, sobrang lapit pa rin ng Mexico sa United States. Tumira na rin si Juarez kasama ang mga Amerikano, kaya tulad ng karamihan sa mga Mehikano, naiintindihan niya rin ang ilang Ingles.Kaya, naintindihan niya agad ang sinabi ni Charlie sa Ingles.Pagkatapos, hindi niya mapigilan na tumingin agad kay Charlie, at nakita niya rin ang sulyap ng nakamamatay na layunin sa mga mata ni Charlie sa sandaling iyon.Dahil, matagal nang nasa larangan na ito si Juarez, at marami na siyang karanasan. Nakikita niya sa isang tingin kapag may nakamama
“Letse! Sa kanluran! Magpaputok! Ahh!!!”Nagulat si Juarez nang marinig niya ang kaguluhan sa labas.Naririnig niya sa mga boses na napapalibutan ang mga tauhan niya at binabaril sila. Hindi lang na sinorpresa sila ng kalaban, ngunit nalugi sila nang sobra.Nang maisip ni Juarez na ang mga tauhan sa labas ay ang pundasyon para sa buhay niya, para kumita siya ng pera, pero pinupuksa sila ng mga hindi kilalang kalaban, nakaramdam siya ng sobrang desperasyon sa mabilis na pagkawala ng mga asset niya.Kaya, tinutok niya nang galit kay Charlie ang pistol niya at sinigaw nang parang baliw, “Sabihan mo ang mga tauhan mo na tumigil agad, kung hindi, babarilin kita!”Ngumisi si Charlie at biglang umatake nang napakabilis.Bago pa magkaroon ng reaksyon si Juarez, nasunggaban na ni Charlie ang kanang pulso niya na may hawak sa pistol, bigla itong pinaikot pababa nang puwersahan.Umiko ang braso ni Juarez sa 180-degree na angulo kasama ang isang lagatak, at ang likod ng kamay niya at ang pu
Natakot na nang sobra si Juarez sa puntong ito!Matagal na niyang narinig ang dakilang pangalan na ‘Ten Thousand Armies’.Kahit na umabante ang pinakamalakas na sindikato sa Mexico, imposible pa rin para sa kanila na matapatan ang Ten Thousand Armies dahil ang lahat ng miyembro ng Ten Thousand Armies ay mga elite na sundalo na sinanay nang mahusay, at marami ring top martial arts expert sa kanila.May panahon pa kung saan ang lahat ng boss ng mga top criminal syndicate sa Mexico ay ginawang role model ang Ten Thousand Armies.Walang kahit isa sa kanila ang hindi umaasa na magkaroon din ng isang makapangyarihan na mercenary team tulad ng Ten Thousand Armies.Pero, alam din nila na masyadong malayo ang sarili nilang lakas kumpara sa Ten Thousand Armies, at imposible para sa kanila na matapatan ang lakas ng Ten Thousand Armies.Bilang resulta, nag-alok ng sobrang mapagbigay na presyo at naging mapagpakumbaba ang mga boss ng maraming sindikato dahil umaasa sila na maimbita ang mga ma
Nasira agad ang emosyon niya dahil sa hindi makontrol na sakit at sumigaw siya nang malakas.Tumingin lang si Charlie sa kanya at sinabi nang malamig, “Kung gagawin mo ulit ang ingay na iyan na parang isang baboy, ipapabali ko rin ang bagay na nasa pantalon mo!”Nang marinig ito ni Juarez, nanginig siya sa takot at pinuwersa ang sarili niya na itikom ang bibig niya.Tumingin si Charlie sa kanya at nagpatuloy, “Tatanungin ulit kita, sayo ba ang mga produkto na nasa kamay ni Martha?”Tiniis ni Juarez ang matinding sakit sa sandaling ito, at patuloy na tumutulo ang mga malalaking patay ng pawis sa pisngi niya at naging isang daloy pa ito sa baba niya.Para mapanatili ang sarili niyang buhay, umamin na lang siya, “Oo… Sa akin ito…”Tumango si Charlie at tinanong siya ulit, “Tatanungin ulit kita. Ang mga tao ba na niloko ni Martha na magtrabaho sa Mexico mula sa United States ay dinala dito para kunin mo ang mga organ nila bago sila patayin?”Ang unang naisip ni Juarez ay tanggihan i
Si Colin, na binaril ng apat na beses, ay biglang bumagsak sa sahig dahil bumagsak na ang mga bukong-bukong niya.Gusto niyang gamitin ang mga kamay niya para suportahan ang nahulog na katawan niya, pero nakalimutan niya na wala na siyang mga kamay sa sandaling iyon, at ang mga kamay niya ay dalawang madugong buto na lang.Kaya, nang ginamit niya ang mga baling pulso niya para suportahan ang nahuhulog na katawan niya, nagsanhi ng malakas na epekto at sakit ang malakas na gravity sa mga sugat niya sa dalawang pulso, at nagmukha siyang isang isda na kakahuli lang. Bumagsak siya nang matindi sa sahig at sumigaw nang desperado sa sakita.Maraming dugo ang tumalsik kung saan-saan dahil nagpupumiglas siya nang marahas.Si Lionel, na nasa tabi niya, ay nakatayo nang malapit kay Colin, ay tumalsik sa buong mukha niya ang dugo ni Colin. Natakot siya nang sobra sa punto na nanlambot ang mga binti niya, at hindi niya nakontrol ang pagluhod niya sa sahig.Kahit na nakaramdam si Colin ng hindi
Kahit na hindi maituturing na namumukod-tanging tao ang mga anak niya, dahil sa mataas na per capita na educational resources sa mga bansa sa Kanluran at dahil sa abilidad ni Colin sa pagkita ng pera, ang bawat isa sa kanila ay tagumpay na nakapagtapos sa unibersidad.Ayon sa sinabi ni Charlie kanina lang, kailangan magtrabaho ng tatlong anak ni Colin sa Syria sa buong buhay nila para bayaran ang utang ng dugo para kay Colin.Hindi matiis ni Colin na hilahin pababa ang tatlong anak niya, kaya umiyak siya at nagmakaawa kay Charlie, ‘Mr. Wade, kasalanan ko ang lahat ng ito, at wala itong kinalaman sa pamilya ko. Hindi ako magkakaroon ng kahit anong reklamo kahit na patayin mo ako, pero hinihiling ko lang na pakawalan mo sana ang pamilya ko!”Ngumisi si Charlie at tinanong siya, “Narinig mo na ba ang tungkol kina Martha at Jose?”Umiling si Colin sa pagkalito.Simula noong may nangyari kay Elaine, naglaho ang dalawang ito sa hangin, at hindi sila matawagan ni Colin.Pero, alam din n
Hindi inaasahan ni Colin na mag-iisip ng ganitong tactic si Charlie.Hindi lang na iiklit ang sarili niyang buhay, ngunit kahit ang tatlong anak niya ay hindi malalaman ang totoo sa buong buhay nila. Paano nila matatakasan ang panghahabol ng Ten Thousand Armies?Kahit ang apong lalaki niya ay hindi pagbibigyan. Sa sandaling napahiya ang apo niya at punahin para sa ginawa niya, siguradong kamumuhian siya nang sobra ng apo niya.Sa ganitong paraan, mapuputol nang tuluyan ang lahi ng pamilya niya!Nang maisip ito ni Colin, natakot siya. Umiyak siya at nagmakaawa kay Charlie, “Mr. Wade, hindi mo ito pwedeng gawin. Mr. Wade, kukunin ko ang responsibilidad para sa mga ginawa ko. Kahit na gusto mong parusahan ang mga anak ko para sa akin, hindi mo pwedeng puntiryahin ang isang bata tulad nito, tama?!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit ko siya pupuntiryahin? Nilalabas ko lang ang ginawa ng lolo niya. May mali ba? Hindi ka natatakot kahit na ginawa mo na ang napakaraming mapangahas na b
Tumawa si Charlie at sinabi, “Walang ibang mapupuntahan si Martha bukod sa Mexico! Martha, oh, Martha, sa wakas ay nandito ka na!”Pagkasabi nito, tinanong niya ang sundalo mula sa Ten Thousand Armies, “Kumusta na ang paglilinis sa labas?”Sumagot nang nagmamadali ang lalaki, “Mr. Wade, nililinis na namin ang lugar ng laban bago pumasok ang lord namin. Nilagay na sa walang laman na kwarto sa taas ang mga bangkay na iyon, at naghuhukay na ng lupa ang mga sundalo namin sa loob at labas ng courtyard para itago ang mga bangkay. Malakas ang hangin ngayong gabi, kaya mabilis na nawala ang amoy ng dugo.”“Magaling.” Tumango si Charlie at sinabi, “Pagkatapos pumasok ng kotse, arestuhin niyo sila nang direkta at dalhin niyo sila sa akin!”Sinabi agad nang magalang ng sundalo, “Masusunod, Mr. Wade!”***Samantala, sa silangan na pasukan ng Mexican village na ito.Habang minamaneho ni Kyler ang kotse papasok sa nayon, sila Martha, Jose, at Heather, na nagpanggap bilang asawa ni Kyler, ay s
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl