Tinanong siya ni Charlie, “Paano mo nalaman na ang Sally Hoffstead na iyon, na gumagamit ng pekeng pagkakakilanlan dati, ay ang kasalukuyang Martha Yorker?”Sinabi ni Porter, “Mr. Wade, nakahanap ako ng outdoor surveillance video sa Providence, inayos ang isang high-definition na litrato ni Martha, at nilagay ito sa intelligence network ng Ten Thousand Armies. May isang informant na nagbigay ng impormasyon sa amin. Ang informant ay ang smuggler na nagdala kay Martha sa United States, at tinago niya ang impormasyon ng pagkakakilanlan ng lahat ng taong ipinadala niya sa mga nagdaang taon.”Tinanong ni Charlie, “Ano na ang totoong pagkakakilanlan ngayon ni Martha?”Ipinaliwanag ni Porter, “Ang totoong pagkakakilanlan niya ay isang tao na may self-employed na umaasa sa investment immigration para makakuha ng green card sa United States. Nag-invest siya ng one million US dollars sa isang regional center noong mga 2010, na inaprubahan ng United States Immigration Service gamit ang EB-5 in
Samantala, kagigising lang ni Martha sa kotse.Nagpalitan sina Jalen at Kyler sa pagmamaneho sa gabi, at isang libong kilometro pa lang ang inabot nila. Ngayon, may mahigit dalawang libong kilometro pa ang layo nila mula sa border ng United States at Mexico.Ayon sa plano ni Martha, gusto niya na magneho ang dalawang lalaki hanggang sa El Paso, Texas, at pumasok sa Mexico sa lupa.Si Martha, na natutulog sa maalog na kotse buong gabi, ay medyo nakatulala pa rin dahil hindi siya nakatulog nang maayos.Bigla niyang naalala noong una siyang pumunta sa United States.Sa unang dalawang taon ng pagdating niya sa United States, kahit na gumamit siya ng pekeng pagkakakilanlan, nagsumikap talaga siya at naging tapat.Kahit na ang perang kinikita niya sa oras na iyon ay malayo pa sa mayaman sa United States, dahil nagtatrabaho siya bilang isang nanny, ang employer na niya ang bahala sa tutuluyan at pagkain niya. Kaya, ang lahat ng pera na kinita niya ay pwedeng ipadala sa bahay niya, at ma
Sa sandaling iyon, lampas sa lokal na market price ang transaksyon na iyon, at sa una ay napanghinaan ng loob ang mga bibili sa mataas na presyo.Pero, sobrang talino ni Martha.Nakikita niya na desperado ang mag-asawa na magkaroon ng anak, at nakita niya rin na medyo kamukha ng lalaki ang isang linggong gulang na sanggol. Kaya, inilarawan niya ang hitsura ng bata sa mag-asawa ayon sa mga katangian sa mukha ng bata, sinasabi na lalaki ang bata na kamukha ang lalaki.Bukod dito, hinatak din ng madiskarteng si Martha ang pinakamalaking sakit at pag-asa ng mag-asawa; dahil sa pagkakahawig nila, basta’t dadalhin nila ang bata para tumira sa ibang lugar, walang maghihinala na binili ang bata kapag lumaki siya. Kahit na ibalik nila ang bata sa bayan nila sa Oskia makalipas ang tatlo o limang taon, walang maghihinala na hindi nila ito anak.Bukod dito, sinabi rin ni Martha sa mag-asawa na hindi tulad sa ampon na anak, ang bata na dinala niya ay wala pang isang linggo at wala siyang kahit
Sa sandaling iyon, bigla siyang tinawagan ng panganay na anak niya. Sa sandaling kumonekta ang tawag, tinanong niya sa nambobolang paraan sa kabilang dulo ng linya, “Ma, gising ka na ba?”Sinabi nang walang bahala ni Martha, “Nagising ako ng tawag kahit na hindi pa ako gising, kaya magsalita ka at sabihin mo ang gusto mong sabihin.”Humagikgik ang panganay na anak niya at sinabi nang nagmamadali, “Ma, naaalala mo ba si Saul, ang nakatira sa tabi ng bahay natin?”“Oo.” Tinanong siya ni Martha, “Anong mayroon sa kanya?”Tumawa nang nag-aatubili ang panganay na anak niya at sinabi, “Ah, walang mali sa kanya. Ano lang… Ano lang…”Sinabi nang malamig ni Martha, “Magsalita ka kung may sasabihin ka. Kung hindi mo alam kung paano ito sabihin, ibababa ko na ang tawag.”Sinabi nang nagmamadali ng panganay na anak niya, “Huwag! Huwag mong ibaba! Ma, sasabihin ko sayo ang totoo. Nabuntis ko ang anak ni Saul, at mahigit tatlong buwan na ito. Sinabi ko na bibigyan ko ang anak niya ng 100 thous
Nabigyan ng lakas at pag-asa ang panganay na anak ni Martha dahil sa mga sinabi niya.Ang panganay na anak niya, na nasa kabilang dulo ng linya, ay hindi naitago ang pananabik niya at sinabi, “Ma, gumaan talaga ang pakiramdam ko nang marinig kong sinabi mo ito!”Suminghal nang malamig si Martha at sinabi, “May sasabihin ako sayo, tigilan mo na ang pagloloko mo sa labas sa hinaharap .Lalo na sa mga tao tulad ng mga anak ni Saul! Masyadong mababa ang antas nila!”Tinanong nang nagmamadali ng panganay na anak niya, “Ma, anong ibig mong sabihin na masyadong mababa ang antas nila? Ano ito? Hindi ko maintindihan!”Sumama ang loob ni Martha dahil hindi abot sa inaasahan niya ang panganay na anak niya at sinabi, “Sinabi ko na sayo na mag-aral ka nang mabuti! Mahigit dalawampung taon na akong wala sa bahay, pero hindi mo man lang alam kung ano ang antas. Walang kwenta ka talaga!”Tumawa ang panganay na anak niya at sinabi, “Sinasabi ng mga tao na may sobrang yin kaya nagkakaroon ng kakulan
Nabigla si Jalen at sinabi nang hindi akma, “Martha, hindi ito kasing sama tulad ng sinasabi mo…”Sinabi ni Martha nang walang ekspresyon, “Hindi ko alam kung may ganitong kasamaan ba o hindi. Sinasabi ng mga tao na hindi mo dapat ilagay ang lahat ng itlog mo sa isang basket, pero ang pangunahing punto ay hindi pwede na may isang itlog ka lang. Kung may sapat na itlog ka, mapapagod din ang Diyos kung babasagin niya sila isa-isa. At saka, magiging manhid din siya at mawawalan ng pakialam kung sobrang dami na niyang sinira na itlog, at marahil ay tumigil siya sa sandaling iyon.”Nagulat ang tatlo nang marinig ito.Hindi sila nangahas na isipin na ang mga anak at apo talaga ang tinutukoy ni Martha habang binabanggit niya ang mga itlog na ito.Ang ibig sabihin ay kahit na isa-isang kolektahin ng Diyos ang mga anak at apo niya, mapapagod din siya. Kung mas marami siyang kokolektahin, baka hindi niya mapansin ang isa o dalawa at hindi sila galawin.Hindi isinapuso ni Martha ang pagkagul
Si Danny, na mahigit 200 pounds, ay hinding-hindi inaakala na hahanapin siya ng pulis balang araw.Noon pa man ay pakiramdam na ni Danny na ang kanyang ina ay isang tao na may magaling na abilidad. Kaya niyang kumita ng maraming pera sa United States, at kailangan niya lang ipagpalit ang US dollars sa Oskian dollars sa Oskia at pagkatapos ay ma-enjoy ang kasaganaan at kayamanan.Hindi na siya nag-abalang mag-alala kung galaing ba sa tamang paraan ang pera ng kanyang ina o kung iligal o isang krimen ba ang pribadong pakikipagpalitan nila ng foreign currency.Kaya, tinanong niya ang pulis habang may nasorpresang ekspresyon, “Ano ang ibig mong sabihin dito? Ano ang ibig mong sabihin nang sinabi mo na pinaghihinalaan ako ng money laundering? Anong pera ang iligal?”Sinabi nang malamig ng pulis, “May sapat na ebidensya kami para patunayan na ang lahat ng asset mo at ng kapatid mo ay mga iligal na nakuha gamit ang iligal na currency exchange! May ebidensya rin kami para patunayan na nagp
Sa sandaling narinig ng unang manugang na babae na marahil ay makulong siya, natakot siya nang sobra.May mahinang pagkatao ang pangalawang manugang na babae. Kaya, nang marinig niya ito, natakot siya nang sobra habang bumagsak siya sa sahig.Nawala rin ang matalas na ugali ng unang manugang na babae kanina at mabilis na umiyak habang tinanong ang pulis, “Kung gano’n, ano na ang gagawin namin ngayon? Inaresto mo ang lahat ng lalaki sa pamilya namin, kaya dapat bang maghintay kami ng mga anak namin na mamatay?!”Sinabi agad ng pulis, “Huwag kang mag-alala. Ipapaalam ko agad sa neighborhood committee na bigyang atensyon ang sitwasyon mo para hindi mo kailangan magkaroon ng kahit anong pangangailangan sa buhay mo. Siguradong tutulungan ka ng neighborhood committee na lutasin ang problema mo, pero tulad ng sinabi ko, dapat maintindihan mo muna kung ano ang legal at illegal. May tatlong suspect na sa pamilya mo, kaya huwag mong itulak ang sarili mo sa daan ng paglabag sa batas!”Pagkata
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl