Pagkasabi nito, inabot niya ang kanyang kamay at tinuro ang maliit na kahon sa kamay ni Marianne habang inutos, “Miss Long, mas mabuti na itabi mo ang pill na ito. Sobrang laki ng halaga ng pill na ito, kaya subukan mo na huwag ipaalam sa iba ang tungkol dito.”“Okay…” Tumango si Marianne at itinabi nang ligtas ang maliit nak ahon. Pagkatapos ay biglang may naalala siya at nagmamadaling tinanong si Kathleen, “Siya nga pala, Miss Fox, bakit sobrang dami mong alam tungkol kay Charlie? Mukhang sobrang kilala mo siya.”Ngumiti si Kathleen na parang pinapahiya ang sairli niya at sinabi, “Palihim ko siyang inimbestigahan noong nasa Aurous Hill ako bago ito, at kasama na ang ilang pangangatwiran ko, maraming bagay ang nalaman ko.”Hindi maiwasan ni Marianne na sabihin, “Miss Fox, matalino ka talaga! Hindi ko ito maiisip kung ako iyon…”“Matalino…” Ngumiti si Kathleen at umiling. “Walang saysay ang pagiging sobrang talino.”Pagkasabi nito, biglang nanigas ang ekspresyon ni Kathleen, tila
Pagkatapos bilhin ni Charlie ang cellphone case, mukhang natapos na ang palabas na kaugnay sa cellphone. Pero, hindi pa rin maintindihan ni Charlie kung bakit iiyak si Marianne dahil sa cellphone niya.Sa sandaling ito, nagpakita ng sobrang gandang pakikitungo ng mga vendor sa food street at pinuno ang lamesa ng iba’t ibang masasarap na pagkain.Kaya, nilampasan na ng tatlo ang nangyari at nag-usap sila habang kumakain.Sa kalagitnaan ng pagkain nila, tumingin si Marianne kay Charlie at tinanong, “Mr. Wade, kailan ka babalik?”Kaswal na sinabi ni Charlie, “Bukas ng gabi. Nalutas na ba ng ama mo ang problema pagdating sa villa sa kabila? Kung ayos nai to, pwede akong bumalik bukas pagkatapos lumipat ng pamilya ni Uncle Janus.”Medyo nabigo si Marianne, at hindi niya mapigilan na itanong, “Mr. Wad,e hindi ka ba mananatili ng ilang araw pa sa Hong Kong?”“Hindi.” Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Hinihintay ako ng asawa ko sa United States, kaya hindi ko pwedeng patagalin
Minaneho ni Kathleen ang kotse palabas ng parking lot pagkatapos magpaalam, pero hindi nagmamadaling umalis si Marianne. Sa halip, binuksan niya ang kanyang cellphone at nag-type ng isang pangungusap, ‘Gaano karaming university ang mayroon sa Aurous Hill?’ sa search engine sa kanyang cellphone.Hindi matagal pagkatapos nito, naglabas ang search engine ng isang listahan ng lahat ng university sa Aurous Hill.Tiningnan ni Marianne ang listahan. Sa listahan, ang pinakamaganda at may pinakamalaking reputasyon ay ang Aurous University.Kaya, binuksan niya ang official website ng Aurous University at nakita niya ang recruitment page ng Aurous University.Binasa niya nang mabuti ang mga salita sa website at sa wakas ay nakita niya ang recruitment category na bagay para sa kanya.Ang kategorya ay tinatawag na Outstanding Talent Introduction Program.May dalawang panukala para sa talent introduction program na ito. Ang una ay para sa mga kilalang scholar na may tiyak na reputasyon sa buon
Samantala, sa Campbell Mansion.Ito ay isang lumang mansyon na matatagpuan sa Sham Shui Po sa Hong Kong, at ang totoong nagagamit na lugar para sa mansyon na ito ay mahigit 30 square meters lang.Sa Hong Kong, kung saan ang bawat pulgada ng lupa ay mahal, kaunting tao lang ang mayroong bahay na mahigit 30 square meters.Dati, sa Kowloon Walled City, maraming pamilya na may lima, pito, o walong miyembro ng pamilya ang nagsisiksikan sa isang maliit na kwarto na wala pang 10 square meters. Kung ikukumpara, ang mansyon na ito sa Sham Shui Po na pagmamay-ari ng pamilya Campbell ay maituturing na nakatakas na sa iskwater.Lumaki dito si Janus noong bata pa siya. Noong nagkaroon ng pera ang kanyang ama sa pagbebenta ng roast goose, lumipat ang pamilya nila sa masiglang sentro ng siyudad sa Hong Kong.Pagkatapos, naging kilalang professional manager si Janus sa Hong Kong, at kumita rin siya ng malaki noong tinulungan niyang kumita ng maraming pera si Shawn. Nagbago na rin ang bahay ng pam
Tumanggi nang nagmamadali si Daryl at sinabi, “Janus, pinaghirapan na pera mo ito! Paano ko ito matatanggap? At saka, medyo maayos na ang sahod ko ngayon, at hindi ko na kailangan ng tulong para bayaran ang mga gamot sa hinaharap dahil gumaling na si Mama. Pwede mong gamitin ang pera na ito para sa sarili mo!”Ngumiti si Janus at sinabi, “Makakabili ka lang ng isang kotse gamit ang napakaliit na pera sa Hong Kong. Hindi ako gano’n kagaling, at may mga limitadong abilidad ako. Pwede mong tanggapin ang perang ito nang walang pag-aalala. Mag-isa lang ako, at hindi ko kailangan masyado ng pera, kaya walang saysay ang pera na ito para sa sarili ko. Kung tinitingala ako ni Young Master Wade, magiging kuntento na ako kahit na pagkain at tirahan ang ibigay niya sa akin. Kung wala na akong saysay kay Young Master Wade, magtatayo na lang ako ng isang roast goose restaurant sa Sham Shui Po, at hihingi ng ilang kapital sayo pagdating ng oras. Pwede mo itong tratuhin na tinatago mo muna ang pera n
Medyo nalito si Janus, pero sinabi niya pa rin nang sobrang galang, “Mr. Long, hindi mo na talaga kailangan bumawi sa akin. Hindi kita sinisi mula sa umpisa hanggang sa huli. Sobrang kuntento na ako na hinayaan mo akong bumalik at makasama ang pamilya ko!”Tumalikod si Shawn at inabot ang kanyang kamay kay Jenna, na nasa tabi niya.Nagmamadaling nilabas ni Jenna ang isang dokumento mula sa kanyang Hermes handbag at binigay ito kay Shawn.Pagkatapos ay kinuha ni Shawn ang dokumento at sinabi kay Janus sa nambobolang paraan, “Janus, ito ang titulo para sa Halbert Mansion na nasa tabi ng villa ko. Binili ko ito kaninang hapon, at simula ngayon, sa iyo na ang ari-arian na ito. Maliit na tanda lang ito mula sa akin!”Tumingin si Janus kay Shawn sa pagtataka. Ang unang naisip niya ay wala talagang dahilan si Shawn para gawin ito.Una sa lahat, sobrang labo para kay Shawn na bayaran siya.Pangalawa, kahit na gusto talaga siyang bayaran ni Shawn, hindi kailangan ni Shawn na bilhin ang vi
Sa una ay naisip ni Shawn na i-alok ang villa na ito kapalit ang isang pabor.Dahil, daang-daang milyong Hong Kong dollars din ang halaga nito, kung magiging barya ito at itatapon sa karagatan, medyo aangat ang sea level. Kaya, hindi niya dapat ibigay ang villa na ito kay Janus nang gano’n lang.Pero, matalinong tao si Janus, at nakita niya ito sa isang tingin. Kaya, nagbago agad ang kahulugan ng bagay na ito sa isang pangungusap lang.Kung tatanggapin ni Janus ang villa ngayon, hindi si Janus ang magkakaroon ng utang na loob sa kanya, sa halip, si Shawn ang magkakaroon ng utang na loob kay Janus.Sobrang linaw ng kahulugan sa mga sinabi ni Janus.Kahit na tanggapin niya ang villa, ito ay dahil gumagawa siya ng pabor kay Shawn.Kung hindi, magkakaroon ng malaking problema si Shawn kung hindi niya maipapaliwanag ang mga bagay-bagay kay Charlie.Nakumbinsi rin si Shawn. Alam niya na talo ang panig niya, kaya nagpasya siya na tanggapin na lang ito.Kaya, bumuntong hininga siya at
Naintindihan ng ina ni Janus kung ano ang nakasalalay dahil sa analohiya ni Janus. Gumaan din nang ganap ang kalooban niya para sa kaligtasan ng anak niya sa hinaharap.Huminga siya nang maluwag at siabi, “Kung gano’n, wala na akong kailangan alalahanin pa.”Habang sinasabi niya ito, tinanong niya nang medyo hindi sigurado, “Janus, lilipat ba talaga tayo buka sa villa na binigay ni Shawn?”Tumango si Janus at sinabi nang seryoso, “Syempre pupunta tayo. Ito ang pagsasaayos ni Young Master Wade, at kumikilos lang si Shan ayon sa utos ni Young Master Wade. Sa totoo lang, ang villa kung saan tayo lilipat bukas ay ang villa talaga na binigay ni Young Master Wade.”Pagkasabi nito, tumingin siya sa kanyang ina pati na rin sa mga nakababatang kapatid niya at sinabi, “Sobrang laki ng mga villa sa Steerlain Island. Siguradong sapat na ang laki nito para tirahan ng buong pamilya natin. Kaya, mag-impake na dapat ang lahat, at lilipat tayo doon bukas ng umaga.”Tumingin sa isa’t isa ang dalawa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl