Minaneho ni Elaine ang kahanga-hanga na Rolls-Royce Cullinan hanggang sa Harbour City sa Aurous Hill.Pagkatapos maingat na magmaneho sa underground parking lot na may mahigit isang dosenang kotse, sa wakas ay naparada na niya ang kotse. Pagkatapos ay pumunta siya sa first floor kasama si Hannah.Ang first floor ng Harbour City ay halos puo ng mga first-tier luxury brand.Sa kanila, kalahati ay brand ng mga damit at bag tulad ng LV at Gucci, habang ang kalahati ay mga brand ng alahas tulad ng Bvlgari at Cartier.Dinala ni Elaine si Hannah sa Bvlgari store sa sandaling dumating sila.Hindi naman sa mas maganda ang Bvlgari kumpara sa ibang brand, gusto lang ni Elaine ang pangalan ng ‘Bvlgari’, at naramdaman niya na maganda ito.Sa sandaling pumasok sila sa Bvlgari, dumiretso si Elaine sa counter sa gitna at umupo sa mataas na upuan sa harap ng counter habang sinampal niya ang susi ng Rolls-Royce sa lamesa gamit ang kanyang kanang kamay at nilagay ang Hermes na handbag na binigay sa
Pagkatapos itong sabihin, binaba niya ng tawag, humakbang sa harap ni Elaine, at ngumiti habang sinabi, “Madam, halika. Hayaan mong tulungan kitang subukan ito.”Tumango si Elaine at sinuot ang kuwintas sa tulong ng salesgirl. Pagkatapos nito, patuloy siyang tumingin sa salamin.Sobrang nipis ng price-performance ratio ng mga alahas sa malaking brand na ito. Hindi masyadong mahal ang 18K gold, at hindi rin masyadong mahal ang mga sirang dyamante. Kapag pinagsama ito, tantya na sapat na ang kaunting presyo nito para magawa ito.Pero, hindi price-performance ratio ang pinapahalagahan ni Elaine, ngunit ang reputation-price ratio.Ang tinatawag na price-performance ratio ay ang ratio sa pagitan ng ganda ng pagkakagawa at presyo. Para sa parehong presyo, mas maganda ang mas mataas na pagkakagawa.Para naman sa reputation-price ratio, ito ang ratio sa pagitan ng reputasyon at presyo ng produkto. Sa parehong presyo, kapag mas mataas ang reputasyon, mas importante ito. Kahit ang isang pur
Nalula agad si Elaine dahil sa sinabi ng salesgirl na nasa rurok ng mga noblewomen si Elaine.Naramdaman niya na ang mga salita ng salesgirl ay may isang uri ng chemical energy na kayang gumawa ng maraming dopamin na sumugod sa ulo mula sa kanyang tainga at gumawa ito ng isang chemical reaction.Sa madaling salita, nawala siya sa katinuan.Ang pakiramdam na ito ay parang isang binata na ngayon lang natutong manigarilyo at kinuha ang tuyo na tobacco ng kanyang tito at hinithit ito.Hindi lang ito pumunta sa ulo niya, ngunit nahilo rin siya nang kaunti.Hindi man lang maisara ni Elaine ang kanyang bibig sa sobrang tuwa. Tumingin siya sa salesgirl, at sa tuwing tinitingnan siya ni Elaine, mas nagugustuhan niya siya.Sobrang galing na ni Hannah sa papuri niya, at malinaw na maraming dekada na silang mag-hipag. Kaya rin siyang purihin ni Hannah sa tuwing gusto niya.Pero, kung ikukumpara ni Elaine kay Hannah ang salesgirl na nasa harap niya, siguradong matatalo si Hannah.Kaya, tuwa
Pero, nang maisip ni Elaine na inayos na ng salesgirl ang atmospera, hindi ba’t hindi niya magagampanan ang titulo bilang ‘nasa rurok ng mga noblewomen’ kung sasabihin niya na hindi niya ito kayang bilhin?Habang hindi mapakali si Elaine, nilagay ng salesgirl ang kayamanan ng store sa harap niya.Tiningnan ni Elaine ang price tag at biglang napabulalas, “Jusko! Seven, eight, eight, eight… Seven, sinundan ng anim na eight na walang decimal… 7.88 million dollars ito!”Nilabas ng salesgirl ang kuwintas, tumingin kay Elaine, at pagkatapos ay tumingin sa kuwintas bago umiling at sinabi, “Madam, bigla kong naramdaman na medyo mapurol ang kuwintas na ito sa harap mo.”Halos iiyak na si Elaine.‘Ang isang kuwintas na halos eight million dollars ay mukhang mapurol sa harap ng isang matandang babae na tulad ko?! Sa tingin mo ba ay kasing liwanag ko ang araw?!’Si Hannah, na nasa likod niya, ay nagulat din at sinabi, “Masyadong mahal ang kuwintas na ito! Eight million dollars… Kailangan mon
Si Hannah, na nasa tabi, ay napabulalas na sa gulat bago pa sumagot si Elaine.Sinabi niya, “Tanda ko na kahit kailan ay wala pang kahit anong discount sa brand niyo dati. Paano ito biglang naging mas mura ng 80 thousand?!”Ngumiti ang salesgirl at sinabi, “Madam, tama ka. Hindi pa kami nagkakaroon ng discount sa store nami. Ngayong araw lang ito, at ngayong araw lang talaga!”Naantig din si Elaine.Isang brand na kahit kailan ay hindi pa nagkakaroon ng discount ay mas mura na ngayon ng 80 thousand dollars. Malaking tawad ito!Tulad sa kasabihan, katangahan kung hindi niya sasamantalahin ang tawad.Kung hindi niya bibilhin ang kuwintas na ito, magigising siya nang nagsisisi sa gabi.Kaya, tahimik niyang binuksan ang cellphone niya at tiningnan ang account balance sa bank app niya. Mayroon siyang 362 thousand dollars na natitira sa bank account niya.Sa ilang araw na wala sina Charlie at Claire, hindi lang siya gumastos ng 80 thousand dollars sa beauty salon para sa isang super
Sinabi ng salesgirl, “20% ang cashback. Hindi ba’t bibilhin mo ang kuwintas na ito para sa halagang 360 thousand dollars? Ire-refund namin ang 20% ng pera sayo pagkatapos ng transaksyon, bale 72 thousand dollars.”“Jusko…” Sinabi ni Elaine, “Hindi ba’t ang ibig sabihin ay mabibili ko ang kuwintas na ito, na mahigit 480 thousand dollars, sa halagang mas mababa sa 300 thousand dollars pagkatapos kong sumali sa iba’t ibang aktibidad na ito?!”“Oo!” Hinawakan saglit ng salesgirl ang calculator at sinabi, “Ang totoong presyo ay magiging 288 thousand dollars na lang, naging mas mura ito ng 200 thousand dollars!”Sobrang saya ni Elaine.Mas mura ng 200 thousand dollars! Hindi ba’t malaking tawad ito para sa wala?!Habang nananabik si Elaine, sinabi ng salesgirl, “Siya nga pala, pwede kang pumunta sa store na ito para sumali sa raffle ng 1.00 pm o 2.00 pm pagkatapos mong bilhin ang kuwintas. Libre lang ang raffle, at ang pinakamataas na prize ay may halagang 1.2 million dollars.”“Jusko!
Kahit na wala siyang luha, gusto na talagang umiyak ni Elaine nang marinig ito.Pero, para mapanatili ang katayuan niya bilang isang noblewomen, nagngalit na lang siya at tiniisi ito.Dahil, inisip niya, ‘Hindi ako pwedeng makipagtalo sa salesgirl na ito para sa oras ng pagdating ng 72 thousand dollars. Dahil, medyo mabait siya sa akin at binigyan niya ako ng napakaraming discount…’‘At saka, hindi naman sa hindi nila ibabalik ang 72 thousand dollars sakin. Normal na proseso lang ito, kaya paano ko sila sisisihin dito? Hindi ba’t masyadong hindi ako makatwiran, kung gano’n?”Nang maisip niya ito, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang inisip, ‘Ang pangunahing bagay ay may two thousand dollars na lang ako sa bank card ko ngayon, at sapat lang ito para sa ilang araw…’Pagkatapos magdesisyon, hindi na nagpatuloy si Elaine na pag-usapan ang tungkol dito. Sa halip, nagpanggap siya na tumatawa at kaswal na sinabi sa salesgirl, “Ayos lang! Kung gano’n, babalik ako at kukuha mun
Patuloy na iniisip ni Elaine ang raffle pagkatapos niyang kumain.Hindi siya umaasa na mapanalunan ang 1.2 million na grand prize. Kuntento na siya basta’t may makuha siya na kahit anong prize.Pagkatapos kumain, bumalik ulit sina Elaine at Hannah sa Harbour City.Sa sandaling ito, natanggap na ng manager ng jewelry store ang mga ticket na ipinadala ni Jasmine.Ang batch ng mga ticket na ito ay ginawa ng isang printing house na nagtrabaho ng overtime kaninang umaga, at naaamoy pa rin ang malakas na amoy ng tinta sa mga ticket.Nang pumasok si Elaine sa store kasama si Hannah, nagmamadaling pumunta ang salesgirl kaning umaga para batiin siya habang nakangiti at sinabi, “Madam, nandito ka na! Mangyaring sundan mo ako sa opisina ng store manager namin!”Habang nagsasalita siya, sadya niyang hininaan ang boses niya at sinabi kay Elaine, “Madam, limitado lang sa mga high-end customer na tulad mo ang raffle namin ngayong araw. Hindi karapat-dapat ang mga ordinaryong customer dito, kaya
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl