Share

Kabanata 4410

Penulis: Lord Leaf
Pagkatapos ay pinangunahan nina Christian at Kaeden ang pamilya Acker palabas sa private room.

Huminga nang maluwag si Charlie nang marinig niya ang kumukupas na yapak nila, pero sa parehong oras, naramdaman niya rin na medyo nabigo siya.

Naramdaman niya marahil ay hindi masama na makipagkita ulit sa pamilya ng lolo at lola niya.

Magiging isang sikolohikal na kaginhawaan din ito para sa dalawang nakatatanda.

Pero, nang maisip ni Charlie kung paano na wala pa ring mga clue na nahahanap sa pagkamatay ng mga magulang niya at kung marahil ay mas malakas pa sa iniisip niya ang kalaban, medyo nagpasalamat siya na naging matibay ang kalooban niya.

Dahil, kaya niyang lang magpaunlad nang hindi napapansin kung nasa dilim siya.

Kung hindi, kung mapapalabas niya nang maaga ang higante na nagtatago sa pinaka madilim na lugar, malaki ang posibilidad na magdala ito ng isang malaking sakuna sa mga tao sa paligid niya.

Habang nagsara ang pinto ng apat na elevator, si Charlie na lang, at is Clai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4411

    Kasama sa mga kotseng ito ang convoy ng pamilya Fox at convoy ng pamilya Acker. Sa kanila, may walong kotse ang pamilya Acker at mabilis na umalis sa eksena habang papunta sila sa Ark Building.Samantala, sa Oskiatown, sa New York.Ilang kotse ng pulis ang mabilis na pumasok sa Oskiatown at huminto sa harap ng roast goose restaurant ni Janus.Mahigit isang dosenang New York police officer ang lumabas sa kotse at naglakad papasok sa roast goose restaurant.Ang leader ng grupo ay ang confidant ni Merlin na kilala bilang Walker.Ang totoong pangalan niya ay Mattias Lindt, pero dahil siya ang bunso sa limang kapatid niya sa bahay, tinatawag siyang Walker ng mga magulang niya at mga kapatid sa mapagmahal na paraan.Sa sandaling ito, marami pa ring customer na kumakain sa roast goose restaurant.Nabigla ang mga kumakain sa sandaling pumasok si Mattias.Sa sandaling ito, nilagay ni Mattias ang isang kamay niya sa pistol sa kanyang baywang bago tinuro ang police badge gamit ang kabila

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4412

    Ang mga sinabi ni Janus ay parang paalam kay Angus.Para sa kanya, si Janus ang gumanap bilang kanyang ama sa mahigit sampung taon, at siya rin ang nag-iisang pamilya na mayroon siya. Kaya, nalungkot siya nang sobra nang makita niya na inaresto si Janus.Pero, ayaw ni Janus na pag-isipan niya ito nagn sobra. Sa una, si Mattias, ang pulis, ay gusto siyang bigyan ng ilang oras para magpaalam kay Angus, pero pinulot lang ni Janus ang kanyang maleta at sinabi, “Tara na, Officer.”Bumuntong hininga si Mattias at sinabi, “Okay, tara na.”Tinanong siya ni Janus, “Gagamitin mo ba ang mga posas?”“Hindi.” Kumaway si Mattias at sinabi, “Pinaghihinalaan ka lang ng iligal na pananatili dito, at hindi ito isang felony. Ibabalik ka namin at magsasagawa muna ng panimulang imbestigasyon. Pagkatapos nito, kukunin namin ang pahayag mo at pupunta ang commissioner ng immigration department para sa isang joint investigation. Kung malalaman na totoo nga ang iligal na pananatili mo dito, sisimulan namin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4413

    Naisip niya na opisyal na opening ng concert tour ni Quinn ngayong araw, at nagmamadali niyang tinanggal ang kanyang apron at sinabi sa mga kumakain sa restaurant, “May kailangan akong gawin, kaya gawin niyong komportable ang sarili niyo. Tulungan niyo sana akong isara ang pinto kung ikaw ang huling taong aalis. Salamat!”Pagkatapos itong sabihin, nagmamadali siyang umalis sa restaurant at pinara ang isang taxi para pumunta sa concert venue.Hindi niya rin alam kung magkakaroon siya ng pagkakataon na makita is Quinn kung pupunta siya sa concert, pero sa ngayon, ito lang ang nag-iisang paraan.***Samantala, dumating na nang ligtas sa Ark Building ang pamilya Acker na hinatid ng sarili nilang bodyguard, pati na rin nila Kathleen at Jarvis.Pagkatapos ipadala ni Kathleen ang pamilya Acker papasok sa building, sinabi niya kay Lord Acker, “Lord Acker, hanggang dito na lang kita ihahatid. Malaya kang tawagan ako kung may kailangan ka sa kahit ano.”Tumango si Lord Acker at sinabi nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4414

    Sampu-sampung libong tao ang sabik na napanood ang unang performance ni Quinn para sa kanyang global tour sa performance site.Ang buong performance ay halos walang kapintasan sa punto na perpekto ito, at nahumaling nang ganap ang mga fans ni Quinn dito.Kahit na hindi napanood ni Claire ang opening ng performance, ganap niyang nakalimutan ang mga pagsisisi niya sa sumunod na oras o higit pa dahil sa napakagaling na performance ni Quinn.Sumobra rin ng kalahating oras ang performance sa inaasahang oras ng pagtatapos.Ito ay dahil nagpumilit ang mga fans na humiling ng encore kay Quinn. Bumalik si Quinn sa stage ng limang beses at kinanta ang limang kanta, pero hindi pa rin nakuntento ang mga fans at patuloy na sinigaw ang slogan na ‘encore’!Pero, imposible na magpatuloy ang performance sa kabila ng sigla ng mga fans. Kaya, yumuko nang malalim si Quinn sa audience pagkatapos bumalik nang limang beses sa stage. Bumukas agad ang mga ilaw sa audience, at gumawa rin ng anunsyo ang sta

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4415

    Sa totoo lang, inaayos niya ang pagkamatay ng mga pinatay na staff kanina lang, at medyo malungkot siya. Pero, dahil mga VIP sina Charlie at claire, kailangan niya pa rin pumunta para batiin sila at makipag-usap sa kanila. Nang makita niya na nakumpleto na ang gawain niya, hindi na siya nangahas na mag-relax dahil kailangan niyang magmadali sa backstage para ipaliwanag ang mga bagay-bagay kay Quinn.Sa parehong oras, sa labas ng venue, patuloy na nagmamakaawa si Angus sa security guard, “Kilala ko talaga si Miss Golding! Hinahanap ko siya para isang napakahalagang bagay, at madalian ito! Pakiusap at tulungan mong sabihin kay Miss Golding na ako si Angus, ang staff mula sa roast goose restaurant sa Oskiatown. Siguradong alam niya ito!”Suminghal ang security guard sa mga sinabi niya at sinabi nang mapanghamak, “Ano ba naman yan, hindi ko alam kung gaano karaming fans na ang lumapit sa akin at gumawa ng kung ano-anong kwento sa harap ko ngayong araw. Paano ka makikilala ni Miss Golding

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4416

    Kanina pa pinipilit ni Dorothy ang sarili niya na manatiling kalmado at mahinahon.Kahit na palagi niyang ginagawa sa ibang paraan ang mga bagay-bagay at medyo pambabae ang kilos niya, hindi niya na pa nararanasan ang nangyari ngayong araw sa buong buhay niya.Nakita niya ang bangkay ni Merlin gamit ang sarili niyang mga mata, at nakita niya na namatay sa lason ang tita ni Charlie, at nakita niya ang nakakatakot at nakakadiring eksena ng pagkamatay ng napakaraming miyembro ng team niya.Gayunpaman, patuloy niyang pinatatag ang kalooban niya para hindi siya bumagsak sa pagiging emosyonal.Ito ay dahil nagpe-perform pa si Quinn, at siya ang head ng buong team. Kailangan niyang pamahalaan at ayusin ang mga bagay na ito nang mabuti.Gayunpaman, sa sandaling nakita niya si Quinn, hindi na niya napigilan ang mga emosyon niya, at napaiyak siya.Nabigla rin si Quinn sa kilos niya, at tinanong niya nang mabilis, “Anong nangyari sa VIP area? Nandoon si Kuya Charlie, kaya anong pwedeng mang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4417

    Nagulat si Quinn at tinanong, “Tumayo ka muna, Angus. Sabihin mo sa akin nang maayos, anong nangyari?”Umiyak si Angus at sinabi, “Kinuha ng mga pulis si Uncle Janus. Sinabi nila na ibibigay nila si Uncle Janus sa immigration department dahil may nag-report sa kanya sa immigration department sa iligal na pananatili niya dito. Sinabi rin ng pulis na made-deport si Uncle Janus sa Hong Kong sa loob ng limang araw.”Tinanong ni Quinn, “Paano ito nangyari?! Si Shawn Long ba ang gumawa nito?”“Siguro!” Tumango nang paulit-ulit si Angus, at sinabi niya nang nabubulunan, “Pumunta ang isang officer sa restaurant para imbestigahan kayo ni Master Wade kailan lang. Natatakot si Uncle Janus na may lalabas na impormasyon, kaya sinira niya ang hard drive ng surveillance camera para mawalan ito ng laman. Bilang resulta, nagsimulang mag-impake si Uncle Juans, at sinabi niya na ipagkakatiwala niya sa akin ang roast goose restaurant. Sa tingin ko ay napagtanto niya na pupunta ang mga Amerikanong pulis

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4418

    Walang magandang impresyon si Charlie kay Shawn sa Hong Kong.Hindi ito dahil sa ginawa niya kay Janus. Patas at obhetibo si Charlie, at kahit na mas mahina si Janus sa bagay na ito, kasalanan nga ito ni Janus.Kalikasan lang ng tao para kay Shawn na maghiganti kay Janus para sa dignidad at reputasyon niya.Pero, hindi nasiyahan si Charlie dahil si Shawn ay isang tao na umaatras sa sarili niyang salita.Ayon sa sinabi ni Janus sa roast goose restaurant sa oras na iyon, tinawagan ni Janus ang kanyang ama, si Curtis, para humingi ng tulong sa sandaling nangyari iyon.Pumunta rin agad ang ama ni Charlie sa Hong Kong at nakipagkasundo kay Shawn para pagbigyan ni Shawn si Janus sa ngalan niya.Pero, hindi matagal pagkatapos nito, nagkaroon ng away ang ama ni Charli sa kanyang lolo, at dinala niya ang kanyang asawa at si Charlie para tumira sa Aurous Hill. Pagkatapos nito, pinata ang mga magulang niya.Ang unang ginawa ni Shawn sa sandaling narinig niya ang pagkamatay ng kanyang ama a

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status