Nagulat si Quinn at tinanong, “Tumayo ka muna, Angus. Sabihin mo sa akin nang maayos, anong nangyari?”Umiyak si Angus at sinabi, “Kinuha ng mga pulis si Uncle Janus. Sinabi nila na ibibigay nila si Uncle Janus sa immigration department dahil may nag-report sa kanya sa immigration department sa iligal na pananatili niya dito. Sinabi rin ng pulis na made-deport si Uncle Janus sa Hong Kong sa loob ng limang araw.”Tinanong ni Quinn, “Paano ito nangyari?! Si Shawn Long ba ang gumawa nito?”“Siguro!” Tumango nang paulit-ulit si Angus, at sinabi niya nang nabubulunan, “Pumunta ang isang officer sa restaurant para imbestigahan kayo ni Master Wade kailan lang. Natatakot si Uncle Janus na may lalabas na impormasyon, kaya sinira niya ang hard drive ng surveillance camera para mawalan ito ng laman. Bilang resulta, nagsimulang mag-impake si Uncle Juans, at sinabi niya na ipagkakatiwala niya sa akin ang roast goose restaurant. Sa tingin ko ay napagtanto niya na pupunta ang mga Amerikanong pulis
Walang magandang impresyon si Charlie kay Shawn sa Hong Kong.Hindi ito dahil sa ginawa niya kay Janus. Patas at obhetibo si Charlie, at kahit na mas mahina si Janus sa bagay na ito, kasalanan nga ito ni Janus.Kalikasan lang ng tao para kay Shawn na maghiganti kay Janus para sa dignidad at reputasyon niya.Pero, hindi nasiyahan si Charlie dahil si Shawn ay isang tao na umaatras sa sarili niyang salita.Ayon sa sinabi ni Janus sa roast goose restaurant sa oras na iyon, tinawagan ni Janus ang kanyang ama, si Curtis, para humingi ng tulong sa sandaling nangyari iyon.Pumunta rin agad ang ama ni Charlie sa Hong Kong at nakipagkasundo kay Shawn para pagbigyan ni Shawn si Janus sa ngalan niya.Pero, hindi matagal pagkatapos nito, nagkaroon ng away ang ama ni Charli sa kanyang lolo, at dinala niya ang kanyang asawa at si Charlie para tumira sa Aurous Hill. Pagkatapos nito, pinata ang mga magulang niya.Ang unang ginawa ni Shawn sa sandaling narinig niya ang pagkamatay ng kanyang ama a
Sa sandaling kumonekta ang tawag, tinanong niya, “Quinn, kasama mo pa rin ba si Angus?”Sinabi ni Quinn, “Kapapadala ko lang ng tao para ihatid siya pauwi. Siya nga pala, Kuya Charlie, anong nangyari ngayong gabi? Sinabi ni Dorothy na maraming tao ang namatay ngayong gabi, at kahit si Inspector Lammy ay pinatay?!”Humuni nang bahagya si Charlie at sinabi sa kanya ang sitwasyon.Pagkatapos makinig kay Charlie, napabulalas si Quinn, “Jusko! Paano nagkaroon ng mga napakasamang gangster…?!”Pagkasabi nito, sinabi niya na parang sinisisi ang sarili niya, “Kuya Charlie, sa tingin mo ba ay may taksil sa team ko? Kung hindi, paano kumilos nang napakagaling ng mga taong ito? Nakakagulat dahil umatake sila habang pinakamalakas ang background music, at malakai ang posibilidad na mukhang alam nila ang daloy ng concert…”“Hindi naman,” sinabi nang walang bahala ni Charlie. “Sa ngayon, masasabi na ang tita ko ang taksil, pero patay na siya. Hula ko na hindi alam ng mga gangster na ito ang daloy
Sa una ay balak ni Charlie na hayaan muna si Janus na mabuhay nang payapa sa Oskiatown. Pagkatapos nito, pupunta si Charlie sa Hong Kong sa hinaharap para ayusin ang mga problema niya para sa kanya.Pero, dahil nainip nang sobra si Shawn at nagkusa na kumilos, pupunta na lang muna si Charlie sa Hong Kong.Malayo sa United States ang Hong Kong, at aabutin ng sampung oras ang ordinaryong eroplano para makapunta doon at sampung oras para makabalik. Bukod dito, medyo matagal din ang mga proseso, kaya tantya ni Charlie na kailangan niyang umalis ng tatlo o limang araw sa United States, o mas matagal pa.Ang pinaka inaalala niya ay si Claire.Kahit na nagpadala na siya ng mga babaeng sundalo mula sa Ten Thousand Armies para palihim na protektahan si Claire, nag-aalala pa rin siya na hayaan si Claire na tumira at mag-aral nang mag-isa sa United States.Sa sandaling ito, nasa South Korea pa rin si Jacob para sa isang cultural exchange. Ang nag-iisang tao lang na kaya talagang pumunta sa U
Dati ay palaging inaapi si Elaine ni Hannah noong nasa pamilya Wilson siya, at marami siyang sama ng loob kay Hannah. Pero, ngayong biglang kumukuha ng pabor si Hannah sa kanya at pinupuri siya, agad nitong pinalaki ang kayabangan niya at naging presko ang pakiramdam niya na bumaliktad na nang tuluyan ang buhay niya. Kaya, masaya rin siya na makasama si Hannah araw-araw.Para kay Elaine, nararamdaman niya lang na iba na talaga siyang tao kumpara sa nakaraan kapag pinupuri siya at binobola ni Hannah.Kaya, nang marinig niya ang boses ni Hannah sa kabilang dulo ng linya, humuni siya at sinabi, “Kulang pa ang tulog ko. Anong oras na?”Sinabi nang nagmamadali ni Hannah, “Halos alas onse na! Hindi ba’t sinabi mo kahapon na gusto mong mag-shopping sa mall ngayong araw? Handa na ako at naghihintay na ako sa harap ng bahay mo! Aalis pa rin ba tayo ngayong araw?”Doon lang natauhan si Elaine at sinabi, “Naku! Nakalimutan ko! Balak kong pumunta sa Harbour City para bumili ng kuwintas. Kailan
Minaneho ni Elaine ang kahanga-hanga na Rolls-Royce Cullinan hanggang sa Harbour City sa Aurous Hill.Pagkatapos maingat na magmaneho sa underground parking lot na may mahigit isang dosenang kotse, sa wakas ay naparada na niya ang kotse. Pagkatapos ay pumunta siya sa first floor kasama si Hannah.Ang first floor ng Harbour City ay halos puo ng mga first-tier luxury brand.Sa kanila, kalahati ay brand ng mga damit at bag tulad ng LV at Gucci, habang ang kalahati ay mga brand ng alahas tulad ng Bvlgari at Cartier.Dinala ni Elaine si Hannah sa Bvlgari store sa sandaling dumating sila.Hindi naman sa mas maganda ang Bvlgari kumpara sa ibang brand, gusto lang ni Elaine ang pangalan ng ‘Bvlgari’, at naramdaman niya na maganda ito.Sa sandaling pumasok sila sa Bvlgari, dumiretso si Elaine sa counter sa gitna at umupo sa mataas na upuan sa harap ng counter habang sinampal niya ang susi ng Rolls-Royce sa lamesa gamit ang kanyang kanang kamay at nilagay ang Hermes na handbag na binigay sa
Pagkatapos itong sabihin, binaba niya ng tawag, humakbang sa harap ni Elaine, at ngumiti habang sinabi, “Madam, halika. Hayaan mong tulungan kitang subukan ito.”Tumango si Elaine at sinuot ang kuwintas sa tulong ng salesgirl. Pagkatapos nito, patuloy siyang tumingin sa salamin.Sobrang nipis ng price-performance ratio ng mga alahas sa malaking brand na ito. Hindi masyadong mahal ang 18K gold, at hindi rin masyadong mahal ang mga sirang dyamante. Kapag pinagsama ito, tantya na sapat na ang kaunting presyo nito para magawa ito.Pero, hindi price-performance ratio ang pinapahalagahan ni Elaine, ngunit ang reputation-price ratio.Ang tinatawag na price-performance ratio ay ang ratio sa pagitan ng ganda ng pagkakagawa at presyo. Para sa parehong presyo, mas maganda ang mas mataas na pagkakagawa.Para naman sa reputation-price ratio, ito ang ratio sa pagitan ng reputasyon at presyo ng produkto. Sa parehong presyo, kapag mas mataas ang reputasyon, mas importante ito. Kahit ang isang pur
Nalula agad si Elaine dahil sa sinabi ng salesgirl na nasa rurok ng mga noblewomen si Elaine.Naramdaman niya na ang mga salita ng salesgirl ay may isang uri ng chemical energy na kayang gumawa ng maraming dopamin na sumugod sa ulo mula sa kanyang tainga at gumawa ito ng isang chemical reaction.Sa madaling salita, nawala siya sa katinuan.Ang pakiramdam na ito ay parang isang binata na ngayon lang natutong manigarilyo at kinuha ang tuyo na tobacco ng kanyang tito at hinithit ito.Hindi lang ito pumunta sa ulo niya, ngunit nahilo rin siya nang kaunti.Hindi man lang maisara ni Elaine ang kanyang bibig sa sobrang tuwa. Tumingin siya sa salesgirl, at sa tuwing tinitingnan siya ni Elaine, mas nagugustuhan niya siya.Sobrang galing na ni Hannah sa papuri niya, at malinaw na maraming dekada na silang mag-hipag. Kaya rin siyang purihin ni Hannah sa tuwing gusto niya.Pero, kung ikukumpara ni Elaine kay Hannah ang salesgirl na nasa harap niya, siguradong matatalo si Hannah.Kaya, tuwa
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro