Ito ang pinakamababang punto sa buhay para sa pamilya Acker. Ang lahat ay nalulunod sa lungkot at lumbay. Ang third uncle Jaxson ni Charlie ang pinaka nawasak.Hindi niya maintindihan kung bakit naging miyembro ng kalaban ang asawa niya. Nasisira na sa sandaling ito ang pananaw niya ng pamilya at pagmamahal.Samantala, nalulula pa rin ang anak na babae niya sa biglaang pagkamatay ng kanyang ina. Ang kanyang youngest aunt, si Lulu, ay niyakap siya at pinagaan ang kalooban niya.Si Kaeden, na ang pinaka katulad ni Keith, ay nakakuyom ang mga kamao at nanginginig nang marahas.Pagkatapos ng matagal na katahimikan, inanunsyo niya sa pamilya, “Pag-isipan natin ito nang maingat. Halos isa o dalawang dekada na simula noong nagtipon ang pamilya natin sa labas. Halos lahat ng tao sa pamilya ay nandito, maliban kay Dominic…”Tumango nang malambot si Keith at sinabi nang emosyonal, “Nang pumunta tayo dito, gumamit pa tayo ng dalawang eroplano kung sakaling may mangyari sa buong pamilya. Masy
Nabigla si Charlie sa mga sinabi ni Kaeden.Noon pa man ay gusto nang malaman ni Charlie ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya, pero nabigo siyang makahanap ng kahit anong kongkretong bakas hanggang ngayon.Nang marinig niya na binanggit ni Kaeden ang kanyang ina, sumaya agad siya. Hinihintay niya rin ang mga miyembro ng pamilya Acker na sumunod at maglabas ng ilang panloob na kwento sa kanya.Pero, naputol ang pag-asa ni Charlie dahil sa mga sunod na sinabi ni Lord Acker.Sinabi niya sa seryosong tono, “Wala pang nahahanap na clue tungkol sa pagkamatay ng ate mo at ng bayaw mo. Sa una, akala ko na ang pamilya Rothschild ang responsable para dito, pero walang ebidensya na nagpapatunay na direktang kaugnay ang pamilya Rothschild sa pangyayaring ito kahit lumipas ang napakatagal na panahon. Sinabi mo na marahil ay may kaugnayan ito sa pagkamatay ng ate mo, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin sila sumusuko kahit napakatagal na panahon na ang lumipas! Sino ang g
Kaya, nakilala agad nila si Kathleen sa sandaling pumasok siya sa pinto.Pagpasok sa pinto, sinabi nang sobrang galang ni Kathleen sa matandang lalaki, “Lord Acker, ako si Kathleen Fox mula sa pamilya Fox. Ipinagkatiwala sa akin ng benefactor ko na pumunta para tulungan ka ngayon. Sinabi ng benefactor ko na pwede mo muna tawagan ang mga tauhan mo para pumunta at sumuporta, at pagkatapos alamin na ligtas talaga ang lugar, ipapadala ko ang mga tauhan ko para ihatid kayong lahat papunta doon.”Tinanong ni Kaeden sa sorpresa, “Miss Fox, sino ang benefactor na tinutukoy mo?! Siya ba ang benefactor na nagligtas sa amin kanina lang?!”Tumango si Kathleen at sinabi, “Oo, siya nga.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Kathleen, “Pinapunta ako ng benefactor ko para tumulong na ayusin ang eksena, kaya, agad kong dinala dito ang mga tauhan ko. Ngayong naayos na ang labas, maaari na kayong maghandang umalis.”Tinanong ni Lord Acker sa sobrang galang na tono, “Dalaga, gusto kong gamitin ang pagkakat
Hindi mapapantayan ang pananaw ni Ashley sa buong pamilya Acker.Habang dinidisenyo ang mga plano para gawin ang Ark Building, gumastos siya ng maraming pera para gawing hindi nasisira ang top floor.Ang top floor ng Ark Building ay gawa sa mga bulletproof glass na may napakataas na pamantayan, at ang mga daan at elevator shaft na papunta sa bubong at pababa ya may mga pisikal na partition na kasing lakas ng mga bank vault. Sa sandaling sinara ang mga pisikal na partition, masasabi na hindi mapapasok ang buong top floor.Dahil sa hindi magagapi na design kaya naging imposible para sa kahit anong armas na pasukin ang top floor mula sa bubong at sa ibaba, o kahit sa bintana. Walang makakapasok maliban kung nangahas ang kalaban na magsagawa ng isang gunship attack sa New York City.Bukod dito, ang Ark Building ay matatagpuan sa gitna ng Manhattan at ito ang pinakamaunlad na lugar sa buong New York, at posible na kahit sa buong United States. Bukod dito, pagkatapos ng 9/11, binigyang h
Nalaman pa ni Christian na tinutusok ng matandang lalaki ang palad niya, at ilang lugar sa palad niya ay nakalubog na. Kahit ang balat ay nasira na dahil sa tuloy-tuloy na pagsundot, at bumaon na sabalat niya ang tinta ng ballpen, gumawa na ito ng isang marka na katulad ng mga lumang tattoo.Kahit na hindi makita ni Christian ang mga nakasulat sa palad ng kanyang ama, nahulaan niya na siguradong may sinulat ang kanyang ama doon para patuloy na paalalahanan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga salita.Nang nabalisa si Christian, hindi niya napigilan na tahimik na sumandal sa tabi ng kanyang ama. Nang tinusok ni Lord Acker ang kanyang palad gamit ang ballpen at tiningnan ang mga salita na nasa palad niya, nakita nang malinaw ni Christian ang tatlong pangungusap na nakasulat sa kanyang palad.“Dalawampung taon na simula noong pumanaw sina Ashley at Curtis.”“May utang na loob ako sa fiancée ni Charlie dahil niligtas niya ang buhay ko.”“Hindi pa bumabalik si Charlie.”Nakaram
Pagkatapos ay pinangunahan nina Christian at Kaeden ang pamilya Acker palabas sa private room.Huminga nang maluwag si Charlie nang marinig niya ang kumukupas na yapak nila, pero sa parehong oras, naramdaman niya rin na medyo nabigo siya.Naramdaman niya marahil ay hindi masama na makipagkita ulit sa pamilya ng lolo at lola niya.Magiging isang sikolohikal na kaginhawaan din ito para sa dalawang nakatatanda.Pero, nang maisip ni Charlie kung paano na wala pa ring mga clue na nahahanap sa pagkamatay ng mga magulang niya at kung marahil ay mas malakas pa sa iniisip niya ang kalaban, medyo nagpasalamat siya na naging matibay ang kalooban niya.Dahil, kaya niyang lang magpaunlad nang hindi napapansin kung nasa dilim siya.Kung hindi, kung mapapalabas niya nang maaga ang higante na nagtatago sa pinaka madilim na lugar, malaki ang posibilidad na magdala ito ng isang malaking sakuna sa mga tao sa paligid niya.Habang nagsara ang pinto ng apat na elevator, si Charlie na lang, at is Clai
Kasama sa mga kotseng ito ang convoy ng pamilya Fox at convoy ng pamilya Acker. Sa kanila, may walong kotse ang pamilya Acker at mabilis na umalis sa eksena habang papunta sila sa Ark Building.Samantala, sa Oskiatown, sa New York.Ilang kotse ng pulis ang mabilis na pumasok sa Oskiatown at huminto sa harap ng roast goose restaurant ni Janus.Mahigit isang dosenang New York police officer ang lumabas sa kotse at naglakad papasok sa roast goose restaurant.Ang leader ng grupo ay ang confidant ni Merlin na kilala bilang Walker.Ang totoong pangalan niya ay Mattias Lindt, pero dahil siya ang bunso sa limang kapatid niya sa bahay, tinatawag siyang Walker ng mga magulang niya at mga kapatid sa mapagmahal na paraan.Sa sandaling ito, marami pa ring customer na kumakain sa roast goose restaurant.Nabigla ang mga kumakain sa sandaling pumasok si Mattias.Sa sandaling ito, nilagay ni Mattias ang isang kamay niya sa pistol sa kanyang baywang bago tinuro ang police badge gamit ang kabila
Ang mga sinabi ni Janus ay parang paalam kay Angus.Para sa kanya, si Janus ang gumanap bilang kanyang ama sa mahigit sampung taon, at siya rin ang nag-iisang pamilya na mayroon siya. Kaya, nalungkot siya nang sobra nang makita niya na inaresto si Janus.Pero, ayaw ni Janus na pag-isipan niya ito nagn sobra. Sa una, si Mattias, ang pulis, ay gusto siyang bigyan ng ilang oras para magpaalam kay Angus, pero pinulot lang ni Janus ang kanyang maleta at sinabi, “Tara na, Officer.”Bumuntong hininga si Mattias at sinabi, “Okay, tara na.”Tinanong siya ni Janus, “Gagamitin mo ba ang mga posas?”“Hindi.” Kumaway si Mattias at sinabi, “Pinaghihinalaan ka lang ng iligal na pananatili dito, at hindi ito isang felony. Ibabalik ka namin at magsasagawa muna ng panimulang imbestigasyon. Pagkatapos nito, kukunin namin ang pahayag mo at pupunta ang commissioner ng immigration department para sa isang joint investigation. Kung malalaman na totoo nga ang iligal na pananatili mo dito, sisimulan namin
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl