Pagkatapos magkasundo ng pamilya Acker tungkol sa Rejuvenating Pill, biglang gumanda nang sobra ang saloobin ni Lady Acker. Mukhang tila ba naliwanagan siya, at mayroon siyang ngiti sa kanyang kulubot na mukha. May ekspresyon pa siya na puno ng pag-asa sa sandaling ito.Hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang sinabi, “Mas mabuti kung makukuha natin ang Rejuvenating Pill pra sa ama mo at mahanap nang mabilis si Charlie pagkatapos nito!”Si Kaeden, na nasa tabi, ay sinabi nang mabilis, “Ma, balak kong gumawa ng isa pang grupo ng tao para hanapin si Charlie at tingnan kung may mahahanap silang kahit anong mahalagang clue.”Sinabi nang seryoso ni Lady Acker, “Nag-invest na tayo ng napakaraming tao at material resources sa loob ng napakaraming taon, pero wala tayong mahanap na clue tungkol kay Charlie. Kaya, nagsisimula na akong mag-isip kung sa maling direksyon ba tayo naghahanap sa simula pa lang.”Tinanong ni Kaeden, “Ma, ano ang ibig mong sabihin dito?”Sinabi ni Lady Acke
Sa sandaling ito, nasa police station si Merlin, at nasa meeting siya kasama ang ilang top leader pati na rin ang ilang executive mula sa police department.Pumunta mismo ang head ng FBI sa New York kanina, pinagalitan sila, at iminungkahi pa na ang FBI ang mamamahala kung hindi nila malulutas ang kaso sa susunod na 24 na oras.Nablisa nang sobra si Merlin sa sandaling ito.Kung kukunin ng FBI ang kasong ito, hindi maliligtas ng New York Police Department ang reputasyon nito.Bukod dito, malapit nang mag-retiro si Merlin, at ayaw niya na mauwi sa kabiguan ang isang napakalaking kaso nang paalis na siya sa police department. Kaya, sa ngayon ay nakatuon ang buong focus niya sa kung paano lutasin ang kaso.Pero, mukhang napunta sa dead-end ang lahat ng iniisip at bakas niya, at paulit-ulit lang siya umiikot, pero wala siyang mahanap na susi.Sa sandaling ito, biglang tumawag si Christian. Mabilis na lumabas si Merlin sa conference room, bumalik sa opisina niya, at sinagot ang tawag.
May matalas na isipan si Christian. Kahit na hindi sapat ang lakas ng istilo ng kilos niya, siguradong nakikita niya ang mga problema sa mas malalim na sukat kumpara sa mga karaniwang tao.Nakita niya si Jordan noong nag-bid siya para sa Rejuvenating Pill sa Aurous Hill.Tinaasan niya rin ang presyo sa punto na hindi naabot kahit ni Jordan sa auction sa sandaling iyon.Bukod dito, ang nagpamangha kay Christian ay pagkatapos niyang paalisin sa auction sa araw na iyon, narinig niya na inagawa ni Spencer ang posisyon ni Jordan bilang head ng pamilya, at naglabas pa siya ng isang palihim na pabuya para makuha ang buhay ni Jordan.Napagtanto agad ni Christian na kahit na pinaalis siya sa auction, hindi mapapanalunan ni Jorda ang bid para sa Rejuvenating Pill tulad ng inaasahan niya.Sa sandaling iyon, naramdaman din ni Christian na 96 years old na si Jordan, at malapit na siyang mamatay. Sobrang ikli na lang ng buhay niya, kaya, hinding-hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na baliktar
“Huwag kang mag-alala!” Pumayag si Merlin nang walang pag-aatubili at sinabi, “Sasabihin ko agad sayo kung may madiskubre ako na kahit ano!”Pagkatapos ibaba ang tawag, nagpadala si Merlin ng tao para kunin agad ang entry records ni Jordan.Simula nang pumasok si Jordan sa bansa mula sa VIP building, kaunti lang ang taong pumasok sa bansa sa parehong oras. Kaya, mabilis na nakuha ni Merlin ang entry information ng mahigit dalawampung tao sa parehong oras.Sa kanila, buko kila Jordan, Kathleen, at Jarvis, may isang Oskian lang na pumasok sa bansa sa parehong oras, at ang pangalan niya ay Rosalie Schulz.Nang makita ni Merlin ang pangalan ni Rosalie, biglang sumikip ang mga mata niya!Hindi niya pa nakikita ang babaeng ito, pero narinig niya na ang tungkol sa kanya!Kailan lang, pinangunahan ni Rosalie ang isang grupo ng tao para patayin ang buong pamilya Matsumoto sa Japan, at tumakas pa siya sa ilalim ng matinding pagbabantay ng Japanese Self-Defence Force. Narinig na ni Merlin a
Hindi nasiyahan nang sobra si Christian sa Ten Thousand Armies.Ang dahilan para dito ay dahil ginalaw ng Ten Thousand Armies ang pamilya Wade dati, at naglabas pa sila ng pahayag na sisirain nila ang mga abo ng bayaw niya, ni Curtis.Iba si Christian sa kanyang kapatid, kay Kaeden. Sa mga mata ni Kaeden, kinikilala niya lang ang kanyang ate, si Ashley, at ang kanyang pamangkin, si Charlie.Ito ay dahil mas bata si Kaeden. Noong pinakasalan ni Ashley si Curtis, nasa kolehiyo pa lang si Kaeden, at kaunti lang ang naging ugnayan nila ni Curtis.Pero, iba si Christian. May dalawang taon na pagitan lang sa kanila ni Ashley, kaya, marami siyang naging ugnayan at usapan ni Curtis. Sa kailaliman ng puso niya, may tiyak na pagkilala pa rin siya kay Curtis bilang bayaw niya.Dahil dito, binanggit ni Christian ang tungkol dito kay Kaeden noong narinig niya na nagdala ng mga kabaong ang Ten Thousand Armies sa pamilya Wade. Umaasa siya na bibigyan ng ilang pressure ni Kaeden ang Ten Thousand
“Naalala ko.” Tinanong ni Christian, “Anong mayroon? May kinalaman ba ito sa kanya?”Pinagtampal ni Merlin ang mga labi niya at sinabi nang seryoso, “Walang ebidensya na nagpapakita na may kinalaman ito sa kanya, pero pakiramdam ko palagi na may koneksyon ito sa kanya.”Walang sinabi si Christian tungkol sa kung paano nagpadala ng medisina si Quinn sa kanyang ama ngayong gabi at niligtas nito ang buhay ng kanyang ama, sa halip, tinanong niya, “Bakit mo naisip ito?”Sinabi ni Merlin, “Sa tingin ko ay hindi simple ang babaeng ito!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag niya, “Tingnan mo, ayon sa pagkalantad ni Homer Fox, malinaw na isang set up para kay Quinn Golding ang charity dinner na idinaos sa gabi ng pagkawala niya. Siguradong balak niyang dukutin si Quinn Golding para gawin ang mga masamang pagnanasa niya. Pero, bilang resulta, si Quinn Golding, na galing sa malayo, ay hindi nahulog sa patibong niya. Sa halip, si Homer Fox, ang mastermind, ang nahulog sa patibong. Kahit ang pin
Nanginig si Christian sa mga sinabi ni Merlin. Kinuwestiyon niya ang pangangatwiran ng bagay na ito sa isipan niya. Pagkatapos itong pag-isipan, naisip niya na tama si Merlin.Kung nagkataon lang ito, mahigit pa sa swerte si Keith. Sa totoo lang, sobrang nabiyayaan siya na maligtas. Bukod dito, dumating si Quinn sa perpektong oras. Kung nahuli siya ng sampung minuto, nagkaroon na ng cerebral hypoxia si Keith at namatay na siya. Sa sandaling iyon, wala nang makakapagligtas sa kanya.At saka, kakaiba na bigla siyang lumipad at bumisita sa Los Angeles sa kalagitnaan ng gabi.Dahil, ang East Coast papuntang West Coast ng United States ay mahigit four thousand kilometers, isang distansya na mas malayo pa sa pinaka hilaga na Moncolne ng Oskia hanggang sa pinaka timog na Hallan Island.Wala talagang kabuluhan para kay Quinn na bumisita bigla sa napakalayong distansya sa gabi.At saka, pumunta si Quinn sa United States para sa isang mahabang trip. Kung gusto niyang bumisita, pwede niya it
Bago pa makasagot si Christian, sabik na sinabi ni Merlin, “Magaling! Nakahanap na ako ng isang clue! Magpapadala ako ng tao para suriin ang impormasyon ng airport at surveillance par makita kung paano natanggap ni Quinn ang balita sa napakaikling panahon!”Nabigla si Christian. Nataranta siya nang kaunti, at sinabi niya, “Lammy, bakit hindi tayo tumigil dito? Huwag na tayong mag-imbestiga.”Nagtaka si Merlin. “Bakit? Ito lang ang nag-iisang clue na mayroon tayo ngayon. Sa tingin ko ay tama ang hula ko. Masyadong biglaan ang sakit ni Keith, kaya hindi posible na mabura ni Quinn ang mga bakas sa oras. Pero kung bibigyan siya ng sapat na oras, taya ko na kikilos nang madiskarte ang mastermind na nagtatago sa likod. Hindi man lang natin mahahanap ang clue na ito!”Pagkatapos ay tinanong niya, “Ayaw mo bang malaman kung paano natanggap ni Quinn ang balita tungkol sa sakit ni Lord Acker?”Sinabi nang nagmamadali ni Christian, “Lammy, hindi ito mahalaga. Kahit ano pa ang paraan para maku
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl