May isang nagsalita, “Godfather, katumbas ng dalawang milyon ang isang miyembro. Napakataas na ng compensation na ito. Kung masyado tayong gahaman, hindi ba magagalit ang kabilang panig sa atin? Ayaw ko namang wala kaming makukuha ni isang kusing. Ayaw kong tumanggap ng mas mababa sa binanggit niyo.”Ngumti nang bahagya si Old Godfather Ryan. “Huwag kang mag-alala! Halos 50 taon akong nagtrabaho sa mafia. Hindi man ako ang pinakamalakas, pero sigurado akong mas maganda ang panghusga ko kumpara sa inyong lahat.”Nang sabihin ito, inilabas niya ang kanyang cellphone at muli niyang tinawagan ang assistant ni Finley.Nang kumonekta ang tawag, nagsalita si Old Godfather Ryan sa isang determinadong tono, “Wala akong pakialam kung sino ka. Makinig ka sa kondisyon ko. Kung gusto mong hindi kami magsalita, kailangan mong magbayad ng 5 million US dollars bawat tao. Maliban dito, bilisan mo rin ang pagpapadala ng bayad!”Nagulantang ang assistant ni Finley sa laki ng perang hinihingi ng mga n
Sinabihan ni Finley ang kanyang assistant na bigyan ng final offer ang kabilang panig at tapusin agad ang tawag. Sa ganitong paraan, may oras pa sila para mag-isip.Subalit, hindi niya inaakala na agad silang tatanggihan ni Old Godfather Ryan. Binago nito ang buong sitwasyon sa loob lang ng ilang sandali!Namumula ang mga tainga ni Finley nang marinig niyang ilang libong tao ang nasa kabilang panig.Ilang libong tao ang naroroon!‘Balak ba nilang pumunta ng pulis para gumawa ng report o sumali sa isang festival parade?! Hindi ba masyado na ngang malala ang sitwasyon?!’Nataranta siya pero tinapos na ni Old Godfather Ryan ang tawag sa puntong ito.Halos 50 na taong nagtrabaho si Old Godfather Ryan bilang mafia member. Wala man siyang natutunan na hard skill, pero magaling siyang manloko.Narinig ni Finley ang tunog ng pagbaba ng tawag. Hindi niya tuloy mapigilang hindi mapakali habang naglalakad pabalik-balik sa loob ng kwarto.Wala pa siyang ideya kung paano niya ipaghihiganti
Nang matatapos na ang tatlong minuto, muling tumunog ang cellphone ni Old Godfather Ryan.Napuno ng pananabik ang lahat ng naroroon at kinuyom nila ang kanilang palad nang mahigpit habang naghihintay ng pinal na resulta.Samantala, kalmadong pinindot ni Old Godfather Ryan ang answer button. Sumunod, malamig siyang nagsalita.“Magsalita ka!”Sa kabilang dulo ng linya, ramdam na agad ni Finley ang tapang mula sa boses ni Old Godfather Ryan.Wala na siyang magawa kundi magkompromiso na lang, “Pumayag ang boss ko sa gusto niyo. Pero kailangan niyong mangako na hindi kayo tatawag ng pulis!”Napuno ng tuwa ang mukha ng lahat. Sinusubukan nilang pigilan ang kanilang sarili na sumigaw habang nasa tawag pa si Old Godfather Ryan.Ganitong klase rin ng pananabik ang nararamdaman ni Old Godfather Ryan sa loob ng kanyang puso. Sa kabila nito, malamig at matapang pa rin ang kanyang tono nang magsalita siya.“Kung iyan ang kaso, magpapautos ako ng taong maghahanda ng listahan ng pangalan at p
Si DiNorscio ang tatay ni Claudia.Isa siyang nirerespetong anyo sa mafia. Subalit, walang mag-aakala na kagagalitan siya ng mga naiwang pamilya ng Italian mafia sa pagkakataong ito.Samantala, namumula ang mga mata ng lahat hindi dahil sa pagdadalamhati kundi sa matinding saya na nararamdaman nila.Makakakuha sila ng limang milyon sa bawat miyembro ng mafia na nawawala. Halos lahat ng tao sa mundo hindi makakalikom ng ganitong halaga buong buhay nila, kaya halos mabaliw ang mga naririto at hindi nila makontrol ang kanilang ligaya.Mahirap suhulan ng pera ang pamilya ng mga taong namatay sa ordinaryong pagkakataon. Pero, hindi ganito ang pamilya ng mga mafia members. Matagal na nilang alam at matagal na rin silang handa na dumating ang trahedya sa buhay ng kanilang mga kamag-anak mula pa lamang sa pagkakataong sumali sila sa mafia.Maliban dito, mataas talaga ang death rate sa ganitong klase ng trabaho. Lagi silang may kakilala na namamatay. Kaya, manhid na sila sa ganitong klase
“Kung hindi namatay ang lima mong anak, sino naman ang magbibigay respeto sa’yo?”“Tarantado! Talagang maitim ang budhi ng matandang ito! Hindi nakapagtataka kung bakit namatayan siya ng limang anak! Tama lang na ganito ang kapalaran niya!”Halos manginig sa galit si Old Godfather Ryan pagkatapos marinig ang iba’t ibang insulto ng mga taong nasa ibaba. Nagngitngit ang kanyang ngipin at galit siyang nagwika, “Kung alam kong ganito kayo kawalang hiya, hindi ko na sana kayo tinulungan pa! Dapat hinayaan ko na lang kayong tumawag ng pulis para wala kayong matanggap na pera!”Biglang may naisip na ideya si Old Godfather Ryan at napabulala siya, “Sige! Mga wala kayong hiya! Dahil ayaw niyong pumayag sa kondisyon ko, hindi ko na kayo tutulungan! Kayo na ang bahalang humingi ng pera sa kanila!”Sumunod, hirap niyang itinulak ang kanyang wheelchair at sinubukan niyang umalis ng simbahan.Mula sa kung saan, isang binata ang humiyaw, “Ryan, pwede kang umalis, pero hindi ang cellphone mo!”“
Kapag pera talaga ang pinag-uusapan, hindi na mahalaga ang pamilya at pananampalataya.Namatay si Old Godfather Ryan matapos barilin ng isang binata. Kahit binigyan siya ng titulong ‘godfather’ bilang respeto, pero parang mas kagaya ng palabas na ‘The Godfather’ ang naging kapalaran niya.Sa palabas na iyon, kagaya ng isang authoritative elder ang imahe ng isang godfather. Kaya, hindi lamang pagtataksil ang pagpatay kay Old Godfather Ryan, kundi masasabing kalapastangan ito sa pananampalataya.Subalit, ibang kuwento ang paghuli sa mga pari ng simbahan. Tagasunod ng Diyos ang mga paring ito at sila ang kumakatawan sa kanilang pananampalataya sa Maykapal.Sa kasamaang palad, mula pa lamang sa pagkakataong naisip nila na pigilang umalis ang mga paring ito sa simbahan, wala na silang pananampalataya sa Diyos. Siguradong huhusgahan sila ng langit sa kanilang ginawa.Samantala, isang grupo naman ng mga binata ang nag-asikaso sa bangkay ni Ryan pati na rin sa lugar kung saan ito pumanaw.
Kung hindi niya magagawang pagtakpan nang buo ang insidenteng ito, kailangan niyang tuluyang maglaho sa mundo. Kung hindi, siguradong hahabulin siya ng mga VIPs nila para humingi ng paliwanag o kaya maghiganti.Masakit sa kanya na magbayad ng 4.1 billion US dollars, pero ayos lang sa kanya basta ba mananatiling tahimik ang pamilya ng mga mafia members.Paglipas ng isang oras, dumating na rin sa wakas ang bangkay ni Franco sa Seattle.Natatakot si Finley na hindi matatanggap ng kanyang mga magulang ang pagkamatay ng kanyang kapatid kaya hindi siya nangahas na ipadala ito pauwi sa kanilang bahay. Sa halip, ipinadala niya muna ang bangkay ng kanyang kapatid sa isang funeral parlor.Pagkatapos, tumungo siya sa funeral parlor nang personal para tignan ang kanyang kapatid sa huling pagkakataon.Nakaramdam ng matinding konsensya at dalamhati si Finley para sa pagkamatay ni Franco.Nakokonsensya siya dahil siya ang nagdala kay Franco sa illegal circle na ito. Higit sa lahat, hindi niya n
Maririnig ang boses ng isang lalaki na nasa 20s pa lang ang edad. Nagtanong ito, “Finley, hindi pa ba dumadating ang order ko?”Ang taong tumatawag ay wala ng iba kundi ang pinakapaboritong anak ng pamilya Fox na si Homer Fox.Si Homer ang pinakamatandang pamangkin ni Kathleen at ang pinakamatandang apo ni Spencer Fox. Ngayong taon, 27 years old na siya at pareho sila ni Finley.Kahit ilang taon siyang mas matanda kay Kathleen, siya ang pamangkin nito. Ang kanyang tatay na si Xavion Fox ang pinakamatandang pinsan ni Kathleen.Walang puso ang batang si Homer at isa itong playboy.Sa panlabas, mukha siyang nagtatrabaho para sa investment fund ng pamilya Fox. Pero, hindi talaga siya nagtatrabaho roon. Madalas, lahat ng oras at lakas niya napupunta sa paghahanap ng mga bagong bagay na magpapasaya sa kanya.Sa kabataan ni Homer, pinadala siya ng kanyang pamilya sa pinakamagandang private school. Doon, nagkaroon siya ng maraming mayayamang kaibigan mula sa mga prestihiyosong pamilya.
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl