Maririnig ang galit na boses ng binata mula sa walkie-talkie. “Ano ang sinabi mo? Umalis na tayo sa yate?! Paano tayo babalik ng Seattle kung iiwanan natin ang barko?”Agad na sumagot ang captain, “Master, kapag nakaalis na tayo ng barko, dadalhin kita sa speedboat. Nasa 200 kilometro ang layo natin sa Seattle, makakarating tayo roon sa loob ng apat hanggang limang oras kung walang magiging problema!”Malamig na nagsalita ang binata, “Ayaw kong mag-aksaya ng ilang oras sa isang speedboat para makabalik! Tawagan niyo ang pamilya ko para magpadala sila ng seaplane!”Agad na tumugon ang captain, “Master, hindi lang simpleng paglubog ng barko ang problema natin! Papalapit na rin ang cargo ship ng kabilang panig. Sa tingin ko may tinatago silang motibo! Kapag nahabol nila tayo, natatakot akong malagay ka sa peligro! Kailangan na nating umalis ngayon din!”Nagtanong ang binata, “Sinasabi mo bang pinupuntirya tayo ng mga mafia?”Sumagot ang captain, “Mataas ang tsansa!”“Buwisit!” Nagng
Ang bilis ng takbo ng yate ang natatanging balakid kay Porter at sa mga sundalo ng Ten Thousand Armies. Wala silang pagkakataon na labanan ang kabilang panig kahit master sila ng martial arts dahil mas mabilis ang takbo ng yate kumpara sa cargo ship nila kaya wala silang magawa kundi panoorin itong tumakas kung sakali.Sa kabutihang palad, hindi na makagalaw ang yateng sinasakyan ng kabilang panig kaya magiging madali lang para sa kanila na ligpitin ang mga ito.Agad na nagbigay ng utos si Porter gamit ang walkie-talkie, “Full speed tayo! Siguraduhin niyong babangga ang cargo ship natin sa yate nila. Maghanda kayong lahat para sa isang full battle!”Agad na nagbago ang direksyon ng takbo ng cargo ship at handa na itong bumangga sa likod ng yate!Nakita ng mga taong nasa yate kung ano ang intensyon ng cargo ship kaya nakaramdam sila ng matinding sindak. Sira ang power system ng yate at wala na silang magagawa para makatakas.Agad na sumigaw ang captain sa pagkakataong ito, “Bilisan
Napatitig nang malamig si Porter sa captain saka niya sinuntok nang malakas ang elixir field nito.Agad na nadurog ng malakas na suntok ni Porter ang elixir field ng captain hanggang sa mawala ito. Lahat ng kapangyarihan ng captain nawala na at naging isang lupaypay na lalaki na lang siya.Napaluhod ang captain sa matinding sakit. Sumunod, dinampot siya ni Porter saka siya nito inihagis palayo. Pagkatapos, inutusan ni Porter ang Ten Thousand Armies, “Dalhin niyo siya pabalik. Patayin niyo ang lahat maliban sa kanya at sa binatang pinoprotektahan nila.”Pagkatapos, ilang mga sundalo ang nagmadali. Pinuntirya nila ang kanilang mga atake sa mga taong tumalon papunta sa dagat pati na rin sa mga taong napatilapon dito.Hindi nagtagal, personal na nilapitan ni Porter ang binatang sinabi ni Charlie na dapat buhay nilang hulihin.Pinatumba agad ng ilang mga sundalo ng Ten Thousand Armies ang mga bodyguards na nakapalibot sa binata, isa-isang dumanak ang dugo ng mga taong ito pagkatapos pa
Takot na tumingin ang binata kay Charlie. “Ikaw… Sino ba kayo? Wala naman akong ginawa sa iyo! Bakit mo ako inaatake?!”Ngumiti si Charlie. “Walang ginawa sa akin? Kukunin mo ang anim na dalaga sa Italian mafia ngayong araw. Isa sa kanila ang nakababatang kapatid ko! Ang lakas ng loob mong sabihin na wala kang ginawa?!”Habang sinasabi niya ito, kinuha ni Charlie ang pistol sa kamay ni Porter at tinutok ito sa kanang binti ng binata. Pagkatapos nito, nagpaputok siya ng isang bala.Narinig ang putok ng baril, at isang bala ang lumipad, gumawa ito ng isang madugong butas sa kanang paa ng binata. Sumigaw agad siya sa sakit habang patuloy na tumulo ang dugo.Iniyak ng binata sa sobrang sakit, “Pumunta lang ako dito para sunduin ang isang tao! Wala akong ibang alam…”“Gano’n ba?” Tinutok ni Charlie ang kanyang baril sa kaliwang binti ng lalaki at hinila ang gatilyo nang walang pag-aatubili.Narinig ulit ang isa pang putok ng baril, at pagkatapos nito, hinawakan agad nang mahigpit ng b
Nagmamadaling ipinaliwanag ni Franco, “Wala akong alam dito… Ang alam ko lang ay siya ang pinakamalaking VIP ng kuya ko. Ang kuya ko lang ang nakakakilala sa VIP na iyon…”Humarap si Charlie sa captain at tinanong nang malamig, “Totoo ba ang sinasabi niya?”Nagmamadaling tumango ang captain. Sinabi niya agad, “Totoo ang sinasabi ni Master Franco! Ang Mater lang ang nag-iisang nakakakilala sa mga top VIP…”Kumunot ang mga kilay ni Charlie at patuloy na tinanong si Franco, “Halos 100 billion US dollars na ang net worth ng pamilya mo. Bakit mo gagawin ang sobrang hindi makataong bagay?”“I-ito….” Biglang nautal si Franco nang kaunti.Nakita ni Charlie na napanghinaan ng loob siya, at hindi niya siya masagot. Tinapakan niya ang sugat sa kanyang kanang binti at nagbanta nang mahigpit, “Sasabihin mo ba sa akin o hindi?”Kinagat ni Franco ang mga ngipin niya sa sakit at sinabi nang nagmamadali, “Sa-Sasabihin ko sayo…”Sa kalaunan, sinabi niya sa nanginginig na boses, “Ang kuya ko… mata
Natakot si Franco sa mga sinabi ni Charlie.Hindi niya alam ang background ng Mr. Wade na ito, pero siguro siya sa isang bagay at iyon ay malakas siya. Ito ay dahil kailangan niya ito para pagsilbihan siya ng leader ng Ten Thousand Armies, ni Porter.May sampu-sampung libong top mercenary sa Ten Thousand Armies, kaya imposible para sa pamilya George na manalo laban sa kanila. Kung seryoso ang Ten Thousand Armies sa pag-atake sa kanila, siya ang unang mamamatay.Wala siyang nagawa kundi magmakaawa para sa buhay niya. “Mr. Wade… Sabihin mo lang sa akin kung magkano ang kailangan mo! Kung kaya ito ng pamilya ko, hindi kami mag-aatubili na magbayad! Pakiusap, pagbigyan mo ako ngayon…”Tumingin nang malamig si Charlie sa kanya. “Huli na para magmakaawa ngayon. Pwede ka munang pumunta sa impyerno. Sa sandaling nalaman ko kung sino pa sa pamilya mo ang may kinalaman sa mga bagay na ito, ipapadala ko ang lahat para magkita kayo.”Napuno ng takot ang mukha ni Franco, at nagmakaawa siya nan
Nang walang babala, biglang hinila ni Charlie ang gatilyo sa kanya.“Bang!”Isang bala ang tumagos sa puso ni Franco, pero hindi agad siya namatay. Lumaki ang mga mata niya sa gulat, at tumingin siya nang masama kay Charlie, puno ng poot. May gusto siyang sabihin pero hindi niya ito magawa, at pagkatapos ng ilang hikbi, sa wakas ay bumagsak na siya sa sahig.Hindi na nag-abala si Charlie na tingnan siya. Sa halip, humarap siya kay Porter at inutos, “Natandaan mo ang sinabi ko kanina? Iukit mo muna ito sa noo niya! Pagkatapos nito, maglagay ka ng life jacket sa kanya at itapon mo siya sa dagat!”“Masusunod, Mr. Wade!”Humarap ulit si Charlie kay Yanciel, at sinabi niya nang mahina, “Mukhang alam mo pa ang kaibahan ng mabuti at masama. Bibigyan kita ng pagkakataon na mabuhay, pero nakadepende ito sa kooperasyon mo.”Nanabik si Yanciel, at sinabi niya, “Mr. Wade, huwag kang mag-alala! Pahahalagahan ko ang pagkakataon ko!”Tumango si Charlie. Pagkatapos, tinanong niya, “Gaano karami
Alam ni Charlei na hindi nagsisinungaling si Yanciel. Nilantad na niya ang lahat ng nalalaman niya para mabuhay.Kaya, tinupad din ni Charlie ang pangako niya. Sinabi niya kay Yanciel, “Binabati kita. Ikaw ang nag-iisang tao na nabuhay sa yacht na ito.”Pagkatapos, humarap siya kay Porter at inutos, “Porter, dalhin mo siya sa Syria kasama ang mga Italian na iyon.”Tumango si Porter. “Mr. Wade, ipapaalam ko sa cargo ship sa port na maglayag na ngayon. Babalik tayo at maghahanap ng lugar para magkita sa gitna. Sa sandaling nalipat natin ang mga tao sa ship sa kabilang cargo ship, direkta itong pupunta sa Syria.”“Mabuti!” Sinabi ni Charlie, “Siguraduhin mo na sabihin sa mga sundalo na maingat silang bantayan. Hindi dapat natin hayaang makatakas ang kahit sino sa paglalakbay!”Sinabi agad ni Porter, “Mr. Wade, kami na ang bahala dito! Kukumpletuhin ng mga sundalo ang misyon!”Tinanong nang kinakabahan ni Yanciel, “M-Mr. Wade… Bakit mo ako dadalhin sa Syria?”Sinabi nang malamig ni
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay