Hindi na nag-alangan pa si Andre nang marinig ang sinabi ni Charlie.Napanood niya kung paano namatay si Gopher mula sa simula hanggang sa dulo, kaya ngayon, wala na siyang ibang gustong gawin kundi makatakas sa sitwasyong ito.Ganoon din, agad siyang tumango. “Mr. Wade, handa akong magtrabaho para sa inyo… Handa akong pagsilbihan ang Ten Thousand Armies!”Tumango si Charlie. “Bibigyan kita ng sampung minuto. Ilista mo ang lahat ng miyembro ng organisasyon mo. Tandaan mo, gusto ko ng buong listahan, hindi mo pwedeng kalimutan kahit isa!”Hindi nangahas si Andre na sumuway, kaya agad niyang tinipon ang mga lider ng kanilang organisasyon at humingi siya ng listahan ng mga miyembro.Sampung minuto ang makalipas, dumating sa harap ni Charlie ang isang listahan na may 870 na pangalan.Pagkatapos itong suriin, kinausap ni Charlie si Andre, “Ngayon, tawagan mo ang lahat ng miyembro na wala rito na magpakita agad. Kung hindi mo sila makontak, lagyan mo ng marka ang pangalan n ila.”Hin
Napasimangot si Charlie. “Nagawang dumukot ng Italian organization na ito ng anim na babae. Kung kasangkot rin ang iba pang gangs at bawat isa sa kanila dudukot rin ng anim na babae, nasa 20 hanggang 30 katao ang ibebenta nila. Parang ang lakas naman yata ng loob nila na gawin ito? Madaling mapapansin ng iba ang ginagawa nila kung marami ang nawawala sa parehong pagkakataon. Hindi ba sila natatakot na imbestigahan sila ng Vancouver police?”Tumango si Porter. “Hindi ko rin mapigilang magtaka, pero matapos ng kaunting pagtatanong, napag-alaman kong komplikado ang relasyon nila sa awtoridad. Madalas illegal immigrants ang puntirya nila at minsan pinagbabantaan nila ang pamilya ng biktima kaya mukhang kaunti lang sa mga opisyal na papeles ang nawawalang tao sa Vancouver kumpara sa tunay na bilang nito.”Sumunod, nagdagdag si Porter, “Narinig ko rin na bibigatin ang background ng supplier nila. Para sa mga magagandang binibini na gaya ni Ms. Lewis, binebenta sila ng supplier sa mga mayam
Sigurado si Charlie na maraming iba’t ibang factions o grupo ang kasangkot sa ganitong klaseng grey market. Maliban dito, sigurado rin siyang sakop ng kanilang distribution chain ang buong United States at Europe.Kaya, alam niyang hindi niya mapupuksa nang tuluyan ang distribution chain na ito.Ganoon pa man, dahil nasa harap na nila ang problema, at nagkataong ngayong araw rin ang napag-usapan nilang trading time, napagpasyahan ni Charlie na turuan sila ng leksyon.Kahit sino pa ang upstream supplier ng Vancouver gangs, gusto ni Charlie na lupigin sila gamit ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies at pumuwersa ng impormasyon palabas sa kanilang bibig.Pagdating ng susunod na araw, biglang maglalaho ang Italian organization pati na rin ang supplier na nakipagkita sa kanila. Magiging banta ito mula sa iba pang suppliers na lumayo sa Vancouver.Sa pagkakataong ito, papalapit na nang papalapit ang liwanag kay nila Charlie.Subalit, tumigil ang kabilang panig nang isang milya na lang
Napasimangot si Charlie. May pakiramdam siya na interesado ang highest-ranking VIP kay Stephanie.Ganoon din, tumunog ang communicator ng cargo ship at isang boses ng lalaki ang maririnig, “Vancouver 003, sumagot kayo kung naririnig niyo ako copy.”Napatitig ang miyembro ng Italian organization kay Charlie at kinakabahan itong nagtanong, “Sasagot… ba ako?”Tumango si Charlie. “Sumagot ka lang gaya nang madalas mong ginagawa.”“Masusunod.”Dinampot ng Italian na lalaki ang communicator saka siya nagsalita, “Ito ang Vancouver 003, I copy.”Nagsalita ang kabilang panig, “Dalhin niyo ang goods sa deck at maghanda na kayo para sa handover.”Nagtanong ang Italian organization member. “Paaano namin gagawin ang handover? Dadalhin ba namin sila sa inyo o kayo na ang kukuha sa kanila?”Nagbigay ng utos ang kabilang panig, “Dalhin niyo muna ang mga babae sa deck at siguraduhin niyong hindi nakatakip ang mukha nila. Magpapadala kami ng drone para i-verify sila. Pagkatapos, magpapadala kami
“Sirain ang sinasakyan nila?!”Halos malaglag ang panga ni Porter nang marinig niya ang sinabi ni Charlie.Iniisip niyang mali ang pagkakaunawa ni Charlie sa kanilang sitwasyon kaya muli siyang nagpaliwanag, “Mr. Wade… Wala tayong kahit anong armas na pwedeng magpalubog ng isang malaking barko…”Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag, “Sa kasalukuyan natting firepower, kahit paiksiin natin ang distansya ng 500 metro, madadaplisan lang sila nang kaunti ng mga bala natin.”Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Wala kayo ng firepower, pero mayroon ako.”Gumawa si Charlie ng ilang amulets bago ang auction.Sa pagkakataong iyon, dahil nabiyayaan siya ng makapangyarihang spirit energy ng Cultivation Pill, gumawa si Charlie ng bagong magical instrument para sa kanyang sarili.Mas malakas ang magical instrument na ito kumpara sa Thunder Order at tinatawag itong Soul Blade.Tumatawag ng divine lightning ang Thunder Order at gumagawa ito ng malaking komosyon, pero hindi sapat ang destructive abil
Para sa isang eight-star martial artist na gaya ni Porter, kung titipunin niya ang internal qi sa kanyang mga kamao, kaya niyang butasin ang isang armor sa isang suntok lang. Subalit, kahit gaano pa karami ang internal qi na mayroon siya, hindi niya kayang sirain ang isang salamin na sampung sentimetro ang layo sa kanya.Nang ilabas ni Charlie ang Soul Blade niya, sa opinyon ni Porter, pakiramdam niya para bang isa siyang palaka na unang beses pa lang nakaalis ng balon. Nagbago agad ang kanyang pananaw sa kapangyarihan ni Charlie.Samantala, habang papalapit ang drone, isang lalaking nakaitim ang kumokontrol ng remote mula sa yate, nakatitig siya sa transmitted image ng drone habang naghihintay na dumating ito sa deck ng kabilang barko.Pero mula sa kung saan, biglang sumabog ang drone sa ere at naging kulay itim na lang ang screen na hawak ng lalaki.Nakaramdam ng takot ang lalaking nakaitim at napabulalas siya, “Sumabog ang drone!”Isa pang lalaki ang lumapit at napatanong ito h
Isang makapangyarihang puwersa ang humawi sa ibabaw ng karagatan. Pagkatapos ng isang segundo, isang malakas na tunog ang maririnig mula sa yate!Sumabog ang power system nito, nagliyab ang buong barko, nasira ang propeller, at ang lahat ng iba pang components ng power system nawasak!Tatakas na sana ang yate gamit ang maximum speed nito nang bigla itong mawalan ng lakas para umabante.Sa pagkakataong iyon, napatulala ang lahat.Hindi maunawaan ni Porter sa puntong ito kung anong klase ng kapangyarihan mayroon si Charlie. Bago ito, akala niya isang Dark Realm expert si Charlie, pero pagkatapos masaksihan na kayang maglabas ni Charlie ng invisible attack at maglagay ng malaking butas sa yate ng kabilang panig, nagkaroon siya ng realisasyon na higit pa sa lebel ng Dark Realm ang tunay na lakas ni Charlie!Nang maisip ito, napagtanto ni Porter na masyado siyang nakakatawa dati nang subukan niyang patumbahin ang pamilya Wade sa Mount Wintry.Sa kabilang banda, napatulala ang mga taon
Maririnig ang galit na boses ng binata mula sa walkie-talkie. “Ano ang sinabi mo? Umalis na tayo sa yate?! Paano tayo babalik ng Seattle kung iiwanan natin ang barko?”Agad na sumagot ang captain, “Master, kapag nakaalis na tayo ng barko, dadalhin kita sa speedboat. Nasa 200 kilometro ang layo natin sa Seattle, makakarating tayo roon sa loob ng apat hanggang limang oras kung walang magiging problema!”Malamig na nagsalita ang binata, “Ayaw kong mag-aksaya ng ilang oras sa isang speedboat para makabalik! Tawagan niyo ang pamilya ko para magpadala sila ng seaplane!”Agad na tumugon ang captain, “Master, hindi lang simpleng paglubog ng barko ang problema natin! Papalapit na rin ang cargo ship ng kabilang panig. Sa tingin ko may tinatago silang motibo! Kapag nahabol nila tayo, natatakot akong malagay ka sa peligro! Kailangan na nating umalis ngayon din!”Nagtanong ang binata, “Sinasabi mo bang pinupuntirya tayo ng mga mafia?”Sumagot ang captain, “Mataas ang tsansa!”“Buwisit!” Nagng
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay