Share

Kabanata 3992

Author: Lord Leaf
Nang mabanggit ni Charlie ang mga salitang ito, nakaramdam ng matinding insulto si Gigi at galit siyang napamura, “G*go! Matabil ang dila ko at mabaho ang pananalita ko?! Hindi ka ba naniniwalang pwede akong magpatawag ng taong sisira sa bibig mo?”

Galit na galit si Gigi, pero hindi niya inaakalang ang boyfriend niyang madalas na sumusunod sa kanyang mga utos ang biglang tatalikod at tititig sa kanya saka ito malamig na magsasalita, “Totoo namang matabil ang dila mo at mabaho ang pananalita mo!”

“T*ng ina!” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Gigi saka siya muling nagmura, “Hagrid Lynchson, anong kag*guhan ang sinasabi mo tungkol sa akin?!”

Sumigaw nang malakas si Hagrid, “Sabi ko matabil ang dila mo at mabaho ang pananalita mo!”

Pagkatapos, lumapit si Hagrid, kinuwelyuhan niya si Gigi, saka niya inangat ang kanyang kanang kamay papunta sa mukha nito at sinampal niya ito nang malakas.

Nagulantang ang lahat nang masaksihan ito pati na rin si Charlie.

Lalo na si Claudia at ang dalawan
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mark Espiña
ang tagal ng episodes..hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3993

    Ngayong humupa na ang kanyang mga emosyon at bumalik na siya sa kanyang tamang katinuan, napagtanto niya kung gaano kalaki ang pagkakamaling nagawa niya.Nang maisip niya ang buong pangyayari, naging makatuwiran na ang lahat.Kahit si Hagrid inisip niya na nawala lang siya sa kanyang tamang katinuan dahil sa matinding galit.Ang pinakamatindi niyang inaaalala ay kung paano matatapos ang sitwasyong ito. Kung hindi siya papakawalan ni Gigi pagkagising nito, siguradong matatapos na talaga ang buhay niya.Bumuntong hininga si Charlie at kinausap niya si Hagrid, “Sige, huwag ka nang umiyak dito. Sa ngayon, ang kailangan mong gawin ay dalhin siya sa ospital. Kung hindi, siguradong matatapos na ang buhay mo kapag hinayaan mong may mangyari sa kanya!”Agad na nakabalik si Hagrid sa kanyang huwisyo. Nataranta siyang tumugon, “Oo! Oo, tama ka! Kailangan kong magmadali para pumunta ng ospital! Dadalhin ko na siya agad sa ospital! Tatawag ako ambulansya!”Pagkatapos magsalita, umiling si Hag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3994

    Nang matanggap ni Charlie ang text message, hindi na siya nagdalawang isip na tawagan ito, at gaya ng inaasahan, nakapatay na naman ang cellphone ng misteryosong tao.Sa pagkakataong ito, hindi na nagpatuloy si Charlie sa pag-alam ng pagkatao ng kabilang panig. Sa halip, napatitig na lang siya sa warehouse. Nang makita niya si Claudia na nakasuot ng apron at abala itong nagtatrabaho sa loob, tahimik niyang inilagay ang kanyang cellphone sa bulsa niya.Sa kanyang opinyon, lalo naging kawili-wili ang babaeng ito na tinatawag na Claudia.Kaya, sinadya ni Charlie na magpanggap na para bang hindi siya apektado sa text message na natanggap niya ngayon lang. Sa halip, ngumiti siya at kinausap niya si Stephanie, “Stephanie, lalabas ba tayo ngayong gabi para kumain o sa bahay niyo na tayo maghahapunan?”Tumawa si Stephanie, “Ayos lang sa akin ang kahit ano. Depende na lang kung ano ang gusto mong kainin, Kuya Charlie. Kung kakain tayo sa bahay, pwede nating hintayin na umuwi si Mrs. Lewis s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3995

    Magalang na tumugon si Stephanie, “Maraming salamat talaga sa kabutihan niyo, Chief Light, pero talagang hindi tayo bagay sa isa’t isa.”Muling nagtanong si Chief Light, “Ayaw mo na talagang pag-isipan ang bagay na ito?”Nahihirapang tumugon si Stephanie, “Pasensya na talaga, Chief Light.”Napahinto si Chief Light sa loob ng ilang sandali, tumango siya, saka siya nagsalita, “Ayos lang. Ayos lang. Pagdating sa mga ganitong bagay, talagang dapat nating sundin ang puso natin. Kahit hindi masyadong mataas ang pinag-aralan ko, marunong pa rin naman akong umunawa ng mga ganitong bagay. Hindi kita pupuwersahin kung ayaw mo.”Nang mabanggit ito, tinuwid niya ang kanyang katawan, napatitig siya sa paligid, at hindi niya mapigilang magtanong, “Nasaan na ang pinsan ko? Bakit ayaw niya man lang akong batiin?”Tumugon si Stephanie, “May ginagawa si Claudia, baka hindi niya narinig na pumasok ka.”“Ano naman ang pinagkakaabalahan niya? Hindi niya ba alam ang sitwasyon sa tindahan niyo? Madalas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3996

    Malinaw na gumaan ang kalooban ni Stephanie pagkatapos umalis ni Gopher.Tinanong siya ni Charlie, “Stephanie, madalas bang pumupunta ang Gopher Light na ito para guluhin ka?”Nagkibit balikat si Stephanie at sinabi nang walang magawa, “Kilala ang lalaking iyon para sa reputasyon niya na mabait sa labas pero sa realidad, sobrang bagsik niya. Madalas mo siyang makikitang nakangiti, nagsasalita, at magalang sa mga tao, pero ang totoo ay mas masama siya sa kahit kanino.”Sumimangot si Charlie at tinanog, “Pwede ka bang maging partikular?”“Ito…” Tumingin si Stephanie sa direksyon ng warehouse at binulong, “Sasabihin ko sa iyo ito nang unti-unti kapag may pagkakataon ako.”Sa oras na sinabi niya ang mga ito, nakalabas na si Claudia. Tumingin si Claudia kay Charlie at sinabi nang seryoso, “Gumawa ng telecommunication fraud si Gopher Light sa Oskia. Pagkatapos nitong mangyari, tumakas siya sa Canada at nagtago sa ilalim ng ina ko…”“Magkapatid ang lolo ni Gopher at ang lola ko, kaya ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3997

    Tinanong ulit ni Stephanie, “Paano kung hindi sila maging komportable at gusto nilang burahin ang lahat?”“Imposible.” Umiling si Claudia at sinabi, “Pinagtakpan na nila ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko bilang isang malaking aksidente. Ngayong nagbalik na ako, sa mata ng lahat, ako lang ang nakakaawang tao na nabuhay.”“Kung bigla akong mamamatay ng isang araw, magmumukhang sinadya ito sa mga mata ng tagalabas. Kaya, basta’t sigurado sila na hindi ko alam ang katotohanan, hindi sila mangangahas na patayin ako.”“At saka, kung gusto kong ipaghiganti ang mga magulang ko at ang dalawang nakababatang kapatid ko, kailangan kong bumalik sa Vancouver para magkaroon ng pagkakataon na gawin ito!”Habang sinasabi ito ni Claudio, napaiyak ulit siya at sinabi, “Pero nang bumalik lang ako, na-cremate na ang mga magulang at dalawang kapatid ko at mabilis na nilibing. Bilang nag-iisang pamilya nila, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila…”Pagkatapos itong marinig, hindi na napig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3998

    Nagulat nang tuluyan si Claudia dahil sa maikling pangungusap na ito.Tinakpan niya nang hindi nag-iisip ang peklat sa kanyang mukha at sinabi, “Ikaw… Paano mo nalaman?!”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Kahit na mukhang sobrang makatotohanan ng peklat mo, visual effect lang ito. Kung totoong peklat ito, parte pa rin ito ng body tissue mo. Sa ibang salita, mukhang buhay ang isang totoong peklat, at kahit gaano pa mukhang makatotohanan ang isang pekeng peklat, panlabas na materyales lang ito.”Hindi maintindihan ni Claudia ang paliwanag ni Charlie.Naiintindihan niya na peke ang peklat, pero hindi niya maintindihan kung paano ito nakita ni Charlie.Para kay Charlie, ang pananaw niya na ayon sa Reiki ay lampas na sa normal na pananaw.Napagtanto na ni Charlie na walang kahit anong bakas ng buhay ang peklat ni Claudia sa sandaling nakita niya siya.Parang katulad ito kung paano hindi magkakaroon ng pakiramdam ng totoong bulaklak ang isang artipisyal na bulaklak kahit gaano pa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3999

    Hindi siya nagduda sa katapatan ng mga sinabi ni Claudia. Ito ay dahil ang mundong ito ay hindi payapa o kasing buti ng iniisip ng mga tao.Sa kabila ng malaking pag-unlad ng ekonomiya ng Europe at United States, ang mundo ng underground sa Europe at United States dina ang pinaka maduming lugar sa mundong ito, at wala itong kapantay.Si Claudia mismo ang anak ng dating leader ng mafia, at siguradong narinig niya na ang tungkol sa mga bagay na ito.Ang bagay kung saan galit na galit si Charlie ay ang katotohanan na ang mga miyembro ng mafia na ito na may mga kamay at paa at kayang magtrabaho ay kumikita ng malaking pera sa pamamagitan ng pagbenta ng mga babae. Mapangahas talaga ito.Kaya, pinigilan niya ang galit niya at tinanong si Claudia, “Paano mo nalaman na balak ni Gopher na galawin si Stephanie?”Naglabas si Claudia ng isang parang lipstick na flashlight sa kanyang bulsa at sinabi, “Ito ay isang violet flashlight na may partikular na wavelength na medyo iba sa wavelength par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4000

    Akala ni Claudia na hindi naintindihan ni Charlie ang mga sinabi niya, kaya, nataranta siya at inulit niya ulit ito, “Mr. Wade, ang sinasabi ko ay nasa pito o walong daang tao ang mayroon sila, at ito ang pinakamababang tantya ko. Kung isasamo ang ilan sa kanila, marahil ay nasa isang libo sila…”Tumango si Charlie at sinabi, “Medyo kapaki-pakinabang kung makakaipon ka ng isang libong tao.”Sinabi nang nagmamadali ni Claudia, “Mr. Wade, siguradong hindi mo sila matatalo nang mag-isa… At medyo nagpipigil sila sa umaga. Marahil ay hindi ka nila guguluhin kung kukunin mo si Stephanie. Makakatakas si Stephanie sa sakuna basta’t makakapunta siya sa airport. Kung maghihintay ka talaga hanggang gabi, marahil ay hindi ka na makaalis kahit gusto mo…”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi nang kaswal, “Ayos lang. Wala akong balak na kunin siya. Madaling umalis, pero hindi makatwiran na gawin ito. Bakit kailangan mong iwan ang pamilya at negosyo niyo at tumakas dahil lang may mga masasamang

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5741

    Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5740

    Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5739

    Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5738

    Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5737

    Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5736

    Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5735

    Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5734

    Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5733

    Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status