Ganap na naguluhan si Kathleen.Sigurado siya na wala siyang kalaban sa buong panahon na nasa Aurous Hill siya. At saka, nilihim niya nang sobra ang pagkakakilanlan niya.Kung pinatay o dinukot nga si Julian, ang ibig sabihin ay lampas sa imahinasyon niya ang lakas ng kalaban. Paano niya magagalit ang isang napakalakas na tao?Isang posibilidad ang biglang lumitaw sa isipan niya. Tumingala siya kay Charlie at tahimik na inisip, ‘Maaari ba na si Charlie ito?!’Lumingon siya para makita ang tapat na hitsura ni Charlie at tinanggal agad ang posibilidad na iyon. Hindi niya mapigilan na isipin, ‘Paano ito magiging si Charlie? Mabait na tao siya. Walang dahilan para sa kanya na puntiryahin ako…’‘At saka, sobrang bata niya. Paano siya magiging mas malakas kay Mr. Larson?’‘Kasama ko siya sa buong hapunan, maliban sa lumabas siya para sagutin ang isang tawag. Paano niya natalo si Mr. Larson sa napakaikling panahon nang walang ginagawang ingay? Kung may ganitong lakas talaga siya, hindin
Nang sinabi ito ni Albert, nilabas niya ang kanyang matabang wallet sa kanyang bulsa. Walang masyadong pera sa wallet, pero maraming iba’t ibang uri ng bank card sa loob.Kung titingnan, ang bawat bank card ay may isang sticky note na may numero na nakasulat doon. Ang ilan ay sampu, ang ilan ay dalawampu, tatlumpu, o kahit limampu at isang daan.Pinili ni Albert ang isang card na may tatlumpu na nakasulat doon. Tinapon niya ang card sa driver’s seat at sinabi, “May 500 thousand dollars sa card. Ang password ay 5, 0, 0, 0, 0, 0. Pwede niyong gastusin ito lahat at paghatian ang natitira.”Palaging may dalang bank card si Albert. Ilang milyong dolyar ang halaga nila. Hindi siya ang totoong cardholder para sa mga card, pero mayroon siyang password ng mga card. Ang bawat password ay katumbas ng limit ng card. Ang isang cord na may laman na 300 thousand ay may password na three at nagtatapos sa limang zero. Samantala, ang isang card na may 500 thousand ay may password na five at nagtatapo
Nabulag si Kathleen sa mabait na ugali ni Charlie, at tiningnan si Charlie na parang isang marahan na simoy ng tagsibol na nagpapainit sa kanyang puso.Habang nakatingin siya sa mga tapat na mata ni Charlie, medyo nakonsensya si Kathleen. Nakonsensya siya sa pagsisinungaling kay Charlie. Sa sandaling iyon, naanyaya siyang aminin ang lahat sa kanya.Pero, hinihintay pa ng Lolo niya ang Rejuvenating Pill para pahabain ang buhay niya. Nang maalala ito, pinigilan niya na lang ang kagustuhan niyang umamin.Inisip niya, ‘Kung mapapanalunan ni Lolo ang Rejuvenating Pill sa auction, aamin ako kay Mr. Wade at hihingi ng tawad sa lalong madaling panahon…’Sa parehong oras, nakita ni Charlie si Kathleen na nakatingin sa kanya nang tulala. Tinanong niya nang nalilito, “Ms. Jane, ayos lang ba ang lahat?”Natauhan si Kathleen at nagmamadaling itinago ang mga nararamdaman niya. “Oh, wala… Aalis na ako, Mr. Wade.”“Okay.” Tumango si Charlie at pinaalalahanan siya ulit, “Pakitandaan na tawagan mo
Tinanong nang nagmamadali ni Sherry, “Miss, ang ibig sabihin ba ay si Mr. Larson ang habol ng kalaban?”Ibinulong ni Kathleen, “Marahil ay hindi gano’n. Marahil ay hindi siya ang totoong target. Pero, pakiramdam ko na wala ako sa panganib sa ngayon. Malakas ang kalaban, pero dahil hinayaan niya ako, marahil ay napagtanto niya ang lakas ni Mr. Larson. Marahil ay itinuring niya si Mr. Larson na isang banta sa Aurous Hill, kaya inatake niya si Mr. Larson…”Nalito si Sherry sa hula ni Kathleen. “Pero sobrang kakaiba ng lahat ng ito… Sobrang lakas nga ni Mr. Larson. Pero, kailanman ay hindi niya ipinakita ang abilidad niya o inatake ang kahit sino sa Aurous Hill. At saka, bodyguard lang siya, hindi mamatay-tao. Hindi siya aktibong banta sa iba. Bakit siya pupuntiryahin ng kalaban?”Tinikom ni Kathleen ang mga labi niya. “Iyon ang sinusubukan kong alamin ngayon…”Nagambala siya sa kalagitnaan ng biglaang pagtunog ng kanyang cellphone. Ang tumatawag ay ang lolo niya, si Jordan Fox.Mabil
Si Charlie, may baliktad na nararamdaman mula kay Kathleen, ay pauwi na ngayon.Mas naging relax na siya pagkatapos makontrol si Julian. Dahil gusto ni Kathleen na patuloy na itago ang pagkakakilanlan niya, patuloy siyang paglalaruan ni Charlie.Para malaman ang background ni Kathleen, tinawagan niya si Porter. “Porter, na sa’yo na ba ang detalyadong impormasyon tungkol kay Kathleen Fox?”Ipinaalam sa kanya ni Porter, “Mr. Wade, ang kasalukuyang mayroon ako ngayon ay ipinapakita na si Kathleen Fox ang young lady ng pamilya Fox. Ang pamilya Fox ay medyo malakas na Oskian na pamilya sa North America. Hindi sila kasing lakas ng pamilya Acker, pero mas malakas pa rin sila sa pamilya Laine mula sa Hong Kong at pamilya Schulz sa Oskia.”Idinagdag pa ni Porter, “Ang founder ng pamilya Fox at ang kasalukuyang head ng pamilya Fox ay si Jordan Fox. Pumunta siya sa ibang bansa para mag-aral at magsikap sa kabataan niya, pero ngayon ay mahigit 90 years old na siya. Sinasabi na hindi maganda an
Bukod sa gulat at takot, naramdaman niya na medyo kakaiba ang nangyari ngayong gabi.Hindi niya malaman kung anong uri ng tao ang kayang puntiryahin nang tiyak si Julian.Bukod dito, kumilos ang kabila sa matalas at tiyak na paraan nang walang iniiwan na kahit anong bakas.Pinaghinalaan niya na rin si Charlie kanina.Pero, palaging lumiliko ang mga iniisip niya at bumabalik sa sinabi ni Julian kanina.Noon pa man ay pakiramdam na niya na kahit sobrang misteryoso si Charlie, hindi dapat siya gano’n kalakas.Naalala niya ang sinabi ng lolo niya sa cellphone. Hula ni Master Yant na ang kalaban ni Julian ay isang Dark Realm expert.Wala na ngang balita sa isang eksperto ng Great Perfection Realm sa Illuminating Realm, at ang isang eksperto ng Dark Realm, na isang malaking antas na mas mataas kumpara sa buong Illuminating Realm, ay mas bihira pa sa mundong ito.Dahil dito, mas lalong namangha si Kathleen sa Aurous Hill. Ginamit niya ang mga daliri niya nang hindi nag-iisip para pagl
Kung susundan ang isipan na ito, mas lalong naalarma si Kathleen. Ngmamadali siyang umupo sa bathtub habang nag-panic siya. Nababalisa niyang binulong sa sarili niya, “Si Mr. Larson ay isang six-star martial artist. Kung hindi niya makita ang cultivation ni Charlie, may dalawang posibilidad lang. Walang cultivation si Charlie, o mas malakas siya sa isang six-star martial artist!”“Kung mas malakas siya sa isang six-star martial artist, maaaring hindi naman siya isang seven-star martial artist. Marahil ay walang limitasyon!”“Kung napatay talaga si Mr. Larson o nasa ilalim ng kontrol ni Charlie, kung gano’n ay nasa Dark Realm na ang cultivation ni Charlie, tulad ng sinabi ni Master Yant!”“Siya rin ang pumili ng lugar na pinagkainan namin ngayong gabi. Sadya niyang pinili ang isang tagong lugar! Ginawa niya ba talaga iyon para ipatikim sa akin ang mga local specialty?”“Nagkataon na may problema lang sa mga surveillance camera sa paligid ng lokasyon na pinili niya, kaya, walang ma
Sinabi ni Jordan, “Sigurado ka ba? May lakas ba talaga ng isang Dark Realm expert ang lalaking iyon?!”Sinabi ni Kathleen, “Wala akong direktang ebidensya, pero pagkatapos ko itong suriin, malaki ang posibilidad nito. Sa tingin ko ay mas mabuti na maging maingat. Kahit ano pa, hindi dapat namin maapektuhan ang bid mo para sa Rejuvenating Pill.”Pinag-isipan ito saglit ni Jordan bago sinabi, “Kathleen, sa tingin ko ay mas mabuti na bumalik ka sa lalong madaling panahon. Dahil may panganib na na malantad ka, wala nang punto na manatili ka sa Aurous Hill. Tataas lang ang panganib nito.”Idinagdag niya, “Bumalik ka muna. Kapag ginanap ang auction, magpapasama ako kay Master Yant doon. Sa sandaling iyon, pupunta kami sa Aurous Hill para sumali sa auction nang lantaran at tapat. Naniniwala ako na marahil ay magdadala ang ibang sasali ng mga martial arts expert bilang kasama nila. Kahit na makapangyarihan talaga ang lalaking iyon, hindi niya sila gagalawin, hindi ba?”Sinabi ni Kathleen,
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl