Malapit nang magsara ang registration para sa Rejuvenating Pill.Halos isang libong tycoon mula sa buong mundo ang nagrehistro, pero sa huli, 200 lang ang makakasali.Pagkatapos ng deadline para sa registration, sinabihan ni Jasmine ang team na simulan ang capital verification process. Kung isa itong tycoon na may ranggo sa Forbes, ang pinakabagong net worth na inanunsyo sa Forbes list ang magwawagi at gagamitin nang direkta. Pero, kung isa itong tycoon na hindi pa lumilitaw sa Forbes list, isang sunod-sunod na nakakapagod at lubusan na capital verification process ang kailangan isagawa.Para naman kay Charlie, nagsimula na rin siyang maghanda para sa auction. Hindi niya kailangan maghanda ng mga Rejuvenating Pill dahil nakahanda na ang mga ito. Ang kailangan niya lang ihanda ay walang iba kundi ang mga amulet na ipinangako niya dati.Hindi mahirap gawin ang mga amulet, pero medyo simple ang gawain nila.Ang ilan ay kayang magtaboy ng kasamaan, ang ilan ay kayang baguhin ang kapal
Gumamit si Charlie ng isang bahagi ng higanteng kabibe para gumawa muna ng ilang medium-level amulet para harangan ang mga sakuna. Sa biyaya ng mga ganitong amulet, kahit papaano, maiiwasan ng ordinaryong tao ang kamatayan.Pero, limitado lang ito sa mga ordinaryong tao.Kahit hindi na banggitin ang isang master na may Reiki tulad ni Charlie, hindi rin ito kapaki-pakinabang para sa medyo malakas na martial artist tulad ni Porter.Madaling gawin ang ilang amulet na ito, kaya gumawa si Charlie ng sampung amulet nang sabay-sabay. Balak niyang ilagay sa auction ang dalawang amulet, at ibibigay niya ang mga natitirang amulet sa kanyang asawa at sa mga kaibigan sa paligid niya.Pagkatapos gawin ang mga amulet, handa na si Charlie na gumawa ng mas malakas na talisman para sa sarili niya.Kahit na kayang tumawag ng makalangit na kidlat ang dating Thunder Order, kung makakatagpo talaga si Charlie ng isang master, mahihirapan nang sobra si Charlie na patayin ang kalaban gamit lang ang isang
Pero para sa lahat ng magical instruments, nakasalalay ang effectiveness nito sa tatlong aspeto.Una, ang material na ginamit para buuin ang magical instrument.Kung mas maganda ang material, mas magiging makapangyarihan ang kalalabasang magical instrument. Kagaya rin ito ng paghuhulma ng ispada. Kung mas maganda ang bakal na gagamitin, mas magiging matalas at matibay ang ispada.Ikalawa, ang kakayahan ng gumagawa ng magical instrument.Kung mas malakas ang Reiki at mas mataas ang cultivation level ng isang tao, mas magiging makapangyarihan ang gagawin niyang magical instrument. Kagaya ito ng agwat ng mga ordinaryong tao sa isang swordsmith master—hindi ito masusukat. Para naman sa ikatlo, syempre nasa lakas ito ng gumagamit.Lahat ng magical instruments maituturing na isang perpetual motion machine na pwedeng gamitin nang walang hanggan.Halimbawa, may dalawang klase ng magical instruments para sa Thunder Order. Ang unang magical instrument ay nagagamit sa pamamagitan ng direk
Sa puntong ito, hindi alam ni Charlie kung pareho rin ba ang magiging epekto ng Soul Blade sa mga metal at bato gaya ng ginawa nito sa mga puno.Kaya, naghanap agad si Charlie ng isang malaking bato na kasing laki ng isang elepante. Direkta niyang inactivate ang sampung layers ng Soul Blade mula sa ilang dosenang metro.Sa pagkakataong ito, naramdaman ni Charlie na 30% ng Reiki sa kanyang katawan ang nagamit dahil sa atakeng ito. Sumunod, nasundan ito ng napakalakas na pagsabog ng Reiki sa kanyang harap!Ilang sandali ang makalipas, nagpira-piraso ang malaking bato dahil sa lakas ng atake at kumalat ang abo nito sa langit, para bang pinasabugan ito ng iba’t ibang klase ng bomba na ginagamit sa tuwing nagmimina.Sa loob ng ilang sandali, napalibutan ng mga maliliit na bato at abo ang buong paligid, natakpan rin nito nang pansamantala ang langit at ang araw!Nakatayo pa rin si Charlie sa kanyang puwesto at tiniis niya ang pag-ulan ng mga graba sa loob ng ilang segundo. Bawat piraso
Kahit hindi siya vegetarian, malinaw pa rin ang kanyang kontrol sa dami ng karneng kinakain niya. Bihira lang siya kumain ng red meat at hilaw na seafood. Madalas, manok ang kinakain niya o kahit anong mas mababa ang calorie.Subalit, sa isang lugar na gaya ng Heaven Springs, hindi nakamamangha ang manok bilang isang sangkap. Kahit may nakahain silang soup na gawa sa chicken stock sa mesa, madalas ginagamit nila ang soup na ito para magluto ng mga mamahaling karne gaya ng shark’s fin, abalone, at fish maw—mga sangkap na kinikilalang high-end sa Oskian cuisine.Sa kasamaang palad, mahirap para kay Kathleen na lunukin ang ganitong klase ng mga pagkain. Sa kanyang opinyon, ang pinakamagandang set ng pagkain sa Heaven Springs ay isang malaking mesa lang na puno ng low-quality protein at mga pagkaing nagdudulot ng sakit.Pakiramdam niya kapag nagpatuloy siya sa pagkain ng ganito, magkakaroon siya ng anorexia sa malapit na hinaharap.Kaya, tinawag niya ang waitress para pumasok saka siya
Sa pagkakataong ito, dahil sa desperasyon, nagmamakaawa pa rin si Smith sa isang waiter ng Heaven Springs. Hindi niya napansin si Kathleen na nakatayo at nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.Gusto lang makausap ni Smith ang kahit sino mula sa Apothecary Pharmaceutical para makakuha siya ng kaunting Apothecary Restoration Pills. Kung hindi, mauubusan na ng gamot ang kanyang anak.Subalit, ayaw magpatalo ng waiter mula sa Heaven Springs. Ayaw pa rin nitong pumayag, “Sir, kung magpapatuloy kayo sa panggugulo niyo, magpapatawag na ako ng pulis!”Nang makita ni Smith ang pirmi at matibay na determinasyon mula sa kabilang panig, alam niyang wala na siyang magagawa kahit manatili siya rito. Kaya, nagbigay na lamang siya ng mensahe, “Pakiusap, sabihin niyo kay Mr. Albert na babalik ako bukas para makausap siya. Sa ngayon, babalik muna ako sa hotel ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumalikod na si Smith at umalis na siya ng Heaven Springs.Sa pagkakataong ito, gulong-gulo ang puso ni S
“Tama ka…” Bumuntong hininga si Smith, “Sinabi ni Mr. Albert na ayaw akong makausap ng mga tao mula sa Apothecary Pharmaceutical.”Tumango si Kathleen at muli siyang nagtanong, “Nga pala, Mr. Smith, nabanggit mo na gusto mong makausap ang isang lalaki na tinatawag na Mr. Wade. Pwede ko bang tanungin kung sino si Mr. Wade?”Sumagot si Smith, “Si Mr. Wade ang head of operations ng Apothecary Pharmaceutical. Siya ang taong namamahala sa lahat ng desisyon na may kinalaman sa pagbebenta ng mga gamot nila. Siya rin ang nagbigay ng 20 boxes ng Apothecary Restoration Pill sa amin noong nakaraan.”Muling nagtanong si Kathleen, “Ano ang buong pangalan ni Mr. Wade?”Napaisip si Smith sa loob ng ilang sandali at napasimangot siya, “Isang beses ko lang siyang nakausap. Hindi ko maalala kung nabanggit niya ang buong pangalan niya. Nang ipakilala siya ni Liam Weaver, sinabi niya lang na siya si Mr. Wade.”Muling nagtanong si Kathleen, “Ano ang itsura ni Mr. Wade? Ilang taon na siya?”Napaisip s
Nakuha ni Kathleen ang interes ni Smith dahil sa sinabi niya. Ganoon din, nagtanong si Smith, “Miss Fox, aling auction house ang magsasagawa ng auction? Maghahanap na lang ako ng taong kakilala ko para makapasok ako roon.”Nang sabihin ito ni Smith, naisip niyang wala namang mali sa kanyang sinabi. Matapos ang lahat, siya ang person-in-charge ng FDA, masasabing isa siyang standard upper-class elite. Kaya, mararmi siyang kakilala mula sa iba’t ibang backgrounds. Naisip niyang kailangan niya lang gamitin ang kanyang koneksyon sa ilang international renowned auction houses para makakuha ng puwesto.Subalit, nang marinig ito ni Kathleen, hindi niya mapigilang mapangiti nang bahagya at seryosong tumugon, “Mr. Smith, hindi ordinaryo ang auction na ito. Isang local antique company sa Aurous Hill ang mag-aasikaso ng mismong auction at masyado ring mataas ang threshold para sa registration. Tanging ang mga taong may assets lang na mahigit sa 10 billion dollars ang pwedeng magregister. Sa ting
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro