Kahit hindi siya vegetarian, malinaw pa rin ang kanyang kontrol sa dami ng karneng kinakain niya. Bihira lang siya kumain ng red meat at hilaw na seafood. Madalas, manok ang kinakain niya o kahit anong mas mababa ang calorie.Subalit, sa isang lugar na gaya ng Heaven Springs, hindi nakamamangha ang manok bilang isang sangkap. Kahit may nakahain silang soup na gawa sa chicken stock sa mesa, madalas ginagamit nila ang soup na ito para magluto ng mga mamahaling karne gaya ng shark’s fin, abalone, at fish maw—mga sangkap na kinikilalang high-end sa Oskian cuisine.Sa kasamaang palad, mahirap para kay Kathleen na lunukin ang ganitong klase ng mga pagkain. Sa kanyang opinyon, ang pinakamagandang set ng pagkain sa Heaven Springs ay isang malaking mesa lang na puno ng low-quality protein at mga pagkaing nagdudulot ng sakit.Pakiramdam niya kapag nagpatuloy siya sa pagkain ng ganito, magkakaroon siya ng anorexia sa malapit na hinaharap.Kaya, tinawag niya ang waitress para pumasok saka siya
Sa pagkakataong ito, dahil sa desperasyon, nagmamakaawa pa rin si Smith sa isang waiter ng Heaven Springs. Hindi niya napansin si Kathleen na nakatayo at nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.Gusto lang makausap ni Smith ang kahit sino mula sa Apothecary Pharmaceutical para makakuha siya ng kaunting Apothecary Restoration Pills. Kung hindi, mauubusan na ng gamot ang kanyang anak.Subalit, ayaw magpatalo ng waiter mula sa Heaven Springs. Ayaw pa rin nitong pumayag, “Sir, kung magpapatuloy kayo sa panggugulo niyo, magpapatawag na ako ng pulis!”Nang makita ni Smith ang pirmi at matibay na determinasyon mula sa kabilang panig, alam niyang wala na siyang magagawa kahit manatili siya rito. Kaya, nagbigay na lamang siya ng mensahe, “Pakiusap, sabihin niyo kay Mr. Albert na babalik ako bukas para makausap siya. Sa ngayon, babalik muna ako sa hotel ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumalikod na si Smith at umalis na siya ng Heaven Springs.Sa pagkakataong ito, gulong-gulo ang puso ni S
“Tama ka…” Bumuntong hininga si Smith, “Sinabi ni Mr. Albert na ayaw akong makausap ng mga tao mula sa Apothecary Pharmaceutical.”Tumango si Kathleen at muli siyang nagtanong, “Nga pala, Mr. Smith, nabanggit mo na gusto mong makausap ang isang lalaki na tinatawag na Mr. Wade. Pwede ko bang tanungin kung sino si Mr. Wade?”Sumagot si Smith, “Si Mr. Wade ang head of operations ng Apothecary Pharmaceutical. Siya ang taong namamahala sa lahat ng desisyon na may kinalaman sa pagbebenta ng mga gamot nila. Siya rin ang nagbigay ng 20 boxes ng Apothecary Restoration Pill sa amin noong nakaraan.”Muling nagtanong si Kathleen, “Ano ang buong pangalan ni Mr. Wade?”Napaisip si Smith sa loob ng ilang sandali at napasimangot siya, “Isang beses ko lang siyang nakausap. Hindi ko maalala kung nabanggit niya ang buong pangalan niya. Nang ipakilala siya ni Liam Weaver, sinabi niya lang na siya si Mr. Wade.”Muling nagtanong si Kathleen, “Ano ang itsura ni Mr. Wade? Ilang taon na siya?”Napaisip s
Nakuha ni Kathleen ang interes ni Smith dahil sa sinabi niya. Ganoon din, nagtanong si Smith, “Miss Fox, aling auction house ang magsasagawa ng auction? Maghahanap na lang ako ng taong kakilala ko para makapasok ako roon.”Nang sabihin ito ni Smith, naisip niyang wala namang mali sa kanyang sinabi. Matapos ang lahat, siya ang person-in-charge ng FDA, masasabing isa siyang standard upper-class elite. Kaya, mararmi siyang kakilala mula sa iba’t ibang backgrounds. Naisip niyang kailangan niya lang gamitin ang kanyang koneksyon sa ilang international renowned auction houses para makakuha ng puwesto.Subalit, nang marinig ito ni Kathleen, hindi niya mapigilang mapangiti nang bahagya at seryosong tumugon, “Mr. Smith, hindi ordinaryo ang auction na ito. Isang local antique company sa Aurous Hill ang mag-aasikaso ng mismong auction at masyado ring mataas ang threshold para sa registration. Tanging ang mga taong may assets lang na mahigit sa 10 billion dollars ang pwedeng magregister. Sa ting
“Bago pa ianunsyo ng Vintage Deluxe ang auction ng Rejuvenating Pill, nasa ilang milyong dolyar lang ang valuation nito. Hindi man lang ito umabot sa 1% ng net worth ng Moore Group. Masasabing hindi masyadong mahalaga si Jasmine Moore sa kanyang pamilya.”“Pero kahit ganyan ang sitwasyon, nagawang manaig ni Jasmine Moore sa mga nakatataas sa kanya at siya ang naging successor ng Moore Group sa napakamurang edad…”Pagkatapos itong sabihin, nagdagdag si Kathleen, “Higit sa lahat, mula sa mga materyales na ito, walang impormasyon tungkol sa uncle at pinsan ni Jasmine Moore na nagsasabing nasa middle o higher level positions sila ng Moore Group. Ibig sabihin, hindi lang nanaig si Jasmine Moore mula sa kanila, pero nagawa niya ring itaboy nang tuluyan ang dalawang ito paalis ng kanilang pamilya.”Habang nagsasalita, hindi niya mapigilang mapabuntong hininga, “Hindi ko mapigilang mapaisip kung paano nagawa ng isang binibini na manaig sa labang ito sa kabila ng katotohanang maaga siyang na
Pinagsama-sama ni Kathleen ang lahat ng dokumentong nasa harap niya. Bumuntong hininga siya saka siya nagsalita, “Hindi ko talaga inaakalang maraming bagay na hindi ko maunawaan sa isang maliit na siyudad gaya ng Aurous Hill…”Nagdagdag si Kathleen, “Maging si Jasmine Moore man, Liam Weaver, o Kobayashi Ichiro, siguro akong may makapangyarihang tao na tumutulong sa kanila mula sa likod!Napatanong si Sherry, “Young Lady, sa tingin mo ba si Master Wade ang taong iyon?”Tumango si Kathleen at kalmado siyang tumugon, “Sa mga nakaraang insidente, pare-pareho lang ang katangian ng misteryosong taong ito. Sa tingin ko, iisa lang ang nasa likod ng lahat ng ito.”Habang nagsasalita, dinampot ni Kathleen ang financial statements ng Weaver Pharmaceutical. “Tignan mo naman! Isang medium-sized pharmaceutical company lang ang Weaver Pharmaceutical at nasa Oskia lang ang market nito. Mula sa financial statements nila, lahat ng gamot nila na may mabilis na turnover kakaunting profit lang ang naku
“Oo,” sambit ni Sherry, “Mula sa kanila, 40% ang nagtatrabaho sa public hospitals, 30% naman sa private hospitals at clinics, at ang natitirang 30% may sariling clinics. Ang pinakasikat sa kanila ay ang matandang doktor na si Anthony Simmons. Nagbukas siya ng sarili niyang clinic na tinatawag na Serene World Clinic sa Aurous Hill. Maganda ang takbo ng kanyang negosyo at marami ring nagsasabi na pinagaling niya ang isang dating paraplegic patient!”“Anthony Simmons?” Tila ba may naalala si Kathleen at napasimangot siya, “Sa tingin ko, narinig ko na ang pangalan ng taong ito. Ilang taon ang nakararaan, nagkaroon ng Oskian medicine summit sa Newcoe Hill. Interesado ang lolo ko rito at lumipad pa talaga siya para sumali sa convention. Kahit hindi ako sumama, nabasa ko ang ilang mga materyales ng summit. Pinakilala nila roon si Anthony Simmons. Maganda ang kanyang reputasyon sa Oskian medicine.”Napatanong si Sherry, “Young Lady, hindi kaya siya ang misteryosong tao na hinahanap natin?”
Pagkatapos mapuruhan ng mga sarili niyang tauhan, dinala si Jacob sa Silverwing Hospital gamit ang ambulansya.Inimbitahan ni Charlie si Anthony Simmons na pumunta ng Silverwing Hospital para painumin si Jacob ng kalahati ng Healing Pill.Kaya, lahat ng medical records ni Jacob mula sa pagkakataong natanggap niya ang injury hanggang sa kanyang recovery nakatago sa medical record system ng Silverwing Hospital.Sa nakalipas na mga taon, sa paglago ng teknolohiya gaya ng mga computers at internet, halos lahat ng ospital gumagamit na ng electronic medical records. Hindi lang ang impormasyon ng pasyente ang nilalaman nito, kundi pati na rin ang resulta ng bawat examination, ang medical records na isinulat ng doktor, ang diagnosis certificates, at higit sa lahat, ang medical imaging data ng pasyente. Dahil dito, madali lang para sa mga doktor na makita ang impormasyon ng kahit anong pasyente kahit kailan.Kahit maganda ang ganitong klase ng medical record system, may malaking peligro ri
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter