Hindi na nakatanggap ng pera si Wendy kay Kenneth, at hindi niya na rin binanggit ang tungkol sa mga natirang investment.Kung titingnan, mukhang makakakuha siya ng benepisyo sa kanya kung tutulungan niya siyang mabalik ang kanyang pagkalalaki.Kung hindi, siguradong iiwanan siya at ang pamilya niya ni Kenneth.Sa ngayon, ang 10 milyong dolyar na binigay ni Kenneth ay sapat lang para mapigilan ang problema ng Wilson Group. Hindi pa ito sapat para ibalik ulit sa dati ang kumpanya.Tumayo si Christopher sa tabi ni Kenneth at sinabi, “Sapat na ang paisa-isa, sobrang lakas ng epekto nito.”Tumango si Kenneth, kumuha siya ng tatlong tableta at ininom niya.Sinunggaban niya ang kamay ni Wendy at hinimok siya, “Wendy, umakyat na tayo.” Umaasa na magiging epektibo ang medisina.Mabilis na tumango si Wendy. Niyakap niya ang braso ni Kenneth at sinabi nang malandi, “Mahal, bumalik na tayo sa kwarto natin at subukan natin ulit.”Hinila ni Kenneth si Wendy pabalik sa kwarto. Pagkatapos, si
Nanginig sa gulat si Kenneth sa sinabi ng kanyang ina.Dahil lang gumawa siya ng eksena kay Charlie, hindi lamang ayaw siyang tulungan ni Anthony, pero gusto niya ring putulin ang ugnayan niya sa buong pamilya Wilson?Anong klaseng droga ang pinakain sa kanya ni Charlie para mahumaling at magayuma siya?!Naiinis at nagagalit, pinigilan ni Kenneth ang kanyang emosyon at sinabi, “Ma, hindi maasahan ang matandang aso na iyon! Isa siyang manloloko!”Sumigaw nang galit si Barbara, “Wala akong pakialam sa gagawin mo, pero dapat mong ibalik si Anthony si Eastcliff sa ika-84 na kaarawan ko para suriin ako at gamutin ang sakit ko. Kung hindi mo nagawa, maghintay ka lang at tingnan mo!”Mas nagiging makasarili ang mga tao habang tumatanda sila.Sa mas matandang edad, mas takot sila sa kamatayan, hinihiling na mabubuhay sila hangga’t kaya nila. Ayaw malaman ni Barbara ang tungkol sa away nina Kenneth at Anthony. Ang gusto niya lang ay manatiling personal na doktor niya si Anthony.Kapag na
Binuksan ni Jason ang takip ng lalagyan at sinabi, “Pa, sa tingin ko ay mas mabuti kung ibuhos natin ang gasolina sa rolling shutter para kumalat ang gasolina sa loob. Pagkatapos, kapag sinindihan natin ito mula sa labas, mabilis na kakalat ang apoy at kahit ang mga ipis ay hindi makakatakas!”Tumango si Justin at suminghal, “Mabuti! Sunugin natin sila hanggang maging abo sila, itong mga t*ng ina na ’to!”Kahit na si Justin ay hindi isa sa mga matagumpay na tao sa Aurous Hill, siya ang numero uno sa siyudad pagdating sa sobrang pag-spoil sa anak niya.Ang pamilya niya ay may tag-iisang lalaking tagapagmana lang sa ilang henerasyon. Pagkatapos magkaroon ng ilang anak na babae, sa wakas ay nagka-anak na lalaki na si Justin, si Jason, kaya simula noong bata pa lang si Jason, pinalaki niya na siya sa layaw at palaging binibigay ang gusto niya.Noong nasa elementarya pa lang si Jason, hinampas nang isang guro ang kanyang palad bilang parusa dahil gumagawa siya ng gulo sa klase, sinisira
Hindi alam nina Justin at Jason na kalahati na lang ang mahiwagang gamot ni Anthony, pero alam ito ni Kenneth.Alam niya dahil muntik niya na itong makuha kay Anthony kaninang hapon.Hindi siya nangahas na makipaglaban mismo kay Anthony, pero kung ipapasa niya ang trabahong ito sa ignoranteng mag-ama, pwede siyang tumabi na lang at makinabang sa mga gagawin nila gamit lamang ang ilang salita.Halimbawa, pwede siyang humanap ng ilang tableta at gayahin ang totoong bagay na nakita niya ngayon. Pagkatapos niyang kidnapin si Anthony, hahanapin niya ang totoong tableta sa katawan ni Anthony at palihim na ilalagay ang mga pekeng tableta. Sa oras na iyon, hindi lamang niya magagamot ang pagiging impotent niya, pwede niya ring isisi sa kanila ang pagkamatay ni Anthony!Si Justin naman, ay hindi na ito masyadong pinag-isipan.Sa opinyon niya, ang kalaban ng kanyang kalaban ay ang kaibigan niya. Dahil may pareho silang kalaban, pwede silang magtulungan. Ang mas madami, mas maganda. Bukod di
Sa kabaliktaran, sinisi ni Elaine ang sarili niya sa nangyari kay Jason. Naramdaman niya na hindi dapat naparusahan si Jason dahil maganda naman ang layunin niya.Kaya, nang matanggap niya ang tawag ni Jason, sobrang saya niya, pero na-guilty din nang kaunti.Narinig ang tapat na boses ni Jason sa tawag. “Tita, pasensya na sa nangyari sa hospital noong isang araw. Naloko ako at nagdala ng pekeng doktor para gamutin si Tito. Patawarin mo ako at hindi pa ako humihingi ng tawad sa iyo…”“Oh!” Sinabi ni Elaine. “Hey, Jason, anong sinasabi mo! Palagi akong nagpapasalamat sa mabuting hangarin mo, at patawarin mo ako sa nangyari sa’yo. Dapat ako ang nanghihingi ng tawad sa iyo!”“Hindi, Tita, ako ang may kasalanan at hindi ko nasuri ang kredensyal ni Dr. Lynch.”Pagkatapos, dinagdag niya, “Kaya, gusto sana kitang imbitahin sa tanghalian para sa personal mismo ako makahingi ng tawad kung ayos lang sa’yo.”Natuwa nang sobra at nasabik si Elaine sa imbitasyon!Sa totoo lang, sa tingin niy
Buong umaga na nangarap nang gising si Elaine tungkol sa milyong dolyar na regalo sa kanya ni Jason. Ano kaya ito? Nawalan siya nang gana na maglaro ng baraha at mabilis siyang pumunta sa Divine Lounge para makipagkita kay Jason nang dumating ang oras.Ano kaya ang regalo? Alahas? Diyamante? Pera? Cheque? O iba?Para sa mga taong katulad ni Elaine, nakakaakit nang sobra ang mga marangyang regalo ni Jason.Noong nakaraang araw, nang ginamit niya ang cheque ni Claire para bayaran ang mga bayarin sa hospital at kinupit ang 160,000 dolyar, ilang araw siyang sobrang masaya sa katalinuhan niya.Kaya, agad siyang sumaya nang sobra nang maisip niya ang tungkol sa milyong dolyar na regalo sa kanya ni Jason.Sa 11:30 a.m., nagpaalam si Elaine sa mga kaibigan niya, sumakay ng taxi, at dumiretso sa Divine Lounge.Nang dumating siya sa restaurant, tumayo siya sa gilid ng pinto tulad nang pinag-usapan at hinintay na dumating si Jason.Hindi matagal, isang bagong itim na Mercedes Benz ang maba
Pera lang ang nasa isipan niya!Para sa kanya, ang pinakaimportanteng elemento na hinahanap niya sa kanyang manugang ay dapat mayaman sila at handang gumastos ng pera para sa kanya. Kung hindi, sila ay mga dumi lang sa kanyang mga mata kahit gaano pa sila kagaling.Ang lalaking tulad ni Jason ang pinakamagandang kandidato bilang manugang niya dahil handa siyang gumastos sa biyenan niyang babae!Sobrang mapagbigay niya at binigyan siya ng Mercedes Benz bilang regalo bago pa maging sila ng anak niya, anong mangyayari kung papakasalan siya ni Claire? Bibigyan niya ba siya ng malaking mansyon o marangyang yacht?Sobrang saya niya, at kung ano-ano na ang naisip niya!Gayunpaman, kailangan niya pa ring ipakita ang pagiging magalang niya. Hinawakan niya ang braso ni Jason at sinabi niya nang tapat, “Jason, naantig ako sa pagiging mapagbigay mo, pero sobrang mahal ng kotse. Ayos lang ba talaga na tanggapin ko ito nang gano’n lang?”“Bakit naman hindi?” Sumagot si Jason. “Tita, ito ang ta
Sa sandaling ito, sina Claire, Charlie, at Jacob ay kakatapos lang magtanghalian sa bahay.Habang papunta na si Charlie sa kusina upang maghugas ng mga pinagkainan, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Xyla.Sa sandaling sinagot niya ang tawag, sumagot nang may kahihiyan si Xyla at sinabi, “Mr. Wade, ano pong ginagawa mo ngayon?”“Nasa bahay lang ako.” Sumagot nang kaswal si Charlie. Pagkatapos, tinanong niya, “Anong mayroon? May gusto ka bang sabihin sa akin?”Sa sandaling ito, mabilis na sumagot si Xyla, “Tinawagan po kita ngayon dahil may gusto akong i-ulat sa iyo.”“Magsalita ka.”Nagmamadaling ipinaliwanag ni Xyla ang sarili niya sa sandaling ito, “Ganito ang nangyari. Kahapon, pumunta sina Jason Grant at Kenneth Wilson sa klinika ng lolo ko at nagmakaawa sila na gamutin sila! Hindi alam ng lolo ko na kinalaban ka ni Kenneth at muntikan niya nang ibigay ang kalahati ng mahiwagang gamot na ibinigay mo sa kanya!”Dahil sa pagkausisa, tinanong ni Charlie, “Bakit? May mag
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang