“Tama… Sobrang laki ng Oskia, at hindi masyado iba ang sukat ng bans kumpara sa buong Europe. Kaya, saan mahahanap ang Rejuvenating Pill? Paano natin mahahanap ang Rejuvenating Pill?”Sa isang iglap, napuno ng Rejuvenating Pill ang isipan ng bawat isa sa mga tao na nakaupo sa unang hilera.Ang gusto lang nila malaman ay kung paano nila makukuha ang Rejuvenating Pill na ito.Hindi matagal, nagsimula na nang opisyal ang coronation ceremony ni Helena.Nagsimula na rin magpadala ng live video signal at feeds ang media sa buong mundo sa sandaling ito.Ang royal coronation ceremony ay engrande at kahanga-hanga, at si Helena ay nakakasilaw na parang isang perlas, namangha ang lahat ng viewer na nasa harap ng telebisyon.Pero, sa ilang kadahilanan, para sa mga viewer, ang mga bisita sa audience na nakaupo sa unang ilang hilera ay mukhang abala at lumilipad ang mga isipan.Sa sandaling ito, may isang bagay lang sa isipan nila, at iyon ay kung paano nila makukuha ang misteryoso at dakilan
Ang kaibigan na ito ni Chandler ay may pangalan na Jordan Fox.Ipinuslit ni Jordan ang sarili niya United States sa edad na 18 years old para kumita ng pera at nang nagretiro siya sa edad na 80, nakagawa na siya ng isang business empire na may halagang 400 billion US dollars, at isa siyang maalamat na tao sa buong North American Oskian community.Pero, ang taong ito ay hindi nag-iwan ng bakas sa Forbes list.Siya ang sobrang tagong mayaman na madalas pinag-uusapan ng western high society.Karamihan ng mga pondo na nabibilang sa Forbes list ay mga founder at major shareholder ng ilang listed company, at ang mga asset lang ng mga ganitong tao ang mahirap matago.Halimbawa, matagal nang nangingibabaw si Bill Gates sa titulo bilang pinakamayamang tao sa buong mundo, pero simula noong pinili ng Microsoft na lumabas sa publiko, karamihan sa financial information ng Microsoft ay kailangan maging bukas sa publiko, at ang data market value ng kumpanya ay maaari suriin ng mga security sa ma
Sa kaso ng mga ordinaryong tao, hindi sila magkakaroon ng tsansa na umabot ng 70 yeas old pagkatapos nilang dumaan ng maraming major operations.Subalit, nagawang lagpasan ni Jordan ang napakaraming organ transplants at umabot pa rin siya ng mahigit sa 90 years old sa tulong ng laboratory.Sa parehong pagkakataon, nag-invest rin siya sa brain research program na kagaya ng napakayamang taong si Chen, umaasa siyang makahanap ng paraan para mapreserba ang utak at human consciousness kahit wala na itong pisikal na katawan. Sa madaling salita, gusto niyang magkaroon ng conscious eternal life.Maliban dito, nagbigay rin siya ng investment na hindi bababa ng 1 billion dollars sa scientific research technology ng human cryopreservation.Layunin ng pag-aaral na ito na ilagay sa frozen state ang katawan ng isang tao kapag malapit na itong mamatay at wala ng ibang paraan para mapahaba ang buhay na ito. Sa hinaharap, aalisin nila sa frozen state ang katawan ng taong ito kapag sapat na ang kani
“Rejuvenating Pill?!”Nang marinig ang dalawang salitang ito, natigilan si Jordan sa loob ng ilang segundo saka siya muling nagtanong, “Ano ito? Isang medisina?”“Oo!” Tugon ni Chandler, “Isang medisina ang Rejuvenating Pill. Isa itong divine immortal pill na may nilalamang great sacred power.”Hindi makapaniwala si Jordan kaya muli niyang tinanong si Chandler, “Kung gano’n, anong kumpanya ang pinanggalingan ng gamot na iyan? Ano ang mga sangkap nito? Ano ang prinsipyo sa paggawa nito? Ano ang pharmacokinetics at may clinical trial reports ba?”Nagpaliwanag si Chandler, “Walang kumpanya, hindi ko alam kung ano ang mga sangkap, at ang prinsipyo sa likod ng paggawa nito ay isang bagay na hindi mauunawaan ng isang kagaya ko. Para naman sa pharmacokinetics at clinical trials, walang ganyan.”Habang nagsasalita, nagdagdag si Chandler, “Nga pala, pagdating sa pharmacokinetics, pwede kong sabihin sa’yo ang personal kong karanasan. Pagkatapos pumasok ng divine medicine sa katawan mo, mara
Dahil maraming ginawang investment si Jordan sa iba’t ibang direksyon na walang breakthrough, kaya masigasig siyang malaman kung ano ang oportunidad na na-engkuwentro ni Chandler.Subalit, sino naman ang mag-aakalang hindi kapani-paniwala ang sikretong tinatago ni Chandler sa buong pagkakataon?Subalit, hindi naman mukhang nagbibiro ang tono ni Chandler. Kaya, napatitig si Jordan sa screen ng kanyang cellphone at seryoso siyang nagtanong, “Chandler, matalik tayong magkaibigan sa loob ng napakaraming taon. Tatanungin lang kita ng isang bagay. Talaga bang totoo ang sinasabi mo?”Tumugon si Chandler nang walang pag-aalangan, “Totoo ang sinasabi ko!”Napaisip si Jordan at marami ang pagdududa sa loob niya, “Ito… Paano naman naging posible ang bagay na ito? Hindi magagawa ng kahit anong gamot ang ganitong klase ng milagro…”Tumugon si Chandler, “Sa tingin ko isa itong kaalama na iniwan ng mga dati nating ancestors.”Seryosong nagsaita si Jordan, “Chandler, hindi ako magsisinungaling,
Sa parehong pagkakataon, sa cathedral ng Oslo City, ang capital city ng Northern Europe.Nakatayo si Helena na kasalukuyang nakasuot ng holy white queen robe sa harap ng archbishop, nagsimula na siya sa kanyang taimtim at sagradong coronation ceremony.Inimbitahan ng matandang archbishop si Helena sa tronong nasa gitna ng stage ng cathedral. Naririyan rin ang ilang mga lalaki at babae na nakasuot ng court dresses at may hawak na scepters.Maliban dito, ang chancellor ng Northern Europe, ang judge of the heraldic, at ang minister na namamahalaga sa seremonya, pati na rin iba pang mga taong may mahahalagang gampanin, nasa stage rin habang nakasuot ng magagarbong damit.Pagkatapos umakyat ng mga taong ito papunta sa stage, humarap sila sa apat na direksyon sa East, West, North, at South ng simbahan.Sa pagkakataong ito, nagbanggit ng dasal ang archbishop mula sa bibliyang nasa kamay niya saka siya nagtanong isa-isa, “Mga ginoo, naririto at taimtim kong pinapakilala sa inyo si Helena
Wala na ibang masabi si Charlie: [Salamat. Napakabuti mo naman.]Pagkatapos, binago ni Charlie ang usapan saka siya nagtanong: [Tapos na ba ang coronation ceremony mo?]Tumugon si Helena: [Hindi pa pero magkakaroon kami ng party mamaya-maya. Hind nga lang nakabukas sa publiko ang party na ito kaya walang live broadcast.]Ganoon din, nagdagdag si Helena ng isa pang text message: [Nga pala, Mr. Wade, nagawa nang i-promote ni lola ang Rejuvenating Pill sa mga bisita. Tuwang-tuwa sila at hindi sila makapaghintay na makakuha nito.]Napangiti si Charlie dahil ito ang epektong gusto niyang makita.Sa pagkakataong ito, gusto niyang gumawa ng hindi mapapantayang bagay sa kasaysayan. Para makamit ito, ang mga mararangyang tao sa Europe at United States ang pinakamagandang targets.Basta ba may tamang publicity, maaakit sila para pumunta ng Oskia at siguradong maglalabas sila ng malaking halaga para makuha ang Rejuvenating Pill.Nagpalitan si Charlie at Helena ng ilan pang mga mensahe sa W
Sa gabing iyon, nagdulot ng malaking sensasyon ang mga salitang ‘Rejuvenating Pill’ sa buong circle ng mga mararangyang tao sa Europe at United States.Sumunod na araw, nakatanggap si Charlie ng mensahe mula kay Porter sa umagang iyon.Naasikaso niya na ang talong forward bases sa northern coast ng Gulf of Aden.Para naman sa dahilan kung bakit mabilis niya itong nagawa, may kinalaman ito sa mga koneksyon ng Ten Thousand Armies pati na rin sa kanilang kasikatan sa Middle East sa loob lang ng ilang taon.Kahit malaking pagkabigo ang naranasan nila kamakailan lang, kumakalat pa rin ang balitang nagawang pasukuin ng Ten Thousand Armies ang pamilya Wade at makuha ang kalahati sa assets nito. Kaya, para sa panlabas na mundo, hindi pwedeng maliitin ng kahit sino ang lakas ng Ten Thousand Armies, baka nga mas makapangyarihan pa sila sa dati.Marami ring nangyayaring giyera sa Middle East, kaya para sa mga bansang ito, handa silang bumuo ng magandang relasyon sa mga mercenary organization
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl