Mukhang nagmumula sa kwarto nina Wendy at Kenneth ang mga ingay. Tumingin nang mausisa sina Christopher at Hannah sa isa’t isa at mabilis silang lumabas para tiingnan ang nangyari.Sa sandaling ito, tumakbo pababa si Wendy na may magulong damit at sinabi sa umiiyak na boses.Nakita ni Christopher ang pulang bakas ng palad sa kanyang mukha at balisa niyang tinanong, “Anong nangyari Wendy? Sinampal ka ba ni Kenneth?”Inosenteng umiyak si Wendy, “Pa, Ma, hindi ko alam kung bakit, pero biglang hindi na gumana ang pagkalalaki niya! Sinubukan ko na ang iba’t ibang paraan, pero… gano’n pa arin. Pagkatapos, nagalit siya at sinampal ako…”“Ano? Hindi na gumana?’ Tinanong sa sorpresa ni Christopher, “Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari?”Wala nang pakialam si Wendy sa kahihiyan at mabilis niyang ipinaliwanag, “Iyon! ‘Yung pagkalalaki niya! Hindi na tumatayo, walang reaksyon!”“Huh?!” Tumili si Hannah, “Dahil ba sa edad niya?”Umiling si Wendy. “Hindi! Ayos lang ito kagabi! Pero hindi
Sa Silverwing Hospital.Dahil gabi na nang dumating sila sa hospital, naghintay na lang sila sa emergency department.Pagkatapos pumila nang dalawampung minuto, sila na ang sumunod, at ang unang tinanong ng doktor ay, “Hello? Anong pinunta niya dito?”Pinaalis ni Kenneth si Christopher sa labas ng ward bago niya sinabi sa doktor, “Doc, sa tingin ko ay biglang naging impotent ako. Maaari niyo bang tingnan kung anong nangyari sa akin?”“Impotent?!” Nagulat ang doktor at sinabi, “Ang pagiging impotent ay isang andrological disorder, hindi ito isang emergency. Payo ko na bumalik ka na lang bukas nang umaga at dumiretso sa andrology department at patingnan ito sa doktor doon para sa iyo. Kaming mga nasa emergency department ay nakatuon sa mga sakit tulad ng sakit ng ulo, lagnat, aksidenteng sugat, o mga pasumpung-sumpong na mga sakit.”Galit na sinabi ni Kenneth, “Emergency ang pagiging impotent ko! Hindi ba pwedeng magpagamot agad ako?!”Nilinis ng doktor ang kanyang lalamunan at sin
Nang maramdaman niya ang kakaibang katahimikan, tinanong ni Kenneth, “Doc, ano pong lumabas?”Umiling nang walang magawa ang doktor at sumagot, “Mr. Wilson, mukhang hindi namin maaayos ang problema mo. Ayon sa mga pagsusuri at resulta, pinapakita na mayroon kang sakit na tinatawag na penile necrosis, ang ibig sabihin ay ang mga nerves sa paligid ng ari mo ay nasira na nang matindi. Patawarin mo ako.”“Maaari ba na hindi lang sapat ang galing ng hospital niyo?” Tinanong ni Christopher.Tumingin ang doktor sa kanya nang naiinis at sinabi, “Sa medisina at teknolohiya ngayon, kaya naming gamutin ang mga nasirang nerves at mabagal itong pagalingin, pero wala kaming magagawa sa mga necrotic nerves. Parang pag naaksidente ka sa kotse. Ang ilang tao ay mabagal na gagaling, pero ang iba ay hindi na makakatayo.”Pagkatapos, tumingin siya kay Kenneth at sinabi sa madilim na tono, “Sa kaso mo, walang tao sa mundong ito ang may magagawa rito. Hindi ito magagamot.”“Ano?! Argh! Paano nangyari i
“Ah? Kilala mo si Doctor Simmons?” Tinanong nang mausisa ng doktor.Tumawa nang malugod si Kenneth. “Syempre, mas higit pa sa kakilala! Ang sikat na doktor na sinabi mo ay kaibigan ng pamilya namin! Dati, noong nasa ibaba siya, ang pamilya namin ang tumulong sa kanya para umangat ulit at makamit niya ang mayroon siya ngayon. Hindi ko alam na nasa Aurous Hill siya ngayon, magaling!”Tumalon siya sa kama at sinabi kay Christopher, “Bilisan mo, dalhin mo ako agad sa klinika ni Dr. Simmons!”Pagkatapos itanong ang address ng klinika ni Anthony, mabilis na hinatid ni Christopher si Kenneth sa Serene World Clinic.Sa sandaling dumating siya sa pasukan ng klinika, bumaba si Kenneth sa kotse at nagamdali sa klinika nang balisa at nakita niya ang parang isang miyembro ng klinika na tinutulak ang isang binata palabas ng pinto.Ang binata ay lumpo at miserableng nagmamakaawa, “Sir, sir, pakiusap, nagmamakaawa ako sa’yo! Pakisabi kay Dr. Simmons na kailangan ko ng tulong niya. Bibigyan ko siy
Penile necrosis?Sobrang hirap ng problemang ito!Wala pang kilalang paraan sa paggamot ng problemang ito sa Chinese at Western medicine. Kung necrosis talaga ito, hindi na ito magagamot.Nagmamadaling tinanong ni Anthony, “Paano ito nangyari? Anong ginawa mo? Sobrang bihita ng Penile necrosis disorder!”Ayaw nang pag-usapan ni Kenneth ang tungkol sa nakakahiyang pangyayari, kaya binulong niya, “Hindi ko alam kung paano, pero nangyari ito nang gano’n lang. Pumunta ako sa Silverwing Hospital para ipasuri ito, at sinabi sa akin ng doktor na necrosis ito…”Pagkatapos, umiyak siya at nagmakaawa, “Uncle Simmons, pakiusap at tulungan mo ako! Ikaw na lang ang makakatulong sa akin!”Naramdaman ni Anthony na hindi niya kaya ang problemang ito. Kahit gamit ang kakayahan niya sa medisina, ang magagawa niya lamang ay panatilihin ang necrosis para hindi matuyo ang ari niya, pero imposibleng magamot ang necrosis at maibalik ang kakayahan nito...Nagbuntong hininga siya at sinabi, “Kenneth, al
Nagulat nang sobra si Anthony nang marinig niya ang sinabi ni Xyla! Tinanong niya, “Ano? Sinasabi mo ba na kinalaban ni Kenneth si Master Wade?!”“Oo!” Tumango nang paulit-ulit si Xyla. “Bukod dito, narinig ko na matinding laban ito. Nilandi niya pa ang asawa ni Master Wade, sinabi ni Kenneth na bibigyan niya siya ng 10 milyong dolyar para lang magpalipas ng gabi kasama siya!”Naging sobrang pula ng mukha ni Anthony. Hindi niya inaakala na kakalabanin ni Kenneth si Master Wade nang ganito katindi! Anong tingin ni Kenneth sa sarili niya!Napuno ng galit na pangungusap ang isipan ni Anthony.‘Tinulungan ako ni Master Wade gamit ang kabaitan na hindi ko masusuklian. Ikaw, Kenneth? Oo, tinulungan ako dati ng ama mo, pero binayaran ko na ang utang ko sa pamilya Wilson sa pagiging doktor ng pamilya mo nang ilang dekada! At saka, pumanaw na ang ama mo. Wala na akong obligasyon sa pamilya mo. Pwede pa kitang tulungan kung nasugatan mo lang ang sarili mo, pero ginalit mo ang maling tao! Gin
“Master? Tunay na dragon?” Sinabi ni Kenneth sa gulat na tono. “Tito Simmons, may mali ba sa utak kmo? Paano ka naloko ng manlolokong iyon? Hindi siya isang master o tunay na dragon, isa lang siyang walang kwentang manugang na nakatira sa bahay ng asawa niya… isang pabigat! Ang pamilya Wilson kung saan siya kinasal, tinatrato nila ako na parang isang hari! Niregalo pa nila si Wendy Wilson sa akin bilang kasama ko at kapareha. Isa lang siyang mababang langgam kumpara sa akin!”Pagkatapos, nagpatuloy siya sa galit na boses, “Tito Simmons, sa tingin mo ba talaga ay karapat-dapat ang talunan na iyon na protektahan mo at sisirain mo pa ang ugnayan sa pamilya namin? Babalewalain mo na lang ba ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga pamilya natin?”“G*go!” Bumaluktot sa galit na hitsura ang mukha ni Anthony. Pinulot niya ang medicine pestle na nasa lamesa at hinampas ito nang mabangis sa ulo ni Kenneth habang nagmumura, “Ikaw at ang mapanirang-puri mong bibig! Umalis ka na dito ngayon din!”Hi
Totoo, gusto na talagang patayin ni Kenneth si Charlie sa sandaling iyon.Gayunpaman, napagtanto niya na hindi matalinong kumilos nang hindi nag-iisip—ang makapangyarihang dragon ay walang laban sa isang ahas na nasa bahay niya.Alam niya na wala siyang laban kay Charlie sa ngayon.Mukhang si Charlie ay medyo malakas at makapangyarihan, ang ibig sabihin ay magaling siya sa martial arts at self-defense.Sobrang hirap kalabanin ng isang taong maraming alam at masigasig. Kailangan niyang humanap ng isang tao kasing galing o mas makapangyarihan pa kay Charlie upang kalabanin siya, kung hindi, walang silbi ang lahat!Ang pinakaimportanteng bagay pa rin ngayon ay ayusin ang pagiging impotent niya. Kung hindi, parang nakatira na siya sa impyerno!Nagalit ulit si Kenneth kay Anthony nang maisip niya ito!Ang tandang iyon! Malinaw na may tableta siya na makakagamot sa kanya, pero ayaw niya itong ibigay sa kanya!At saka, pinaalis pa niya siya sa kanyang kilinika para sa talunang iyon, s
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata