Nang maramdaman niya ang kakaibang katahimikan, tinanong ni Kenneth, “Doc, ano pong lumabas?”Umiling nang walang magawa ang doktor at sumagot, “Mr. Wilson, mukhang hindi namin maaayos ang problema mo. Ayon sa mga pagsusuri at resulta, pinapakita na mayroon kang sakit na tinatawag na penile necrosis, ang ibig sabihin ay ang mga nerves sa paligid ng ari mo ay nasira na nang matindi. Patawarin mo ako.”“Maaari ba na hindi lang sapat ang galing ng hospital niyo?” Tinanong ni Christopher.Tumingin ang doktor sa kanya nang naiinis at sinabi, “Sa medisina at teknolohiya ngayon, kaya naming gamutin ang mga nasirang nerves at mabagal itong pagalingin, pero wala kaming magagawa sa mga necrotic nerves. Parang pag naaksidente ka sa kotse. Ang ilang tao ay mabagal na gagaling, pero ang iba ay hindi na makakatayo.”Pagkatapos, tumingin siya kay Kenneth at sinabi sa madilim na tono, “Sa kaso mo, walang tao sa mundong ito ang may magagawa rito. Hindi ito magagamot.”“Ano?! Argh! Paano nangyari i
“Ah? Kilala mo si Doctor Simmons?” Tinanong nang mausisa ng doktor.Tumawa nang malugod si Kenneth. “Syempre, mas higit pa sa kakilala! Ang sikat na doktor na sinabi mo ay kaibigan ng pamilya namin! Dati, noong nasa ibaba siya, ang pamilya namin ang tumulong sa kanya para umangat ulit at makamit niya ang mayroon siya ngayon. Hindi ko alam na nasa Aurous Hill siya ngayon, magaling!”Tumalon siya sa kama at sinabi kay Christopher, “Bilisan mo, dalhin mo ako agad sa klinika ni Dr. Simmons!”Pagkatapos itanong ang address ng klinika ni Anthony, mabilis na hinatid ni Christopher si Kenneth sa Serene World Clinic.Sa sandaling dumating siya sa pasukan ng klinika, bumaba si Kenneth sa kotse at nagamdali sa klinika nang balisa at nakita niya ang parang isang miyembro ng klinika na tinutulak ang isang binata palabas ng pinto.Ang binata ay lumpo at miserableng nagmamakaawa, “Sir, sir, pakiusap, nagmamakaawa ako sa’yo! Pakisabi kay Dr. Simmons na kailangan ko ng tulong niya. Bibigyan ko siy
Penile necrosis?Sobrang hirap ng problemang ito!Wala pang kilalang paraan sa paggamot ng problemang ito sa Chinese at Western medicine. Kung necrosis talaga ito, hindi na ito magagamot.Nagmamadaling tinanong ni Anthony, “Paano ito nangyari? Anong ginawa mo? Sobrang bihita ng Penile necrosis disorder!”Ayaw nang pag-usapan ni Kenneth ang tungkol sa nakakahiyang pangyayari, kaya binulong niya, “Hindi ko alam kung paano, pero nangyari ito nang gano’n lang. Pumunta ako sa Silverwing Hospital para ipasuri ito, at sinabi sa akin ng doktor na necrosis ito…”Pagkatapos, umiyak siya at nagmakaawa, “Uncle Simmons, pakiusap at tulungan mo ako! Ikaw na lang ang makakatulong sa akin!”Naramdaman ni Anthony na hindi niya kaya ang problemang ito. Kahit gamit ang kakayahan niya sa medisina, ang magagawa niya lamang ay panatilihin ang necrosis para hindi matuyo ang ari niya, pero imposibleng magamot ang necrosis at maibalik ang kakayahan nito...Nagbuntong hininga siya at sinabi, “Kenneth, al
Nagulat nang sobra si Anthony nang marinig niya ang sinabi ni Xyla! Tinanong niya, “Ano? Sinasabi mo ba na kinalaban ni Kenneth si Master Wade?!”“Oo!” Tumango nang paulit-ulit si Xyla. “Bukod dito, narinig ko na matinding laban ito. Nilandi niya pa ang asawa ni Master Wade, sinabi ni Kenneth na bibigyan niya siya ng 10 milyong dolyar para lang magpalipas ng gabi kasama siya!”Naging sobrang pula ng mukha ni Anthony. Hindi niya inaakala na kakalabanin ni Kenneth si Master Wade nang ganito katindi! Anong tingin ni Kenneth sa sarili niya!Napuno ng galit na pangungusap ang isipan ni Anthony.‘Tinulungan ako ni Master Wade gamit ang kabaitan na hindi ko masusuklian. Ikaw, Kenneth? Oo, tinulungan ako dati ng ama mo, pero binayaran ko na ang utang ko sa pamilya Wilson sa pagiging doktor ng pamilya mo nang ilang dekada! At saka, pumanaw na ang ama mo. Wala na akong obligasyon sa pamilya mo. Pwede pa kitang tulungan kung nasugatan mo lang ang sarili mo, pero ginalit mo ang maling tao! Gin
“Master? Tunay na dragon?” Sinabi ni Kenneth sa gulat na tono. “Tito Simmons, may mali ba sa utak kmo? Paano ka naloko ng manlolokong iyon? Hindi siya isang master o tunay na dragon, isa lang siyang walang kwentang manugang na nakatira sa bahay ng asawa niya… isang pabigat! Ang pamilya Wilson kung saan siya kinasal, tinatrato nila ako na parang isang hari! Niregalo pa nila si Wendy Wilson sa akin bilang kasama ko at kapareha. Isa lang siyang mababang langgam kumpara sa akin!”Pagkatapos, nagpatuloy siya sa galit na boses, “Tito Simmons, sa tingin mo ba talaga ay karapat-dapat ang talunan na iyon na protektahan mo at sisirain mo pa ang ugnayan sa pamilya namin? Babalewalain mo na lang ba ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga pamilya natin?”“G*go!” Bumaluktot sa galit na hitsura ang mukha ni Anthony. Pinulot niya ang medicine pestle na nasa lamesa at hinampas ito nang mabangis sa ulo ni Kenneth habang nagmumura, “Ikaw at ang mapanirang-puri mong bibig! Umalis ka na dito ngayon din!”Hi
Totoo, gusto na talagang patayin ni Kenneth si Charlie sa sandaling iyon.Gayunpaman, napagtanto niya na hindi matalinong kumilos nang hindi nag-iisip—ang makapangyarihang dragon ay walang laban sa isang ahas na nasa bahay niya.Alam niya na wala siyang laban kay Charlie sa ngayon.Mukhang si Charlie ay medyo malakas at makapangyarihan, ang ibig sabihin ay magaling siya sa martial arts at self-defense.Sobrang hirap kalabanin ng isang taong maraming alam at masigasig. Kailangan niyang humanap ng isang tao kasing galing o mas makapangyarihan pa kay Charlie upang kalabanin siya, kung hindi, walang silbi ang lahat!Ang pinakaimportanteng bagay pa rin ngayon ay ayusin ang pagiging impotent niya. Kung hindi, parang nakatira na siya sa impyerno!Nagalit ulit si Kenneth kay Anthony nang maisip niya ito!Ang tandang iyon! Malinaw na may tableta siya na makakagamot sa kanya, pero ayaw niya itong ibigay sa kanya!At saka, pinaalis pa niya siya sa kanyang kilinika para sa talunang iyon, s
Serene World Clinic.#Hinahabol pa rin ni Anthony ang kanyang hininga sa pagkainis.Dalawang tao ang pumunta sa klinika niya ngayong gabi dahil gusto nilang magpagamot, at kinalaban nilang dalawa si Master Wade!Si Jason Grant, ang lalaking sinubukang magpasikat sa harap ni Master Wade sa hospital kailan lang na humantong sa masamang pagtatapos—tinapon siya ni Don Albert palabas ng bintana sa ikatlong palapag at nabali ang binti niya. May lakas ng loob pa siyang pumunta dito para magpagamot!At saka, si Kenneth Wilson!Ang pinaka nakakainis at walang hiyang g*go!Muntik na niyang ibigay sa g*gong iyon ang mahiwagang gamot bago niya malaman ang laban nila ni Master Wade!Kung ginamot niya talaga si Kenneth, hindi ba’t parang kinagat niya ang kamay ng taong nagpakain sa kanya?!Humarap siya kay Xyla at nagbuntong hininga, “Diyos ko, Xyla, buti na lang at dumating ka sa oras, kung hindi, marahil ay binigay ko na kay Kenneth ang mahiwagang gamot!”Nanginig si Xyla nang maisip ito.
Napanganga si Barbara sa gulat at balisang tinanong, “Ano?! Anthony, anong sinasabi mo? Maraming taon na tayong magkaibigan, paano mo puputulin ang ugnayan sa amin nang gano’n na lang?”Sinabi ni Anthony sa seryosong boses, “Barbara, sobrang nagpapasalamat ako sa tulong ni Brother Wilson. Noong kailangan ko ito nang sobra, kaibigan talaga siya, at binayaran ko na ang mga utang na loob ko sa pamilya mo sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng ilang taon nang walang hinihinging kapalit. Pasasalamat at pagsasaalang-alang ang mga prinsipyo ko, alam mo iyon, hindi ba?”“Sympre!” Sumagot si Barbara. “Pero hindi ko maintindihan, bakit bigla mong gustong putulin ang ugnayan sa pamilya namin? Kung pagkakamali ko ito, sabihin mo sa akin, aayusin ko ito!”“Hindi, Barbara, hindi mo kasalanan ito. Sa totoo lang, ang anak mo, si Kenneth.”“Si Kenneth?” Sinabi ni Barbara sa sorpresa, “Anong mayroon sa kanya? Ginalit ka ba niya? Pero nasa Aurous Hill siya ngayon!”“Oo. Nasa Aurous Hill din ako,” sinabi
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang