Tiningnan ni Kenneth si Charlie mula ulo hanggang paa bago siya umirap at sinabi, “Ikaw ang walang kwentang manugang ng pamilya Wilson?”Sumagot nang magaan si Charlie, “Oo, ako nga. Anong maitutulong ko?”Sumagot nang malamig si Kenneth, “Narinig ko na maraming beses mong ininsulto at pinahiya si Wendy dati. Pagbabayaran mo nang unti-unti ang ginawa mo kay Wendy!”Tumango si Charlie bago niya sinabi nang mapanghamak, “Kung gano’n, wala na dapat tayong sayangin na oras. Kung gusto mo, ipaghiganti mo na siya ngayon mismo.”Sa una ay inisip ni Kenneth na mapapaluhod niya si Charlie at hihingi siya ng awa kung sasabihin niya ang pagkakakilanlan niya at magsasabi ng ilang mababangis na salita sa kanya. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na mangangahas ang basurang tulad niya na kausapin siya nang walang respeto! Kinagat ni Kenneth ang ngipin niya at sinabi, “Binata, mukhang sobrang yabang mo at mapagmataas. Kilala mo ba kung sino ako?”Ngumisi si Charlie bago sianbi, “Isa ka lang basura
Nang makita ni Kenneth na tinatapakan ni Charlie ang kanyang ari, natakot siya nang sobra at namutla agad siya.Kahit na naniniwala siya na si Charlie ay isang basura lang na kaya niya tanggalin sa isang salita, alam niya na siguradong mawawala ang pagkalalaki niya kung tatapakan ulit ni Charlie ang kanyang ari!Kahit na matatanggal niya si Charlie sa hinaharap, anong benepisyo nito sa kanya? Wala na ang pagkalalaki niya sa oras na iyon!Bilang lalaki, lalo na sa makapangyarihan at mayamang lalaki tulad niya, palaging maraming babae sa paligid niya. Kahit ano pa ito, hindi pwedeng mawala ang pagkalalaki niya! Anong pinagkaiba nito sa pagpatay sa kanya ni Charlie?Kaya, mabilis siyang nagmakaawa, “Brother Wade! Brother Wade! Kung may problema, pwede natin itong pag-usapan nang maayos!”Ngumiti si Charlie bago niya sinabi, “Bakit? Natatakot ka ba?”Mayroong malamig na pawis sa buong mukha ni Kenneth, at tumango siya nang ilang ulit bago sinabi, “Mali ako! Alam kong mali ako! Patawa
Hindi naintindihan ni Kenneth ang ibig sabihin ni Charlie, tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Ikaw… anong ibig mong sabihin?”Ngumiti si Charlie bago niya sinabi, “Ayos lang. Hindi ko tatapakan ng ari mo, pero sisirain ko ang pagkalalaki mo!”Pagkatapos, ginamit ni Charlie ang mga daliri niya sa paa para hawakan ang tiyan ni Kenneth, at ilang ispiritwal na enerhiya ang lumabas sa mga daliri niya sa paa sa sandaling ito.Simula noong pinag-aralan niya ang Apocalyptic Book, natutunan at nalaman na ni Charlie kung paano kontrolin ang kanyang qi. Ang bakas ng qi na nlabas niya ay kayang putulin ang mga nerves ni Kenneth, tuluyang gagawing imposible na magamit niya ang kanyang pagkalalaki.Gayunpaman, hindi alam ni Kenneth ang ginawa ni Charlie nang tinapik niya ang kanyang tiyan gamit ang mga daliri sa paa.Hindi niya rin napansin na nawala na ang pagkalalaki niya sa oras na iyon. Sa hinaharap, makakatingin na lang siya sa kanyang ari, pero hindi niya na ito magagamit.Ngayon, sobr
Nang maramdaman ni Claire na mayroong malaking pagbabago kay Charlie, si Kenneth, na kakatakas pa lang, ay bumalik na may kasamang apat na bodyguard!Ang apat na bodyguard na ito ay ang apat na pinakamagaling na bodyguard niya, at bawat isa sa kanila ay may pambihirang lakas at galing sa pakikipaglaban.Sa opinyon niya, madali lang mapapatay ng apat na bodyguard na ito si Charlie!Gayunpaman, ayaw niyang patayin si Charlie sa harap ng maraming tao.Gusto niyang pasukuin si Charlie at tawagin ni Charlie siyang ‘lolo’ sa harap ng lahat ngayon! Pagkatapos mabalik ang dignidad niya, sisirain niya ang pagkalalaki ni Charlie!Pagkatapos, maghahanap siya ng ibang pagkakataon na patayin si Charlie sa hinaharap!Ang lahat ng gagawin niya ngayong araw ay para pagaanin lang ang galit niya.. Alam ni Kenneth na matatanggal ang lahat ng galit niya kapag pinatay niya si Charlie!Dahil, limampung taon na siyang nabubuhay, at hindi niya pa nararanasan na mapahiya nang ganito.Pagkatapos sumugod
May takot na hitsura ang mga bodyguard habang nakatingin sila kay Charlie!Bakit sobrang nakakatakot ng binatang ito?! Sabay-sabay silang tatlong umatake, pero, natalo sila ng isang binata lang? Wala silang laban nang gano’n lang?! Ang… ang binatang ito ay isang Diyos talaga!Naglakad si Charlie papunta sa tatlong bodyguard bago siya tumingin sa kanila na may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. “Dahil mahilig kayong maging aso ng iba, sisiguraduhin ko na gagapang lang kayo sa hinaharap!”Pagkatapos, tinapakan ni Charlie ang kanang binti ng isang bodyguard!Snap!Nadurog agad ang tuhod ng isang lalaki.Pagkatapos, itinaas niya ulit ang paa niya at dinurog ang kaliwang tuhod.Nang makita ito ng dalawang bodyguard, nanginig sila sa takot!Pagkatapos, umiyak at nagmakaawa ang dalawang bodyguard kay Charlie.Sumagot nang malamig si Charlie, “Kayo ay mga malulupit na tao na walang awa pagdating sa pananakit sa ibang tao. Pero, kapag kayo ang nasaktan, mas duwag kayo kahit kanino
Mapanghamak na panlalait ang umalingawngaw sa paligid nila.Sobrang duwag ni Kenneth! Tinawag niya si Charlie na ‘papa’ sa loob lang ng ilang minuto!Siya ba talaga ang chairman ng sikat na Modestway Group! Isa siyang kahihiyan sa kanyang sarili at kumpanya!Kahit ano pa man, walang pakialam si Kenneth sa mga ito!Alam ng isang magaling na lalaki kung kailan dapat sumuko at kung kailan hindi dapat.Kailangan mong maging buhay, para magamit mo ang pagkalalaki mo, tama?Kung patay ka na, anong silbi ng pagkalalaki mo?Kaya, mabilis siyang pumunta kay Charlie upang purihin siya. “Pa, maawa ka sana at patawarin mo ako, pakiusap! Nangangako ako, magiging utang na loob ko ito sa iyo habang buhay, papa!”Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay at tumawa. “Dapat tinawag mo na akong papa kanina habang mabait pa ako. Huli na ang lahat ngayon.”Napanganga si Kenneth sa sorpresa, iniisip na gusto siyang paglaruan ni Charlie. Desperado siyang nagmakaawa habang umiiyak, “Pa, pakiusap, pata
Kinagat ni Kenneth ang mga labi niya, tinitiis ang kahihiyan at galit sa loob niya habang magalang na sinabi kay Charlie, “Lolo, pwede na ba akong umalis?”Tinapik ni Charlie ang pisngi ni Kenneth at sinabi, “Sige. Umalis ka na, mahal kong apo!”Luha ng kahihiyan ang tumulo sa mga mata ni Kenneth habang tumalikod siya at umalis nang nanginginig.Mabilis siyang sinundan ni Wendy palabas ng venue.Naglakad sila nang mabilis, nag-aalala na pipigilan ulit sila ni Charlie, pero wala nang interes si Charlie na asarin sila.Hindi na gagana ang ari ni Kenneth, at malulungkot siya nang sobra habang buhay!Pagkatapos nilang umalis, pumunta si Don Albert kay Charlie at sinabi, “Master Wade, pasensya na at nahuli ako. Kasalanan ko na sinayang mo ang oras mo sa basurang iyon. Handa kong tanggapin ang kahit anong parusa para sa kapabayaan ko.”Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay nang walang pakialam at tinanong, “Bakit nandito ka? Hindi ba’t ito ang summit para sa industriya ng konstruks
Naiinis din nang sobra si Kenneth ngayon, kaya magandang bagay si Wendy para ilabas ang mga galit niya para hindi siya mabalot ng galit!Sa sandaling dumating sila sa villa ng pamilya Wilson, hinila ni Kenneth si Wendy palabas ng kotse at sumugod sila sa bahay.Sina Christopher, Hannah, at Lady Wilson ay nakaupo sa sala. Nang makita ng mga magulang na dumiretso sina Kenneth at Wendy sa itaas nang hindi sila binabati, isang bakas ng hiya ang lumitaw sa mga mukha nila.Nilinis ni Lady Wilson ang kanyang lalamunan at sinabi, “Dapat maging masaya kayo at mahal ni Kenneth si Wendy. Huwag niyo na itong masyadong isipin.”Tumango nang nag-aalangan si Christopher at sumagot, “Ma, hindi ko naman ito masyadong iniisip, Medyo hindi lang ako mapalagay.”Sinumbat nang masungit ni Lady Wilson, “Bakit hindi ka mapalagay? Binabayaran ka para dito, hindi ba? ‘Yung limang milyong dolyar na binigay ni Kenneth kay Wendy, nasayo na ba ito?”“Oo, ma, nasa akin na.”Nagbuntong hininga si Lady Wilson a
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang