Nagsalita si Charlie, “Marami pa akong dapat pagdaanan bago namin marating ang top ten…”Seryosong nagsalita si Yule, “Hindi na mahalaga kung malaki ang lamat ngayon, kailangan mo lang ipagpatuloy ang ginagawa mo nang dahan-dahan.”Habang nagsasalita, nagbigay ng suhestiyon si Yule, “Charlie, masyadong malakas ang Rothschild at hindi ko nirerekomendang labanan mo sila agad sa pagkakataong ito!”Tumango si Charlie at ngumiti siya, “Huwag kayong mag-alala, Uncle Golding. Hindi ko sila lalabanan nang harapan pagpunta ko sa Northern Europe ngayon. Gusto ko lang tulungan si Helena para mabawi ang kanyang trono, hindi ko naman kailangang magkaroon ng kontak sa pamilya Rothschild. Itatago ko rin ang pagkatao ko para masiguro kayo.”Nang makita ni Yule na desidido na si Charlie, nagdagdag pa siya ng paalala, “Kabilang sa ‘old money’ group ang pamilya Rothschild ng Europe at United States. Hindi sila gaya ng mga bagong henerasyon ng mga tycoons gaya nila Bill Gates kung saan bawat property
Isang masiyahin at maagap na tao si Yule, pero hindi ibig sabihin na metikuloso siya.Halimbawa na lang sa sitwasyon ngayon habang nasa selebrasyon sila sa Shangri-La, makikita ng iba na masaya at sabik siya sa nangyayari, pero hindi napapansin ni Yule kung ano ang itsura ng mga babaeng nakatitig kay Charlie. May iba itong pakahulugan.Subalit, iba si Rachel.Maselan ang mga baba at magaling silang pumansin ng mga maliliit na detalye, kaya madalas mas tama ang kanilang hula kumpara sa mga lalaki. Mula kanina, pinapansin na ni Rachel ang titig ng mga binibining ito kay Charlie.Matapos ang lahat, handa ang mga babaeng ito na tumungo ng Mount Wintry para tulungan si Charlie sa kabila ng matinding pressure na dala ng Ten Thousand Armies. Sa madaling salita, handa silang samahan si Charlie sa kamatayan.Masasabing mga top beauties rin ang mga binibining ito. Dahil nagawa nilang pumunta ng Mount Wintry nang walang pag-aalangan, sapat na itong ebidensya na mas mahalaga pa si Charlie kay
Tumango si Yule at napangiti siya. Sumunod, nagsalita siya, “Huwag kang mag-alala. Kahit gaano pa karami ang babaeng magkagusto kay Charlie, sa mundong itl, si Nana lang ang manugang na pinili ni Curtis at Ashley noong buhay pa sila.”Habang nagsasalita, nagdagdag si Yule, “Kahit may legal wife na si Charlie ngayon, nangyari lamang iyon dahil nawalay siya sa pamilya Wade sa loob ng dalawang dekada. Ngayong nagsisimula nang bumalik ang landas ni Charlie sa pamilya Wade, babalik rin siya sa daang pinili ni Curtis at Ashley para sa kanya pagdating sa kanyang personal na relasyon. Papakasalan niya si Nana at kailangan na lang nating maghintay.”Nakaramdam ng kaunting panatag si Rachel at napatango rin siya, “Umaasa akong magiging kagaya nga ng sinabi mo ang lahat. Kung hindi, hindi ko kakayaning isipin na naghintay si Nana sa loob ng 20 na taon para lang sa wala.”***Sa parehong pagkakataon, nakaupo si Sophie at ang kanyang inang si Helen, pati na rin ang kanyang kapatid na si Rosalie
Pagkatapos pasalamatan ang pamilya Moore at ang pamilya Ito, dinala naman ni Charlie ang kanyang wine glass saka siya lumapit sa pamilya Harker kung nasaan rin nakapuwesto sina Rosalie, Sophie, at ang kanilang mga nanay.Bago pa makapagsabi ng pasasalamat si Charlie, nauna nang magsalita si Holden, ang head ng pamilya Horker, para kausapin si Charlie, “Mr. Wade! Kagabi ko lang nalaman na ikaw pala ang nagligtas kay Rosalie! Higit sa lahat, ikaw rin ang pumoprotekta sa kanya sa lahat ng pagkakataong ito. Hindi makakalimutan ng pamilya Harker ang kabutihan mo sa amin!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at tumugon siya nang walang emosyon, “Lord Harker, masyado naman kayong seryoso. Magkaibigan kami ni Rosalie, hindi naman ito malaking bagay sa pagitan naming dalawa. Hindi mo ito kailangang masyadong isapuso.”Seryosong nagsalita si Holden, “Mr. Wade, si Rosalie ang pinakamagaling sa kasalukuyang henerasyon ng pamilya Harker, siya rin ang magiging lider nito sa hinaharap. Dahil iniligtas
Habang nagsasalita, kinausap ni Charlie si Sophie, “Sa 20 na araw na iyon, pwedeng magpadala si Miss Schulz ng investment team papuntang Madagascar para maghanap ng lupang titirahan ni Cadfan Schulz. Pagkatapos, magpabili ka rin ng iba pang mga gamit na kailangan niya para maging landlord siya sa sarili niyang paraan pagdating ng Madagascar.”Tumango si Sophie, “Sige, benefactor! Nauunawaan ko!”Nagpatuloy si Charlie, “Para naman kay Sheldon Schulz, Lord Harker, kailangan kitang abalahin para dalhin siya sa Aurous Hill. Siguraduhin niyong babantayan niyo siya ng 24 na oras. Hindi kayo pwedeng magkamali.”Agad na pinagtama ni Holden ang kanyang mga palad saka siya tumugon, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Wade. Gagawin ko nang maayos ang trabahong ibinigay niyo sa akin!”Pagkatapos pasalamatan ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak sa isang simpleng paraan, pinakiusapan ni Charlie si Stephen na maghanda ng kotse. Pagkatapos, naglakad si Charlie papunta kay Helena na nag-iisa lang sa isa
Makalipas ang dalawampung minuto, lumipad ang Concorde sa kalangitan sa gabi ng Eastcliff at mabilis itong pumunta sa Europe.Ang nakalatag kina Charlie at Helena ay walong libong kilometrong haba na flight.Aabutin ng siyam na oras para sa ordinaryong airliner para pumunta doon, pero apat na oras lang ang kailangan ng Concorde para dumating sa Oslo city, ang kapital ng Northern Europe.Sa parehong oras, isang video ang mabilis na nakakuha ng malaking atensyon sa short video application ng Northern Europe.Si Helena Elliot ang babae sa video, na kilala bilang pinakamagandang babae sa Northern Europe.Kahit na tinanggalan na si Helena ng karapatan na manahin ang trono, siya pa rin ang pinakasikat at minamahal na miyembro ng royal family sa buong northern Europe.Iyan ang dahilan kung bakit meron siyang higit na walong milyong tagahanga sa short video application.Ang mga bansa sa northern Europe ay mayroon lang populasyon na mahigit anim na milyong tao at halos kalahati sa kanila
Gulat pa rin si Richard habang sinabi, “Buti na lang, mabilis akong kumilos! Tinapos ko ang voicemail message sa sandaling binanggit mo ang salitang ‘patayin’!”Huminga nang mahaba si Olivia at kinuskos niya ang dibdib niya habang nagngalit at minura, “Ang p*tang iyon, si Helena! Nasira ang katinuan ko dahil sa kanya!”Hindi nagsalita si Richard. Sa halip, pinanood niya muna ang video ni Helena kasama ang asawa niya bago siya nagsalita at sinabi, “Anong binabalak ni Helena sa pagbalik niya sa oras na ito? Maaari bang sinusubukan niyang iligtas ang ina niya at kunin siya?”Ang ina ni Olivia, si Winona, ay nagsalita sa sandaling ito at sinabi, “Hindi tanga si Helena, at dapat alam niya na imposible para sa kanya na malaman ang kinaroroonan ng ina niya ayon sa mga abilidad niya. Kaya, sa tingin ko, malaki ang posibilidad na sinusubukan ni Helena na magpakita ng magandang kalooban sa atin at kunin ang pagkakataon na ito na pagaanin ang relasyon niya sa atin sa pagbalik niya.”Sinabi na
Sa huli, si Olivia, na galit na galit, ay tinanggap ang mungkahi ng kanyang ina.Ito ay dahil kahit na galit na galit siya, malinaw pa rin sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon.Dahil nasorpresa na siya ni Helena, sobrang hirap para kay Olivia na magkaroon ng pagkakataon na humadlang ngayon.Ang tanging paraan lang ay hintayin na dumating si Helena at gamitin ang ina ni Helena para bantaan siya upang hindi na ulit ito gawin o magkamali uli si Helena simula ngayon.Nang makita ng kanyang ama, si Richard, na kumalma na nang kaunti si Olivia, sinabi niya, “Olivia, dahil pupunta dito si Helena gamit ang Concorde, hula ko na darating siya sa airport mamayang hapon. Kaya, payo ko na pumunta ka sa Airport kasama si Walliot para sunduin siya. Sa sandaling iyon, pwede mong gamitin ang royal convoy para tanggapin siya at ibalik sa palasyo para bantayan siya sa sandaling bumaba siya sa eroplano.”“Alam ko!” Malamig na sinabi ni Olivia, “Kokontrolin ko siya sa buong daan para pigilan ang p*ta n
Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito
Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul
Silang tatlo ay hindi na nasiyahan noong nagambala ang cultivation nila sa seklusyon dahil isang hakbang na lang sila para mabuksan ang kanilang pineal gland.Akala nila na makakakuha sila ng mas maraming pabuya pagkatapos gawin ang isang napakahalagang misyon. Pero, pagkatapos silang ilipad ni Tarlon sa altitude ng sampung libong metro, wala silang ginawa at pinabalik ulti sila sa headquarters.Ang kasalukuyang estado ng isipan ni Fleur ay mas basag pa kaysa sa tatlong elder.Sa nakaraang ilang oras, hindi niya makontrol ang kalat na kaisipan niya. May isang pagkakataon pa na naisip niyang pumunta nang personal sa Aurous Hill para makita kung sino ba talaga ang naglakas-loob na bigyan siya ng babala gamit ang painting na ito.Pero, saglit lang nanatili ang ideya na ito bago niya ito isinantabi. Nakatadhana sa maingat na ugali niya na huwag sumugal. Ang pinaka mapanganib na ginawa niya sa buong buhay niya ay labanan si Elijah pagkatapos niya siyang tanggihan.Sa oras na iyon, bini
Hindi alam ni Charlie na sa sandalnig ipinadala siya ng singsing kay Vera, hindi sinasadya na nasira niya ang kalinisang puri ng babae.Para sa isang babae na ipinanganak sa sinaunang panahon, kung nakita ng isang lalaki ang kanyang hubad na katawan o nagkadikit ang katawan nila, bukod sa pagpapakasal sa kanya, ang natitirang landas na lang ay ang mamatay para patunayan ang pagiging inosente niya.Kaya, walang ideya si Charlie na nagpasya na si Vera na hindi niya pakakasalan ang kahit sino maliban sa kanya sa buong buhay niya.Bukod dito, wala siyang ideya na si Vera, na ipinanganak sa sinaunang panahon, ay may baliktad na pananaw sa kasal kumpara ngayon. Sa opinyon ni Vera, normal lang para sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming asawa at kabit. Kaya niyang matanggap na maging kabit ni Charlie at tawagin pa nang magalang si Claire bilang ate.Samantala, kaka-relax lang ni Charlie, at nakaramdam siya agad ng biglaang pagod na bumalot sa kanyang katawan at isipan.Kahit na buma
Tumingin si Charlie sa oras. Hindi pa man lang tanghali, kaya sinabi niya, “Nakakapagod talaga ang laban kahapon. Ngayong pinabalik na ni Fleur ang tatlong elder sa headquarters ng Qing Eliminating Society, sa wakas ay makakahinga na ako nang maluwag. Magpapahinga muna ako nang mabuti sa bahay sa hapon at makikipagkita sa lolo at lola ko sa gabi.”Sumang-ayon si Vera habang sinabi, “Young Master, marami ka ngang napagdaanan kagabi hanggang ngayon. Dapat talaga na magpahinga ka nang mabuti.”Pagkatapos ay idinagdag niya sa malambot na boses, “Kung gano’n, hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo, Young Master. Kapag natapos mo na ang mga gawain mo, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung gusto mo pa rin akong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pupunta muna ako sa Champs Elys hot spring villa para makita ang lolo at lola ko ngayong gabi. Pagkatapos, magdadala ako ng ilang pill at bibisita sa Scarlet Pinnacle Manor. Dahil nangako ako sa tatlong matandang ginoo na iyon ngayong araw na
Agad naramdaman ni Charlie na bumabaliktad na ang sitwasyon nang makita niya na umikot ang eroplano ng tatlong elder. Kahit na malinaw na dehado siya kaharap ang Qing Eliminating Society, paulit-ulit siyang nanalo sa ilang labanan nila.Sa ngayon, hindi lang nawalan ang Qing Eliminating Society ng isang buong base ng mga dead soldier at tatlong great eral, ngunit ang mas mahalaga, naging maingat si Fleur dahil sa estratehiya niya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya.Inisip ni Charlie ang mga iniisip ni Fleur. Kahit na hindi niya pa siya nakikilala, kaya niyang maramdaman ang ilang mahalagang katangian ng babaeng ito. Isa siyang natural na mapaghinala at sobrang maingat siya.Kung hindi siya natural na mapaghinala, hinding-hindi niya gagawin ang nepotismo, na ang buong Qing Eliminating Society ay kinokontrol lang ng mga Griffin. Kung hindi siya sobrang maingat, hindi niya patuloy na itatago ang pagkakakilanlan niya dahil natatakot siya na malalaman ng mga taga
Naisip ni Fleur si Mr. Chardon dahil dito, na namatay na sa pagsabog. Hindi niya maiwasang sabihin, “Tama! Nakahanap si Mr. Chardon ng isang mahiwagang instrumento sa sandaling dumating siya sa Aurous Hill, at kaya pa nitong tawagin ang banal na kidlat. Ngayon, mukhang hindi talaga ito swerte ni Mr. Chardon, ngunit isang patibong na ginawa ng kabila para puntiryahin siya nang maaga!”“Kung gano’n, siguradong naghihintay siya na patayin ang mga taong ipinadala ko! Alam niya na siguradong magpapadala ako ng mga eksperto sa Reiki, kaya sadya siyang gumamit ng mahiwagang instrumento para akitin ang mga tao ko sa patibong!”Nang maisip ito, hindi na nag-abala si Fleur na ayusin ang lahat ng mga bakas at posibilidad sa isipan niya. Gusto niya lang tawagan at pabalikin nang mabilis ang tatlong elder. Dahil, kung hindi man lang natakot ang kabila sa pagsabog ni Mr. Chardon, marahil ay hindi rin siya matapatan ng tatlong elder.Kung darating ang tatlong ito sa Aurous Hill at mapapatay ng pat
Mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas simula noong nakaramdam ng ganitong takot si Fleur.Dumagsa ang hindi pamilyar na pakiramdam ng takot sa kanyang isipan na parang isang baha, binigyan siya ng pakiramdam na tila ba pabilis nang pabilis ang pagbagsak niya.Kahit na nabuhay na siya ng apat na raang taon at mas lumakas siya sa paglipas ng panahon, parang lumiit ang tapang niya habang tumatanda siya. Sa mga nagdaang taon, may dalawang bagay siya na pinaka kinatatakutan: ang mamatay sa pagtanda, at mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Kaya, kahit na maraming miyembro sa Qing Eliminating Society, sobrang kaunti lang ang nakakaalam talaga sa tunay na pagkakakilanlan ng pinuno nito.Bukod sa apat na great earl, ang lahat ay ang mga miyembro ng pamilya Griffin. Ang mga miyembro ng pamilya Griffin ay mga supling din ni Fleur, at umaasa sila sa kanya para sa kanilang maluhong buhay, kaya sobrang taas ng katapatan nila sa kanila.Para naman sa kaunting pasaway sa mga Griffin, hindi na