Sa huli, si Olivia, na galit na galit, ay tinanggap ang mungkahi ng kanyang ina.Ito ay dahil kahit na galit na galit siya, malinaw pa rin sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon.Dahil nasorpresa na siya ni Helena, sobrang hirap para kay Olivia na magkaroon ng pagkakataon na humadlang ngayon.Ang tanging paraan lang ay hintayin na dumating si Helena at gamitin ang ina ni Helena para bantaan siya upang hindi na ulit ito gawin o magkamali uli si Helena simula ngayon.Nang makita ng kanyang ama, si Richard, na kumalma na nang kaunti si Olivia, sinabi niya, “Olivia, dahil pupunta dito si Helena gamit ang Concorde, hula ko na darating siya sa airport mamayang hapon. Kaya, payo ko na pumunta ka sa Airport kasama si Walliot para sunduin siya. Sa sandaling iyon, pwede mong gamitin ang royal convoy para tanggapin siya at ibalik sa palasyo para bantayan siya sa sandaling bumaba siya sa eroplano.”“Alam ko!” Malamig na sinabi ni Olivia, “Kokontrolin ko siya sa buong daan para pigilan ang p*ta n
Habang nagsasalita siya, ngumisi si Olivia at sinabi, “ Kung mangyayari iyon, pwede pa rin natin sisihin si Amon Ramovic at puwersahin siyang magbayad ng tensyon sa atin. Kung hindi, ibabalita natin ang pang aabuso niya sa Royal Princess sa publiko! Sa tingin ko ay mapipilit pa natin siyang bigyan tayo ng five hundred million euros sa sandaling iyon, tama? Dahil hindi madali para sa isang royal family na palakihin si Helena. Kaya makatwiran lang para sa akin na humingi ng 500 million euros sa kanya bilang kabayaran.Tumingin si Richard sa kanyang anak na babae at binigyan siya ng thumbs-up habang pinuri siya, “ Olivia, isa ka talagang henyo! Siguradong uunlad nang mabilis ang royal family pagkatapos mong manahin ang trono!”Tumango si Olivia at sinabi nang malamig, “Ang atensyon ng buong Europe ay nasa balita ng kasal namin ni Walliot. Maraming ibang European royal family, noble, at mayaman at makapangyarihang tao ang pupunta para dumalo sa kasal namin. Sa una ay hindi ko balak imbit
Samantala sa hangar, si Olivia, na may suot na napakagandang Chanel dress, ay nakahawak sa braso ng isang binatang Caucasian habang pinanood niyang papalapit nang papalapit ang Concorde.Ang binatang Caucasian ay ang panganay na anak ng collateral family ng Rothschild, si Walliot Rothschild.Ang pamilya ni Walliot ay nakaugat sa Denmark, sa kabila ng dagat mula sa mga bansa sa Northern Europe.Sa mga nagdaang taon, umaasa ang pamilya ni Walliot na makasali sa second level ng pamilya Rothschild, kaya naging low profile sila habang naghihintay.Ang kabuuang istraktura sa loob ng pamilya Rothschild ay katulad ng pamilya Wade, pero mas mahirap ito kumpara sa pamilya Wade sa aktwal na pagsasagawa at pagpapatupad.Ang pamilya Rothschild ay isang beteranong capital family, at nagsimula sila sa finance at banking. Kaya, sobrang higpit ng alokasyon ng internal resources nila.Ang lifeline ng pamilya Rothschild ay nasa kamay ng core family sa United States. Hinati ng core family ang mga re
Tauhan ni Olivia ang dalawang katulong ni Helena.Pero, palaging iniisip ni Olivia na hindi alam ni Helena ang tungkol dito. Pero ngayon, nang makita niya na hindi sinama ni Helena ang dalawang katulong niya at dahil hindi sila nag-ulat ng kahit anong pagbabago kay Olivia nang maaga, napagtanto ni Olivia na marahil ay nalaman na ni Helena ang totoong pagkakakilanlan ng dalawang katulong niya.Nagpanggap si Helena na wala siyang alam sa puntong ito, at sinabi niya nang kaswal, “Iniwan ko sila sa Oskia para makipagtulungan sila sa planner ng pamilya Wade at mahanda nila ang mga detalye para sa engagement party at kasal.”Mukhang ayos lang sa mga tagalabas ang mga sinabi ni Helena, pero alam ni Olivia na kalokohan lang ang mga sinasabi ni Helena!Kung nangyari ang sinabi niya, siguradong iuulat ng dalawang tauhan ni Olivia ang sitwasyon sa kanya sa lalong madaling panahon.Pero ngayon, walang natanggap si Olivia na kahit anong balita sa kanila. Kaya, pinapatunayan nito na nasa ilalim
Nagalit agad si Walliot sa sandaling narinig niya ang mga sinabi ni Charlie, at sinabi niya, “Charlie Wade, medyo masyadong mayabang ang mga sinabi mo, tama?!”Ngumiti si Charlie at tinanong niya, “Mayabang ito? Bakit hindi ko ito nararamdaman?”Habang nagsasalita siya, idinagdag ni Charlie, “Kahit na malaki ang nawala sa pamilya Wade, may trilyong-trilyong dolyar na asset pa rin kami. Marahil ay may ilang pamilya na hindi nakaranas ng ganoong kabigat na pagkalugi, pero wala pa rin silang perea kagaya ng pamilya Wade. Kaya, ano sila kung hindi sila basura?”Tumingin si Charlie sa kanilang dalawa, at huminto siya saglit bago sila kinutya, “Tingnan niyo, kahit na nawala ang kalahati ng dagat, dagat pa rin ito. Pero, ang tubig sa hukay ng putik ay putik ay hukay pa rin ng putik kahit na punuin ito.”Pumaging agad nang sobra ang ekspresyon sa mga mukha nina Olivia at Walliot.Alam na alam ni Olivia ang lakas ng royal family ng Northern Europe. Kahit na bilangin niya ang lahat ng pera,
Tinanong ni Helena nang hindi nag-iisip, “Sino itong kaibigan na tinutukoy mo?”Tumawa si Olivia at sinabi, “Russian oligarch ang kaibigan kong ito, si Aman Ramovic.”Nalaman na ni Helena na balak siyang ibenta ni Olivia kay Aman Ramovic mula sa dalawang katulong niya. Kaya, nang marinig niya ito, nagulat siya sa puso niya.Pero, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para kontrolin ang emosyon niya, at nagpanggap siya na nasorpresa siya habang tinanong, “Olivia, kailan mo naging kaibigan ang isang malaswang tao?”Umaninag si Olivia para sukatin si Helena haban sinabi niya, “Helena, wala bang nagbanggit kay Aman Ramovic sa iyo?”Umiling nang blangko si Helena at sinabi, “Walang bumanggit sa kanya. Bakit?” Nang iniwan ni Helena ang dalawang tauhan ni Olivia at bumalik nang mag-isa, alam ni Olivia na nalantad na ang pagkakakilanlan ng mga tauhan niya.Ngayon, hindi alam ni Olivia kung sinabi na rin ng dalawang tauhan niya kay Helena ang tungkol sa plano niya.Ito ay dahil kanina
Nang malaman ni Olivia na babalik si Helena sa bansa, pinag-usapan na ni Olivia at ng mga magulang niya ang mga gagawin nila.Dahil nandito na si Helena, hindi niya hahayaan si Helena na pumunta nang madali ngayon.Ayon sa plano ni Olivia, ilalagay niya si Helena sa mahigpit na pagbabantay sa sandaling bumalik si Helena sa palasyo. Hindi siya pwedeng umalis sa lupa ng palasyo.Tinawagan din ni Olivia si Aman sa Pt. Petersburg, at nagkaroon sila ng kasunduan sa tawag. Pupuwersahin niya si Helena na pumayag na pakasalan si Aman pagkatapos ng malaking kasal niya bukas.Dahil hawak-hawak ni Olivia ang ina ni Helena bilang hostage, naniniwala si Olivia na hinding-hindi mangangahas si Helena na suwayin ang utos niya.Para naman kay Aman, nilalait siya ng Western media palagi dahil sa pinagmulan niya, at medyo naiinip na siya pagkatapos laitin nang sobra.Ang iniisip niya na lang araw-araw ay kung paano niya mapapakasalan ang isang royal princess ng Europe para mapahiya niya ang lahat n
Nasorpresa si Olivia at tinanong, “Hindi ka nagbabalak na patayin siya, tama? Kahit na malayo sa Oskia ang pamilya Wade, mamomroblema tayo kung papatayin natin ang tao nila!”“Hindi.” Kumaway si William at sinabi, “Hindi ako tanga para patayin siya sa Northern Europe. Gusto ko lang siyang turuan ng leksyon at ipaiwan sa kanya ang Concorde!”“Ang Concorde?” Kuminang ang mga mata ni Olivia.May dalawang uri lang ng totoong top luxury goods sa totoong mataas na lipunan. Ang isa ay private jet, at ang isa ay ang private yacht.Pagdating sa mga private jet, mukhang tila ba ang modified A380 ng royal family ng Saudi ang pinakamalaki at pinaka maluho, pero ang totoong top rare private jet na kinakatawan ang pinakamataas na katayuan ay ang Concorde.Ang dahilan ay dahil sobrang bihira talaga ng bagay na ito.Dati, may nasa dalawampung Concorde ang ginawa. Ngayon, nasa isang numero na lang ang natitirang Concorde. Isa talaga itong hindi aircraft na hindi na ginagawa.Bukod dito, ito lang
Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito
Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul
Silang tatlo ay hindi na nasiyahan noong nagambala ang cultivation nila sa seklusyon dahil isang hakbang na lang sila para mabuksan ang kanilang pineal gland.Akala nila na makakakuha sila ng mas maraming pabuya pagkatapos gawin ang isang napakahalagang misyon. Pero, pagkatapos silang ilipad ni Tarlon sa altitude ng sampung libong metro, wala silang ginawa at pinabalik ulti sila sa headquarters.Ang kasalukuyang estado ng isipan ni Fleur ay mas basag pa kaysa sa tatlong elder.Sa nakaraang ilang oras, hindi niya makontrol ang kalat na kaisipan niya. May isang pagkakataon pa na naisip niyang pumunta nang personal sa Aurous Hill para makita kung sino ba talaga ang naglakas-loob na bigyan siya ng babala gamit ang painting na ito.Pero, saglit lang nanatili ang ideya na ito bago niya ito isinantabi. Nakatadhana sa maingat na ugali niya na huwag sumugal. Ang pinaka mapanganib na ginawa niya sa buong buhay niya ay labanan si Elijah pagkatapos niya siyang tanggihan.Sa oras na iyon, bini
Hindi alam ni Charlie na sa sandalnig ipinadala siya ng singsing kay Vera, hindi sinasadya na nasira niya ang kalinisang puri ng babae.Para sa isang babae na ipinanganak sa sinaunang panahon, kung nakita ng isang lalaki ang kanyang hubad na katawan o nagkadikit ang katawan nila, bukod sa pagpapakasal sa kanya, ang natitirang landas na lang ay ang mamatay para patunayan ang pagiging inosente niya.Kaya, walang ideya si Charlie na nagpasya na si Vera na hindi niya pakakasalan ang kahit sino maliban sa kanya sa buong buhay niya.Bukod dito, wala siyang ideya na si Vera, na ipinanganak sa sinaunang panahon, ay may baliktad na pananaw sa kasal kumpara ngayon. Sa opinyon ni Vera, normal lang para sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming asawa at kabit. Kaya niyang matanggap na maging kabit ni Charlie at tawagin pa nang magalang si Claire bilang ate.Samantala, kaka-relax lang ni Charlie, at nakaramdam siya agad ng biglaang pagod na bumalot sa kanyang katawan at isipan.Kahit na buma
Tumingin si Charlie sa oras. Hindi pa man lang tanghali, kaya sinabi niya, “Nakakapagod talaga ang laban kahapon. Ngayong pinabalik na ni Fleur ang tatlong elder sa headquarters ng Qing Eliminating Society, sa wakas ay makakahinga na ako nang maluwag. Magpapahinga muna ako nang mabuti sa bahay sa hapon at makikipagkita sa lolo at lola ko sa gabi.”Sumang-ayon si Vera habang sinabi, “Young Master, marami ka ngang napagdaanan kagabi hanggang ngayon. Dapat talaga na magpahinga ka nang mabuti.”Pagkatapos ay idinagdag niya sa malambot na boses, “Kung gano’n, hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo, Young Master. Kapag natapos mo na ang mga gawain mo, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung gusto mo pa rin akong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pupunta muna ako sa Champs Elys hot spring villa para makita ang lolo at lola ko ngayong gabi. Pagkatapos, magdadala ako ng ilang pill at bibisita sa Scarlet Pinnacle Manor. Dahil nangako ako sa tatlong matandang ginoo na iyon ngayong araw na
Agad naramdaman ni Charlie na bumabaliktad na ang sitwasyon nang makita niya na umikot ang eroplano ng tatlong elder. Kahit na malinaw na dehado siya kaharap ang Qing Eliminating Society, paulit-ulit siyang nanalo sa ilang labanan nila.Sa ngayon, hindi lang nawalan ang Qing Eliminating Society ng isang buong base ng mga dead soldier at tatlong great eral, ngunit ang mas mahalaga, naging maingat si Fleur dahil sa estratehiya niya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya.Inisip ni Charlie ang mga iniisip ni Fleur. Kahit na hindi niya pa siya nakikilala, kaya niyang maramdaman ang ilang mahalagang katangian ng babaeng ito. Isa siyang natural na mapaghinala at sobrang maingat siya.Kung hindi siya natural na mapaghinala, hinding-hindi niya gagawin ang nepotismo, na ang buong Qing Eliminating Society ay kinokontrol lang ng mga Griffin. Kung hindi siya sobrang maingat, hindi niya patuloy na itatago ang pagkakakilanlan niya dahil natatakot siya na malalaman ng mga taga
Naisip ni Fleur si Mr. Chardon dahil dito, na namatay na sa pagsabog. Hindi niya maiwasang sabihin, “Tama! Nakahanap si Mr. Chardon ng isang mahiwagang instrumento sa sandaling dumating siya sa Aurous Hill, at kaya pa nitong tawagin ang banal na kidlat. Ngayon, mukhang hindi talaga ito swerte ni Mr. Chardon, ngunit isang patibong na ginawa ng kabila para puntiryahin siya nang maaga!”“Kung gano’n, siguradong naghihintay siya na patayin ang mga taong ipinadala ko! Alam niya na siguradong magpapadala ako ng mga eksperto sa Reiki, kaya sadya siyang gumamit ng mahiwagang instrumento para akitin ang mga tao ko sa patibong!”Nang maisip ito, hindi na nag-abala si Fleur na ayusin ang lahat ng mga bakas at posibilidad sa isipan niya. Gusto niya lang tawagan at pabalikin nang mabilis ang tatlong elder. Dahil, kung hindi man lang natakot ang kabila sa pagsabog ni Mr. Chardon, marahil ay hindi rin siya matapatan ng tatlong elder.Kung darating ang tatlong ito sa Aurous Hill at mapapatay ng pat
Mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas simula noong nakaramdam ng ganitong takot si Fleur.Dumagsa ang hindi pamilyar na pakiramdam ng takot sa kanyang isipan na parang isang baha, binigyan siya ng pakiramdam na tila ba pabilis nang pabilis ang pagbagsak niya.Kahit na nabuhay na siya ng apat na raang taon at mas lumakas siya sa paglipas ng panahon, parang lumiit ang tapang niya habang tumatanda siya. Sa mga nagdaang taon, may dalawang bagay siya na pinaka kinatatakutan: ang mamatay sa pagtanda, at mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Kaya, kahit na maraming miyembro sa Qing Eliminating Society, sobrang kaunti lang ang nakakaalam talaga sa tunay na pagkakakilanlan ng pinuno nito.Bukod sa apat na great earl, ang lahat ay ang mga miyembro ng pamilya Griffin. Ang mga miyembro ng pamilya Griffin ay mga supling din ni Fleur, at umaasa sila sa kanya para sa kanilang maluhong buhay, kaya sobrang taas ng katapatan nila sa kanila.Para naman sa kaunting pasaway sa mga Griffin, hindi na