Share

Kabanata 3412

Author: Lord Leaf
Agad na pumayag si Jasmine at tumugon siya sa isang banayad na boses, “Huwag kayong mag-alala, Master Wade. Ako na ang bahalang mag-asikaso ng transportasyon ng lahat.”

“Sige.” Pinagtama ni Charlie ang dalawa niyang palad saka niya muling kinausap ang lahat, “Gusto kong magpahinga muna kayong lahat habang nasa ancestor worship ceremony ako. Pupunta na lang ako doon mamaya para sa selebrasyon natin kapag natapos na akong asikasuhin ang mga dapat kong gawin dito!”

Alam ng lahat na isinasagawa lang ng pamilya Wade ang ancestor worship ceremony nila kada 12 na taon at isa itong taimtim na seremonya na hindi bukas para sa publiko. Kaya, mali naman kung mananatili sila rito para manood.

Bilang resulta, nagpaalam na ang lahat kay Charlie at Jeremiah. Pagkatapos, umalis na sila ng Mount Wintry gamit ang mga bus na inihanda ni Jasmine at Nanako saka sila tumungo sa Shangri-La Hotel sa Eastcliff.

Pagkaalis ng mga bus, maliban sa mga tauhan ng Ten Thousand Armies na nakaluhod pa rin sa sahig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3413

    Matalino si Carmen.Alam niyang marami silang nagkasala, pero kung sino ang mauunang humingi ng tawad at umamin ng kanyang pagkakamali ang magkakaroon ng mas magaan na parusa.Higit sa lahat, alam niya higit sa kanino kung paano magbigay ng parusa si Charlie, at naranasan niya na rin ito nang personal.Narinig niya rin kung paano niligpit ni Charlie ang ilang mga experts ng pamilya Webb ng Sudbury bago ang pangyayari ngayong araw.Inutusan lang naman ni Charlie si Albert na umukit ng ilang mga salita sa noo ng mga taong ito, at kung sino ang mauunang umamin ng kanilang pagkakamali, mas kaunting salita ang nakaukit sa kanilang noo. Padagdag nang padagdag ng isang salita ang nakaukit sa kanilang mga noo kapag may naunang umamin sa kanila.Sinasabing pagdating sa huling tao, hindi sapat ang espasyo sa kanyang noo para man lang maukit ang lahat ng salita.Pagkatapos ng lahat ng narinig at naranasan niya, bakit naman hahayaan ni Carmen ang iba na mauna sa kanya?Hindi rin inaakala ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3414

    Umiling si Charlie at walang emosyon siyang nagsalita, “Huwag kang mag-alala, Aunt. Bawat isa sa grupong ito, duwag at walang kakayahan. Kung hindi, hindi dapat sila pumuslit kagabi para bumili ng damit panlamay! Dahil natatakot silang mamatay, bakit naman nila hahayaang mamatay sila sa ginagawa nila? Hindi lohikal iyan!”Habang nagsasalita, napansin ni Charlie na nababawasan ang puwersa sa pagluhod ni Felix, at sa unang sulyap, halata namang nakikisabay lang si Felix sa karamihan. Kaya, malamig na nagsalita si Charlie, “Aunt, nakikita mo ba si Felix? Hinahalikan lang nang bahagya ng noo niya ang sahig at hindi man lang siya gumagamit ng lakas!”Nang marinig ito ni Felix, nagpawis siya nang malamig. Takot na takot siay at agad siyang gumamit ng puwersa para yumuko nang malakas at napasimangot tuloy siya dahil sa matinding sakit!Napalingon naman si Charlie kay Jeremiah saka siya nagtanong, “Lolo, sino ang nag-aasikaso ng iba’t ibang mga negosyo ng pamilya Wade ngayon?”Tumugon si J

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3415

    Hindi inaakala ng mga miyembro ng pamilya Wade na kasalukuyang nakaluhod na magiging ganito kalupit si Charlie sa kanila.Magkapamilya silang lahat at lahat sila mag supling ng pamilya Wade. Pero, gusto silang ikulong nila Charlie sa Mount Wintry at pilitin silang magbigay respeto sa kanilang mga ancestors sa loob ng tatlong taon!Para sa mga mararangyang tao na kagaya nila na sanay sa magarbong pamumuhay, hindi na katanggap-tanggap ang tatlong araw, lalo naman ang tatlong taon!Kaya, agad na napatingin ang lahat kay Jeremiah. Umaasa sila at hinihintay nilang magsalita ito para sa kanilang kapanan.Napatitig si Jeremiah sa nakakaawang ekspresyon ng mga taong ito at nakaramdam siya ng kaunting malasakit sa kanyang puso.Sinusuportahan niya si Charlie sa desisyson niyang parusahan ang mga duwag na anak at apo ng pamilya nila, pero hindi niya naman inaasahang magiging ganito kalupit si Charlie.Kaya, hindi mapigilan ni Jeremiah na magsalita, “Charlie, magandang parusa nga talaga ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3416

    Subalit, nanggaling pa rin sa pamilya Wade ang mga taong ito, lahat sila mga supling ng kanilang pamilya. Kaya, hindi magiging madali para kay Charlie na pabagsakin sila kung wala silang gagawing malaking pagkakamali.Kung gagamit si Charlie ng pwersa at karahasan, magiging dahilan ito para tanggihan siya ng mga miyembro ng pamilya Wade. Sa ganitong paraan, hindi magiging maganda ang pagtingin ng publiko kay Charlie.Ganoon pa man, ang magandang bagay sa nangyari ngayon ay may ginawa ng pagkakamali ang mga taong ito kaya may perpektong oportunidad na si Charlie para paalisin sila sa pamilya.Kung hindi sana sikretong pumuslit ang mga ito para bumili ng damit panlamay kagabi, hindi magkakaroon si Charlie ng dahilan para parusahan sila.Magandang bagay talaga ito. Habang napapaisip si Charlie kung paano niya itataboy ang mga miyembrong ito mula sa pamilya Wade, sila na ang naunang nagkaroon ng inisyatibo para gumawa ng mali.Pareho ito ng kaso ni Porter kung saan ito ang naunang hum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3417

    Pero ngayong araw, wala ni isa sa mga cast members na kinausap ng pamilya Wade ang dumating.Alam nilang lahat na may kakaharaping delubyo ang pamilya Wade sa araw na ito kaya iniiwasan nilang lahat na madamay sa gulo.Maliban sa mga nabayarang cast at crew members, tumakas rin paalis ang mahigit sa 700 na miyembro ng mga collateral families na nasa ilalim ng pamilya Wade at tanging si James lang ang naiwan mula sa kanila.Kaya, wala silang magawa kundi alisin ang marami sa mga proseso ng ancestor worship ceremony na gagawin nila.Inalis nila ang music, song, at dance rituals, tanging ang sacrificial ritual na lamang ang iniwan nila na siyang mismong ginagawa ng mga miyembro ng pamilya Wade.Hinawakan ni Jeremiah ang memorial text na ilang gabi niyang pinagpuyatang isulat, at hindi niya mapigilang lumuha habang nagsasalita, “Isinulat ko sa memorial text na ito ang tungkol sa kasaganahan at pagkakaisa ng mga miyembro ng pamilya Wade, pati na rin ang muling pagkakabuo ng dangal ng p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3418

    Pagkatapos marinig ang utos ni Charlie, agad na sumigaw si Porter, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Wade! Ako na agad ang mag-aasikaso ng pinapagawa niyo!”Tumango si Charlie saka siya nagsalita, “Iniisip nilang tapos na ang pamilya Wade kaya gusto na nila tayong layuan. Kung papapuntahin namin sila dito, sigurado akong hindi sila pupunta. Pero, kung ang Ten Thousand Armies ang magpapapunta sa kanila rito, naniniwala akong hindi sila maglalakas loob na sumuway.”Agad na nagsalita si Stephen, “Young Master, ano ang gagawin mo kapag pumunta talaga sila? Gaya ng sinabi mo, hahayaan mo ba silang lumuhod paakyat ng Mount Wintry para humingi ng tawad?”“Imposibleng pakawalan ko lang sila nang basta-basta.” Kumaway si Charlie saka siya nagpatuloy, “Mamaya, matatanggap rin ng publiko ang balita. Sigurado akong iisipin ng mga collateral family members natin na tapos na ang pamilya Wade at sumuko na tayo sa kanila. Pagdating ng pagkakataong iyon, kapag sinabi ng Ten Thousand Armies na kailangan n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3419

    Pagkatapos itong sabihin, agad siyang nagtanong, “Mr. Wade, marami akong alam sa sitwasyon ng Europe at United States. Kailangan niyo ba akong samahan kayo sa pagpunta niyo sa Northern Europe sa pagkakataong ito?”Kumaway si Charlie, “Hindi na kailangan. Aasikasuhin mo pa ang libing ng mga magulang mo. Isipin mo muna ang mga labi nila. Pagkatapos mong paluhurin ang mga miyembro ng collateral families namin bukas, dumiretso ka agad sa mga magulang mo at asikasuhin mo sila.”Magalang na tumugon si Porter, “Nauunawaan ko!”Tumango nang bahagya si Charlie. “Sige. Kung iyan ang kaso, ibibilin ko na ang tungkol sa isyu ng collateral families ng pamilya Wade sa’yo.”Pagkatapos magsalita, napatitig ulit si Charlie kay Jeremiah at nagsalita siya nang walang emosyon, “Lolo, pwede na nating kalimutan ang lahat ng matrabaho at magarbong proseso ng ancestor worship ceremony natin sa pagkakataong ito! Nakasalalay pa rin sa katapatan natin ang punto ng ginagawa natin ngayon. Kung hindi tapat ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3420

    Nang matapos si Charlie at ang pamilya Wade sa pagbibigay respeto sa kanilang mga ancestors, tumungo si Charlie sa Shangri-La kasama ang kanyang lolo na si Jeremiah at ang pinakabatang auntie niya na si Charlotte. Habang hinahanda nila ang salu-salo na gaganapin nila para sa mga kaibigan ni Charlie na pumunta ng Mount Wintry ngayong araw, natanggap na ng publiko ang balita sa minamataan nilang sitwasyon sa Mount Wintry.Nalaman nilang sumuko ang pamilya Wade sa Ten Thousand Armies at wala ni isa sa kanila ang nagduda sa resultang ito.Matapos ang lahat, kahit ano pang kapangyarihan mayroon ang mga mayayamang pamilya, imposible namang magawa nilang matalo ang Ten Thousand Armies. Iyan ang nasa isip ng lahat.Higit sa lahat, malalim ang galit ng Lord ng Ten Thousand Armies sa pamilya Wade at siguradong hindi niya papatawarin ang mga miyembro nito.Para naman sa mga collateral family members ng pamilya Wade na tumakas kagabi, nakaramdam sila ng luwag sa kanilang puso pagkatapos matang

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status