Sa isang kurap ng mata, naging prisoners of war ang 15,000 na elites ng Ten Thousand Armies.Para makontrol sila at hindi sila magkagulo, pinaghiwa-hiwalay sila ng gobyerno sa iba’t ibang batch o grupo. Sa tuwing naitatali nila ang isang grupo, ipinapadala nila ito sakay ng mga trak para dalhin sa capital.Matagal nang nakapagpasya ang nakatataas ng gobyerno kung ano ang mangyayari sa 15,000 na prisoners of war bago pa dumating ang iba nilang mga kasamahan para suportahan sila.Dadalhin ng mga trak ang bawat batch o grupo sa mga military prisons, barracks, o kaya municipal prisons sa iba’t ibang bahagi ng siyudad para makontrol at masuri nila ang kilos nito.Sa ganitong paraan, mapipigilan nilang magkaisa o magrebelde laban sa kanila ang 15,000 na sundalo ng Ten Thousand Armies.Habang tinatangay ng mga trak paalis ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies, lumapit ang government supreme commander na si Sayid at magalang niyang kinausap si Charlie, “Master Wade, nahuli na namin ang 1
“Hindi.” Walang emosyong tugon ni Charlie, “Gagamitin ko pa si Zayne Carter para sa iba kong plano. Dadalhin ko siya paalis.”Alam ni Sayid ang tungkol sa divine ability na mayroon si Charlie kaya sa pakiramdam niya imposibleng military advisor lang ni Hamed si Charlie. Pakiramdam niya isang maalamat na anyo si Charlie na may supernatural powers na dinala ni Hamed mula sa labas ng bansa. Ganoon din, agad na pumayag si Sayid, “Huwag kang mag-alala. Magsisimula kami agad sa sorpresang interogasyon namin kay Zayne Carter. Personal ko rin siyang ihahatid sa base ni Hamed pagkatapos naming makalikom ng ebidensya!”“Sige.” Tumango si Charlie saka siya muling nagsalita, “Puntahan mo si Zayne Carter at sabihin mong pumunta siya rito. May ibibilin lang ako sa kanyang ilang mga bagay.”“Sige, Master Wade. Saglit lang!”***Samantala, pinagdadaanan naman ni Zayne ang pinakamatinding pagdurusa at pagpapakasakit sa kanyang buong buhay.Wala siyang magawa kundi masaksihan na lang gamit ang sar
Habang pabalik si Charlie sa base ni Hamed sakay ng isang helicopter, hindi mapigilan ni Hamed na lumabas at mag-abang para batiin ito.Nang bumaba si Charlie mula sa helicopter, hindi na makapagpigil si Hamed at agad siyang lumapit saka siya nagtanong, “Brother! Sinabi ng mga scouts ko na mukhang nakita nila na hinuli ng gobyerno ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies. Iyan ang nakita nila sa drones. Ano pala ang nangyari?”Ngumiti nang bahagya si Charlie, “Nagkaroon ng alitan ang gobyerno at ang Ten Thousand Armies. Lahat ng sundalo ng Ten Thousand Armies hinuli ng gobyerno, at maliban dito, pumayag rin silang magkaroon ng permanenteng ceasefire sa puwersa mo. Sa hinaharap, kailangan mo na lang isipin ang sarili mo at ang mga tao mo. Hindi mo na sila kailangang kalabanin lalo na kung wala namang espesyal na dahilan.”Nagulantang si Hamed at hindi niya mapigilang magtanong, “Brother… bakit naman biglang nagkaroon ng alitan ang gobyerno at ang Ten Thousand Armies? Ito… Masyadong big
Halos lahat ng hukbo ng gobyerno umalis na sakay-sakay ng mga sasakyan, nasa daan na rin pabalik ng capital ang mga artilerya at ang mga armored vehicles. Kakaunting mga sundalo na lamang ang naiwan para iligpit ang mga tents at mga prefabricated modular homes.Sa pagkakataong ito, dumating ang adjutant ni Hamed para magbigay ng report, sinasabi nitong may isang helicopter na paparating sa base.Alam ni Hamed na si Sayid ang sakay ng helicopter, papunta na ito para pirmahan nila ang armistice agreement. Ganoon din, inutusan ni Hamed ang kanyang adjutant na dalhin agad ang kabilang panig sa kanyang headquarters pagkarating nito.Hindi nagtagal, ilang sundalo ang naghatid kay Sayid papunta sa headquarters ni Zayne.Ang unang ginawa ni Sayid nang makita niya si Charlie ay yumuko nang magalang, “Master Wade, pasensya na dahil pinaghintay ko kayo!”Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Ayos lang. Kumusta naman ang sitwasyon sa panig niyo?”Agad na tumugon si Sayid, “Halos lahat ng officer
Inihayag ni Zayne ang lahat ng alam niya tungkol sa Ten Thousand Armies nang walang kahit anong itinatago.Nilagpasan ni Charlie ang bahagi kung saan inamin ni Zayne na may masama silang balak laban sa Syria dahil alam niya na ang lahat ng ito. Pero, ang mas nakapagtataka ay kung ano ang eksaktong sitwasyon ng Ten Thousand Armies.Mula sa transcript ni Zayne, ang founder ng Ten Thousand Armies ay ang lalaking tinatawag na Porter Waldron. Ang pangunahing dahilan kung bakit nagawa niyang buuin at palaguin ang Ten Thousand Armies sa napakabatang edad ay dahil sa tulong ng isang mabuting tao na nakilala niya sa ibang bansa.Misteryoso ang pagkatao ng mabuting lalaki na tumulong kay Porter, karamihan sa mga miyembro ng Ten Thousand Armies walang alam tungkol sa lalaking ito. Tanging si Porter lamang at ang iilang mga core members ng Ten Thousand Armies ang nakakaalam sa pagkatao nito, at magalang nilang kinikilala ang mabuting tao ito bilang tunay na founder.Sinasabing isang top martia
Si Lord Jeremiah Wade ba? O kaya naman ang kanyang eldest uncle na si Clayton o baka iba pang miyembro ng pamilya Wade?Sa opinyon ni Charlie, magkasing edad lang naman sila ni Porter. Kaya, kung talagang ang pamilya Wade ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya, ibig sabihin nangyari ito sampu o dalawampung taon ang nakararaan.Sa pagkakataong iyon, maliban sa kanyang lolo at eldest uncle, may isa pang mahalagan miyembro sa pamilya Wade, at iyon ang kanyang amang si Curtis.Kaya, hindi mapigilang magtaka ni Charlie kung ang sarili niya bang ama ang kalaban na sinasabi ni Porter?Pero, hindi alam ni Zayne ang sagot sa tanong na ito. Wala ring silbi kung tatanungin ni Charlie ang bagay na ito.Hindi nagtagal, agad na pumasok sa isip ni Charlie ang tungkol sa darating na ancestor worship ceremony ng pamilya Wade.Kung biglang nagpasya si Porter na bumalik para maghiganti sa pamilya Wade, hindi kaya pinili niya ang araw ng ancestor worship ceremony para maghiganti?Mat
Hindi mapigilang mapasimangot ni Charlie nang marinig niya ang mga sinabi ni Stephen, muli siyang nagtanong, “Dahil si Leonardo Waldron ang humimok sa tatay ko at natalo lang naman siya sa isang makatarungang paraan, ano naman ang kinalaman ng tatay ko sa katotohanang nagpakamatay si Leonardo Waldron dahil nabigo siya sa buhay?”Pagkatapos itong sabihin, naging pirmi ang boses ni Charlie, “Walang kahit anong hibla ng responsibilidad si Papa sa nangyari kay Leonardo Waldron! Para naman sa pagkakamatay ng kanyang asawa, mas lalong wala itong kinalaman sa kanya! Kung hindi naging duwag si Leonardo Waldron at hindi niya piniling magpakamatay, hindi rin siya susundan ng asawa niya. Sa madaling salita, si Leonardo Waldron ang may kasalanan kung bakit namatay ang asawa niya! Ano naman ang kinalaman niyan sa tatay ko?”Bumuntong hininga si Stephen, “Young Master, mabuti ang puso ng tatay mo at matuwid rin ang kanyang pagkatao. Maraming beses kung saan mas mataas pa ang moral na pamantayan ni
Nag-alangan si Stephen sa loob ng ilang sandali saka niya sinubukang pilitin si Charlie, “Young Master, mas mabuti kung pupunta ka lalo na kung hindi ka abala. Kung hindi, natatakot akong nakakahiya at mahirap ipaliwanag kung bakit wala ka.”“Hindi.” Sagot ni Charlie nang buong determinasyon, “Ayaw kong magkaroon ng masyadong ugnayan sa pamilya Wade. Private event ang ancestor worship ceremony kaya pupunta ako. Maliban dito, makakapagbigay respeto rin ako sa mga magulang ko. Iyan lang naman ang dahilan kung bakit pupunta ako. Hindi ako babalik para dumalo sa iba pang mga events ng pamilya nila.”“Sige.” Alam ni Stephen na mahirap para sa kanya na pilitin si Charlie. Kaya, nagtanong na lang siya, “Young Master, kailan ka pala pupunta dito?”Tumugon si Charlie nang walang emosyon, “Darating ako sa Eastcliff sa Abril 3."“Sige!” Sabik na sambit ni Stephen, “Pupunta ako para sunduin ka sa airport!”Simpleng sumagot si Charlie, “Saka na lang natin pag-usapan ang bagay na iyan. Mr. Thom
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a