Humiling nang tahimik si Charlie sa kalagitnaan ng pagkanta ni Claire bago niya hinipan ang mga kandila.Pagkatapos, nagsalita si Claire, “Mahal, ipikit mo ang mga mata mo. Maya regalo ako para sayo!” Tumango si Charlie, at marahan niyang isinara ang mga mata niya.Naglabas si Claire ng kahon ng regalo sa likod niya, at hinawakan niya ito gamit ang dalawang kamay niya bago ito nilagay sa kamay ni Charlie habang ngumiti at sinabi, “Okay! Buksan mo na ang mga mata mo ngayon!”Yumuko si Charlie, at nakita niya na may isang kahon ng relo sa mga kamay niya. May isang simpleng linya lang ng mga letrang Ingles na nakasulat sa kahon. Nakilala ni Charlie ito sa isang tingin, at ito ay isang Patek Philippe.Tumingin si Charlie kay Claire sa sorpresa at sinabi, “Mahal, bakit bumili ka ng napakamahal na regalo para sa akin?”Sinabi nang nahihiya ni Claire, “Hindi iyan mahal. Bilisan mo at buksan ito para makita kung gusto mo ito!”Tumango si Charlie bago binuksan ang kahon. May Patek Philipp
Masayang kumain at uminom ang pamilya ng apat.Medyo lasing na si Jacob, at bulol na siya magsalita. Malinaw sa isang tingin na marami na siyang nainom. Hindi kaya nina Elaine at Claire na uminom ng marami, pero pagkatapos marinig ni Elaine na mahigit one hundred thousand dollars ang presyo ng isang bote ng wine, nagngalit siya at ininom ang mahigit kalahating bote ng wine. Uminom siya hanggang sa mahibang siya, at mukhang masayang loka-loka siya habang hawak-hawak ang bote ng wine. Kaunti ang ininom ni Claire, at kahit na medyo namumula ang mga pisngi niya, sobrang matino pa rin ang pag-iisip niya.Nang makita niya na kumain at uminom na ang lahat at may isang oras na lang bago ang concert, sinabi ni Claire kay Charlie, “Mahal, aakyat na ako at magpapalit ng damit. Pwede tayong dumiretso sa concert makalipas ang ilang sandali!”Tumango si Charlie, at ngumiti siya habang sinabi, “Sige lang. Hihintayin kita dito sa baba.”Sa sandaling ito, si Elaine, na lasing na, ay hawak-hawak ang
Ngumiti nang hindi akma si Charlie at sinabi, “Pinag-uusapan lang nila ang nakaraan, at habang pinag-uusapan nila ito, mukhang umangat ang mga nararamdaman nila…”Tumango si Claire at sinabi nang emosyonal, “Mabuti iyon. Maraming taon ko na silang hindi nakikita na niyayakap ang isa’t isa nang ganito.”Habang nagsasalita siya, nagmamadaling sumenyas si Claire kay Charlie at sinabi sa mahinang boses, “Kung gano’n, bilisan na natin at umalis na tayo ngayon! Hindi na dapat natin sila abalahin!”Humuni nang bahagya si Charlie, at tahimik siyang umalis sa bahay kasama si Claire.***Lumabas ang mag-asawa at tumawag ng taxi bagi dumiretso sa Aurous Hill Olympic Centre. Habang papalapit sila nang papalapit sa venue, mas sumikip ang traffic at nahirapan na silang umabante kahit kaunti.Ayaw abalahin ng mag-asawa ang driver, kaya nagpasya silang bumaba nang maaga, at naglakad sila papunta sa entrance ng venue.Sa sandaling ito, puno na ng tao ang paligid. Bukod sa mga audience na may tic
Naalala ni Charlie kung paano siya nakita ni Loreen kasama si Quinn sa Herrolls Bay.Sa sandaling iyon, nagsinungaling pa si Charlie kay Loreen at sinabi sa kanya na tinutulungan siya ng pamilya ni Quinn. Halatang alam ito ni Loreen, kaya, tinatanong niya ito dahil gusto niyang asarin siya.Kaya, kaswal na sumagot si Charlie, “Sa totoo lang, wala akong interes o pakiramdam para sa kahit sinong idol o artista. Pero, sinasamahan ko lang si Claire na panoorin ang concert na ito dahil gusto niya ito.”“Oh, gano’n ba.” Hindi siya nilantad ni Loreen, at ngumiti siya habang tinanong si Claire, “Oh, siya nga pala, Claire, anong section at anong row ang mga upuan niyo? Patingin nga kung malapit tayo sa isa’t isa.”Sinabi nang hindi akma ni Claire, “Oh! Nakalimutan ko na ito kung hindi mo tinanong. Si Charlie ang kumuha ng mga ticket para sa amin. Kaya, hindi ko alam kung saang row at saan ang upuan namin.”Pagkatapos sabihin ito, tumingin si Claire kay Charlie, at tinanong, “Siya nga pala,
Tumawa si Claire at sinabi, “Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito para lokohin ang mga tao. Mas mabuting ipagpatuloy ko ang designing sa praktikal na paraan.”Si Loreen, na nasa tabi, ay hindi mapigilan na magselos nang kaunti nang makita niya silang nagbubulungan at nagtatawanan nang sila lang. Kaya, nagreklamo siya, “Bigyan atensyon niyong dalawa ang okasyon kahit na gusto niyang ipakita ang pagmamahal niyo sa isa’t isa. Huwag kayong magpakita ng pagmamahal sa publiko, okay?”Humagikgik si Claire at sinabi, “Loreen, dahil na sa infield area tayong lahat, sabay na tayong pumasok. Hindi na dapat tayo tumayo dito.”Marahan na tumango si Loreen bago sinundan sina Charlie at Claire habang pumasok sila sa venue pagkatapos ng security check at ticket inspection.Sa sandaling ito, puno na ng tao ang loob ng venue, at ang paligid ay puno na ng mga tagahanga ni Quinn. Karamihan sa kanila ay may mga glow stick at LED light sign na may nakasulat na pangalan ni Quinn. Sampu-sampung libo
Kararating lang nina Charlie at Claire sa first row at papunta na sa gitna nang bigla nilang nakita na ang apat na tao na nakaupo sa bago sila ay mga kakilala nila.Ang taong nakaupo nang pinakamalapit sa entrance ng first row ay si Dors.Nang makita niya na nandito sina Charlie at Claire, tumayo siya at ngumiti habang sinabi, “Master Wade, Chairman Wilson, nandito rin kayong dalawa!”Nasorpresa si Claire at sinabi, “Oh! Vice Chairman Young, nandito ka rin para panoorin ang concert ni Quinn Golding?”Tumawa si Doris at sinabi, “Noon pa man ay malaking tagahanga na ako ni Quinn Golding, at alam ko kung paano kantahin ang bawat isang kanta niya! Paano ako hindi pupunta ngayong nagpasya siyang magkaroon ng concert sa Aurous Hill?”Tumango nang paulit-ulit si Claire habang ngumiti siya at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may oras ka para habulin ang mga artista kahit na sobrang abala ka sa trabaho.”Tumingin si Doris kay Charlie bago sinabi nang may malalim na kahulugan, “Hay. H
Sa totoo lang, nakita na ni Claire ang mga balita tungkol sa kompetisyon nina Aurora at Nanako dati, pero sa oras na iyon, mukhang sobrang magiting ang dalawang babae habagn suot ang kanilang professional combat clothing. Bukod dito, ang mahabang buhok ni Nanako ay natali sa isang maayos at matalas na ponytail, habang may medyo mahabang buhok si Aurora sa sandaling iyon.Pero ngayon, ang buhok ng dalawang babaeng ito ay nakalaylay sa mga balikat nila. Mukha silang sobrang marahan at maamo, at iyon ang dahilan kung bakit sobrang hirap para kay Claire na iugnay ang dalawang babaeng ito sa dalawang magiting na babae sa kompetisyon dati.Ang bawat isa sa limang babae na ito, na nakaupo nang magkakatabi, ay may sari-sariling katangian at lakas. Sobrang ganda nilang lima.Habang nagulantang nang sobra si Claire, nagkusa si Jasmine na magsalita. “Hello, Mrs. Wade, matagal na tayong hindi nagkikita!”Noong kinasal ang best friend ni Claire, si Magnolia, dinala siya ni Charlie sa top bridal
Sa sandaling narinig ng ilang babae ang mga sinabi ni Charlie, lahat sila ay tumango nang maunawain. Kahit na may sobrang gandang impresyon sila kay Charlie sa mga puso nila, alam din nila na gusto ni Charlie igugol ang ilang oras ng gabi na kasama lang ang asawa niya. Kaya, hindi dapat nila sila istorbohin.Sa sandaling ito, nagsalita si Jasmine, “Master Wade, Mrs. Wade, kung gano’n, hindi na namin kayo iistorbohin habang pinapanood niyo ang concert. Magkita na lang tayo at kumain kapag libre kayo.”Pagkatapos nito, tumingin si Jasmine kay Claire at sinabi nang seryoso, “Bukod dito, Mrs. Wade, pwede kang pumunta at bumisita sa Moore Group kapag libre ka. May ilang design din kami at kailangan na renovation. Pwede tayong magtulungan kung interesado ka.”Sa ngayon, nasa yugto ng career si Claire kung saan sobrang mapaghangad siya. Umaasa siya na mapaunlad ang kumpanya niya para mapalaki ito at palakasin ang mabilis. Umaasa rin siya na magagawa niyang pababain ang pasanin sa pamilya n
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl