Share

Kabanata 2997

Author: Lord Leaf
Walang magawa si Dorothy kundi buksan na lamang ang bagahe ni Quinn pagkatapos nitong makiusap. Sumunod, inilabas niya ang item na kinaiingatan ni Quinn.

Napatitig si Quinn sa video sa loob ng ilang sandali saka siya bumuntong hininga nang masiguro nilang walang mali rito. Pagkatapos, nagbigay siya ng utos, “Dorothy, kailangan mong siguraduhin na walang mangyayaring masama sa kayamanan ko. Iyan ang kayamanan ko. Hindi pwedeng magkaroon ng mali diyan.”

“Huwag kang mag-alala.” Napakurba ng labi si Dorothy, “Mas gugustuhin ko pang ako ang maaksidente kaysa may mangyaring masama rito. Masaya ka na ba?”

“Hehe!” Inilapat ni Quinn ang kanyang baba sa kanyang mga kamay saka siya ngumiti nang masigla, “Dorothy, the best ka talaga! Mahal kita!”

“Huwag. Huwag mo kong mahalin!” Naiiritang sagot ni Dorothy, “Doon ka na lang sa Charlie mo!”

Seryosong tumugon si Quinn, “Oh, tama ka pala! Bakit ko naman sinabi na mahal kita? Syempre si Kuya Charlie lang ang pwede kong mahalin!”

Napasinghal si Do
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2998

    Agad na nagpaliwanag asi Jaime, “Dorothy, huwag ka namang magalit agad. Alam kong wala akong karapatan na gumawa ng pagbabago sa performance execution plan niyo, pero ginawa ko lang ito dahil may mabuti akong intensyon. Matapos ang lahat, ito ang magiging unang performance ni Miss Golding sa concert tour niya ngayong taon. Gusto ko lang namang gawing mas perpekto ito. Iyan ang dahilan kung bakit hindi na ako nagsabi at pinalitan ko na lang ang mga lighting at sound equipment.”Nang sabihin ito, siniguto ni Jaime si Dorothy, “Pero Dorothy, huwag kang mag-alala. Nag-imbita ako ng pinakamagaling na lighting at sound engineer galing sa United States sa pagkakataong ito. Sila muna ang papalit sa original executive team, gagawin nila kung ano ang nakalagay sa orihinal niyong performance plan. Hindi mo kailangang mag-alala. Hindi lang mas gaganda ang performance niyo pero hindi rin ito makokompromiso.”Napatitig si Dorothy kay Jaime at seryoso siyang nagsalita, “Young Master Schulz, hindi l

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2999

    Sa gabing iyon, pagkatapos suriin ang lahat ng hardware at equipment sa venue, bumalik na si Dorothy sa hotel nang masigurong walang kahit anong problema.Pagkarating niya ng kwarto, agad na tinawagan ni Dorothy si Quinn sa pamamagitan ng isang video call.Nang kumonekta ang tawag, makikitang nakasuot ng pajamas si Quinn at may facial mask siya sa mukha habang nagpapahinga sa loob ng kwarto.Sumunod, nagsalita siya, “Dorothy, maayos na ba ang lahat sa venue?”Tumango si Dorothy. “Maayos na ang lahat. Pwede ka nang magsimula agad sa rehearsal mo bukas.”“Mabuti naman!” Nakahinga nang maluwag si Quinn pero seryoso pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Marami na akong ginawang concerts mula dati, pero hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong kaba kahit kailan. Hindi pwedeng magkaroon ng kahit anong mali sa concert na ito!”Naisip ni Dorothy sa puntong ito ang nangyari kanina tungkol kay Jaime. Kaya, nagsalita siya, “Nga pala, Quinn, may kailangan kang malaman.”“Sabihin mo sa akin.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3000

    Nagsalita si Quinn, “Aalis ako ng alas otso ng umaga bukas, darating siguro ako ng 9:50 diyan. Pero, may appointment na ako kasama si Kuya Charlie. Susunduin niya ako ng ganyang oras. Hindi mo kailangang mag-alala para sa akin.”Nagsalita si Dorothy, “Ngayong araw, ilang beses akong tinanong ni Jaime kung kailan ka darating. Nagdududa akong mula sa paraang ginamit niya ngayong araw, maghahanap rin siya ng dahilan para masundo ka niya sa airport bukas. Kailangan mong pagtuunan ang bagay na ito.”Nalungkot agad si Quinn nag marinig ito, “Wala ba talaga siyang ginagawa sa buhay?”Napakurba ang labi ni Dorothy, “Kaya niya ngang pumunta ng personal sa airport para lang sunduin kami kahit staff lang kami, lalo ka naman? Sa tingin ko pagtutuunan niya ng atensyon ang inbound information ng Aurous Airport. Siguro nakita niya na ang impormasyon tungkol sa application mo ng route permit bago pa man makalipad ang sasakyan mong eroplano.”Napaisip si Quinn sa loob ng ilang sandali saka siya mul

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3001

    Nang marinig ni Charlie na may bagong kliyente si Claire, hindi niya ito masyadong inisip.May dalawang business lines ang kumpanya ni Claire. Isa sa mga ito ang renovation design, samantalang renovation undertaking naman ang isa.Mula sa dalawang ito, renovation design ang main business ni Claire dahil magaling siya sa ganitong bagay.Para naman sa renovation undertaking, supervisor ang role ni Claire sa bahaging ito, at madalas siyang kumukuha ng ibang renovation company na pwedeng gumawa ng trabaho.Ngayong tapos na ang renovation design work niya para sa Emgrand Group at nagsisimula na rin ang renovation undertaking nito, ilan sa mga empleyado ni Claire ang wala nang ginagawa kaya kailangan nilang maghanap ng bagong projects.Pagkatapos kumain ng almusal, sabay na pumasok ng kotse ang mag-asawa. Hinatid ni Charlie si Claire sa old town.Pagkatapos magmaneho ng ilang distansya, kinausap ni Charlie si Claire, “Mahal, bakit hindi mo ako bigyan ng saktong address? Bubuksan ko ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3002

    Tumango si Helen at tinuro niya si Sophie na nasa tabi niya, saka niya kinausap si Claire, “Miss Wilson, gusto kong ipakilala sa inyo ang anak kong si Sophie.”Habang nagsasalita, kinausap rin ni Helen si Sophie, “Sophie, siya si Claire Wilson, ang boss ng design studio na sinasabi ko sa’yo.”Tumango nang bahagya si Sophie at magalang siyang bumati, “Hello, Miss Wilson!”Agad na tumugon si Claire, “Hindi mo ako kailangang tawaging Miss Wilson. Pwede mo akong tawagin na Claire na lang.”Habang nagsasalita, napansin ni Claire na pinakilala ni Helen ang anak niya sa kanya. Kaya, natural lang na ipakilala rin ni Claire ang asawa niya sa kanila bilang paggalang. Kaya, agad na nilingon ni Claire ang direksyon ni Charlie saka siya nagsalita, “Mahal, lumabas ka rin para batiin sila Aunt Dunn at Miss Schulz.”Sa totoo lang, habang nakaupo sa loob ng kotse, nakita na talaga ni Charlie si Helen at Sophie gamit ang rearview mirror.Habang nasa isip niyang umalis agad, hindi niya naman inaaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3003

    Biglang nakaramdam ng matinding hiya si Claire nang marinig ang mga sinabi ni Sophie.Hinawakan ni Claire ang buhok sa kanyang sentido at nag-alangan siyang magsalita, “Ito… Hindi ko masasabing arranged marriage ito…”Hindi mapigilang magsalita ni Sophie, “Pareho niyong hindi kilala o nauunawaan ang isa’t isa bago kayo ikasal. Natural lang na wala kayong emosyonal na pundasyon. Sa parehong pagkakataon, kinasal lang rin kayo dahil sa kagustuhan ng lolo mo. Hindi ba iyan ang tipikal na arranged marriage? Kagaya ito ng kasal ni Marie Antoinette kay Louis XVI sa ancient history. Pareho silang walang nararamdaman sa isa’t isa at kinasal lamang sila dahil sa kagustuhan ng nanay ni Louis XVI.”Nang mabanggit ito, tila ba may naalala si Sophie at nagsalita siya nang walang pigil, “Mukhang hindi talaga nagkaroon ng nararamdaman si Louis XVI at Marie Antoinette sa isa’t isa sa buong buhay nila. Hindi kaya pareho rin ang kasong ito sa inyong dalawa?!”Lalong hindi mapakali si Claire sa mga di

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3004

    Subalit, nakaramdam siya ng kumpiyansa nang madiskubre niya ang sitwasyon nila ni Claire.Dahil hindi pala isang malaking balakid ang iniisip niyang pinakamalaking hadlang para magkaroon siya ng tsansa kay Charlie.Para bang nakakita ng liwanag si Sophie sa dulo ng isang madilim na tunnel.Kaya, lumabas na lamang si Sophie para maglakad-lakad sa courtyard ng mansyon habang abala ang kanyang nanay na kausapin si Claire tungkol sa renovation plan. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang cellphone para padalhan ng text si Charlie sa WhatsApp: [Mr. Wade, hindi ko naman inaakalang arranged marriage pala kayo ng asawa mo!]Samantala, kakaalis lamang ni Charlie ng old town at nagmamaneho na siya papunta ng airport.Iniisip pa rin ni Charlie ang sitwasyon kung saan nagkita si Helen, Sophie at Claire. Hindi niya mapigilang bumuntong hininga, ‘Mukhang maliit nga talaga ang Aurous Hill. Kung patuloy na magiging ganito ang takbo ng lahat, mas lalong tataas ang tsansa na makakasalubong ko ang ib

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3005

    Habang patungo ng airport si Charlie, nagkaroon ng impormasyon si Jaime kung kailan darating ang private jet ni Quinn gamit ang sarili niyang mga koneksyon.Nagkataong sinabi ng espiya niya sa venue na darating si Quinn ng 1:00 PM.Sakto ang oras ng paglipad ng business jet ng pamilya Golding sa oras na darating si Quinn para sa rehearsal kaya kampante siya na tama ang nakuha niyang impormasyon.Pakiramdam niya darating si Quinn pagkatapos ng 12:00 PM at malapit ng 1:00 PM kaya hindi niya kailangang magmadali at pumunta nang maaga sa airport.Ganoon din, inutusan niya ang mga tauhan niya na kumilos agad, pagdating ng 11:30 AM, aalis na sila para sunduin si Quinn.Subalit, hindi niya alam na nakasakay na si Quinn ng eroplano papunta ng Aurous Hill.Dumating si Charlie sa airport sa ganap na 9:30 AM. Ganoon din, naririyan na si Isaac para abangan siya.Nagmaneho si Charlie ng kanyang kotse papasok sa airport sa tulong ng direksyon na itinuro ni Isaac.Para maiwasang maihayag ang

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5693

    Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5692

    “Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5691

    Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5690

    Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5689

    Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5688

    Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5687

    Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5686

    Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5685

    Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status