Nagsalita si Quinn, “Aalis ako ng alas otso ng umaga bukas, darating siguro ako ng 9:50 diyan. Pero, may appointment na ako kasama si Kuya Charlie. Susunduin niya ako ng ganyang oras. Hindi mo kailangang mag-alala para sa akin.”Nagsalita si Dorothy, “Ngayong araw, ilang beses akong tinanong ni Jaime kung kailan ka darating. Nagdududa akong mula sa paraang ginamit niya ngayong araw, maghahanap rin siya ng dahilan para masundo ka niya sa airport bukas. Kailangan mong pagtuunan ang bagay na ito.”Nalungkot agad si Quinn nag marinig ito, “Wala ba talaga siyang ginagawa sa buhay?”Napakurba ang labi ni Dorothy, “Kaya niya ngang pumunta ng personal sa airport para lang sunduin kami kahit staff lang kami, lalo ka naman? Sa tingin ko pagtutuunan niya ng atensyon ang inbound information ng Aurous Airport. Siguro nakita niya na ang impormasyon tungkol sa application mo ng route permit bago pa man makalipad ang sasakyan mong eroplano.”Napaisip si Quinn sa loob ng ilang sandali saka siya mul
Nang marinig ni Charlie na may bagong kliyente si Claire, hindi niya ito masyadong inisip.May dalawang business lines ang kumpanya ni Claire. Isa sa mga ito ang renovation design, samantalang renovation undertaking naman ang isa.Mula sa dalawang ito, renovation design ang main business ni Claire dahil magaling siya sa ganitong bagay.Para naman sa renovation undertaking, supervisor ang role ni Claire sa bahaging ito, at madalas siyang kumukuha ng ibang renovation company na pwedeng gumawa ng trabaho.Ngayong tapos na ang renovation design work niya para sa Emgrand Group at nagsisimula na rin ang renovation undertaking nito, ilan sa mga empleyado ni Claire ang wala nang ginagawa kaya kailangan nilang maghanap ng bagong projects.Pagkatapos kumain ng almusal, sabay na pumasok ng kotse ang mag-asawa. Hinatid ni Charlie si Claire sa old town.Pagkatapos magmaneho ng ilang distansya, kinausap ni Charlie si Claire, “Mahal, bakit hindi mo ako bigyan ng saktong address? Bubuksan ko ang
Tumango si Helen at tinuro niya si Sophie na nasa tabi niya, saka niya kinausap si Claire, “Miss Wilson, gusto kong ipakilala sa inyo ang anak kong si Sophie.”Habang nagsasalita, kinausap rin ni Helen si Sophie, “Sophie, siya si Claire Wilson, ang boss ng design studio na sinasabi ko sa’yo.”Tumango nang bahagya si Sophie at magalang siyang bumati, “Hello, Miss Wilson!”Agad na tumugon si Claire, “Hindi mo ako kailangang tawaging Miss Wilson. Pwede mo akong tawagin na Claire na lang.”Habang nagsasalita, napansin ni Claire na pinakilala ni Helen ang anak niya sa kanya. Kaya, natural lang na ipakilala rin ni Claire ang asawa niya sa kanila bilang paggalang. Kaya, agad na nilingon ni Claire ang direksyon ni Charlie saka siya nagsalita, “Mahal, lumabas ka rin para batiin sila Aunt Dunn at Miss Schulz.”Sa totoo lang, habang nakaupo sa loob ng kotse, nakita na talaga ni Charlie si Helen at Sophie gamit ang rearview mirror.Habang nasa isip niyang umalis agad, hindi niya naman inaaka
Biglang nakaramdam ng matinding hiya si Claire nang marinig ang mga sinabi ni Sophie.Hinawakan ni Claire ang buhok sa kanyang sentido at nag-alangan siyang magsalita, “Ito… Hindi ko masasabing arranged marriage ito…”Hindi mapigilang magsalita ni Sophie, “Pareho niyong hindi kilala o nauunawaan ang isa’t isa bago kayo ikasal. Natural lang na wala kayong emosyonal na pundasyon. Sa parehong pagkakataon, kinasal lang rin kayo dahil sa kagustuhan ng lolo mo. Hindi ba iyan ang tipikal na arranged marriage? Kagaya ito ng kasal ni Marie Antoinette kay Louis XVI sa ancient history. Pareho silang walang nararamdaman sa isa’t isa at kinasal lamang sila dahil sa kagustuhan ng nanay ni Louis XVI.”Nang mabanggit ito, tila ba may naalala si Sophie at nagsalita siya nang walang pigil, “Mukhang hindi talaga nagkaroon ng nararamdaman si Louis XVI at Marie Antoinette sa isa’t isa sa buong buhay nila. Hindi kaya pareho rin ang kasong ito sa inyong dalawa?!”Lalong hindi mapakali si Claire sa mga di
Subalit, nakaramdam siya ng kumpiyansa nang madiskubre niya ang sitwasyon nila ni Claire.Dahil hindi pala isang malaking balakid ang iniisip niyang pinakamalaking hadlang para magkaroon siya ng tsansa kay Charlie.Para bang nakakita ng liwanag si Sophie sa dulo ng isang madilim na tunnel.Kaya, lumabas na lamang si Sophie para maglakad-lakad sa courtyard ng mansyon habang abala ang kanyang nanay na kausapin si Claire tungkol sa renovation plan. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang cellphone para padalhan ng text si Charlie sa WhatsApp: [Mr. Wade, hindi ko naman inaakalang arranged marriage pala kayo ng asawa mo!]Samantala, kakaalis lamang ni Charlie ng old town at nagmamaneho na siya papunta ng airport.Iniisip pa rin ni Charlie ang sitwasyon kung saan nagkita si Helen, Sophie at Claire. Hindi niya mapigilang bumuntong hininga, ‘Mukhang maliit nga talaga ang Aurous Hill. Kung patuloy na magiging ganito ang takbo ng lahat, mas lalong tataas ang tsansa na makakasalubong ko ang ib
Habang patungo ng airport si Charlie, nagkaroon ng impormasyon si Jaime kung kailan darating ang private jet ni Quinn gamit ang sarili niyang mga koneksyon.Nagkataong sinabi ng espiya niya sa venue na darating si Quinn ng 1:00 PM.Sakto ang oras ng paglipad ng business jet ng pamilya Golding sa oras na darating si Quinn para sa rehearsal kaya kampante siya na tama ang nakuha niyang impormasyon.Pakiramdam niya darating si Quinn pagkatapos ng 12:00 PM at malapit ng 1:00 PM kaya hindi niya kailangang magmadali at pumunta nang maaga sa airport.Ganoon din, inutusan niya ang mga tauhan niya na kumilos agad, pagdating ng 11:30 AM, aalis na sila para sunduin si Quinn.Subalit, hindi niya alam na nakasakay na si Quinn ng eroplano papunta ng Aurous Hill.Dumating si Charlie sa airport sa ganap na 9:30 AM. Ganoon din, naririyan na si Isaac para abangan siya.Nagmaneho si Charlie ng kanyang kotse papasok sa airport sa tulong ng direksyon na itinuro ni Isaac.Para maiwasang maihayag ang
Pagkatapos ay binuksan ni Charlie ang pinto habang sinabi, “Tara na. Ihahatid kita sa Shangri-La.”“Okay!” Nagmamadaling pumasok si Quinn sa kotse dala-dala ang bouquet ng mga bulaklak sa kanyang kamay.Pagkatapos ay sumenyas si Charlie kay Isaac, na pumasok din sa kotse niya at magmaneho sa harap nila habang paalis sila sa airport.Sa daan, tinanong ni Charlie si Quinn, “Nana, anong oras pupunta dito sina Tito Golding at Tita Golding bukas?”Sinabi ni Quinn, “Pupunta sila siguro sa ganitong oras, o marahil ay mamaya pa.”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Quinn, “Siya nga pala, Kuya Charlie, kung wala kang ibang gagawin bukas ng umaga, pwede tayong pumunta at sunduin sila sa airport!”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kumpirmahin mo ito kina Tito Golding at Tita Golding mamaya. Sa oras na iyon, pumunta tayo at sunduin natin sila.”Nilabas agad ni Quinn ang kanyang cellphone at sinabi, “Hindi na kailangan maghintay mamaya. Magpapadala na ako ng video call request sa ama
Nang marinig ni Quinn na pupunta na sa meeting ang mga magulang niya, sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, Ma, huwag kayong magmadaling ibaba ang tawag! Hindi ko pa napapakita ang bouquet ng bulaklak na binigay sa akin ni Kuya Charlie!”Pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadaling pinalitan ni Quinn ang camera view habang tinutok niya ang camera sa bouquet ng mga bulaklak na nasa kandungan niya.Si Rachel, na nasa kabilang dulo ng video, ay ngumiti at sinabi, “Oh! Sobrang laking bouquet ng rosas iyan. Talagang maalalahanin si Charlie! Napakaraming taon na kaming magkasama ng ama mo, pero mukhang hindi pa ako binigyan ng ama mo ng kahit anong bulaklak dati.”Sinabi nang hindi akma ni Yule, “Matandang mag-asawa na tayo. Kaya, bakit pa nating bibigyan atensyon ang mga ganitong bagay?”Tumingin nang masama si Rachel sa kanya bago sinabi, “Kaya, ito ang pagkakaiba niyo ni Charlie. Bakit hindi tingnan kung gaano ka romantiko si Charlie? Naghanda siya ng bouquet ng rosas kahit na sinundo ni
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta