Share

Kabanata 2898

Author: Lord Leaf
“Anong biro!” Sinabi nang mayabang ni Carvalho, “Noon pa man ay tuwid na tao na ako, at kumikilos ako nang matuwid sa buong buhay ko. Kailanman ay wala akong ginawa para saktan ang kahit sino. Kaya, huwag mong isipin na maibibigay mo ang responsibilidad at sisi ng kasalanan ng iba sa akin! Inosente pa rin ako at malinis ang konsensya kahit na iharap mo ako sa lahat ng pulis sa buong mundo!”

May mapanghamak na tingin si Charlie habang kinutya, “Alam ko kung paano mag-isip ang mga matandang g*go na tulad mo. Palagi niyong pinapangaralan ang iba na wag makialam at huwag abalahin ang iba. Sa tingin om ba talaga ay wala kang kinalaman sa bagay na ito dahil lang iba ang pumatay? May sasabihin ako sa’yo. Marahil ay kaya mong lokohin ang ibang tao na tanggapin ang ganitong uri ng g*gong kaisipina mo, pero para sa akin, kasuklam-suklam ka rin tulad ng mamamatay-tao!”

Habang nagsasalita siya, sinigaw nang malamig ni Charlie, “Lilinawin ko na ang lahat ngayong araw. Kung papatay pa si Falco Xan
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2899

    Kinabahan nang sobra si Carvalho sa tiyak na tono ni Charlie at ang paulit-ulit na banta niya.Ang pinaka kinatatakutan ni Carvalho sa buhay niya ay mapasok sa gulo. Ang totoong paglalarawan ng buhay niya sa nakaraang pitumpu o walumpung taon ay tumakas sa sandaling magkaroon ng kahit kaunting gulo.Ngayon, kung hindi dahil naantig siya sa magandang oportunidad ni Chandler, kahit na bugbugin siya hanggang sa mamatay siya, hindi siya pupunta sa Oskia para dumaan sa panganib ngayon mahigit isang daang taong gulang na siya.Nang makita niya na nagalit niya ang isang malupit na tao tulad ni Charlie, ang tanging bagay lang na lumitaw sa isipan niya ay bilisan at tumakas.Kaya, nilambutan niya ang tono niya habang tumingin siya kay Charlie at nagmakaawa, “Mr. Wade, hindi ko talaga masyadong kilala si Falco Xanthos. Sobrang tanda ko na, at may iba’t ibang sakit din ako. Huwag mo sana akong pahirapan…”Hindi siya tiningnan ni Charlie. Sa halip, sinabi niya lang nang malakas sa pinto, “Mr.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2900

    Nagsalita si Charlie sa sandaling ito, “Master Lennard, narinig mo rin ito. Sobrang hina ng loob ng taong ito, at wala siyang pakiramdam ng responsibilidad. Hindi ko pwedeng hayaan siyang umalis na lang nang ganito. Pagbibigyan ko ang buhay niya kung tutulungan niya akong hulihin si Falco Xanthos, pero kung patuloy siyang magiging tanga at matigas ang ulo at hahayaan si Falco Xanthos na manakot at manakit ng tao, kailangan ko siyang patayin!”Nabalisa si Carvalho, at sinabi niya, “Sobrang bata mo pa, pero sobrang walang awa ka! Maraming taon ko nang kaibigan si Chandler! Kaya, wala ka bang kahit anong pakiramdam?!”Sa sandaling narinig ito ni Chandler, sinabi niya agad, “Carvalho, huwag mong subukan na gumawa ng alitan dito. Hindi ko hinihiling kay Young Master Wade na pakawalan ka para sa akin!”Sa una ay balak ni Carvalho na gamitin si Chandler para maawa si Charlie. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na gagawa ng malinaw na distansya si Chandler sa kaniya. Kaya, nagalit siya nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2901

    Nang makita ni Charlie na desperadong nagmamakaawa si Carvalho sa kanyang harap habang nakaluhod sa sahig, gustong masuka ni Charlie kaya malamig siyang nagsalita, “Kung gusto mong bumalik ng United States, mas mabuting makipagtulungan ka sa akin para mahuli si Falco Xanthos. Kapag nagawa natin siyang hulihin bago siya muling pumatay, hahayaan kitang mabuhay. Kung hindi, maghanda ka nang malagutan ng hininga habang nasa Aurous Hill gaya ng sinabi ko dati!”Nang marinig ni Carvalho ang mga salitang ito, hindi siya nangahas na magpakita ng kahit anong pagtutol. Puno ng luha ang kanyang mukha habang nagsasalita, “Gagawin ko kung ano ang iuutos niyo Young Master Wade. Kikilos ako ayon sa sinasabi niyo…”Sa pagkakataong ito, napagtanto rin ni Carvalho na si Charlie, ang lalaking nasa harap niya, ay ang tipo ng taong hindi niya dapat galitin.‘Kung isasantabi ang ibang bagay, mas mataas talaga ang lebel ni Chandler kaysa sa akin. Pero, tinuturing ni Chandler si Charlie nang buong respeto.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2902

    Tumugon si Charlie, “Simple lang. Sabihin mo sa kanya na may kondisyon ka at kailangan mo siyang makausap nang personal saka mo ibibigay ang nahanap mong impormasyon.”Muling nagtanong si Carvalho, “Ano ang kondisyon na iyan?”Sumagot si Charlie nang diretso ang tono, “Sabihin mo lang na pakiramdam mo kumikita siya ng pera sa madaling paraan. Matanda ka na pero kailangan mo pang pumunta nang malayo at magtrabaho nang mabuti sa Aurous Hil sa nakalipas na mga araw. Mas naghirap ka kumpara sa kanya. Kaya, umaasa kang makakakuha ka ng pabuya mula sa kanya.”Tumango si Carvalho. Pagkatapos, nakaramdam siya ng kaunting kaba, “Young Master Wade, hindi niyo nauunawaan ang pagkatao ni Falco Xanthos. Wala siyang awa. Nang pakiusapan niya ako na magkita kami sa Mount Phoenix Cemetery, halata namang sinadya niya na ipakita sa akin ang abilidad niya. Kung susubukan kong humingi ng kondisyon sa kanya, sigurado akong papatayin niya ako…”Tumugon si Charlie, “Hindi mo kailangang mag-alala. Kahit n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2903

    Totoong sikreto nga talagang inoobserbahan ni Falco si Carvalho at Mason.Subalit, gaya ng hula ni Charlie, hindi siya direktang pumasok sa loob ng Shangri-La. Sa halip, pinili niyang magtago sa madidilim na bahagi sa labas ng Shangri-La.Una sa lahat, masyadong maraming tao sa Shangri-La at maganda rin ang surveillance system dito. Kung wala siyang makukuhang tulong mula sa loob, wala siyang tsansa na maitago ang kanyang sarili sa mga surveillance cameras na nasa loob.Pakiramdam ni Falco base sa kanyang kakayahan, kaya niyang bantayan ang bawat taong pumapasok at lumalabas ng hotel. Kapag nakita niyang lumabas si Carvalho at ang po nito, agad niya silang susundan.Wala siyang tiwala kay Carvalho. Sa isang banda, natatakot siyang hindi gagawin ni Carvalho ang makakaya niya para tulungan siyang hanapin ang misteryosong tao, sa isang banda, hindi niya rin mapigilang mag-alala na nakawin ni Cavalho ang lahat ng pabuya sa trabahong ito.Matapos ang lahat, sa opinyon ni Falco, hindi m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2904

    Pinuwersa ulit ni Carvalho ang kanyang sarili na tumawa, “Master Xanthos, gaya ng kasabihan, ‘Kapag tumigil ang mga tao sa paghahanap ng kanilang sarili, iyan na ang magiging katapusan ng mundo.’ Pumunta ako rito sa Oskia Mula sa malayong lugar para kumita ng pera. Hindi pa ako gumagawa ng ganitong klase ng delikadong bagay kaya siguradong makokonsensya ako sa hinaharap. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan ko ng dagdag na pera bilang pambawi.”Habang nagsasalita, nagdagdag si Carvalho, “Ilang araw na rin simula nang dinala ko ang apo kong si Mason sa Oskia. Marami kaming pinagdaanang paghihirap para lang makahanap ng mahalagang impormasyon kung saan-saan.”Nagpatuloy si Carvalho sa kanyang sinasabi, “Pero, Master Xanthos, kararating mo lang sa Aurous Hill. Kung ibibigay ko sa’yo ang mga nahanap kong impormasyon ngayong araw, maaaring mapatay mo ang lalaking iyon ngayong gabi. Pagkatapos, makukuha mo na ang pabuya mo at aalis ka na. Sa kasalungat, mas nahirapan akong kitain ang pera

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2905

    Masama ang ekspresyon sa mukha ni Falco nang ibaba niya ang tawag.Hindi niya inaakalang may lakas ng loob ang lintik na matandang si Carvalho na makipagnegosasyon sa kanya.Habang naiirita sa sitwasyon, biglang nakaramdam ng galaw si Falco mula sa kanyang bulsa. Agad na inabot ni Falco ang kanyang kamay saka niya inilabas ang parasitic worm mula sa bulsa niya.Nang makalabas ang matabang at puting uod mula sa kanyang bulsa, nagsimula itong pumilipit na para bang nagpoprotesta at hindi ito natutuwa.Hinaplos nang marahan ni Falco ang ulo ng nilalang saka niya ito kinausap, “Huwag kang mag-alala, alam kong hindi ka nabusog sa huli mong kinain. Maghahanda ako ng dalawang tao para sa hapunan mo ngayong gabi, sisiguraduhin kong mabubusog ka!”Ang nakamamangha, tila ba naiintindihan ng mataba at puting uod ang sinasabi ni Falco.Nang sabihin ni Falco na sisiguruhin niyang makakakain nang mabuti ang parasitic worm ngayong gabi, tumigil na aga dito sa pagpoprotesta at nagsimula itong ru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2906

    Hindi nangahas si Albert na magbagal-bagal pa, agad niyang inabot ang susi kay Charlie saka siya nagsalita, “Young Master Wade, kontakin niyo lang ako sakaling may problema.”“Sige.” Tumango nang bahagya si Charlie saka niya hinawakan ang susi, “Mauuna na akong umalis.”Pagkatapos magsalita, pumasok na si Charlie sa driver’s seat at pinaandar niya ang kotse saka siya nagpunta ng Shangri-La.Nang makarating si Charlie sa entrance ng Shangri-La, kalalabas lang rin ni Carvalho mula sa lobby ng hotel.Nagmaneho si Charlie papunta sa harap ng matanda saka niya ibinaba ang bintana ng sasakyan saka siya nagsalita, “Kailangan niyo ba ng taxi?”“Oo!” Tumango si Carvalho, “Pupunta ako ng Mount Phoenix Cemetery.”“Gusto niyong pumunta ng Mount Phoenix Cemetery?” Nagpanggap si Charlie na natatakot, “Masyado nang malalim ang gabi, bakit kayo pupunta sa gano’ng klase ng lugar? Ayaw kong pumunta roon. Mamalasin ako.”Agad na tumugon si Carvalho, “Bata, may kailangan akong gawin sa Mount Phoeni

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5687

    Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5686

    Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5685

    Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5684

    Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5683

    Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5682

    Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5681

    Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5680

    Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5679

    Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status