Hindi nangahas si Albert na magbagal-bagal pa, agad niyang inabot ang susi kay Charlie saka siya nagsalita, “Young Master Wade, kontakin niyo lang ako sakaling may problema.”“Sige.” Tumango nang bahagya si Charlie saka niya hinawakan ang susi, “Mauuna na akong umalis.”Pagkatapos magsalita, pumasok na si Charlie sa driver’s seat at pinaandar niya ang kotse saka siya nagpunta ng Shangri-La.Nang makarating si Charlie sa entrance ng Shangri-La, kalalabas lang rin ni Carvalho mula sa lobby ng hotel.Nagmaneho si Charlie papunta sa harap ng matanda saka niya ibinaba ang bintana ng sasakyan saka siya nagsalita, “Kailangan niyo ba ng taxi?”“Oo!” Tumango si Carvalho, “Pupunta ako ng Mount Phoenix Cemetery.”“Gusto niyong pumunta ng Mount Phoenix Cemetery?” Nagpanggap si Charlie na natatakot, “Masyado nang malalim ang gabi, bakit kayo pupunta sa gano’ng klase ng lugar? Ayaw kong pumunta roon. Mamalasin ako.”Agad na tumugon si Carvalho, “Bata, may kailangan akong gawin sa Mount Phoeni
Kahit hindi kilala ni Charlie si Falco, at kahit wala siyang tunay na nalalaman kung paano ito pumapatay, pakiramdam niya para sa isang gay ani Falco, normal lang ang maging malupit at walang awa.Hindi nagagawang pumatay ni Falco nang basta-basta hindi dahil mabuti ang kanyang puso, kundi hindi tama ang pagkakataon at mag kondisyon. Pero, hangga’t hahayaan siya ng tadhana, hindi magpapakita ng awa si Falco sa kahit sino.Ayon kay Carvalho, nang magkita sila ni Falco sa Mount Phoenix Cemetery kagabi, malungkot si Falco dahil isang security guard lang ang nagbabantay sa malawak na sementeryo, hindi tuloy nabusog ang kanyang parasitic worm.Ibig sabihin hangga’t pwede, malabo na titigil si Falco sa pagpatay ng iisang tao lamang. Siguradong papatayin niya ang kahit sino at kahit ilan.Dahil gusto ni Carvalho na makibahagi sa makukuhang pabuya ni Falco, siguradong kinamumuhian na siya nito ngayon. Gagawa ng paraan si Falco para patayin si Carvalho. Kung hindi ito ang kaso, hindi dapat
Sa pagkakataong ito, nagsalita si Charlie nang direkta, “Pwede kang maunang lumabas ng kotse. Nasa likod natin si Falco Xanthos. Basta kumilos ka ayon sa sinabi ko, masisiguro ko ang kaligtasan mo.”Napangitngit ng ngipin si Carvalho saka siya tumango. Kahit wala siyang tiwala kay Charlie, wala na siyang ibang magagawa sa puntong ito. Kailangan niya na lang lakasan ang kanyang loob bago siya bumaba sa taxi.Sa pagkakataong ito, mabilis na dumating ang minamanehong Volkswagen ni Falco sa tuktok ng bundok. Nang makita niyang nakalabas na si Carvalho ng taxi, agad niyang tinapakan ang accelerator at direkta siyang nagmaneho papunta sa likod ng taxi na kinaroroonan ni Charlie.Pagkatapos, maririnig ang malakas na banggaan ng dalawang sasakyan. Napausog nang ilang metro ang taxi ni Charlie papunta sa harap. Nang tumigil na ang kotse, nagpanggap si Charlie na galit na galit saka siya bumaba ng taxi para sigawan ang Volkswagen sa likod, “Nasisiraan ka na ba ng bait?! Nag-iisa lang naman an
Malamig ang ngiti sa mukha ni Falco sa pagkakataong ito.Alam niyang pagbabayaran ng hangal na binatang nasa harap niya ang mga masasakit na salitang binitawan nito kanina.Matapos ang lahat, walang kahit sino ang makakapigil sa kanyang parasitic worm!Kahit kulay puti at mataba ang itsura nito, mas matigas pa sa bakal ang mismong katawan nito. Masasabing hindi tatabla ang kahit anong ispada o baril sa kanyang parasitic worm!Higit sa lahat, mas malakas pa ang biting ability nito at mas masahol rin ito kumpara sa isang malaking tigre!Minsan nang ginamit ni Falco ang kanyang native parasitic worm para pumatay ng mga Japanese ninjas. Sa labang iyon, nagpira-piraso ang mga bakal mula sa ninjato na armas ng mga ninjas nang tumama ito sa katawan ng parasitic worm.May sumubok rin na gumamit ng apoy para labanan ang native parasitic worm, pero kahit gaano pa kainit ang apoy, hindi nasaktan ang kanyang alaga.Kaya, sa puso ni Falco, nakita niya na ang tadhana ni Charlie.Kampante siy
Ganoon din, direktang kinagat ng native parasitic worm ni Falco ang bungo ni Charlie.Sa pagkakataong ito, habang nasa gitna ng buhay at kamatayan, biglang inabot ni Charlie ang kanyang kamay para direktang hampasin ang native parasitic worm. Para bang basketball player siya na nagsusuot lamang ng sombrero niya nang direkta niyang patalsikin ang native parasitic worm papunta sa lupa!Parehong napatulala si Falco at Carvalho sa pagbabagong ito!Wala ni isa sa kanilang dalawa ang nag-akalang matatalo ng kabilang panig ang native parasitic worm na nakakagat na sa bungo ni Charlie sa isang hampas lang.Inakala pa nga ni Falco na may mali sa kanyang mga mata at tila ba hindi niya nakikita nang malinaw ang lahat.Subalit, pagkatapos niyang kuskusin ang kanyang mga mata, napagtanto niyang namimilipit sa sakit ang kanyang parasitic worm habang gumugulong ito sa sahig.Napabulalas siya nang hindi niya namamalayan, “Ito… paano ito naging posible?! Walang makakatalo sa parasitic worm ko! Pa
Nang makita ni Falco na biglang umanib si Carvalho sa kabilang panig, napuno siya ng galit.Pinagtuturo niya si Carvalho habang nagngingitngit ang kanyang ngipin, “Kung alam ko lang na masama ang budhi mo taranrado ka, pinatay na sana kita at ang apo nang magkita tayo kahapon dito sa Mount Phoenix Cemetery!”Malamig na tumugon si Carvalho, “Falco Xanthos, marami ka nang napatay na tao sa buhay mo at marami ka ring hindi pinakawalan na mga inosenteng indibidwal. Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na masama ang budhi ko?! Sa tingin ko ikaw ang tunay na salbahe rito!”Habang nagsasalita, pumunta si Carvalho sa harap ni Charlie at pinagtama niya ang dalawa niyang palad saka siya nagsalita sa isang magalang na boses, “Young Master Wade, maraming nagawang masamang bagay ang taong ito sa buhay niya. Nararapat lamang na mamatay siya. Ngayong araw, dapat mo siyang tapusin. Masasabing tinutulungan mo ang mundo kapag inalis mo ang mga kagaya niyang peste!”Takot na takot si Falco lalo na n
Nang makita ni Charlie na paparating ang isang Thunder Order sa kanyang direksyon, nasorpresa siya nang kaunti at naging maingat siya. Hindi niya rin alam kung bakit walang kakaibang nangyayari o kahit anong pagbabago sa langit nang ilabas ni Falco ang kanyang Thunder Order.Mula sa sariling karanasan ni Charlie sa paggamit ng Thunder Order, kapag inilabas niya ito, magkakaroon ng mga kulay itim na ulap, umaalingawngaw na kulog, at kidlat. Subalit, walang ganitong klase ng senyales nang ilabas ni Falco ang kanyang Thunder Order.Ganoon din, para bang may sumabog sa harap ng mga mata ni Charlie.Sa isang malakas na ugong, isang lightning bolt ang nagpakita mula sa ere. Subalit, tanging kulog at kaunting ulan lamang ang napansin ni Charlie sa pangyayari. Isang metro lang rin ang haba ng lightning bolt na lumitaw sa kanyang harap. Hindi man lang ito katumbas ng 1% ng enerhiya ng Thunder Order na mayroon si Charlie.Kaya, hindi kumilos si Charlie at hinayaan niya lamang na tumama ang i
“Ano sinabi mo?!”Nanlaki ang mga mata ni Falco, namutla ang kanyang mukha at napuno siya ng taranta, “Ikaw… Ikaw… may Thunder Order ka rin?!”Natawa si Charlie, “Bakit? Kakaiba ba ang bagay na iyan? Pwede kang magkaroon ng Thunder Order, pero ako hindi pwede?”Napabulalas si Falco, “Pero… pero matagal nang nawala sa kasaysayan ang paraan kung paano gumawa ng Thunder Order! Nakuha ko pa ang Thunder Order ko mula sa ancient tomb ng isang metaphysics master sa tulong ng isang ancient military officer! Maliban sa tatlong Thunder Orders na mayroon ako, hindi pa ako nakakakita ng kahit sinong may Thunder Order!”Natawa ulit si Charlie, “Mukhang hindi ka lang salbaheng tao, pero isa ka ring hangal! Sa mga mata ko, defective item lang ang Thunder mo. Bakit naman magkakaroon ng Thunder Order na isang beses mo lang magagamit? Hindi na nga magandang isang beses mo lang magagamit, pero napakaliit pa ng lightning bolt nito. Hindi ba masyadong nakakahiya na ipinagyayabang mo ito?”Habang nagsa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl