Wala talagang masabi si Charlie. Makalipas ang napakatagal na sandali, sa wakas ay nagsalita na siya at tinanong, “Ikaw… anong sinusubukan mong gawin? Nasa early twenties ka pa lang ngayong taon, at marami ka pang magandang panahon sa kinabukasan mo! Bukod dito, sa kasalukuyang cultivation mo, kahit na hindi umangat ang progreso ng cultivation mo simula ngayon, madali kang mabubuhay nang lampas sa isang daang taong gulang. One-fift pa lang, o marahil ay one-sixt pa lang ng buhay mo ang natatapos!”“Wala akong pakialam.” Sinabi nang matatag ni Rosalie, “Mr. Wade, kung hindi kita nakilala, siguradong tapos na ang buhay ko. Hindi na ako si Rosalie Schulz, na nakaupo dito at walang sugat! Kaya, kahit gaano karami pa ang natitirang oras sa buhay ko, utang ko ang buhay ko sa iyo, Mr. Wade. Kaya, handa akong gamitin ang lahat ng oras na mayroon ako para sa’yo, Mr. Wade!”Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Rosalie, naantig siya nang sobra at walang magawa sa parehong oras sa kailalima
Walang opinyon si Charlie sa pagsasaayos ni Charlie.Natatakot siya na ipapadala rin siya ni Charlie kay Isaac, Albert, o kahit sa ate nya.Dahil handa si Charlie na patuloy siyang manatili sa Shangri-La, masaya itong tatanggapin ni Rosalie.Kahit ano pa, basta’t hindi siya ipapadala ni Charlie sa ibang lugar, hahayaan siyang makita siyan nang madalas, kuntento na si Rosalie.Sinabi ni Charlie kay Rosalie, “Siya nga pala, Rosalie, bago ito, hindi kita hinayaan na magkaroon ng contact sa publiko, at hindi man lang kita hinayaan na magkaroon ng access sa kahit anong balita o public information channel. Sa isang dako, ito ay dahil medyo maingat pa ako sa iyo, at sa kabilang dako, ito ay dahil sobrang espesyal ng pagkakakilanlan at sitwasyon mo. Kung lalabas ang kahit anong balita tungkol sa’yo sa publiko, sobrang dali para sa’yo na mapasok sa gulo.”Habang nagsasalita siya, huminto saglit si Charlie bago sinabi, “Pero ngayon, mukhang tila ba hindi ka na kasing marahas o sukdulan tula
Sabik na sabik si Rosalie at sinabi niya nang magalang, “Salamat, Mr. Wade!Kumaway si Charlie. “Hindi mo ako kailangan pasalamatan sa maliit na bagay na ito.”Habang nagsasalita siya, tumingin si Charlie sa oras at sinabi, “Okay, sige. Hindi na kita kakausapin pa. Kakausapin ko na si Mr. Cameron, si Albert, at ang iba para makapaghanda na rin sila.”Pagkatapos, tumayo si Charlie at sinabi, “Aalis na ako.”“Mr. Wade…” Tinawag siya nang nagmamadali ni Rosalie bago tinanong sa medyo nahihiyang tono, “Pwedeng maghintay ka saglit? Gusto kong gumawa ng bagong WhatsApp account at iadd ka muna bilang friend!”Tumango si Charlie at pumayag, “Okay.”Nagmamadaling binuksan ni Rosalie ang cellphone bago nag-download ng WhatsApp application sa app store. Pagkatapos, mabilis siyang nagregister ng bagong account.Binigyan niya ng pangalan ang kaniyang bagong WhatsApp account bago siya namula at sinabi kay Charlie, “Mr. Wade, hayaan mong iscan ko ang QR code mo…”Kaswal na binuksan ni Charlie
Nang mabalitaan ni Albert na hinahanap siya ni Charlie dahil sa isang mahalagang bagay, agad niyang itinigil ang lahat ng kanyang trabaho bago pumunta nang mabilis sa Shangri-La sa lalong madaling panahon.Sa sandaling pumasok si Albert sa opisina ni Isaac, nakita niyang naghihintay si Charlie sa opisina ni Isaac, kaya umabante siya nang nagmamadali at tinanong nang magalang, “Master Wade, bakit mo ako hinahanap?”Kumaway si Charlie sa kaniya at sinabi, “Halika, Albert. Umupo ka at mag-usap tayo.”Pagkatapos niyang magsalita, binati rin ni Charlie si Isaac, “Mr. Cameron umupo ka rin.”Umupo nang magkatabi sina Isaac at Albert sa harap ni Charlie.Pagkatapos, nagsalita agad si Charlie, “May kolaborasyon na ako sa pamilya Harker. Simula ngayon, magpapadala ang pamilya Harker ng sampung top master nila sa Aurous Hill, at magagamit ko sila sa kahit anong oras.”Sinabi nang masaya ni Isaac, “Young Master, magandang bagay ito! Gamit ang mga top master mula sa pamilya Harker, maituturin
Pagkatapos, bumuntong hininga agad si Charlie at sinabi, “Nakipaglaban din ako sa ilang Japanese ninja noong pumunta ako sa Japan.”“May ilang Japanese ninja na sobrang katulad ng mga warrior sa Oskia. Nasa panahon pa rin sila ng pisikal na pakikipaglaban bilang pag-atake ng cold weapon. Pero, may isang grupo ng ninja na nakasabay sa panahon at gumamit ng maraming modernong teknolohiya.”“May isang punto na tumatak sa isipan ko, at iyon ay nag paragliding sila gamit ang ultra-black paint at mga materyales kasama ang propulsion fan na may tahimik sa lithium battery. Sobrang bilis ng lipad nila s gabi, hindi lang sobrang bilis ng kilos nila, ngunit hindi sila makikita ng mga taong nasa ibaba. Isa itong organikong kombinasyon ng tradisyonal na ninja at modernong teknolohiya. Pakiramdam ko na karapat-dapat na matuto sa ganitong pag-iisip.”Tumango agad si Isaac habang sinabi nang sabik, “Young Master, naiintindihan ko ang ibig mong sabihin. Gusto mong magtulungan ang parehong panig para
Habang lumulubog ang araw sa kanluran at napuno ang langit ng hapon ng liwanag ng dapit-hapon, isang Gulfstream airline na nababalot sa ginintuang liwanag ng araw ang dumating sa Aurous Airport.Ang mga taong nasa eroplano ay ang labing-isang tao na ipinadala ng pamilya Harker, kasama na sina Holden at Yashita.Sa sandaling lumabas ang mga taong ito sa eroplano, agad silang dinala sa riverside villa na binili ni Isaac sa tulong ng convoy na inayos ni Isaac para sa kanila.Nagkataon na ang villa na tio ay nasa parehong villa area tulad ng riverside villa na pagmamay-ari ng ama ni Autumn, si Yolden. Pero, ang laki at lawak ng villa na ito ay mas malaki nang sobra kumpara sa villa ni Yolden.May makasariling dahilan din si Charlie para ilagay ang pamilya Harker dito.Umaasa siya na mababantayan ng pamilya Harker ang sitwasyon nina Yolden at Autumn. Kung mananatili dito ang pamilya Harker, kung may susubok na atakihin si Yolden at ang anak niya, siguradong may napakaliit na pagkakatao
Sa sandaling lumabas ang mga salitang ito, sumunod din ang mga natirang miyembro ng pamilya Harker.Tumango si Charlie at sinabi, “Iyon na ang para sa mga maliliit na bagay. Pag-usapan na natin ang mga seryosong bagay.”Habang nagsasalita siya, tinuro ni Charlie ang malaking riverside villa sa harap niya at sinabi, “Lord Harker, inihanda ko ang villa na ito para sa’yo upang gamitin mo bilang pang araw-araw na tulungan at para sa training. Sobrang laki ng bahay, at marami itong kuwarto. Bukas ang first floor, at sapat na ito para sa cultivation at training araw-araw. Kung may kailangan kayong gamit, pwede niyo itong sabihin kay Mr. Cameron para gawin ito ng tauhan ni Mr. Cameron.”Sinabi nang nagmamadali ni holden, “Master Wade, masyado kang magalang. Sa totoo lang, pwedeng tumira na lang kami sa ordinaryong dormitory, at wala talaga kaming kailangan para sa kondisyon ng pamumuhay namin.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nakipagtulungan ako sa pamilya Harker, hindi dahil gusto kong si
Hindi rin inaasahan ni Charlie na handa agad si Holden na ialok sa kaniya ang inner family boxing technique ng pamilya Harker pagkatapos nilang magkita nang harapan sa unang beses at makipag-usap ng dalawa o tatlong pangungusap.Bukod dito, ayon sa pagkakaintindi ni Charlie kay Rosalie, hindi niya agad ibubunyag na marahil ay may kumpletong set ng innfer family boxing technique si Charlie sa pamilya Harker dahil kabibigay niya lang ng kaniyang cellphone.Kaya, nakikita niya na si Holden ay isang tao na marunong magpasalamat at handang makipag palitan.Sobrang bihirang punto ito.Maraming folk arts ang nawala sa Oskia mula sa feudal society hanggang ngayon, at ang dahilan sa kawalan na ito ay dahil maraming tao na naging dalubhasa sa mga kasanayan na ito ay pinapahalagahan nang sobra ang sarili nilang kasanayan at ayaw itong ipasa sa mga tagalabas kahit na dalhin nila to hanggang sa libingan nila.Maraming matinding pagkawala ang nangyari sa traditional folk culture dahil dito at s
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl