Nang makita ni Yolde na dumating na si Charlie, agad niya itong tinawag para umupo sa kanyang tabi.Sa Heaven Springs, ang Diamond Room ang pinakamagarbong private room sa buong restaurant. Kasya ang 20 na tao sa iisang bilog na mesa lamang nito. Kung tatlong tao lamang ang uupo sa loob, nagmumukha itong walang laman.Nang umupo si Charlie sa tabi ni Yolden, napatitig si Yolden kay Autumn na nakaupo sa tapat, “Autumn, tatlo lang tayo dito. Bakit naman ang layo mo? Bilisan mo at umupo ka rito.”Tumugon si Autumn na para bang nahihiya, “Dito dapat ako umupo. Hindi magandang tignan na nasa iisang hilera lang tayo. Matapos ang lahat, tatlo lang tayo sa isang malaking mesa.”Umiling si Yolden na para bang hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, “Sige, ikaw ang bahala.’Habang nagsasalita, nabaling ang kanyang atensyon kay Charlie, “Charlie, pwede bang uminom tayo nang kaunti?”Tumawa si Charlie saka siya sumagot, “Ayos lang naman sa akin, pero depende sa inyo. Baka may trabaho pa ka
Nang marinig ito ni Autumn, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya at galit.Nahihiya siya dahil una sa lahat binilhan siya ni Charlie ng isang lingerie na hindi angkop sa kanya. Pero, hindi siya makapaniwalang ang lakas pa ng loob nito na direktang magtanong sa kanya ngayon. Lalo siyang nahihiya.Syempre, galit rin si Autumn dahil binilhan siya ng lalaking ito, si Charlie, ng mga bagay na hindi naman nararapat para sa kanya! Masyadong revealing ang binili nito o kaya naman imposibleng suotin! Higit sa lahat, maluwag rin ang lingerie strap na suot niya ngayon. Hindi siya mapakali sa puntong ito.Subalit, alam ni Autumn na hindi naman sinasadya ni Charlie ang nangyari. Kahit galit na galit siya sa kanyang loob, hindi niya kayang ilabas ito sa lalaki. Bukod pa roon, si Charlie ang sumagip ng buhay niya. Ito ang tagapagligtas niya.Kinagat niya na lamang ang kanyang labi saka siya nagsalita, “Iyan… Iyan ay… ayos lang naman… huwag mo nang isipin.”Muling nagtanong si Charlie, “Sigur
Ngumiti nang bahagya si Charlie saka siya seryosong nagtanong, “Ito naman talaga ang dapat kong gawin. Sakto na ba ito sa’yo ngayon?”Tumango si Autumn habang namumula ang mukha.Saktong-sakto talaga ang suot niyang lingerie ngayon.Pero, nahihiya si Autumn na direkta itong sabihin.Ibinaba niya na lamang nang bahagya ang kanyang mga mata saka siya nagtanong sa isang hindi natural na boses, “Mr. Wade, magkano ang lahat ng nagastos niyo? Pakisabi na lang sa akin, babayaran ko kayo mamaya!”Kumaway si Charlie. “Hindi mo kailangang maging ganyan kapormal sa akin. Kahit anong mangyari, boss mo pa rin naman ako sa hinaharap. Isipin mo na lang na regalo ko ito para sa induction mo.”Lalo pang nakaramdam ng hiya si Autumn nang maisip ito, ‘Ayos lang naman kung damit lang ang binigay niya sa akin, pero sinong boss naman ang magbibigay ng pantyhose at lingerie bilang regalo…’Pero, nang maisip ito, napagtanto ni Autumn na kapag tumigil na siya sa paksa, matatapos na ang usapan. Subalit,
Masayang-masaya talaga si Yolden sa puntong ito.Hindi lamang naalis sa peligro ang kanyang anak, pero ligtas rin itong nakabalik sa kanyang tabi.Higit sa lahat, pagkatapos ng insidenteng ito, siguradong nauunawaan na ni Autumn na maraming delikadong bagay sa mundong ito. Hindi na siya basta-bastang sasabak sa kanyang mga ideolohiya na hindi makatotohanan gaya ng nakaraan.Bukod pa rito, nangako rin si Autumn na tutulungan niya siCharlie. Ibig sabihin, makakasama ni Yolden ang kanyang anak sa isang ligtas na bayan gaya ng Aurous Hill sa loob ng matagal na panahon.Dahil masaya si Yolden sa sitwasyon, hindi niya mapigilang mapainom ng ilan pang baso.Pagkatapos ng tatlong baso ng wine, medyo lasing na si Yolden.Paulit-ulit na pinasalamatan ni Yolden si Charlie saka napunta ang kanilang usapan kay Autumn.Tinignan ni Yolden ang nag-iisa niyang anak habang lasing at malambing ang ekspresyon sa mukha. Bumuntong-hininga siya, “Autumn, magkasing edad lang kayo ni Charlie, pero apat
Habang nagsasalita, bumuhos si Yolden ng alak sa kanyang baso saka niya ito nilagok nang isahan lang. Sumunod, muli niyang binuka ang kanyang bibig, “Sa pagkakataong ito, binigyan ko ng atensyon ang sitwasyon ng mga dayuhang babae na pareho rin ang sexual orientation sa’yo. Napagtanto kong masaya ang kanilang mga buhay. Tanggap sila ng kanilang mga kaibigan at pamilya. May iba pa sa kanila na legal ang kasal at magkasama silang naninirahan sa iisang bahay. May iilan pa nga na pinili ang in vitro fertilization method para magkaroon ng anak. Sa tingin ko, magandang solusyon ito. Hindi ka lang magkakaroon ng sarili mong asawa, pero mapagpapatuloy mo rin ang bloodline natin. Kaya, hindi mo kailangang mag-alala. Sabihin mo lang sa akin, ano sa tingin mo?”Hindi makapaniwala si Autumn sa kanyang naririnig.Hindi niya inaakalang naniniwala ang kanyang ama na talagang babae ang gusto niya.Sa totoo lang, isang simpleng palusot lamang ito na naisip niya habang nagrerebelde kay Yolden. Gusto
Nang marinig ni Yolden ang mga sinabi ni Autumn, ilang minuto pa ang nagdaan bago siya nakabawi sa kanyang sorpresa.Hindi niya mapigilang mapabulalas, “Hindi babae ang gusto mo? Kung hindi babae, ibig sabihin lalaki ang gusto mo, ganoon ba?!”Hindi inaasahan ni Autumn na gulat na gulat pa rin ang kanyang ama pagkatapos marinig ang sinabi niya. Hindi niya mapigilang ibalik ang tanong mo, “Papa… sa tingin mo, babae o lalaki ba ang dapat kong magustuhan?”Agad na natuwa si Yolden nang marinig ito, tuwang-tuwa siya nang sumagot, “Mula sa pananaw ko, bilang tatay mo, syempre mas gusto kong lalaki ang magugustuhan mo!”Pagkatapos magsalita, agad na napatingin si Yolden kay Charlie saka siya nagsalita, “Charlie, kalimutan mo na ang babaeng binanggit mo. kailangan mong maghanap ng mga binatang bagay sa anak ko. Kung sakaling mayroon, ipakilala mo siya agad kay Autumn!”Ngumiti nang bahagya si Charlie saka siya tumango, “Oo naman, maghahanap rin ako.”Kakaiba ang ekspresyon sa mukha ni A
.…Samantala, sa villa ng pamilya Schulz sa Sudbury.Hindi mapigilang kabahan ni Cadfan nang hindi siya makatanggap ng kahit anong balita mula kay Sheldon.Kung tutuusin, dapat pumunta si Sheldon sa Aurous Hill para kitain si Yahiko ngayong umaga. Dahil lagpas na ng tanghalian ngayon, naging maganda man o hindi ang diskusyon ni Sheldon kasama si Yahiko, dapat nagbigay pa rin ng report si Sheldon sa kanya.Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Cadfan na ilabas ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang anak.Subalit, isang malamig na boses ang sumalubong sa kanya mula sa kabilang linya: “Sorry. The number that you have dialed is not in service.”Agad na naramdaman ni Cadfan na may mali!“Naku, Diyos ko!” Napabulalas siya, “Mukhang may hindi magandang nangyari kay Sheldon!”Agad na inilabas ng butler na si Arrington ang kanyang cellphone, “Tatawagan ko ang mga tauhang sumama kay Mr. Sheldon.”Pagkatapos magsalita, agad na tinawagan ni Arrington ang mga tauhan na kasama ni Sheld
Nang ibaba ni Jeremiah ang tawag, naisip niyang tawagan agad si Isaac para tanungin ito kung ano ang nangyayari.Habang nasa tabi, agad na nagtanong si Stephen, “Lord Wade, anong nangyari?”Emosyonal na nagsalita si Jeremiah, “Naglaho raw si Sheldon Schulz sa Aurous Hill ngayong araw. Bukod pa roon, nasa Shangri-La siya nang mawala siya. Kaya, tinawagan ako ni Cadfan Schulz para tanungin ako kung bakit nawawala ang kanyang anak. Kailangan kong tawagan si Isaac Cameron para malaman kung ano ang nangyayari!”Nagulantang si Stephen at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Nawala si Sheldon Schulz?! Naglaho rin si Steven Schulz sa Aurous Hill ilang araw ang nakararaan. Wala ring naiwang bakas sa hotel na tinutuluyan niya…”Napabuntong hininga si Jeremiah, “Madali lang takasan ang nangyari kay Steven Schulz. Matapos ang lahat, hindi siya nawala sa loob ng teritoryo natin. Walang kinalaman ang buhay o kamatayan niya sa atin. Pero, mas mahirap ang sitwasyon ni Sheldon Schulz. Kahit anong ma
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl