Hindi tinago ni Charlie ang katotohanan, at tumango lang siya habang sinabi, “Tama. Miyembro ako ng pamilya Wade.”Sa sandaling lumabas ang mga salita niya, nagulat ang pitong tao.Mga estudyante sila na may mataas na pinag-aralan sa larangan ng pera. Kaya, may malalim na pang-unawa sila sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa, at alam nila ang lakas ng ilang mayaman at maimpluwensyang pamilya sa Oskia.Nang marinig nila na supling ng pamilya Wade si Charlie, agad nilang naintindihan kung bakit kayang pumunta ni Charlie sa Syria gamit ang Concorde sa maikling panahon.Ito ang kapangyarihan ng pamilya Wade!Sayang at hindi nakita ng mga estudyante na ito na may mataas na pinag-aralan ang mas malaking larawan, at nabigo silang makilala ang malaking talento na nasa harap nila!Si Hamed, na nasa gilid, ay binigyan agad siya ng isang thumbs-up habang sinabi, “Hindi ko inaasahan na galing ka sa pamilya Wade. Bilang miyembro ng pamilya Wade, kaya mo talagang pumasok nang mag-isa sa lugar na i
Nalito talaga si Autumn nang marinig niya ang mga ito.Nakikita niya na hindi nagbibiro si Charlie.Hindi niya talaga alam ang gagawin niya kung ayaw talaga ni Charlie isama ang mga kasama niya.Hinding-hindi niya talaga inaasahan na sobrang anti-intellectual ng mga kaibigan niya. Ginalit na nila si Charlie bago pa niya ilantad ang pagkakakilanlan niya. Ngayon, kahit gaano sila magmakaawa kay Charlie, makatwiran para kay Charlie na tumangging iligtas sila.Kahit na gusto talagang umalis ni Autumn sa lugar na ito at pumunta sa Aurous Hill para magkita ulit sila ng kanyang ama, hindi niya kayang iwan ang mga kaibigan niya at tumakas nang mag-isa.May isang sandali pa na inisip ni Autumn na huwag umalis. Inisip niya na mas mabuting manatili kasama ang mga kaibigan niya para mabuhay o mamatay sila nang magkasama. Kung gano’n, kahit na mangyari man ang pinakamalalang sitwasyon, kahit papaano, malinis ang konsensya niya.Kung hindi, kung aalis siya nang mag-isa at mamatay silang pito d
Galit na galit at nadismaya si Charlie, at tinuro niya lang si Autumn bago sinigaw nang mahigpit, “Ikaw, manahimik ka! Bago ako pumunta dito, walang kinalaman sa akin ang buhay at kamatayan mo. Pero, dahil nandito na ako, mabubuhay ka lang! Kahit na gusto mong mamatay, hindi ko hahayaan na mamatay ka!”Tinanong ni Autumn, “Sinong nagbigay sayo ng karapatan?! May karapatan akong pumili na huwag kang hayaan na kunin ako!”Tinuro ni Charlie si Hamed bago tinanong, “Bakit hindi mo ito sinabi sa kanya noong dinukot ka nila?”Walang masabi si Autumn sa biglaang tanong ni Charlie, at nag utal-utal lang siya, “Ako… ah…”Sumagot nang malamig si Charlie, “Tigilan mo na ang pagsagot. Masyado akong tamad para makipaglokohan sayo. Ngayong araw, aalis ka kahit gusto mo o hindi. Kung gusto mo talagang mamatay dito, pagkatapos nating makauwi sa Oskia at mabigay kita nang ligtas sa ama mo sa Aurous Hill, pwede kang bumalik dito ulit kung gusto mo. Kapag dumating ang oras, kahit na gusto mong mabuha
Nang makita ni Charlie na nag-iika si Hamed habang umaakyat sa hagdan, medyo naging mausisa si Charlie. Kaya, kaswal niyang tinanong, “Brother, nagkaroon ba ng injury ang binti mo dati?”Lumingon si Hamed at tumingin kay Charlie bago siya tumingin ulit sa kanyang binti habang bumuntong hininga at sinabi, “Nagkaroon ng malalang injury ang kaliwang binti ko sa isang digmaan. Tinamaan ng mga fragment ang binti ko pagkatapos sumabog ng isang bomba. Sa oras na iyon, may isang paraan lang para iligtas ako, at iyon ay putulin ang binti ko, pero sa kabutihang palad, pagkatapos gamitin ang lahat ng enerhiya ko, naligtas ko pa ang binti ko. Pero, napinsala na nang sobra ang binti ko. Kaya, kahit na gumaling ito, sobrang sira na ng mga muscle ko, at sobrang nanghina ang binti ko. Kaya, naging baldado ako…”Habang nagsasalita siya, hindi niya maiwasang sabihin nang malungkot, “Sa totoo lang, sobrang komplikado at mahirap ipaliwanag at ipahayag ang kahirapan ng pagiging isang baldadong commander
Pagpasok sa cabin, pinindot ni Charlie ang emergency call button sa relo na binigay sa kanya ni Vladislav.Hindi maganda ang imprastraktura sa Syria, at lalo pa itong lumala dahil sa digmaan. Kaya, walang signal sa kahit saan bukod sa siyudad. Kahit ang international roaming network sa mga cellphone ay hindi gagana rito. Kaya, ang tanging paraan lang ay gamit ang satellite.Buti na lang, ang ganitong relo, na para sa mga paratroopers, ay may satellite communication function.Sa sandaling kumonekta ang tawag, narinig ni Charlie ang boses ni Gary. “Young Master, ayos lang ba ang lahat para sa iyo?”Sumagot si Charlie, “Maayos ang lahat, at mas maaga ang matatapos kaysa sa orihinal na plano. Pwede mo na papuntahin ang helicopter sa pinag-usapang lokasyon. Darating ako roon sa loob ng labinlimang minuto.”Nagulantang si Gary habang sinabi, “Young Master, dose-dosenang kilometro ng mabundok na lupain ito. Paano ka makakarating doon nang napakabilis?”Ngumiti si Charlie habang sinabi,
Kung mamamatay talaga ang pitong tao na iyon nang gano’n lang, marahil ay hindi talaga mapatawad ni Autumn ang sarili niya. Kung magpapatuloy ito sa matagal na panahon, marahil ay madpress nang sobra si Autumn at marahil ay magpakamatay siya kapag hindi na niya ito natiis.Nang maisip niya ito, tinanong siya ni Charlie, “Kung gano’n, ang ibig sabihin ba ay malalampasan mo ang hadlang sa puso mo basta’t mabubuhay din ang mga kaibigan mo?”Tumango nang marahan si Autumn bago tinanong, “Pwede mo ba silang iligtas?”Tumingin si Charlie kay Hamed bago sinabi, “Brother, hayaan mong maging tapat ako sa iyo. Hindi ka bibigyan ng White House ni singko kahit na patayin mo silang pito.”Napagtanto na rin ito ni Hamed sa puntong ito, at tumango siya habang sinabi, “Totoo nga iyon. Wala silang balak na bigyan ako ng pera o kahit ano. Bukod dito, hinarangan na nila ang balita sa buong Kanluran. Kaya, kahit na patayin ko silang lahat, hindi rin ito i-uulat ng Western media. Kung gano’n, hindi ko
Walang masabi si Autumn sa mga sinabi ni Charlie.Naintindihan na niya ang pinakamalaking pagkakaiba nila ni Charlie.Masyado niyang minaliit ang likas na pagkatao ng isang tao, at masyadong perpekto ang akala niya sa makamundong mga tuntunin.Pero, nakita na ito ni Charlie nang mas maaga.Sobrang dali nga na tulungan ang iba, pero dapat may angkop na dahilan.Kung hindi, kahit na ang mga pagkain na nasasayang sa mga maunlad na bansa araw-araw ay sapat na para pakainin ang lahat ng tao sa Africa, bakit nagugutom pa rin sila?Ang pangunahing dahilan ay bakit iipunin ng isang bilyong tao sa mga maunlad na bansa ang mga nasasayang na pagkain at ipapadala ito sa Africa?Sobrang simple lang para sa kanila na magsayang ng pagkain. Kung ayaw na nila itong kainin o hindi nila ito maubos, madali nila itong matatapon sa basurahan.Bakit dapat silang utusan na ipadala ang mga nasasayang na pagkain sa mga African?Hindi ito makatwiran!Ang top 100 na pinakamayamang tao sa buong mundo ay
Sa sandaling sinabi ni Hamed ang mga ito, mas lalong nahiya si Autumn sa punto na man lang siya nangahas na itaas ang kanyang ulo.Sa totoo lang, kahit na mataas ang pinag-aralan nila at tinatawag na elites, sila ay isang henerasyon na na-brainwash ng Western media.Palagi nilang nararamdaman na totoo ang sinasabi ng mga taga-Kanluran, habang palaging nahuhuli ang kahit anong lugar mula sa mga bansa sa Kanluran.Palagi nilang nakikita sa Western media na nahuhuli ang ibang bansa, o kung gaano kagulo sa ibang bansa, at kung paano kahirap at walang paraan ang ilang tao para mabuhay. Kaya, hindi nila mapigilang magkaroon ng kamalayan na gusto nilang maging bayani sa mundong ito.Bilang resulta, naglakbay sila sa iba’t ibang third-world country para masubukan nilang baguhin ang buong mundo ayon abilidad nila.Gayunpaman, madalas nilang nakakaligtaan ang pinakamahalagang punto. Ang dahilan kung bakit naghihirap ang ilang third-world country ay hindi dahil ginawa ng bansa ito sa sarili
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya