Nang makita ni Charlie na nag-iika si Hamed habang umaakyat sa hagdan, medyo naging mausisa si Charlie. Kaya, kaswal niyang tinanong, “Brother, nagkaroon ba ng injury ang binti mo dati?”Lumingon si Hamed at tumingin kay Charlie bago siya tumingin ulit sa kanyang binti habang bumuntong hininga at sinabi, “Nagkaroon ng malalang injury ang kaliwang binti ko sa isang digmaan. Tinamaan ng mga fragment ang binti ko pagkatapos sumabog ng isang bomba. Sa oras na iyon, may isang paraan lang para iligtas ako, at iyon ay putulin ang binti ko, pero sa kabutihang palad, pagkatapos gamitin ang lahat ng enerhiya ko, naligtas ko pa ang binti ko. Pero, napinsala na nang sobra ang binti ko. Kaya, kahit na gumaling ito, sobrang sira na ng mga muscle ko, at sobrang nanghina ang binti ko. Kaya, naging baldado ako…”Habang nagsasalita siya, hindi niya maiwasang sabihin nang malungkot, “Sa totoo lang, sobrang komplikado at mahirap ipaliwanag at ipahayag ang kahirapan ng pagiging isang baldadong commander
Pagpasok sa cabin, pinindot ni Charlie ang emergency call button sa relo na binigay sa kanya ni Vladislav.Hindi maganda ang imprastraktura sa Syria, at lalo pa itong lumala dahil sa digmaan. Kaya, walang signal sa kahit saan bukod sa siyudad. Kahit ang international roaming network sa mga cellphone ay hindi gagana rito. Kaya, ang tanging paraan lang ay gamit ang satellite.Buti na lang, ang ganitong relo, na para sa mga paratroopers, ay may satellite communication function.Sa sandaling kumonekta ang tawag, narinig ni Charlie ang boses ni Gary. “Young Master, ayos lang ba ang lahat para sa iyo?”Sumagot si Charlie, “Maayos ang lahat, at mas maaga ang matatapos kaysa sa orihinal na plano. Pwede mo na papuntahin ang helicopter sa pinag-usapang lokasyon. Darating ako roon sa loob ng labinlimang minuto.”Nagulantang si Gary habang sinabi, “Young Master, dose-dosenang kilometro ng mabundok na lupain ito. Paano ka makakarating doon nang napakabilis?”Ngumiti si Charlie habang sinabi,
Kung mamamatay talaga ang pitong tao na iyon nang gano’n lang, marahil ay hindi talaga mapatawad ni Autumn ang sarili niya. Kung magpapatuloy ito sa matagal na panahon, marahil ay madpress nang sobra si Autumn at marahil ay magpakamatay siya kapag hindi na niya ito natiis.Nang maisip niya ito, tinanong siya ni Charlie, “Kung gano’n, ang ibig sabihin ba ay malalampasan mo ang hadlang sa puso mo basta’t mabubuhay din ang mga kaibigan mo?”Tumango nang marahan si Autumn bago tinanong, “Pwede mo ba silang iligtas?”Tumingin si Charlie kay Hamed bago sinabi, “Brother, hayaan mong maging tapat ako sa iyo. Hindi ka bibigyan ng White House ni singko kahit na patayin mo silang pito.”Napagtanto na rin ito ni Hamed sa puntong ito, at tumango siya habang sinabi, “Totoo nga iyon. Wala silang balak na bigyan ako ng pera o kahit ano. Bukod dito, hinarangan na nila ang balita sa buong Kanluran. Kaya, kahit na patayin ko silang lahat, hindi rin ito i-uulat ng Western media. Kung gano’n, hindi ko
Walang masabi si Autumn sa mga sinabi ni Charlie.Naintindihan na niya ang pinakamalaking pagkakaiba nila ni Charlie.Masyado niyang minaliit ang likas na pagkatao ng isang tao, at masyadong perpekto ang akala niya sa makamundong mga tuntunin.Pero, nakita na ito ni Charlie nang mas maaga.Sobrang dali nga na tulungan ang iba, pero dapat may angkop na dahilan.Kung hindi, kahit na ang mga pagkain na nasasayang sa mga maunlad na bansa araw-araw ay sapat na para pakainin ang lahat ng tao sa Africa, bakit nagugutom pa rin sila?Ang pangunahing dahilan ay bakit iipunin ng isang bilyong tao sa mga maunlad na bansa ang mga nasasayang na pagkain at ipapadala ito sa Africa?Sobrang simple lang para sa kanila na magsayang ng pagkain. Kung ayaw na nila itong kainin o hindi nila ito maubos, madali nila itong matatapon sa basurahan.Bakit dapat silang utusan na ipadala ang mga nasasayang na pagkain sa mga African?Hindi ito makatwiran!Ang top 100 na pinakamayamang tao sa buong mundo ay
Sa sandaling sinabi ni Hamed ang mga ito, mas lalong nahiya si Autumn sa punto na man lang siya nangahas na itaas ang kanyang ulo.Sa totoo lang, kahit na mataas ang pinag-aralan nila at tinatawag na elites, sila ay isang henerasyon na na-brainwash ng Western media.Palagi nilang nararamdaman na totoo ang sinasabi ng mga taga-Kanluran, habang palaging nahuhuli ang kahit anong lugar mula sa mga bansa sa Kanluran.Palagi nilang nakikita sa Western media na nahuhuli ang ibang bansa, o kung gaano kagulo sa ibang bansa, at kung paano kahirap at walang paraan ang ilang tao para mabuhay. Kaya, hindi nila mapigilang magkaroon ng kamalayan na gusto nilang maging bayani sa mundong ito.Bilang resulta, naglakbay sila sa iba’t ibang third-world country para masubukan nilang baguhin ang buong mundo ayon abilidad nila.Gayunpaman, madalas nilang nakakaligtaan ang pinakamahalagang punto. Ang dahilan kung bakit naghihirap ang ilang third-world country ay hindi dahil ginawa ng bansa ito sa sarili
Para kay Charlie, may halaga pa rin ang Rejuvenating Pill sa kanya. Pero, ang halaga ng Healing Pill ay sobrang baba sa punto na balewala na ito.Bukod dito, wala nang saysay sa kanya ang ganitong uri ng pill. Dala-dala niya lang ito kung sakaling may espesyal na sitwasyon.Halimbawa, magagamit niya ang Healing Pill sa sandaling ito.Ang kaliwang binti ni Hamed ang pinakamalaking pagsisisi niya sa buhay niya. Sa opinyon niya, imposible na para sa kanya na gamutin ang binti niya. Pero, kahit na baldado ang dalawang binti ni Hamed, kung iinumin ni Hamed ang Healing Pill ni Charlie, gagaling nang tuluyan ang dalawang binti niya.Kaya, binigay ni Charlie ang pill kay Hamed bago siya ngumiti nang bahagya at sinabi, “Brother, ang magic pill na ito ay ginawa ng isang henyong doktor sa Oskia. Kaya nitong gamutin ang lahat ng sakit, at walang kasing halaga ito. Gumastos ako ng maraming pera para bilhin ito upang madala ko ito palagi para magamit upang iligtas ang buhay ko kapag may emergenc
Ang mas nakakamangha pa ay hindi na kumikiling sa kaliwa ang katawan niya, ngunit nakatayo na siya nang tuwid!Gulat na gulat si Hamed at hindi siya makapagsalita. Maingat niyang hinawakan ang kaliwang binti niya bago niya hinawakan ulit ang kanang binti niya nang matagal. Doon siya nasorpresa na pareho ang taba at haba ng dalawang binti niya!Kaya, tinaas niya nang sabik ang kaliwang binti niya, at nalaman na ang kakayang bumaluktot ng kaliwang binti niya ay mas maganda pa kumpara dati bago siya magkaroon ng injury!Pagkatapos, sinubukan niyang tumalon nang ilang beses. Napagtanto niya na ang katawan niya ay kasing gaan ng isang ibon. Hindi lang perpekto ang lakas ng mga binti niya, ngunit nakaramdam siya ng walang hanggan na lakas sa katawan niya.Sa sandaling ito, naramdaman ni Hamed na nananaginip lang siya!Kinurot niya ang kanyang hita, at doon niya lang napagtanto na natural ang sakit at direkta ito!Napagtanto niya na hindi lang panaginip ang eksena sa harap niya!Sabik
Ang isang Healing PIll ay wala talaga kay Charlie.Kung gusto niyang gumawa ng maraming ganito, hindi siya nangangahas na mailalagay niya ito sa production line, pero madali pa rin para sa kanya na gumawa ng isang daan at walumpu o kahit dalawang daang pills araw-araw.Ang dahilan kung bakit hindi gumagawa si Charlei ng maraming pill ay para masigurado na mananatiling sobrang halaga ng pill na ito sa mata ng mga tagalabas.Kaya, ang pagbigay ni Charlie ng pill kay Hamed ay katumbas ng isang fruit farmer na may sampung-libong-ektarya na orchard na nagbigay sa isang tao ng isang mansanas. Hindi ito karapat-dapat na banggitin pa.Pero, sobrang laki ng halaga nito para kay Hamed.Kahit sa isang payapang mundo na walang digmaan, maraming haharaping paghihirap ang isang tao na may baldadong paa. Masasabi pa na ang paggaling ng kalusugan nyia ang pinakamalaking hiling niya sa buhay niya.Bukod dito, si Hamed, na isang heneral, ay nabubuhay sa digmaan!Ang paggamot ni Charlie sa kanyang
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta