Nagmamadaling sumagot si Jasmine, “Lolo, pakisabi ang gusto mong ipagawa sa akin!”Biglang sinabi ni Lord Moore, “Gusto kong gawin mong manugang ng pamilya Moore si Mr. Wade!”“Ano?” Ang lahat ng tao sa sala, pati si Jasmine, ay tumingin lang nang gulat kay Lord Moore.Sa sandaling ito, nakaramdam ng bugso ng pagkasabik si Jasmine sa kanyang puso.Gayunpaman, labis na maingat pa rin siya at sinabi, “Lolo, si Mr. Wade ay… kasal na.”“Ano naman?” Sumagot nang matatag ang matandang lalaki. “Wala akong pakialam kung kasal na siya o kung marami siyang asawa o maybahay. Kahit marami pa siyang anak, kailangan natin siyang makuha! Gusto kong magkaroon ng manugang na tulad niya. Kung siya ay magiging manugang ng pamilya Moore, siguradong malaki ang ikauunlad ng negosyo ng pamilya Moore at makakaakyat na rin tayo sa ranggo ng ibang makapangyarihan at prestihiyosong mga pamilya. Magkakaroon na ng pagkakataon ang pamilya Moore na maging isa sa pinaka makapangyarihang pamilya sa bansa!”Nag-a
Nagtaka nang sobra si Claire nang marinig niyang kinukumbinsi siya ng kanyang ina na bumalik sa Wilson Group. Kaya, tinanong niya lang ang kanyang ina, “Ma, anong klaseng gamot ang pinainom sa iyo ni Lola? Bakit palagi mo akong pinipilit na bumalik sa Wilson Group?”Nabalisa nang sobra si Elaine sa sandaling ito at mabilis na sumagot, “Kung magtatrabaho ka sa Wilson Group, magkakaroon ka ng nakapirming sahod kada taon. Hindi ba’t mas mabuti iyon kaysa magsimula ka ng sarili mong negosyo? Paano kung mawala ang lahat ng pera mo dahil nagpasya ka na magsimula ng sarili mong negosyo? Ano nang gagawin ko at ng ama mo?”Sumagot nang matatag si Claire, “Ma, itigil mo na ang pagpilit sa akin! Hindi na ako babalik kahit kailan sa Wilson Group. Kahit na kailangan kong manglimos ng pagkain sa mga kalye, hindi ako babalik sa Wilson Group kahit kailan! Marahil ay kailangan kong manglimos ng pagkain pero hindi mawawala ang dangal at dignidad ko!”Tumingin nang masama si Elaine kay Claire bago sin
Kung gano’n, hindi man lang siya magkakaroon ng pagkakataon na makatira sa villa na binigay ni Zeke kay Charlie pagkatapos maayos ito.Agad sumuko si Elaine nang maisip niya ito.Sa sandaling ito, nagbuntong hininga na lang siya at sinabi, “Sige, pipiliin ko na suportahan ka. Hindi ko na babanggitin ang Wilson Group, okay?”Nakontento na si Claire at tumango siya bago sinabi, “Sige, hindi na kami aalis.”Hindi mapigilan ni Charlie ang sarili niya na sumenyas nang magaling kay Claire pagkatapos niyang makita ang pag-aalsa nila ng kanyang ina.Ang galing talaga ng asawa niya. Kahit na hindi ito madaling mapansin, palaging epektibo si Claire sa pag-aasikaso ng mga krikital na sandali.Walang sinabi kanina si Jacob pero nang makita niyang nagalit ang kanyang anak na bihirang maubusan ng pasensya at nabalisa, lumapit siya at sinabi, “Tingnan mo! Bakit kayo nag-aaway? Hindi ba’t mabuti kung magkakasundo at magiging masaya ang pamilya?”Tumingin nang masama si Elaine na may matalas na
Nang sinabi ito ni Jacob, tumingin sa kanya ang lahat nang may hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Tinanong sa sorpresa ni Elaine si Jacob, “Sinasabi mo ba sa akin na may taong gustong magbayad ng tatlong daang libong dolyar para sa sira-sirang bagay na ito? Sa tingin ko ay hindi mo nga ito mabebenta ng limampung dolyar!”Sumagot nang tagumpay si Jacob, “Bakit ako magsisinungaling sa’yo? Kung hindi ka naniniwala sa akin, bakit hindi mo tingnan ang message history ko?”Sa sandaling sinabi niya ito, inilabas ni Jacob ang kanyang selpon bago niya binuksan ang mga mensahe at nag-click sa isang voice note na ipinadala sa kanya ng taong may pangalang Zachary.Narinig ang boses ni Zachary sa sandaling ito. “Tito Jacob, mayroon ka talagang magandang lalagyan ng panulat sa mga kamay mo! Sa tingin ko ay galing talaga sa Qing Dynasty ang lalagyan ng panula na iyan! Bakit hindi mo na lang ibenta sa akin ito? Bibigyan kita ng tatlong daang libong dolyar para dito!”Labis na
“Sige, ako na ang magmamaneho.”Ang mag-asawa ay pumunta sa Antique Street.Dahil sabado ngayon, maraming tao sa Antique Street.Matagal nang nagbukas ng kuwadra si Zachary sa Antique Street. Kaya, mayroon na siyang sariling permanenteng puwesto sa kalye. Nakita agad siya ni Charlie nang pumasok siya sa Antique Street.Sa sandaling ito, may hawak na pekeng palawit na jade si Zachary habang nagyayabang siya sa mag-nobyong dayuhan. “Sinasabi ko sa inyo na ang palawit na jade na ito ay sinuot dati ng emperador ng Ming Dynasty bago niya ito ipinasa sa kanyang apo at sa henerasyon pagtapos nito. Pagkatapos ng maraming paikot-ikot, dumating sa akin ang palawit na jade…”“Mahalaga ba talaga ito?” Tinanong sa sorpresa ng di gaano katandang lalaki. “Magkano ang palawit na jade na ito?”Ngumisi si Zachary bago siya sumagot, “‘Dahil tinadhanang magkita tayo ngayon, ibebenta ko sa iyo ito sa halagang isang daan at walumpung libong dolyar lang. Pagkatapos mong umalis sa Antique Street, maibe
Tumango nang kuntento si Charlie nang makita niya kung gaano kasunurin si Zachary.Sa totoo lang, napakatalinong tao ni Zachary at siguradong magiging kapani-pakinabang siya kay Charlie sa hinaharap.Pagkatapos, sinabi ni Charlie sa kanya, “Zachary, siguradong tatratuhin kita nang mabuti kung makukuntento ako sa ugali mo.”Nagmamadaling pinagdaup ni Zachary ang mga kamo niya at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Siguradong makukuntento ka!”Hindi maiwasang ngumiti ni Charlie sa pambobola ni Zachary. “Alam mo ba na gusto kitang suntukin ngayon dahil mukha kang walang hiya ngayon?”Tumawa si Zachary bago sinabi, “Mr. Wade, alam ko na pangit ang mukha ko pero dapat mo ring malaman na kailanman ay hindi naging pangit ang pera!”Pagkatapos, naglabas ng itim na kahon si Zachary sa ilalim ng kanyang upuan bago ito ibinigay kay Charlie. “Mr. Wade, ito ang tatlong daang libong dolyar na dapat ibibigay ko sa biyenan mong lalaki. Mangyaring tingnan mo kung tama ang dami.”Iwinasiwas
Binuksan ni Claire ang pinto ng kotse bago siya lumabas nang nagmamadali na may payong sa kanyang kamay.Nagmadaling hinabol ni Charlie si Claire sa sandaling nakita niya siyang lumabas ng kotse.“Anong nangyari, Loreen?”Tinanong ni Claire sa sandaling nagmadali siya papunta kay Loreen.“Claire? Anong ginagawa mo dito?” Tinanong ni Loreen sa sandaling nakita niya si Claire. Nanginginig siya dahil nabasa na siya sa malakas na ulan.Mukhang sobrang nasorpresa siya at nahihiya, tila ba hindi niya gustong makita siya nang ganito ng kanyang matalik na kaibigan.Itinaas ni Claire ang payong sa taas ng ulo ni Loreen at mabilis niyang sinabi, “Nagkataon na dumaan kami rito ni Charlie nang makita kita sa gilid ng kalsada. Anong nangyari sa’yo?”Mabilis sumagot si Loreen na may naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha, “Huwag na natin itong pag-usapan! May inutos na ipagawa sa akin ang kumpanya ngayon at binigyan nila ako ng kotse para gawin ito. Iyon ang dahilan kung bakit ako nagmaneho u
Sa dalawang taong naglalakad papunta sa kanila, ang taong nasa harapan ay nakaputi.May suot siyang puting damit na gawa sa silk at wumawagway ito sa hangin. Ang mas nakakagulat ay ang katotohanan na wala man lang kahit isang patak ng ulan ang tumama sa kanya.Ang isang lalaki ay nakaitim at mayroon siyang sobrang lakas at matipunong katawan.Bukod dito, nakikita niya na ang dalawang lalaki ay gumawa ng isang barrier sa paligid ng kanilang katawan, tila ba ibinubukod nila ang tubig-ulan mula sa kanila.Sumulyap si Charlie sa dalawang lalaki at napagtanto niya na magaling silang makipaglaban.Sa sandaling ito, si Zachary na nakaupo sa loob ng kotse, ay tumingin sa bintana at agad namutla ang mukha niya, tila ba nakakita siya ng isang multo! Sa sandaling ito, binuksan niya ang pinto ng kotse bago niya sinubukang tumakas.Mabilis ang mga mata ni Charlie at mabilis niyang sinunggaban ang kwelyo ni Zachary bago niya sinabi, “Bakit ka tumatakas?”Ang Butcher Brothers… sila ang Butcher
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo