Hindi talaga inaasahan ni Steven na magiging interesado si Charlie sa kanyang pribadong buhay.Galing siya sa isang malaki at prestihiyosong pamilya, at binibigyang atensyon niya ang sarili niyang pribadong buhay. Kaya, hindi maiwasang kabahan nang sobra ni Steven nang bigla siyang tinanong ni Charlie tungkol dito. Nag utal-utal siya at nagpa ligoy-ligoy dahil hindi siya nangahas na sagutin ito.Hindi maiwasang kumunot ng noo ni Charlie habang tinanong, “Bakit? Ayaw mo bang pag-usapan ito?”Nang makita ni Steven na hindi nasisiyahan si Charlie, nagmamadali siyang umiling at sinabi, “Hindi, hindi, hindi. Handa ako. Handa akong pag-usapan ito…”Pagkatapos, agad ipinaliwanag ni Steven sa buong detalye, “Ang babaeng iyon ay si… si Cecelia Quiroz.”“Cecelia Quiroz?” Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Ang tinutukoy mo ba ay si Cecelia Quiroz na kilala rin bilang pinakamagandang babae sa sirkulo ng film and television?”“Oo…” Tumango nang kabado si Steven habang sinabi, “Siya nga…”Hind
Humuni bahagya si Charlie bago sinabi, “Sobrang lakas at makapangyarihan talaga ang pamilya Schulz. Kahit na kaunti lang ang industriya at koneksyon nila sa Aurous Hill, kung gusto nila, madali nilang mababaliktad ang buong Aurous Hill. Marahil ay posible rin na magpadala sila ng dose-dosenang helicopter dito para magpabalik-balik sa langit ng Aurous Hill bukas para makahanap sila ng bakas. Kaya, siguraduhin mo na bigyan mo ng sobrang atensyon ito.”Tumango si Albert bago siya sumagot nang seryoso, “Young Master, makasisiguro ka. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magawa ito!”“Okay.” Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Makasisiguro lagi ako kapag ikaw ang namamahala sa mga ito. Iyon lang ang lahat sa ngayon. Mauuna na ako.”***Pagkatapos umalis sa dog farm ni Albert, umupo si Charlie sa Rolls-Royce na minamaneho ni Isaac habang bumalik sila sa siyudad.Dahil kapapadala lang nila kina Steven at Salem sa dog farm, siguradong nagpadala na ng ilang tauhan ang pamilya
Kinabukasan ng madaling araw.Sa Cliffcuols sa Aurous Hill.Si Carmen, na nawalan ng lima o pitong klo, ay walang dala-dala habang lumabas siya mula sa madilim na eskinita.Limang minuto na ang nakalipas, binuksan ng tauhan ni Albert ang pinto sa kanyang kwarto at sinabi siya na maaari na siyang umalis.Sa sandaling iyon, umiyak na lang nang mapait si Carmen.Nagsawa na siya sa malamig, pangit, madilim, at mahalumigmig na lugar na ito na tinatawag na Cliffcouls sa Aurous Hill.Pagkatapos manatili sa sira-sirang lugar na ito nang maraming araw, may mura at maamag na amoy na natira sa kanyang katawan, at nandiri siya dito.Sa totoo lang, pwede siyang makaalis sa lugar na ito nang mas maaga, pero inantala ni Charlie ang paglabas niya at pinanatili siya ng pitong araw pa mula sa orihinal na deadline na pinagkasunduan nila nang walang dahilan.Sa totoo lang, dahil umaga na ngayon, ang ibig sabihin ay pinanatili siya ulit ni Charlie nang mas matagal sa deadline na pinag-usapan nila.
Kahit na naagrabyado nang sobra si Carmen, dahil sinabi na ito ng kanyang ama, hindi na siya nagpatuloy na puwersahin siya. Sinabi niya na lang habang naaagrabyado, “Pa, kung gano’n, huwag mong kalimutan na magpadala ng private jet para sunduin ako bago ka matulog ulit.”Sobrang pagod at inaantok ang boses ni Jeremiah habang sinabi, “Hindi mo ako kailangang tawagan para ayusin ang mga maliliit na bagay tulad ng pag-aayos ng private jet para sayo. Pwede mong tawagan nang direkta si Stephen para ayusin ang mga ito para sayo.”Mas lalong naagrabyado si Carmen nang marinig niya ito.‘Syempre alam ko na pwede kong hanapin si Stephen at ipaayos sa kanya ito.’‘Pero, hindi ba’t tinawagan ko nang direkta ang aking ama dahil gusto kong magpaawa sa harap niya?’‘Mas magiging masama rin ang tingin ng matandang lalaki kay Charlie, kung gano’n.’‘At saka, kung malalaman ng ama ko na sobrang pinahirapan ako at naagrabyado nang sobra sa Aurous Hill, siguradong babayaran niya ako para dito.’‘S
Wala man lang sobrang enerhiya si Jeremiah para mag-abala kay Carmen sa sandaling ito.Sabik na sabik siya sa sandaling ito, at may isang isipan lang sa kanyang utak. ‘Sunod-sunod ang mga nangyayari sa pamilya Schulz. Kaya, malapit na ang pagkakataon ng pamilya Wade na malampasan ang pamilya Schulz!’Sa puntong ito, sinabi ni Jeremiah kay Stephen, “Stephen, kailangan mong bantayan nang mabuti ang kilos ng buong pamilya Schulz. Sa parehong oras,palihim ka ring magpadala ng mas maraming tao sa Aurous Hill bilang pag-iingat. Hindi tayo pwedeng manatili lang at manood nang walang pakialam kung magpapasya talaga ang pamilya Schulz na hanapin si Charlie!”Sumagot agad si Stephen, “Okay, Lord Wade! Aayusin ko na ang lahat ngayon!”Pagkatapos niyang magsalita, tinanong ulit ni Stephen, “Lord Wade, kung pumunta na lang ako sa personal sa Aurous Hill?”Sumagot nang mahigpit si Jeremiah, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung mananatili ka dito. Medyo mas sensitibo ang katayuan at pagkakakilanlan
Kung tinawagan niya si Charlie bago siya makalaya, may 80% na probalidad na tinawagan niya siya dahil gusto niyang makalaya.Pero, ngayong tinawagan niya siya para aminin ang pagkakamali niya pagkatapos niyang makalaya, mas kakaiba at hindi it makatwiran.Marahil ay si Lord Wade ang pumilit sa kanya na tumawag at humingi ng tawad.Pero, hindi na nag-abala si Charlie na makipag-usap nang sobra sa kanya. Dahil, may malaking video pa siya na gusto niyang ilabas. Kaya, sumagot siya nang walang pakialam, “Sana ay huwag ka masyadong magpasikat sa hinaharap. Huwag kang maging sobrang yabang at demanding. Dapat alam mo kung paano kumilos at umasta.”Pagkatapos niyang magsalita, binaba nang direkta ni Charlie ang tawag.Si Carmen, na nasa kabilang linya, ay nagngalit sa galit, at pinadyak niya ang kanyang paa habang inisip, ‘Ikaw bata! Maghintay ka lang! Siguradong maghihiganti ako balang araw!’***Pagkatapos ibaba ang tawag kay Carmen, patuloy na inedit ni Charlie ang kanyang video.S
Sa sandaling ito, lahat ng tao sa buong network ay nakikiramay sa paghihirap ng pamilya Schulz. Pero, sa sandaling ito, ang pamilya Schulz, ang pulis, at ang general public ay walang mahanap na totoo o mahalagang bakas.Kaya, basta’t may maliit na bakas na nilabas sa internet, agad nitong makukuha ang interes ng maraming tao at ang kanilang atensyon.Pagkatapos iupload ni Charlie ang video, maraming netizen ang naakit dito at pinindot ang video dahil sa title ng video.Sa sandaling ito, malinaw na pinakita ang video sa buong audience kasama ang mga katotohanan.Nagsimula ang video sa eksena ng trahedya ng car accident.Patay na si Zakir, at lubhang may injury sina Helen at Sophie, at hindi alam kung buhay o patay na sila sa puntong ito.Pagkatapos nito, humarap si Matteo sa camera habang ipinakilala niya ang sarili niya.Pagkatapos nito, nilantad niya ang isang sikreto na gumulat sa lahat!Hindi pala nagkataon ang pagdukot ni Zakir kina Helen at Sophie.Si Lord Schulz ang ma
Agad inulat ng Aurous Hill Police Department ang sitwasyon sa mga may mas mataas na awtoridad habagn humiling sila na gumawa ng seryosong imbestigasyon tungkol dito.Sa sandaling ito, si Cadfan, na pagod na, ay katutulog lang.Isang matalas at malakas na katok ang gumising sa kanya.“Lord Schulz! Lord Schulz! May masamang nangyari!”Ang taong kumakatok at sumisigaw sa labas ng kanyang kwarto ay walang iba kundi ang butler ng pamilya Schulz.Binuksan ni Cadfan ang kanyang mga mata sa gulat at umupo agad sa kanyang kama.Sa sandaling ito, hindi niya maiwasang kabahan nang sobra sa puso niya. Ito ay dahil wala sa kontrol niya ang lahat ng nangyari ngayong araw. Wala man lang siyang bakas kung nasaan ang kanyang anak. Kaya, natatakot siya na babatiin siya ng ibang masamang balita sa sandaling ito.Kaya, nagmamadali siyang bumangon at nagsuot ng isang robe bago siya pumunta sa pinto at binuksan ito.Nakatayo ang butler sa labas ng pinto. Sobrang putla ng kanyang mukha, at nababalot
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl