Sa pagkakataong ito, dinala na ng mga tauhan ni Albert sina Steven at Salem sa opisina ni Albert.Habang walang malay ang dalawang lalaki at nakatali sila, gumamit ng gunting ang mga tauhan ni Albert para gupitin ang suot ng dalawa hanggang sa mahubaran sila.Isa sa mga tauhan ni Albert ang dumating sa opisina mamaya-maya. Sa ngayon, underwear na lamang ang suot ng dalawang lalaki. Wala na ang kanilang mga damit.May hawak na isang batsa ng tubig ang lalaki at isang balde naman ng tubig sa kabila. Sa pagkakataong ito, napasalita siya, “Ahh! Napakabigat naman nito!”Ganoon din, isa sa mga gang leaders na tinatawag na Bill ang lumapit sa lalaking may dala-dalang tubig. Pagkatapos, napatikom siya ng bibig sa loob ng ilang sandali saka siya nagsalita, “Selig, bakit hindi malamig ang tubig? Anong nangyayari?”Agad na tumugon ang lalaking tinatawag na Selig, “Bill, kinuha ko ang tubig na ito sa gripo sa banyo. Kaya, hindi masyadong malamig ang dala-dala ko.”Tumugon si Bill, “Bilisan m
Nang marinig ni Steven ang mga salita ni Charlie, agad na nanginig ang lahat ng taba sa kanyang katawan saka siya napabulalas, “Wala akong alam na kahit ano! Ano naman ang gusto mong malaman galing sa akin?!”Inilabas ni Charlie ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa saka niya itinuro ang camera para ipakita kay Steven. Pagkatapos, ngumisi siya, “Bibigyan kita ng isang pagkakataon lang. Sabihin mo sa akin ang totoo. Paano binalak ng pamilya Schulz ang aksidenteng nangyari kay Helen Dunn at Sophie Schulz?”“Kapag natuwa ako sa performance mo, pansamantala kitang papakawalan. Pero, kapag hindi ako natuwa, sisiguraduhin kong habang buhay kang magiging missing person!”Nanginig sa gulat si Steven.Hindi siya tanga. Matapos ang lahat, nagawa siyang dukutin nang direkta ni Charlie. Sa isang banda, isa itong patunay na hindi ordinaryo ang lakas at kapangyarihan ni Charlie. Sa kabilang banda naman, isa rin itong patunay na kayang asikasuhin ni Charlie ang sitwasyon at nasa kontrol niy
Hindi niya alam kung naniniwala ba si Charlie sa mga sinabi niya o kung matagal nang alam ni Charlie na siya talaga ang sikretong nag-utos na bawian ng buhay si Sophie.Kaya, napagpasyahan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para makuha ang tiwala ni Charlie at masigurong maniniwala ito sa kanya. Kaya napabulalas siya, “Sa totoo lang, matagal nang hindi natutuwa ang papa ko sa buong pamilya ni kuya dati pa. Kamakailan lang, pinadala niya si Kuya sa Australia. Inalisan niya rin ito ng karapatan na maging tagapagmana ng posisyon bilang head ng pamilya Schulz sa hinaharap.”“Sa totoo lang, hindi lamang binalak ng papa ko na patayin si Helen at Sophie sa puntong ito. Bago pa ako pumunta ng Aurous Hill, pinakiusapan niya akong ilagay si Jaime sa ilalim ng isang house arrest…”“Subalit, mas mabilis ang kilos ni Jaime. Nakatakas siya bago ko pa siya mahuli. Pero kahit nakatakas si Jaime, marami sa mga tauhan ng pamilya Schulz ang idinispatsa para mahanap ang lokasyon niya. Kapag nah
“Opo, Master Wade!”Tugonni Albert saka siya humakbang papunta sa direksyon ni Steven. Sumunod, hinablot niya ang buhok ni Steven saka niya ito binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha. Naramdaman ni Steven na para bang nakakita siya ng mga sumasayaw na bituin sa harap ng kanyang mga mata sa pagkakataong ito.Ito ang unang beses na direktang sinampal si Steven ng isang tagalabas sa buong buhay niya. Galit na galit siya pero wala siyang lakas ng loob na ipakita ang nararamdaman niya. Wala siyang magawa kundi tahimik na tiisin ang lahat.Tinitigan nang masama ni Charlie si Steven saka siya malamig na nagsalita, “Hindi ka pwedeng magbitaw ng kahit anong salita hangga’t hindi kita sinasabihan na ibuka ang bibig mo.”Napahawak na lamang si Steven sa kanyang pisngi at paulit-ulit siyang tumango. Hindi siya nangahas na magsabi ng kahit ano.Sa pagkakataong ito, napatitig si Charlie kay Matteo at nagtanong siya, “Gusto kong itanong ang isang bagay sa’yo. Nang magbigay ng utos si Cadfa
Agad na napabulalas ang takot na takot si Steven, “Sasabihin ko na ang totoo sa’yo! Sasabihin ko na ang lahat…”Tumango si Charlie at muli niyang binuksan ang video recording function ng kanyang cellphone.Nang makita ni Steven na nakabukas ang recording, nagitla siya at muli siyang nagsalita, “Mr. Wade… sasabihin ko sa’yo ang lahat ng gusto mong malaman. Magiging tapat ako sa bawat salita kaya pakiusap, ihinto mo ang recording ng video…”Napatanong si Charlie, “Bakit naman? Ang lakas ng loob mong gumawa ng krimen pero hindi mo kayang aminin ang ginawa mo?”Tumugon si Steven nang hindi malinaw, “Hindi… hindi iyan… ano kasi… hindi… hindi lang talaga ako sanay…”Napasulyap si Charlie kay Steven. Nandidiri ang ekspresyon sa kanyang mukha at naging malamig ang kanyang boses, “Masyado mo pang pinapatagal ang lahat. Puro kalokohan lang naman ang sinasabi mo. Albert, pakisampal siya!”Hindi nag-alangan si Albert at agad siyang lumapit para sipain ang matabang tiyan ni Steven. Pagkatapos
Ganoon din, napatitig si Charlie kay Steven na namumutla na. Ngumiti siya nang bahagya saka siya nagsalita, “May tatlong bahagi ang video na kinuhanan ko ngayon lang.”“Sa unang bahagi ng pag-amin mo, sinabi mong si Cadfan ang gustong pumatay kay Helen. Sa parehong pagkakataon, ibinunton mo rin ang sisi kay Cadfan at sinabi mong siya rin ang gustong pumatay kay Sophie.”“Sa pangalawang bahagi, umamin kang ikaw talaga ang nagpautos ng pagpatay at binayaran mo si Zakir para gawin ito.”“Sa pangatlong bahagi, umamin kang si Cadfan ang sikretong nagtaksil kay Rosalie sa Japan. Pagkatapos, ipinasa ni Cadfan ang responsibilidad kay Sheldon. Siya ang naging panakip butas niyo.”Nang mabanggit ito, napatikom ng bibig si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya nagsalita, “Tsk. Tsk. Mukhang magkasalungat ang una at pangalawang bahagi. Alin kaya ang pipiliin kong ilabas sa publiko…”Pagkatapos magsalita, napatitig si Charlie kay Steven habang puno ng interes ang mukha, “Steven, alin sa ti
Nagpatuloy si Charlie sa kanyang sinasabi, “Para naman sa ikalawang bahagi kung saan umamin ka na ikaw ang may pakana sa pagpapapatay kay Sophie, ipapadala ko lang ang video na ito sa kuya mo kapag napatay niya na si Cadfan at siya na ang naging head ng pamilya Schulz.”“Sa ganitong paraan, kapag nagkaroon ng oportunidad si Sheldon na makabalik at kahit patay na si Cadfan, hindi ka mapapanatag at mabubuhay nang mapayapa, dahil kapag nalaman ng kuya mo na ikaw ang gustong pumatay sa anak niya, siguradong maghahanap rin siya ng paraan para bawian ka ng buhay kahit anong mangyari.”“Tignan mo naman! Ano sa tingin mo? Maganda ba ang plano ko? Kahit ang papa o kuya mo man ang magwagi sa dulo, magiging trahedya pa rin ang katapusan mo!”Nang marinig ito ni Steven, nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.Nauunawaan niya na ngayon.Nauunawaan niya na talaga sa wakas!‘Ang balak gawin ni Charlie ay siguruhing magiging magkaalitan kami ng papa at kuya ko. Ayaw niyang mapawi ang gal
Bilang anak ni Sheldon, natural na mas malapot ang dugo kaysa tubig para kay Rosalie.Subalit, hindi niya mapigilang maisip sa kanyang sarili, ‘Utang na loob ko kay Master Wade ang buhay ko, at binigyan rin ako ni Master Wade ng magandang oportunidad para mabilis na mapalakas ang kakayahan ko sa martial arts. Kailangan kong sundin ang mga utos niya bilang pasasalamat sa pabor niya ginawa sa akin.’‘Kung talagang walang duda na may kinalaman si papa sa pagkamatay ng mga magulang ni Master Wade, natural na wala akong masasabi at dapat kong hayaan si Master Wade na maghiganti kay papa…’‘Kaya, wala na akong ibang magagawa kundi umasa na hindi direktang konektado si papa sa pagkamatay ng mga magulang ni Master Wade…’‘Mabuti na lang, patas at mabuting tao si Master Wade. Dahil sinabi niyang hahayaan niyang mabuhay si papa kapag wala itong kinalaman sa aksidenteng nangyari sa mga magulang niya. Kailangan ko na lang maghintay sa katotohanan. Nakadepende ang lahat kung inosente ba talaga
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl