Agad na tumugon ang butler, “Ang head ng pamilya Dunn, si Lord Jefferson Dunn, kasama niya ang kanyang pinakamatandang anak, si Harlem.”Hindi mapigilang mapakuskos ng sentido ni Lord Schulz. Napabuntong hininga siya at napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Lintik naman! Bakit kailangan pang pumunta ng pamilya Dunn dito para lang makita ako? Pumunta ba sila rito para kuwestiyunin ako at sisihin ako sa nangyaring insidente? Hindi… hindi naman siguro. Hindi ko naman teritoryo ang Aurous Hill. Bukod pa roon, wala namang ebidensya na magpapatunay na ako ang may pakana sa nangyaring aksidente kay Helen. Bakit naman sila pupunta rito para kuwestiyunin ako?’‘Ganoon pa man, mga biyenan pa rin ng Schulz ang pamilya Dunn. Dagdag pa rito, malalim at matatag ang relasyon ng dalawang pamiya. Hindi ko sila pwedeng galitin nang basta-basta na lang. Mukhang kailangan ko talaga silang harapin at asikasuhin!’Nang maisip ito, sinabihan niya ang butler, “Pakidala na lang sila sa sala. Pakisabi na hintayi
Hindi matanggap ni Cadfan ang narinig niyang balita. Kararating lang ng pangalawa niyang anak sa Aurous Hill pero nawawala na ito. Hindi man lang nakakapagpalipas ng gabi si Steven sa Aurous Hill.Bukod pa roon, alam ni Cadfan kung ano ang kakayahan at lakas ni Henderson.Ilang taon na itong naninilbihan sa pamilya Schulz at bibihira lamang ang pagkakataon na may kayang tumapat sa kanya.Palihim na nga ang pagbabantay ni Henderson kay Steven. Kaya paano naman siya nawala na parang isang bula?!Habang nasa kabilang linya, ilang beses na bumuntong hininga si Henderson. Puno ng konsensya ang kanyang boses habang nagsasalita siya, “Lord Schulz, nasa parehong floor lang kami ni Sir Steven sa buong pagkakataon at binabantayan ko siya mula sa kahit anong posibleng sumagabal sa kanya. Pero, para bang naglaho na lang si Sir Steven gaya ngs isang bula sa mundong ito. Nawala siya sa sarili niyang kwarto nang walang iniiwang bakas. Masyadong kakaiba… at hindi kapani-paniwala… ang pangyayaring
Agad na tumugon si Henderson, “Huwag kayong mag-alala, Lord Schulz, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makumpleto ang misyon!”Sumagot si Lord Schulz, “Sige! Simulan niyo na ang imbestigasyon niyo sa paghahanap ng mga bakas sa Aurous Hill. Magpapadala rin ako ng mga dagdag na tauhan para suportahan ang grupo niyo!”Pagkatapos ibaba ang tawag, tila ba nakokonsensya ang ekspresyon sa mukha ni Lord Schulz saka niya kinausap si Jefferson, “Balae, narinig mo naman ang lahat ngayon. Hindi lamang si Helen at Sophie ang nawawala, pati na rin si Steven. Kaya, hindi mo na dapat ako pagdudahan na ako ang salarin sa likod ng aksidente, hindi ba? Manugang ko si Helen, apo ko si Sophie, at anak ko naman si Steven! Halatang may pumupuntirya sa pamilya Schulz!”Pumunta talaga si Jefferson sa pamamahay ng mga Schulz para kuwestiyunin si Cadfan at paaminin ito kung ano ang katotohanan sa nangyaring aksidente. Subalit, sa mga nangyayari ngayon, hindi niya mapigilang pakawalan ang lahat ng kanyan
Sa pagkakataong ito, sa Aurous Hill.Lumipat ang isang helicopter patungo sa dog farm ni Albert.Sa ngayon, tila ba magulo at maingay ang mga bagay-bagay sa dog farm.Kasama ni Albert ang kanyang katiwala sa labas habang hinihintay nila ang pagdating ni Charlie.Habang lumalakas nang lumalakas ang pagaspas ng helicopter sa langit, nakaramdam sila ng sabik at hindi sila mapakali.Hindi nagtagal, dahan-dahang lumapag ang helicopter sa gitna ng dog farm.Dinala ni Albert ang kanyang mga tauhan para batiin si Charlie.Sa pagkakataong ito, binuksan ni Isaac ang pinto ng helicopter saka niya magalang na inimbitahan si Charlie, “Pagkatapos niyo, Master Wade!”Tumango si Charlie saka siya bumaba ng helicopter kasama si Rosalie.Agad na nagsalita si Albert, “Master Wade, naghanda na ako ng isang single room. Hinanda ko na rin ang mga kakailanganin para sa pagkikita ng mag-ama gaya ng sinabi mo sa akin. Kailan mo balak magsimula?”“Hindi naman tayo nagmamadali.” Kumaway si Charlie saka
Agad na inutusan ni Albert ang kanyang mga tauhan na buksan ang malaking bakal na pinto. Nang pumasok sila sa pinto, agad nilang narinig ang tunog ng mga nag-aaway na aso sa kulungan pati na rin ang malalakas nitong tahol.Nang makita ito, agad na sumigaw si Albert habang malamig ang ekspresyon sa mukha, “Tumahimik kayong lahat mga g*go! Kapag may tumahol pa, papatayin ko kayo at kakainin ko ang karne niyo!”Ang mas nakamamangha, talaga ngang tumahimik ang lahat ng aso sa mga kulungan simula nang sumigaw si Albert.Nang makita ito, nakontento na siya kaya kinausap niya si Charlie, “Master Wade, pumasok na kayo!”Sinundan ni Charlie si Albert sa loob ng dog farm. Nakita niya ang grupo ng mga tauhan ni Walter pati na rin ang mga katiwala ni Cadfan na sina Matteo at ang tatlo pang lalaki, nasa gitnang kulungan sila.Nang makita ni Matteo si Charlie, agad na nagbago ang tingin sa kanyang mga mata—para bang nakakita siya ng isang multo.Pagkatapos maikulong sa loob ng dog farm at masa
Nang marinig ni Edmund na banggitin ni Charlie ang mga salitang ‘Salem Whittaker’, agad siyang napatulala!Hindi niya inaakalang pupunta ang kanyang ama sa Aurous Hill para lang hanapin siya.Subalit, hindi siya nakaramdam ng saya. Sa halip, hindi niya mapigilang makaramdam ng takot at sindak sa loob ng kanyang puso.Kahit ginagamit niya ang pamilya Whittaker at pamilya Rothschild para subukang takutin si Charlie bilang kanyang huling pisi para lumaban, alam ni Edmund na panakip lamang ito. Ginagamit niya lang ang kapangyarihan ng ibang tao para bigyan ng bigat ang mga salita niya.‘Isang malayong kamag-anak lamang ng mga Rothschilds ang pamilya namin. Hindi talaga kami maimpluwensya o makapangyarihan’‘Kahit sa nakaraan man o kasalukuyan, tumutukoy ang mga malalayong kamag-anak sa relasyong namamagitan sa nanay ng isang hari at sa mga kamag-anak ng kanyang asawa. Sa madaling salita, hindi mahalaga ang mga kamag-anak na ito sa hari.’‘Ibig sabihin, hindi maghihiganti ang pamilya
Sa pagkakataong ito, dinala na ng mga tauhan ni Albert sina Steven at Salem sa opisina ni Albert.Habang walang malay ang dalawang lalaki at nakatali sila, gumamit ng gunting ang mga tauhan ni Albert para gupitin ang suot ng dalawa hanggang sa mahubaran sila.Isa sa mga tauhan ni Albert ang dumating sa opisina mamaya-maya. Sa ngayon, underwear na lamang ang suot ng dalawang lalaki. Wala na ang kanilang mga damit.May hawak na isang batsa ng tubig ang lalaki at isang balde naman ng tubig sa kabila. Sa pagkakataong ito, napasalita siya, “Ahh! Napakabigat naman nito!”Ganoon din, isa sa mga gang leaders na tinatawag na Bill ang lumapit sa lalaking may dala-dalang tubig. Pagkatapos, napatikom siya ng bibig sa loob ng ilang sandali saka siya nagsalita, “Selig, bakit hindi malamig ang tubig? Anong nangyayari?”Agad na tumugon ang lalaking tinatawag na Selig, “Bill, kinuha ko ang tubig na ito sa gripo sa banyo. Kaya, hindi masyadong malamig ang dala-dala ko.”Tumugon si Bill, “Bilisan m
Nang marinig ni Steven ang mga salita ni Charlie, agad na nanginig ang lahat ng taba sa kanyang katawan saka siya napabulalas, “Wala akong alam na kahit ano! Ano naman ang gusto mong malaman galing sa akin?!”Inilabas ni Charlie ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa saka niya itinuro ang camera para ipakita kay Steven. Pagkatapos, ngumisi siya, “Bibigyan kita ng isang pagkakataon lang. Sabihin mo sa akin ang totoo. Paano binalak ng pamilya Schulz ang aksidenteng nangyari kay Helen Dunn at Sophie Schulz?”“Kapag natuwa ako sa performance mo, pansamantala kitang papakawalan. Pero, kapag hindi ako natuwa, sisiguraduhin kong habang buhay kang magiging missing person!”Nanginig sa gulat si Steven.Hindi siya tanga. Matapos ang lahat, nagawa siyang dukutin nang direkta ni Charlie. Sa isang banda, isa itong patunay na hindi ordinaryo ang lakas at kapangyarihan ni Charlie. Sa kabilang banda naman, isa rin itong patunay na kayang asikasuhin ni Charlie ang sitwasyon at nasa kontrol niy
Maraming taon nang hindi nabibisita ni Fleur ang libingan ni Elijah para magbigay galang. Kahit na ilang siglo na simula noong huli siyang pumunta dito, kaya niya pa ring tukuyin kung nasaan ang libingan ni Elijah.Sa kabila ng pagsira niya sa lapida at pagkawala ng mga puntod sa paglipas ng panahon, kaya niya pa ring hanapin ang libingan ni Elijah. Kahit na alam niya na hindi nakalibing dito ang katawan ni Elijah, itinuturing pa rin ni Fleur ang lugar na ito bilang pinakamalapit na lugar na kaugnay kay Elijah.Ang kasalukuyang pakiramdam niya magkakahalong lungkot, pagsisisi, at kaunting sama ng loob pa.Habang nilalamon siya ng mga emosyon, dumaloy sa isipan niya ang mga dating alaala niya na parang isang alon.Dati, inatake ni Fleur si Elijah nang hindi nag-iisip dahil sa pagmamahal at galit. Pagkatapos maglaho ni Elijah sa harap ng mga mata niya sa isang iglap, hula niya na dinala siguro siya kay Vera ng singsing na binigay ng master niya kay Elijah. Kaya, nagmamadali siyang um
Pagkatapos buksan ang camera, tumalikod nang hindi nag-iisip ang dalawa, nakatalikod sa papasikat na araw at nakatalikod kay Fleur bago sila kumuha ng picture.Pagkatapos kunin ang litrato, mabilis itong pinalaki ni Charlie. Dahil sa high-pixel na front camera, medyo malinaw ang mukha ni Fleur sa litrato.Pagkatapos ayusin ang posisyon nila, kumuha pa ng mas maraming litrato sina Charlie at Vera, patuloy na kumuha ng mga larawan kasama si Fleur sa likod gamit ang front camera.Sa kasamaang-palad, naglaho si Fleur sa gubat, at walang zoom function ang front camera. Malabo na kunan siya ng litrato sa sitwasyon na ito.Kaya, itinabi ni Charlie ang cellphone niya at patuloy na nagpanggap na hinahangaan nilla ang pagsikat ng araw kasama si Vera.Pero, maingat niya pa ring pinapanood si Fleur mula sa sulok ng paningin niya.Pagkatapos maghanap nang ilang sandali sa gubat, pinili ni Fleur ang medyo bukas na lugar, pagkatapos ay naglabas ng isang martilyo at isang silindrikong bagay na g
Nagulat talaga nang sobra si Fleur sa paglabas ni Charlie ng portrait ni Marcius sa Aurous Hill, sa punto na ang pinakamalaking inaalala niya sa pagpunta sa Oskia ngayon ay ang mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Sa opinyon niya, ang mga batang camper siguro sa malapit ay mga estudyante na nasa eskwelahan pa. Hindi siya nag-aalala na may banta sa kaligtasan niya ang mga taong ito. Pero, narinig niya ang usapan nina Charlie at Vera at alam niya na marahil ay kaduda-duda ang kilos niya sa iba. Sa sitwasyon na ito, nag-atubili talaga siya nang kaunti.Napunta rin sa ibang direksyon ang atensyon niya dahil kay Charlie. Ngayon, nag-aalala na lang siya na paghihinalaan siya ng iba at hindi niya pinaghinalaan ang pagkakakilanlan ng mga kabataan na ito.Habang nag-aatubili si Fleur, isang ginintuang ilaw ang kumalat, at sumikat na ang araw mula sa silangan. Agad nanabik ang mga kabataan na nagpuyat buong gabi kasama si Charlie nang makita nila ang ilaw na ito. Nagsaya sila nagn malakas haban
Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p
Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may
Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya