May magandang plano si Steven Schulz para sa sarili niya.Bago dumating si Cecelia, maliligo si Steven para tanggalin ang pagod niya, at kapag dumating na siya, agad nilang gagawin ang gawain nila.Dahil bihira lang magkaroon ng pagkakataon na makatakas sa mukhang pagod na matandang babae sa bahay, na asawa niya, syempre kailangan niyang kunin ang pagkakataon na ito na makasama si Cecelia nang ilang araw.Pagkatapos ihanda ang mainit na tubig, naghubad si Steven at pumasok sa bathtub, bahagyang binabad ang kanyang matabang katawan sa mainit na tubig.Masaya at malugod si Steven, pero hindi niya alam na sa dalawampung minuto na lang ang layo niya sa impyerno.Sa sandaling ito, palihim na pumunta sina Charlie at Rosalie sa Aurous International Hotel.Hindi na kailangang banggitin ang mga abilidad ni Charlie. Para naman kay Rosalie, siya ay dating master ng innfer family boxing style na maingat na sinanay ng pamilya Harker. Nakatanggap din siya ng maraming professional training sa m
Tumawa si Charlie habang sinabi, “Huwag kang mag-alala. Pagdating sa itaas ng hotel, hindi na kailangang bumaba ng helicopter. Kailangan mo lang paliparin ito sa itaas habang hinihintay kaming bumaba ni Rosalie sa cable. Dadalhin namin sa bubong sina Steven at Salem sa loob ng sampung minuto. Sa oras na iyon, pwede niyong i-adjust ang cable at hilahin kami pataas. Didiretso tayo sa dog kennel ni Albert pagkatapos nito.”Nang makita na naayos na ni Charlie ang lahat, wala nang masagot si Isaac. Sinabi niya nang matatag, “Okay, Young Master. Hihintayin ka namin sa itaas ng hotel.”Humarap si Charlie kay Rosalie at sinabi ulit, “Rosalie, ikaw ang responsable sa paghuli kay Salem. Ako na ang bahala kay Steven.”Bahagyang tumango si Rosalie at sinabi nang magalang, “Okay, Master Wade!”Pinaalala ni Charlie sa kanya, “Tandaan mo na huwag maalarma ang ibang tao. Tapusin natin ito sa lalong madaling panahon, at ipagmukha natin na biglang naglaho sina Steven at Salem sa mundong ito nang wal
Nang marinig ni Steven ang boses na ito, naramdaman niya na tila ba kinuryente ang buong katawan niya, at napatalon siya sa gulat.Hindi matagal, nakita niya ang isang nakangiting binata na nakaupo sa isang maliit na upuan sa harap ng pinto ng banyo.Nagulat siya at sinabi, “Ikaw… Sino ka?!”Ngumisi si Charlie, “Ako? Ako ang pinakamalaking benefactor ng pamilya Schulz!”Sumagot nang kinakabahan si Steven, “Anong klaseng benefactor? Ano… Ano ang gusto mong gawin?!”Ngumiti si Charlie. “Ako talaga ang pinakamalaking benefactor ng pamilya Schulz mo. Ang mga anak ng kuya mo, sina Jaime at Sophie, ay nakidnap sa Japan, at niligtas ko sila. Kaya, hindi mo ba ako ituturing na pinakamalaking benefactor ng pamilya Schulz mo?”“Ano?!” Sinabi nang nagulantang ni Steven, “Ikaw… Ikaw ang misteryosong master sa Japan?!”Tinanong ni Charlie nang may interes, “Ano? Narinig mo na ang tungkol sakin?”Sumagot nang malabo si Steven, “Narinig kong binanggit ito ng pamangkin ko… Kahit ang ama ko ay
Sinabi nang kinakabahan ni Steven, “Brother, ano… Anong ibig sabihin mo dito? Hi… hindi ko maintindihan…”Habang nagsasalita siya, tumatakbo na nang mabilis ang isipan ni Steven.Sigurado na siya ngayon na walang magandang layunin ang binata sa harap niya, kaya nag-isip ang utak niya kung paano siya makakawala sa gulong ito.Sa sandaling iyon, ang unang pumasok sa isipan niya ay humingi ng tulong.‘Sa palapag ng hotel na ito, may nasa apatnapu o limampung tauhan ko, at maraming master sa kanila. Pambihira ang pinagsama-samang lakas nila. Siguradong hindi sila matatalo ng batang ito.‘Pero, tahimik na nakapasok ang lalaking ito sa kwarto ko, kaya pinapatunayan nito na malakas siya!’‘Kasama pa ang sinabi nina Jaime at Sophie, kayang pumatay ng taong ito ng maraming top ninja sa Japan nang mag-isa. Ipinapakita nito na sobrang makapangyarihan siya…’‘Kahit na kaya siyang talunin ng lahat ng tauhan ko, natatakot ako na marahil ay patayin niya ako sa sandaling sumigaw ako ng tulong…’
Sa sandaling nilantad ni Charlie ang tunay na pagkakakilanlan niya, naramdaman ni Steven na tila ba tinamaan siya ng kidlat!Tumingin siya nang nagulantang kay Charlie at sinabi nang natataranta, “Ikaw… Ikaw ba talaga ang anak ni Curtis!”Pagkatapos itong sabihin, bago pa makasagot si Charlie, binulong niya sa sarili niya, “Mukhang ganito nga… Walang pagkakamali…”Pagkatapos, agad niyang sinabi nang nagmamadali, “Young Wade, magkaibigan kami ng ama mo. Makatwiran na tawagin mo akong ‘Tito’...”Sinabi nang mapanghamak ni Charlie, “Talaga bang sinasabihan mo ako na tawagin kang ‘Tito’?! Sa tingin mo man lang ba ay nararapat kang tawagin na ganito?!”Nagmamadaling sumagot si Steven, ‘Alam ko na siguradong hindi maganda ang pananaw mo sa pamilya Schulz, pero matagal nang may kasunduan ang pamilya Schulz at pamilya Wade sa non-interference at non-confrontation. Sa nakaraang sampu o dalawampung taon, palagi naming sinusundan ang mga tuntunin na iyon at lumalayo sa inyo. Pinaunlad natin
Nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at ipinaalam kay Isaac na sabihan ang piloto na ibaba ang tali bago matatag na itinali sina Salem at Steven nang magkasama gamit ang malakas na nylon rope. Pagkatapos ay tahimik na itinaas ang dalawa sa winch.Sa sandaling ito, naglalakad paatras si Rosalie habang nililinis niya ang mga bakas ng yapak na iniwan niya. Bawat hakbang, hanggang sa dumating siya sa balkonahe, at sinabi niya nang magalang kay Charlie, “Master Wade, tapos na ang lahat!”Tumango si Charlie. Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Isaac: [Isang business car ang dumating mula sa airport at pumasok sa hotel basement. Hinarangan ng mga tauhan ni Steven ang basement. Siguradong siya ang habol ng tao sa kotse. Dapat ay magmadali na kayo ni Miss Schulz.]Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Ito siguro ang babaeng kaibigan ni Steven.”Habang sinasabi niya ito, sinunggaban niya ang tali at sinabi kay Rosalie, “Nauubos na ang oras, kumapit ka sa baywang ko, sabay t
Ang babaeng ito ang pinakasikat na dalagang artista, si Cecelia.Ang mga tao sa entertainment industry ay alam na may makapangyarihan na tao sa likod ni Cecelia, pero karamihan ay walang ideya kung sino ito.Simula noong naging malapit siya kay Steven, naging maganda ang resources ni Cecelia sa sirkulo ng entertainment sa punto na sobrang naiinggit ang ibang artista sa kanya.Ang mga artista na may magandang resources ay karaniwan na lumilitaw sa mga malaking pelikula at TV shows paminsan-minsan.Ang mga artista na ito ay may blockbuster movie taon-taon, ang mga blockbuster ay pinangungunahan ng mga kilalang direktor.Pero, ang mga artista tulad ni Cecelia, na may sobrang laking resources, ay wala nang kailangan gawin. Ang nasa likod niya ang gagastos at iimbitahin ang mga pinakamagaling na direktor, ang mga pinakagwapo o magandang artista, at ang mga pinakagwapo o magandang suporta para suportahan siya, ginagawa ang mga eksena para bumagay sa kanya.Ang ibang tao na may leading
Ang isang matandang lalaki na may kulay abong buhay at sinaunang Oskian suit ang nanguna at tumakbo nang mabilis.Sa likod niya, mahigit isang dosenang lalaki na may pambihirang aura ang nakasunod. Seryoso ang ekspresyon ng lahat, at may kaunting pagkataranta na mahirap itago.Nagmadali ang lahat sa pinto ng presidential suite na pinangungunahan ng matandang lalaki na may kulay abo na buhok na nagtanong, “Anong problema?!”Sinabi nang natataranta ng assistant, “Hindi sumagot ang boss nang pinindot ko ang doorbell at walang sumasagot ng tawag, pero patuloy na tumutunog ang cellphone sa loob ng kwarto.”Tinanong ng isa sa kanila, “Kailan mo huling nakita ang boss, at ano ang ginagawa ng boss?”Sumagot nang nagmamadali ang assistant, “Sinabi ng boss na maliligo siya…”Tinanong ulit ng lalaki, “Maaari bang nakatulog ang boss habang naliligo?”Umiling ang assistant. “Wala akong masyadong alam, pero ayon sa pagkakaintindi ko sa boss, hindi dapat ito nangyari!”May ilang bagay na hind
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo