Nang makita ni Helen na nakaluhod si Sheldon sa sahig at umiiyak, umatras nang ilang hakbang si Helen nang hindi nag-iisip habang kumawala siya sa sunggab niya. Pagkatapos, sinabi niya nang seryoso, “Sheldon, dapat alam mo na ang pagkatao ko. Nagbigay ako ng kasunduan na may tatlong sugnay sayo noong sumang-ayon ako na pakasalan ka. Naalala mo pa ba kung ano ang mga ito?”Tumingala si Sheldon habang namumula ang mga mata niya habang tumango siya nang kaunti at sinabi, “Naaalala ko! Naaalala ko! Naaalala ko ang bawat salita! Honey, nalito lang talaga ako. Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo. Patawarin mo sana ako ngayon lang, okay?”May mahigpit na ekspresyon si Helen sa kanyang mukha habang sinabi, “Sheldon, gusto kong sabihin mo muna sa akin kung ano ang tatlong sugnay sa kasunduan natin.”Naramdaman ni Sheldon na sumasakit ang puso niya habang sinabi sa nanginginig na boses, “Ang unang sugnay sa kasunduan natin ay kahit anong oras o kahit anong sitwasyon, basta’t… basta’t…”Siniyasat
Tinanong siya ni Helen, “Sheldon, alam mo ba kung bakit mahal na mahal ko si Curtis dati?”Nagulat si Sheldon sa sandaling ito.Tumingin siya kay Helen bago niya tinanong sa paos na boses, “Bakit?”Tumawa nang mapait si Helen bago sinabi sa nasasaktan na boses, “Dati, noong ikakasal na si Curtis, tumakbo rin ako at nagtapat ng pagmamahal ko sa kanya tulad ng ginawa ni Yashita sayo…”“Sa totoo lang ay inisip ko pa na ibigay ang katawan ko sa kanya. Binigay ko rin ang parehong dahilan tulad ni Yashita…”“Sa sandaling iyon, sinabi ko sa kanya: Curtis, maraming taon na kitang minahal nang walang nasusuklian. Kahit na hindi mo talaga ako mahal at hindi mo mabibigay ang huling resulta na gusto ko, huwag mo akong iwan na may pagsisisi…”“Sinabi ko pa ito: Curtis, para sa isang babae, ang pinakamahalagang bagay ay ang kanyang kalinisang-puri. Ang dahilan kung bakit ang kalinisang-puri ang pinakamahalagang bagay sa bawat babae ay dahil gusto itong iwan ng bawat babae para sa lalaking pina
Nang makita ni Sheldon si Helen na determinado nang umalis at hindi na lumingon pa, pakiramdam ni Sheldon ay hindi na siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso.Matagal na niyang alam na hindi talaga siya mahal ni Helen.Alam niya rin na ang taong nasa puso ni Helen ay walang iba kung hindi si Curtis.Gayunpaman, minsan ay minamaliit ni Helen ang kakayahan ni Sheldon.Kahit na para bang hindi niya pinapakialaman ang privacy ni Helen, ang totoo, alam niya ang mga ginagawa ni Helen.Maraming taon na ang nakalipas, matapos maging available ang WiFi networking function sa mga cellphone, kumuha si Sheldon ng magagaling na internet hackers para bantayan ang WiFi network ng kaniyang bahay.Nagagamit ni Sheldon ang mga tools na binigay ng hackers para bantayan ang cellphone ni Helen kapag naka-konekta ito sa WiFi, ang mga software applications na ginagamit nito, at pati na rin ang mga websites na binibisita nito pagkatapos kumonekta sa WiFi.Kaya matagal na niyang
Nang makapasok siya ay nakita niya ang kaniyang tatay at anim na nakababatang kapatid na hindi mapakali sa loob ng study room.Dahil dito ay nagulat at nangamba si Sheldon.Sa impresyon niya, laging mahinahon at mapayapa ang tatay niya sa lahat ng nakalipas na taon. Hindi siya kailanman natakot sa anumang paghihirap, at laging nananatiling mahinahon kahit na nakaharap sa isang biglaang pagbabago. Kaya naman, bakit siya nangangamba at natataranta ngayon?Dagdag pa rito, pakiramdam ni Sheldon ay kakaiba ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga nakababatang kapatid.Mayroong tingin ng kaba, takot, simpatya, at kahit awa sa kanilang mga mata.Kaya naman kinakabahang nagtanong si Sheldon, “Pa, ano ang eksaktong nangyari?”Tumingala si Cadfan para tingnan si Sheldon, nakokonsensya siyang nagtanong, “Hindi mo ba nakita ang news notification sa cellphone mo?”Tumingin si Sheldon sa kaniyang suot na pajamas bago nahihiyang sinabi, “Anong notification? Katatapos ko lang mag-shower, at sinabi
Sa sandaling ito, hindi pa rin maintindihan ni Sheldon kung anong malaking bagay ang nangyari.Kaya naman, tiningnan niya si Lord Schulz at nagtanong, “Pa, anong nangyari?”Pagkatapos bumuntong-hininga, nanaghoy si Lord Schulz, “Hay…Si Rosalie…”Mabilis na nagtanong si Sheldon, “Nalaman niyo na ba kung nasaan siya?”Umiling si Lord Schulz at sumagot, “Hindi pa. Sheldon…tungkol kay Rosalie, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako…”Hindi kailanman naisip ni Sheldon na hihingi ng tawad sa kaniya ang kaniyang ama. Kaagad siyang sumagot, “Pa, anong ginawa mo? Sabihin mo lang. Kung hindi na maililigtas pa si Rosalie, hindi ko kayo sisisihin…”Pakiramdam pa rin ni Sheldon ay malaking effort ang binigay ni Lord Schulz sa pagliligtas kay Rosalie.Gayunpaman, napakataas nga ng difficulty level ng sitwasyong ito. Dagdag pa rito, sa Japan ito nangyari. Wala masiyadong magagawa ang pamilya Schulz. Kaya naman, naiintindihan niyang sa proseso ng pagre-rescue, nabigo sila
Malamig na nagsalita si Lord Schulz, “Huwag mong kalimutan, anak lang siya sa labas at hindi maganda ang pinanggalingan niya!”Galit na sumagot si Sheldon, “May problema ba kung anak ko siya sa labas? Anak ko pa rin siya at walang magbabago sa katotohanang iyon!”Napaangil si Lord Schulz at galit niya ring kinompronta si Sheldon, “Ano?! Umaangal ka ba sa desisyon ko?! Sigurado ka bang gusto mo akong kalabanin para sa ganitong bagay?”Nagngitngit ang ngipin ni Sheldon, “Dahil sa ginawa mo kaya nawawala ang anak ko, at ngayon, gusto na ring makipaghiwalay ng asawa ko sa akin!”Malamig na nagsalita si Lord Schulz, “Huwag mong isipin kahit kailan na ako ang nanakit kay Rosalie. Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya!”“Kung hindi mo siya inutusan na patayin ang buong pamilya Matsumoto, kagagalitan ba siya ng gobyerno ng Japan?”“Naging kriminal ang anak mo sa ibang bansa dahil lang sa pagsunod sa utos mo!”“Mula sa mga krimeng nagawa niya, at ayon na rin sa batas n
Sa harap ng argumento ng kanyang ama, malungkot na sumagot si Sheldon, “Papa, hindi ba dapat ganito ang mga relasyon? Laging may iisang tao na mas nagmamahal kumpara sa isa. Dagdag pa roon, praktikal si Helen sa buong pagkakataon na kami pa. Hindi siya patumpik-tumpik, lagi niyang iniisip ang kapakanan ng pamilya. Kung ikukumpara sa akin, ako ang may pagkukulang sa kanya…”Tila ba nauubusan na ng pasensya si Cadfan at kumaway siya, “Huwag na nating pag-usapan si Helen. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang anak mo pati na rin ang asawa mo. Sa ngayon, ang pinakamahalagang bagay ay bumuo tayo ng plano para resolbahan ang kakaharapin nating krisis!”“Oo, kuya!” Sambit ni Steven habang namimighati ang ekspresyon, “Masyadong magulo ang sitwasyon. Galit na galit ang Japan sa pamilya natin at iniisip rin ng mga Oskians na wala tayong puso. Sa internet, pinagtutulungan rin tayo ng mga tao. Kapag nagbukas ang stock market bukas, sigurado akong babagsak ang shares ng listed companies n
Pinuwersa ni Sheldon ang kanyang sarili na huwag munang isipin ang mga problema niya kay Helen at Rosalie. Sa halip, nagtanong siya, “Papa, may tantsa ka na ba kung gaano kalaki ang pinsala sa atin ng isyung ito?”Bumuntong hininga si Cadfan, “Hindi masyadong maganda ang resulta. Bukod sa Oskia, malaki ang market ng Japan sa Asia. Mula pa lamang rito, siguradong hindi natin masusukat ang laki ng pinsalang matatanggap natin ngayon at sa hinaharap!”“Dagdag pa roon, maraming overseas arrangements ang mga Japanese companies. Malakas ang impluwensya nila. Mula sa US hanggang European markets, naroroon ang presensya nila. Kung sakaling pupuntiryahin tayo ng mga Japanese companies, siguradong maaapektuhan nang matindi ang overseas development ng pamilya natin!”Agad na nagtanong si Steven, “Papa, hindi ba tayo pwedeng maghanap ng paraan para isalba ang relasyon natin sa gobyerno ng Japan?”“Isalba?!” Napangiti nang mapakla si Cadfan, “Paano? Kung mahahanap natin si Rosalie at isusuko nat
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito