Habang nagsasalita, agad na inangat ni Reuben ang kanyang kamay, “Para sa mangyayaring botohan, gusto kong magbigay ng ehemplo sa lahat. Inirerekomenda ko si Mr. Tyler Moore bilang bagong chairman ng Moore Group. Sa kanya mapupunta ang boto ko.”Ngumiti nang bahagya si Tyler, “Dahil may karapatan ang lahat sa board of directors na bumoto, bobotohin ko ang sarili ko! Naniniwala akong magagawa kong pamahalaan ang Moore Group para malagpasan nito ang lahat ng hadlang at maabot nito ang mas mataas na dangal sa hinaharap!”Pagkatapos, agad na nagsalita ang isang miyembro, “Binoboto ko rin si Mr. Tyler Moore!”“Bilangin niyo na rin ako!”Walang emosyong nagsalita si Reuben, “Kung iyan ang kaso, nakatanggap na si Mr. Tyler Moore ng apat na boto. Bilisan niyo na at bumoto na rin kayo!”Nagbulungan ang iba pang miyembro sa loob ng ilang sandali. Nang makita nilang si Tyler ang nangunguna at kontrolado nito ang sitwasyon, alam nilang magkakaroon ng peligro kapag may binoto silang iba gamit
Namangha ang mga shareholders sa hindi makasarili at patas na pag-aasikaso ni Tyler sa sitwasyon.Matapos ang lahat, mabilis ang pagbabago sa stock market. Kung kakalat ang isang inside information, siguradong pagkakakitaan ito ng mga tao.Bukod pa roon, hindi madaling alisin ang insider trading sa sistema ng stock market.Halimbawa, kung ang isang listed company ay magkakaroon ng collaboration kasama ang isa pang mas malaking multinational company, siguradong tataas ang stock price ng listed company. Walang duda na mangyayari ito.Para sa mga taong walang alam na inside information, natural lang na hindi nila mapagsasamantalahan ang pagkakataong ito para makagawa ng insider trading.Pero, siguradong alam ng lahat ng executives ng listed company kung ano ang inside information. Mula sa negotiations na napag-uusapan nila, hindi nakapagdududa na sila ang pinagmumulan ng inside information.Kung sasadyain ng mga executives na bumili ng malaking halaga ng sarili nilang stock habang m
Dahil nasa loob rin ng helicopter sina Rosalie at ang iba pang miyembro ng pamilya Schulz, sinabihan ni Charlie ang piloto na dalhin sila diretso sa Shangri-La.Naghanda na si Isaac ng maraming private rooms sa top floor para kay Rosalie at sa iba pang crew members ng pamilya Schulz.Subalit, nag-aalala pa rin si Charlie. Kaya, sinabihan niya si Isaac na isailalim sa house arrest sila Rosalie at gamitan sila ng complete surveillance.Ganoon pa man, malalasap nila Rosalie ang mga mabusisi at de kalidad na mga serbisyo ng Shangri-La pagkatapos nilang magcheck-in, kasama na rin dito ang mga mamahaling pagkain at ang isang magandang kwarto.Pero, lahat ng telephones at mga communication devices sa loob ng mga kwarto nila ay puputulin dahil ayaw ni Charlie na kontakin nila ang publiko sa pagkakataong ito.Alam ni Rosalie na nababahala pa rin si Charlie sa kanya ngayon. Natural lang na wala siyang opinyon at hindi siya pwedeng umangal.Pagkatapos nilang bigyan ng kwarto sila Rosalie, d
Habang lalong nagtatagal na nawawala si Jasmine, lalo pang napapanatag si Tyler.Pakiramdam niya lalong lumiliit ang tsansa ni Jasmine na makaligtas sa Nishitama.Subalit, hindi ito ang nararamdaman ni Reuben. Nakatayo lang siya sa tabi habang kinakabahan. Nagsalita siya sa mababang boses, “Papa, siguradong maraming paraan si Charlie. Kailangan nating mag-ingat! Hindi tayo pwedeng mag-iwan ng kahit anong bakas!”Tumango si Tyler, “Iyan talaga ang dapat nating gawin. Sa ngayon, kailangan na lang nating galingan sa pagpapanggap.”Muling nagsalita si Reuben, “Nga pala, Papa, hindi pa rin ako mapakali sa nakalipas na dalawang araw. Saan kaya napunta si Jasmine? Bakit nawawala pa rin siya? Bakit wala pa rin tayong balita kung buhay o patay siya?”Suminghal si Tyler, “Sa tingin ko patay na si Jasmine, pero hindi lang nila mahanap ang bangkay niya.Agad na napatanong si Reuben, “Bakit parang sigurado ka Papa?”Tumugon si Tyler nang walang emosyon, “Nakadepende ang lahat sa survival rat
Kaya, kahit nasa Aurous Hill si Kazumi, pwede pa rin siyang tawagan ni Tyler.Sa parehong pagkakataon, malapit nang lumapag ang helicopter sa Moore Group.Narinig ni Charlie ang ringtone galing sa bulsa ni Hashimoto. Inilabas ni Charlie ang cellphone at nakita niya ang pangalang ‘Tyler’.Sa tuwing nagsesave ng contacts ang mga Japanese sa kanilang cellphone, madalas na gumagamit sila ng Oskian characters. Kapag naglalagay sila ng contact para sa isang Oskian na kakilala nila, natural lang na Oskian characters rin ang gamit nila.Nang makita ni Charlie na galing kay Tyler ang tawag, agad niyang binalaan si Hashimoto, “Kung gusto mong manatiling buhay, sundin mo ako. Kung hindi, ipapadala kita sa katayan. Pagpipira-pirasuhin ka nila saka nila ipapakain sa mga aso ang mga laman-laman mo. Nauunawaan mo ba ako?”Tumango nang paulit-ulit si Hashimoto, namumutla ang kanyang mukha habang nagmamakaawa, “Basta hayaan mo akong mabuhay, gagawin ko ang kahit anong sasabihin mo nang walang pag-
Sa ganap na 10:55 ng umaga.Biglang nagkaroon ng stock suspension ang Moore Group.Tumutukoy ang stock suspension sa pansamantalang pagtigil ng stock trading ng isang listed company.Mula sa pagkakataong ito, hindi pwedeng i-trade ang shares ng Moore Group. Walang pagtaas o pagbaba sa volume ng shares nito.Matindi dapat ang rason para payagan ang isang kumpanya na magsagawa ng stock suspension. Sa kaso ng Moore Group, may mahalaga silang announcement na gagawin kaya ginantimpalaan sila ng stock suspension.Madalas, nangyayari ang stock suspension bago ang isang mahalagang anunsyo mula sa isang listed company. Ginagawa ang ganitong bagay para pigilan ang insider trading pati na rin ang pagkalat ng impormasyon sa mga oportunista.Halimbawa, dati, isang sikat na internet company ang Amazing Tiger 360.Isa silang listed company sa Oskia at nagawa rin nilang makasama sa local A-shares kahit sa pamamagitan ng pagbili ng ibang kumpanya.Ito ang tinatawag na backdoor listing.Sa mada
Alam ni Reuben na maikukumpara si Charlie sa isang tunay na dragon. Kaya, hindi siya nangahas na kalabanin ito.Nang makita niyang mag-isang dumating si Charlie, agad siyang lumapit para batiin ito nang magalang, “Master Wade, nandito na kayo!”Tumango nang bahagya si Charlie. Habang nanghihinayang ang ekspresyon, nagsalita siya, “Reuben, pasensya na talaga. Tungkol kay Jasmine, sinubukan ko na ang lahat ng makakaya ko…”Sinadya ni Charlie na sabihin ang mga salitang “sinubukan ko na ang lahat ng makakaya ko”. Sa kabila nito, wala siyang narinig na sagot. Napatulala si Reuben at iniisip na nito ang senaryo kung saan may dadalhing pasyente sa ospital at iyan rin ang mga salitang bibitawan ng doktor sa pamilya ng pasyente.Sa isip ni Reuben, mukhang wala nga talagang nagawa si Charlie. ‘Mukhang hindi rin nahanap ni Charlie si Jasmine. Ngayong nasa Oskia na siya, ibig sabihin sumuko na siya sa paghahanap sa pinsan ko. Sa madaling salita, makakahinga na talaga kami nang maluwag ni Papa
Pagkatapos sabihin ng babaeng secretary ang opening remarks, agad na nagsipalakpakan ang mga audience.Pumasok na ang sampung board members ng Moore Group sa mula sa side door ng stage.Hindi kilala ni Charlie kung sino ang mga taong ito maliban na lang sa huling dalawa, si Reuben at ang kanyang amang si Tyler.Kahit huling pumasok, nakareserba ang upuan sa gitna para kay Tyler.Pagdating niya sa stage, dumiretso siya ng upo rito.Pagkaupo niya, napansin ni Tyler na nasa VIP seat sa harap si Charlie.Nang makita niya si Charlie, hindi niya mapigilang kabahan nang kaunti, katulad ng nararamdaman ni Reuben.Gaya ng kasabihan, natural lang para sa isang magnanakaw na makonsensya. Nag-aalala si Tyler na maihayag sa publiko ang mga masasamang ginawa niya balang araw.Sa puntong ito, wala siyang ibang kinatatakutan kundi si Charlie. Si Charlie lang talaga ang may pinakamalaking banta sa kanilang mag-ama.Kung maihahayag ang mga masasamang ginawa niya, hindi siya natatakot na hanapin
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro