Ngayon, nilasap na rin ni Tyler ang pagkakataong ito. Wala nang makakatanggi sa anunsyo at magiging opisyal na balita na rin ang pagkakaluklok niya sa puwesto.Subalit, sa pagkakataong ito, malamig na nagtanong si Charlie, “Mr. Moore, nawawala lang si Ms. Jasmine Moore sa ngayon. Wala pang kumpirmasyon kung patay na siya. Gusto ko sanang magtanong. Kung babalik si Ms. Jasmine balang araw, isasauli mo ba ang posisyon ng pagiging chairman sa kanya?”Akala ni Tyler magiging madali lang ang paglipat ng kapangyarihan ng chairman sa kanya.Dagdag pa roon, pakiramdam niya nagawa niyang kumbinsihin ang buong board. Ang kailangan niya na lang gawin ay i-anunsyo ang napagpasyahan nila sa publiko. Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, imposibleng magkaroon pa ng hadlang sa daan niya.Subalit, hindi niya inaakalang aabalahin siya ni Charlie sa pamamagitan ng pagtatanong ng ganitong bagay.Sa kabila ng galit sa kanyang puso, magalang pa rin siyang sumagot sa harap ng camera, “Huwag kayong mag-alala
Nang magpakita si Jasmine, napatulala ang lahat maliban na lamang kay Charlie.Walang nag-aakalang biglang magpapakita si Jasmine sa conference kahit walang balita na natagpuan na siya sa Japan.Isang segundo lang ang nakararaan, inanunsyo ng Moore Group na si Tyler ang magiging bagong chairman pagkatapos ng diskusyon nila sa board meeting. Nangyari ang bagay na ito dahil hindi nila alam kung buhay pa si Jasmine o hindi.Subalit, sa sumunod na segundo, biglang nagpakita si Jasmine sa harap nila!Walang makapaniwala sa nangyayari. Kahit ang mga palabas ay hindi ganito ang script!Ang taong hindi makatanggap ng katotohanan ngayon higit sa lahat ay natural lang na ang bagong chairman ng Moore Group—si Tyler.Sa puntong ito, napatitig si Tyler kay Jasmine. Galit na galit siya sa puntong duduwal na ang mga mata niya mula sa kanyang bungo!Napatitig siya nang mabuti at nagsimulang mamula ang mga mata niya. Sa parehong pagkakataon, lumilitaw rin ang mga ugat sa kanyang sentido.Hindi
Habang nakatitig ang lahat sa kanya, naglakad si Jasmine papunta sa podium.Sa pagkakataong ito, marami sa mga journalists ang nagbukas ng kanilang microphones. May isang nagtanong na para bang hindi humihinga, “Ms. Moore, Ms. Moore. Isa akong journalist mula sa South Region Financial Times. Gusto ko sanang malaman, paano ka nakatakas nang buhay sa aksidenteng nangyari sa bangin ng Nishitama District sa Japan?”Tumigil si Jasmine sa paglalakad at ngumiti siya, “Nang mangyari ang aksidente, sa kabutihang palad, wala ako sa loob ng kotse.”Isa pa ang nagtanong, “Ms. Moore, dahil wala ka sa loob ng kotse, pagkatapos ng ilang araw, pinaghahanap ka ng Tokyo Metropolitan Police Department, pero bakit hindi ka nagpakita?”Tumugon si Jasmine, “Hindi ako nagpakita dahil nagdududa akong may taong nasa likod ng aksidenteng nangyari. May mga pumupuntirya sa akin. Para sa kaligtasan ko, napagpasyahan ko munang huwag magpakita.”Nang marinig ito, napasinghap ang lahat sa loob!Sinadya ang nang
Sa pagkakataong ito, nasa ilalim pa rin ng impresyon si Tyler na wala pa ring nakakaalam ng ginawa niyang krimen.Dahil dito, napabulong siya sa loob ng kanyang puso, ‘Hindi na mahalaga kahit bumalik na si Jasmine ngayon. Dahil wala na sa tamang pag-iisipa ang matanda, mawawalan na siya ng suporta sa Moore Group at magkakaroon pa rin ako ng maraming tsansa para patumbahin siya sa hinaharap!’Sa pagkakataong ito, napatitig ulit si Jasmine kay Tyler at nagtanong siya sa isang malutong na boses, “Uncle Tyler, narinig kong ikaw ang bagong chairman na pinili ng board habang wala ako, tama ba?”Mapanuyang tumawa si Tyler, “Haha… Ako… Uh… napagpasyahan ng lahat na hindi pwedeng walang lider ang kumpanya kaya pinili nila ako para palitan ka.”Tumango si Jasmine at seryoso siyang nagsalita, “Kung iyan ang kaso, gusto kitang pasalamatan sa suporta mo sa akin at sa kumpanya habang wala ako.”Ganoon din, biglang binago ni Jasmine ang usapan, “Uncle, sinabi mong isasauli mo sa akin ang posisyo
Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Huwag kang mag-alala, Mr. Moore. Walang kumpidensyal na bagay na pag-uusapan sa board meeting ngayon.”“Uh…” Nang marinig ito, lalo pang kinakabahan si Tyler. Nagsisimula nang tumibok nang bayolente ang kanyang puso.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Ano ang ibig niyang sabihin? Para bang alam niya na ang lahat?’Ganoon din, nagbukas ulit ang pinto ng conference hall at hihigit sa 30 katao na nakasuot ng itim ang pumasok.Nagitla ang board of directors ng Moore Group sa nakakagulat na eksena.Kinakabahang sumigaw si Tyler, “Sino kayo?! Sino ang nagpapasok sa inyo? Nasaan na ang security guards? Hoy, palabasin niyo sila!”Agad na bumulalas si Reuben, “Mas mabuting umalis na kayo ngayon! Kung hindi, tatawagan namin ang pulis!”Kahit hindi masyadong nagsasalita si Charlie, binuka niya ang bibig niya sa pagkakataong iyon, “Tyler, pinapunta ko sila. May problema ka ba diyan?”Takot na takot si Tyler at hindi niya mapigilang bumulalas, “M-Master Wade
Nang makita ni Tyler at Reuben si Hashimoto Kazumi, takot na takot sila sa puntong nangangatog ang mga tuhod nila.Sa pagkakataong ito, napagtanto nilang naibunyag na ang mga sabwatan at masasamang ginawa nila, kung hindi, imposibleng dadalhin ni Charlie si Jasmine at Kazumi papunta sa Oskia.Matapos ang lahat, marumi ang koneksyon nila Tyler, Reuben, at Kazumi sa isa’t isa. Sila ang tatlong may pakana sa likod ng aksidente ni Jasmine.Gusto ni Tyler at Reuben na mawala si Jasmine para sila ang magmana ng buong kayamanan ng pamilya Moore. Sa kabilang banda, gustong makatanggap ni Kazumi ng malaking personal na benepisyo sa pakikianib kay nila Tyler.Sapat na ang ilang daang milyon at 10% ng shares para sumugal si Kazumi sa delikadong sitwasyong ito.Bago pa magpakita si Kazumi, binalak nila Tyler na gamitin siya bilang kalasag nila. Para sa kanila, basta maayos ang kondisyon ni Kazumi, siguradong magiging ligtas rin sila.Subalit, hindi nila inaakalang dadalhin ni Charlie ang kal
Galit na humiyaw si Kazumi, “Kayo ang humatak sa akin sa sitwasyong ito! Sino kayo para itaboy ako ngayong wala na akong silbi?!”Sumunod, inilabas ni Kazumi ang cellphone niya para hanapin ang isang voice recording. Inanunsyo niya sa isang malamig na boses, “Kayong lahat, pakinggan niyo ito! Pakinggan niyo ang mga walang hiyang ito na magbalak ng masama para patayin si Ms. Moore!”Pagkatapos, pinindot ni Kazumi ang play.Sa cellphone, maririnig ang boses ni Reuben, “Hello, Mr. Hashimoto. Aalis si Jasmine papunta ng Japan bukas. Gusto ng papa ko na maghanda ka na. Sa pagkakataong ito, siguraduhin mong mamamatay siya!”Tumawa si Kazumi at sumagot siya, “Mr. Moore, makakasiguro kayo na nakapaghanda ako nang mabuti at sinunod ko rin ang lahat sinabi niyo. Pagdating ng oras, walang makakapansin nito at wala ring magsususpetsa sa inyo.”Tumugon si Reuben na para bang natutuwa siya, “Mabuti naman! Kapag namatay si Jasmine, bibigyan namin ng maraming benepisyo ang kumpanya mo, tutuparin
Noong una, takot na takot si Tyler at Reuben sa puntong masisiraan na sila ng bait, pero nang marinig nila na gustong dalhin ni Charlie si Lord Moore sa loob ng conference hall, lalo pa silang nanginig na para bang tinamaan sila ng kidlat.Sa pagkakataong ito, isang bagay lang ang nasa isip nila.‘Hindi ba wala na sa tamang katinuan ang matandang iyon?! Hindi niya nga makontrol ang sarili niyang pag-ihi at pagdumi! Bakit siya dadalhin ni Charlie rito?’Bumilis ang tibok ng puso ni Tyler at tila ba nawawalan siya ng pag-asa, ‘H-Hindi kaya magaling na siya?! K-Kung gano’n nga, tapos na kami!’Nang maisip ito, pumasok si Oscar, ang butler ng pamilya Moore habang hawak-hawak ang kamay ni Lord Moore.Mukhang malusog ang pangangatawan ni Lord Moore at malamig ang kanyang ekspresyon sa mukha. Walang bakas ng isang taong wala sa tamang katinuan ang makikita sa kanya.Takot na takot si Tyler at Reuben, hindi nila maunawaan kung ano ang nangyayari. Ngayong umaga sa ospital, umihi si Lord M
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma